You are on page 1of 25

ANEKDOTA

ANEKDOTA

Ang Anekdota ay isang kuwento ng isang


nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang
tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Mga Katangian ng
Anekdota
1. Dapat maging makatotohanan ang paksa.
2. Dapat maging kapana-panabik.
3. Dapat may isang paksa lamang.
4. Sa bawat pagwawakas ng anekdota, dapat
isinaalang-alang ang kakintalang maiiwaan
sa kaisipan ng mga mambabasa.
5. Dapat maging payak ang pafbibigay ng
hindi pangkaraniwang pangyayari.
6. Tuwirang isinusulat ang anekdota.
7. Dapat magtaglay ng konkretong pangalan,
aktibong pandiwa at ilan lamang ang pang-
uri at pang-abay sa pangungusap.
Mga Uri ng Anekdota
1. Anekdotang hango sa tunay na buhay ng
isang tao

Nagbibigay sa mga mambabasa ang pagkakataong


lalong makilala ang pansariling buhay ng taong iyon.
2. Anekdotang hindi hango sa tunay na buhay

Madalas na katatawanan ngunit madalas din na may


mahalagang tinutukoy.
APAT NA KOMPONENT O
SANGKAP NG
KASANAYANG
KOMUNIKATIBO
1. GRAMATIKAL

Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit
ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
2. SOSYO-LINGGUWISTIK

Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa


nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan
ginagamit ang wika.
3. DISKORSAL

Ang komponent na nagbibigay-kakayahang


magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa
pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang
mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe.
4. STRATEGIC

Ang component na nagbibigay-kakayahang


magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang
maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o
maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan p mga puwang
sa komunikasyon.
PAGSUSULIT 1
1. Mula sa Iloilo ay lumipat sina Daniel sa Maynila. Isang
araw, habang naglalaro sila ng basketball ay napatingala si
Daniel sabay sabing “May pating sa court.” Nagtawanan ang
kaniyang mga kalaro. Ang kahulugan pala ng pating sa
salitang Ilonggo ay “kalapati.” Napakamot na lang ng ulo si
Daniel. Alam na niya ngayon na hindi dapat gamitin ang
salitang pating kapag nasa Maynila siya kung kaya ang ibig
pala niyang sabihin ay “kalapati.”
2. Pumasok si Ella sa palikuran ng isang mall. Nang
maghuhugas na siya ng kamay ay wala siyang nakitang
sabon. Tinanong niya ang babaeng naglilinis kung nasaan
ang sabon. “Hayun,” ang sabi ng babae, habang nakaturo ang
kaniyang kamay at nakaturo rin ang nguso sa direksiyon na
lalagyan ng liquid soap na nakadikit pala sa gilid ng
dingding.
3. Lumaki sa Davao si Jen kaya’t nang mapunta na siya sa
Maynila upang mag-aral ay naging maingat siya sa paggamit
ng tamang gramatika tulad na lang ng mga panlaping
nakasanayan niya para mas maintindihan siya ng mga klase
at mga kaibigan. Halimbawa, sa halip na ang nakasanayang:
Gi basa mo na ba ang libro? Ay inaayos niya sa
Nabasa mo na ba ang libro?
O kaya nama’y
Maka-inis talaga ang traffic, uy! Ay inaayos niya sa
Nakakainis talaga ang traffic, ah.
4. Sumusulat si Allen ng isang sanaysay at ngayo’y pinag-
aaralan niyang mabuti kung paano niyang mapagsasama-
sama ang mga naiisip niyang salita, parirala, at pangungusap
upang mabuo at maipahayag nang maayos ang mensaheng
nais niyang ipabatid sa mga mambabasa.
5. Mula Cebu ay magbabakasyon sa Maynila si Alex.
Sinundo siya ng pinsang si Jamie sa airport. Sumakay sila ng
taxi. Habang nagbibiyahe ang taxi ay malakas na sinabi ni
Alex “Tabi na tayo” na ang ibig palang sabihin ay “Mag
chikahan na sila ni Jamie.” subalit nang marinig siya ng
Manong drayber ay bigla nitong itinabi o ipinara ang taxi
dahil ang akala niya’y ipinatabi na siya ni Alex.

You might also like