You are on page 1of 20

Si Rustam at Si

ELEMENTO NG
EPIKO
Ang epiko ay ipinahahayag nang
pasalita, patula, o paawit. Minsan ay
sinasaliwan ito ng instrumentong
pangmusika. Binubuo ang epiko ng
1,000 hanggang 55,000 na linya kaya
maaaring abutin ng ilang oras o araw
ang pagtatanghal nito.
1. SUKAT AT INDAYOG
• Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na
bilang ng pantig sa bawat tiyak na hati ng
taludtod o mga taludturan.
• Ito ay maaaring maging wawaluhing pantig,
labindalawahing pantig, lalabing-animng pantig
at lalabingwaluhing pantig.
• Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog o
maaliw-iw.
2. TUGMA
• Ang epiko ay gumagamit ng
magkakahawig na tunog sa dulompatinig
ng mga taludtod.
• Tinatawag itong tugma.
3. TALUDTURAN
• Ang pagpapangkat-pangkat ng mga
taludtod ng isang tula ay tinatawag na
taludturan.
• Karaniwang apat na taludtod ang
bumubuo sa isang taludturan o saknong.
4. MATATALINGHAGANG SALITA
• Ang epiko ay ginagamitan ng
matalinghagang salita o idyoma.
• Ang mga ito ay may kahulugang taglay
na naiiba sa karaniwan.
• Hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan
ang mga idyoma.
5. BANGHAY
• Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay
kakikitaan din pagkakaugnay-ugnay ng
pangyayari.
• Maaari itong payak o komplikado.
• Maaaring maraming mga pangyayari sa
epiko na hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.
6. TAGPUAN
• Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito ay
nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
paksa, sa banghay, at sa tauhan.
7. TAUHAN
• Mapapansing ang tauhan sa epiko ay
nagtataglay ng supernatural o hindi
pangkaraniwang kapangyarihan.
PARAAN NG
PAGPAPAHAYA
G NG EMOSYON
O DAMDAMIN
1. Mga Pangungusap na Padamdam
• Ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin o
emosyon.
• Ginagamitan ng tandang padamdam.
2. Maiikling Sambitla
• Ito ay mga sambitlang iisahin o
dadalawahing pantig na nagpapahayag
ng matinding damdamin,
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng
Tiyak na Damdamin
• Ito ay mga pangungusao na pasalaysay
kaya hindi nagsasaad ng matinding
damdamin ngunit nagpapakita naman ng
tiyak na damdamin o emosyon.
4. Mga Pangungusap na Nagpapaliwanag
ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan

• Ito ay mga pangungusap na gumagamit


ng matatalinghagang salita sa halip na
tuwirang paraan.
PAGSASANAY 3:
Punan ng maikling sambitla ang
pangungusap upang makompleto ito.
MAIKLING SAMBITLA DAMDAMIN
ARAY KASIYAHAN
NGEK PAGKAGALIT
WOW PAGKABIGLA
HAY PAGKAINIS
AYY PAGKADISMAYA
_____1. _____, sadyang
nakatutuwa ang batang ito, bilog
na bilog!
_____2. _____, hindi nararapat
saktan ang mga sanggol, masama
iyan.
_____3. _____, bakit mo
ginawa iyon? Hindi ko
inaasahang gagawin mo iyon.
_____4. _____, natapakan
mo na ang paa ko ah.
_____5. _____,
malapit nang maubos
ang pasensiya ko!

You might also like