You are on page 1of 9

GOLDEN GATE COLLEGES

Senior High School Department

Aralin
4 Pagsulat ng Sinopsis o Buod
INTRODUKSYON
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman at kasanayan ukol sa pagsulat ng
manwal.

 Natatalakay ang mga hakbangin sa pagsulat ng sinopsis o buod.

 Nagagamit ang mga hakbangin sa pagsulat ng sinopsis o buod.
 Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng pagbuo ng sinopsis o buod.

PAGLINANG
Ang synopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng
panitikan. Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ilang pangungusap
lamang.
Sa pagsulat ng synopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay naglalayong makatulong sa madaling
pagunawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat ang maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan
ng pagtukoy sa pahayag g tesis nito.
Sa pagkuha ng mga mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa
sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong
na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.
Sa pagsulat nito, mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong
ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda at pinanggalingan ng akda.
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay
hindi galling sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng
iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito.

Para sa pagpapalalim at pagpapayaman ng talakayan, pumunta sa powerpoint

presentation ukol sa paksa sa iyong Aralinks akawnt.

AKTIBITI 1

Panuto: Ano ang iyong naiisip kapag naririnig mo ang salitang liham? Gumawa ng word map at
isulat ang iyong mga ideya.

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Sinopsis

PAKIKIPAG UGNAYAN
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

1. Basahing mabuti ang kabuong anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na
nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.
2. Mapapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil
maisasapuso at mailalagay ng wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye .
- Sekwensiyal-pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan
ng mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod sunod tulad ng una, pangalawa,
pangatlo, susunod at iba pa.
- Kronolohikal- pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye
ayon sa pangyayari.
- Prosidyural- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro.
5. Maaaring ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna at wakas.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi mababawasan
angkaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

Halimbawa: siya, sila, tayo, niya, nila, kanya, kanila

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot, dapat mararamdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang
mga gampanin at mga suliraning kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong
binubuod lalo na kung ang synopsis na ginagawa ay binubuo ng dalawa o higit pang
talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang
orihinal na sipi ng akda.

AKTIBITI 2
Pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1
hanggang 10. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan ng gawaing ito sa pagsulat ng buod.

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

PAGKATUTO
AKTIBITI 3
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos, ibuod ito ayon sa mga bahagi ng teksto.

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Alamat Ng Ilang-ilang

Noong panahon ng Kastila ay may magkasintahang matapat na nagmamahalan. Sila ay kapwa

naninirahan sa Malabon na ngayon ay sakop ng kamaynilaan.

Ang binata ay si Lanubo. Si Cirila naman ang nobya nito.

Natutuwa ang mga nakatatanda kapag nakikita nilang pumapanhik ng ligaw si Lanubo.
Nagsisilbi ito sa mga magulang ng dalaga.

Sumasalok ito ng tubig sa balon upang punuin ang mga tapayan. Tumutulong itong magbungkal
ng lupang sakahan. Nangingisda ito upang may mailutong pagkain si Cirila.

Si Cirila ay mula sa nakaaangat na pamilya. Kapwa mayaman ang ama at ina niya. Bagama’t
marangya ang estado sa buhay, mabait at hindi matapobre si Cirila.

Si Lanubo bagama’t mahirap lamang ay napakasipag na binata naman. Iniidolo niya ang sariling
mga magulang na may mataas na pagpapahalaga sa dangal ng isip, salita at gawa. Para sa binata,
ang tao kahit na maralita basta marangal ang ikinabubuhay ay maituturing ding mayamang dapat
na saluduhan.

Si Lanubo at si Cirila ay laging nagtutuwang sa maraming gawain sa bahay. Sila ay kapwa

nagsisindi ng mga tuyong dahon upang pausukan at papamungahin ang mga punungkahoy sa
looban. Nagtitilad ng kahoy ang binata upang may maipanggatong ang dalaga sa paghahanda ng
almusal, pananghalian o hapunan.

Angkup na angkop ang pagkakapareha nina Lanubo at Cirila bilang modelong magkasintahan.
Nagkasundo ang kanilang mga magulang na itakda na ang kanilang kasal sa nalalapit na
pagbilog ng buwan.

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Malayo pa ang itinakdang kasalan ay isinama na ni Lanubo ang mga kaibigang binata sa
kanilang komunidad upang mangubat. Gusto niyang maraming maipong usa at baboy damo.
Naniniwala ang binata na ang isang maringal na handaan ay magbibigay ng matagumpay na
kinabukasan sa sinumang pinagtataling puso.

Sa di inaasahang pagkakataon, isang mangangalakal na Intsik ang napadako sa Malabon. Napag-

alaman ng negosyante na ang pinakamagandang dalaga sa lugar na iyon ay walang iba kundi si
Cirila. Kahit nabalitaan na ng Intsik ang nalalapit na kasalan ay pilit pa rin itong nagpakilala sa
dalaga.

Sa pag-aakalang gusto lang makipagkaibigan sa kanilang pamilya, pinakitunguhan namang

mabuti ni Cirila ang ngingisi-ngising mangangalakal. Sa dahilang marami-rami na ring mababait
na Intsik ang nakaharap at naging kapalagayang loob, hindi nagdalawang isip ang ama at ina ni
Cirila sa pagpapakita ng marangal na pakikipagkapwa sa bagong saltang dayuhan.

Pero kakaiba sa mga kababayan ni Cirila ang Intsik. Nang mapatunayang napakaganda nga ng
dalaga, magarbo niya itong hinainan ng mga regalo.

Lehitimong negosyante ang Intsik. Handa itong magbayad ng malaki at makipagpalitan ng

kalakal makuha lamang ang pag-ibig ni Cirila. Tumanggi ang dalaga sa inihahaing pag-ibig ng
Intsik. Ipinabalik na lahat ng ama at ina ang mga regalo. Naging mapilit ang Intsik. Lalo nitong
dinagdagan ang mga handog na muli na namang ipinabalik.

“Hindi namin saklaw ang pag-ibig ng anak namin. Siya at tanging siya lamang ang makapipili ng
kaniyang mapapangasawa.” diin ng mga magulang ni Cirila.

Minsang magpunta sa malapit na kagubatan si Cirila upang kumuha ng mga dahong pandan ay
nagulat siya. Sinundan kasi siya roon ng dayuhan. Muling inihain ng Intsik ang pagmamahal.
Ipinagdiinan ng mangangalakal na pakasalan lang siya ng dalaga ay mapapasakaniya raw lahat
ang kayamanang naipon niya. Nagpakatanggi-tanggi si Cirila. Sa galit ng Intsik ay hinawakan
nito sa kamay ang dalaga. Nagpumiglas si Cirila at kinalmot sa mukha ang nang-aabuso.

Nagpanting ang tenga ng negosyante. Hinugot niya ang matalim na kris na ipantatakot sa dalaga.
Nakipag-agawan si Cirila sa patalim. Alam niyang puri niya ang nakataya sa oras na iyon. Hindi
siya makapapayag na mawalan ng dangal. Sa pakikipag-agawan ay aksidenteng nasaksak sa
dibdib ang dalaga na dagli nitong ikinamatay.

Sa matinding takot ay nagtatakbong umalis ang Intsik.

Inilibing ang bangkay ni Cirila sa lugar kung saan ipinakipaglaban niya ang karangalan.

Nang magbalik si Lanubo ay malungkot itong binalitaan sa kasawiang sinapit ng dalaga.

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

Ang mga usa at baboy damong pasan-pasan ni Lanubo at ng kasamang kabinataan ay hindi na
nakita pa ni Cirila.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Lanubo. Araw at gabi ay maririnig mo ang mga
pagtangis ng nagluluksang binata.

“Ci… Cirila… Ilang… Ilang!” lumuluhang pagdada-lamhati ng binata. Kahit wala na si Cirila ay
ipinadarama pa rin ng kasintahan ang matapat na pag-ibig sa napupusuan.

Isang araw ay nagulat na lamang si Lanubo nang may halamang tumubo sa puntod. Inalagaan ito
ng binata. Ang halaman ay naging puno, ang puno ay pinamulaklakan. Sa laki ng pagmamahal ni
Lanubo kay Cirila ay pinangalanan niya itong Cirila na malambing na tinatawag na Ilang na
naging Ilang-Ilang.

BUOD NG ALAMAT NG ILANG-ILANG

______________________________________________________________________________________________

REPLEKSYON
Paksa
Ano ang aking Natutunan? Ano ang Gusto ko pang Matutunan?

Katanungan sa Aking Isip

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang (Akademik) nina Ailene Baisa-Julian at Nestor S.
Lontoc, PHOENIX PUBLISHING HOUSE

Filipino sa Piling Larang ni G. Florante C. Garcia, SIBS PUBLISHING HOUSE

SHS Learning Module Exemplar

GOLDEN GATE COLLEGES
Senior High School Department

MODYUL
FILIPINO SA PILING LARANG
TEKNIKAL BOKASYONAL
GRADE 12

Inihanda ni:
Bb. Lovely A. Garing

SHS Learning Module Exemplar

You might also like