You are on page 1of 13

Magandang umaga!

panalangin
3

Mga inaasahang makamit ng aralin ngayong linggo


1. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa
diyalogong napakinggan. (F9PN-II-c-46)

2. Naiaantas ang mga salita (Clining) batay sa tindi ng


emosyon o damdamin. (F9PT-IIC-46)

3. Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyonsa pagpapahayag ng


damdamin sa paggawa ng sariling diyalogo.(F9WG-llc-48)
4

Pokus na mga tanong:


Ano ang tawag sa maikling kwento na ang mga tauhan ay
ginagampanan ng mga hayop?

Anong mga salita ang may magkakalapit o


magkakaparehas ng kahulugan?
5

Unawaing mabuti
ang iyong
mapapanood.

https://www.youtube.com/watch?v=KFJWJFI5sz4&t=334s

https://www.youtube.com/watch?v=GH1z9V9KPSY&feature=share&fbclid=IwAR0U5
oa37x-dAluWt0QRkmflGuJn6z7dDQlmKjMCiBZuo1r29xyVOAO7mXM
6

Mga gabay na tanong


1. Sino- sino ang mga tauhan sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho?

2. Sino ang may magandang hatol sa kanilang lahat?

3. Anong aral ang mahihinuha sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?


7

Pabula
Ang pabula ay kwento na may mga tauhang
ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita
at nag- iisip na tulad ng tao. Habang lumilibang sa
mga mambabasa, nagbibigay naman ito ng hindi
matatawarang aral. Ang pabula ay tumatalakay sa
magagandang aral tulad ng tama, patas,
makatarungan at makataong pakikisama sa kapwa,
mabilis itong lumaganap sa iba’t ibang bahagi ng
bansa at nagkaroon pa ng mga rehyunal na bersyon.
8
PAGGAMIT NG IBA’T IBANG EKSPRESYON SA
PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN

Mga Paraan:

1. Mga pangungusap na padamdam- nagsasaad ng matinding


damdamin o emosyon, may bantas na panandang padamdam.

Halimbawa: Ay! Nandiyan ang mabangis na leon.

2. Maikling sambitla- ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing


pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:

Yehey! Naku! Huwag! Lagot!


9

3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao kadalasan,


ito’y mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t mahihinuhang hindi gaanong
matindi ang damdaming ipinahahayag subalit maaari din itong maging pangungusap na
padamdam na nagsasaad naman ng matinding damdamin.

Halimbawa:

a. kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba ng buhay ko.


b. pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
c. pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang ginawa ng mabangis na tigre.
d. pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mahihirap.
e. pagsang-ayon: Tunay ngang nakabubuti ang pagtutulungan.
f. pagpapasalamat: Salamat sa inyong tulong.

4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan.

Halimbawa: Nakakalungkot isipin ang tauhan ay sumakabilang buhay na.

Kahulugan : pumanaw.
10

Ang pag-aantas(Clining) ng salita ay isang paraan


ng pagbibigay ng kahulugan sa pamamagitan
ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang
sinonimo o kasingkahulugansa paraang papataas
ang antas nito batay sa tindi ng emosyon o
damdamin.
11

Maiksing pagsasanay
12

Para sa maiksing
pagsusulit at gawaing
pagganap, buksan ang
Google Classroom
13

You might also like