You are on page 1of 79

FILIPINO 9

Ikatlong Linggo- Ikalawang


Markahan
Mensahe mula sa Bibliya:
Deuteronomy 31: 6-8 Magpakatapang kayo.
Lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong
matakot sa kanila pagkat sasamahan kayo ni
Yahweh sa ating mga ninuno. Si Yahweh ang
mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka
niya pababayaan, kaya’t huwag kang matatakot
ni panghihinaan ng loob.
Mensahe mula kay Venerable Al:
“Kaya, ang mga disipulo ni Juan ay nagsimula nang
iwanan si Juan at sundan si Hesus. Hinikayat sila ni
Juan, “Pumunta kayo kay Hesus. Iwanan ninyo ako.
Dapat maangat si Hesus habang ako naman ay
bababa.” Kaya, nais ni Juan na ibigay ang lahat ng
kaluwalhatian sa Panginoon at gabayan ang mga
tao patungo kay Hesus at hindi sa kanya.”
UNANG ARAW
PAG-UNAWA SA BINASANG AKDA
Kasanayan sa Pagkatuto:
1.Nakikilala ang mga tauhan batay sa
kanilang mga diyalogo (PN)
2.Naibubuod ang binasang akda ayon
sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari (PB)
Buuin Mo Ako
(Pangklaseng Gawain)
10 minuto
Batay sa inihanda na puzzle
ng guro, pagtutulungan ng
mga mag-aaral na alamin ang
diwa na nakasaad sa puzzle
Puzzle Bilang 1
Puzzle Bilang 1

BANDILA NG TIMOG KOREA


Puzzle Bilang 2
Puzzle Bilang 2

PUTING TIGRE
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Anong alam ninyo sa dalawang
larawan na inyong nabuo?
2. Ano kaya ang posibleng
paniniwala ng mga tao sa
naturang bansa tungkol sa hayop
na inyong nabuo?
Ang Binata at ang Tigre
(Pabula) (Timog Korea)
Salin ni Lualhati Bautista
Pagbubuod
(Pangklaseng Gawain)
20 minuto
Ibubuod natin ang pabulang
binasa sa pamamagitan ng
daloy ng mga pangyayari.
Pagbubuod sa binasang akda
Pagkilala sa Tauhan
(Pangklaseng Gawain)
10 minuto
Kikilalanin natin ang
mga tauhan sa pabula sa
pamamagitan ng mga
dayalogo ng mga ito.
“Sino uwak ang sa tingin mo ay
pinakamakapangyarihan sa
kabundukang ito? Sinooo?”
-puting tigre
“Ha ha ha ha walang
makakatalo sa akin! Kakainin ko
ang lahat ng gusto kong
kainin!”
-puting tigre
“Tila may nagbabadyang panganib! Iba
ang aking pakiramdam. Sino kaya ang
maglalakas loob na ako ay patumbahin?
Kung sino man siya ay hindi siya
magtatgumpay! Ha-ha-ha!”
-puting tigre
“Mayroon akong naaamoy na kalaban. Isang
matapang na tao na nag-aakalang mapapatumba niya
ako. Ha-ha-ha! Kung mahal mo pa ang buhay mo ay
may oras ka pa upang umatras. Kahit na ang
pinakamahusay na mangangaso ay hindi umubra sa
akin. Hindi pa siguro ipinapanganak ang
magpapatumba sa akin. Ha-ha-ha!”
-puting tigre
“Ina, ako po ay handa nang pumunta sa
kabundukan ng Kumgang upang hanapin
ang tigreng pumaslang sa aking ama. Nais
ko pong bigyan ng hustisya ang kanyang
pagkawala. Umaasa po ako na ako’y iyong
papayagan.”

-binata
“Handa po akong pakinggan
kung ano ang ginagawa ni Ama
noon,”
-binata
“Salamat po sa iyong pag-alala, ngunit
buong buhay ko po ay iginugol ko na upang
paghandaan ang paghaharap namin ng
nilalang na naging dahilan ng pagkawala ng
aking ama.”

-binata
Hindi siya nag-aksaya ng oras at nagsimula
muling magsanay. Ginugol niya ang tatlo
pang taon sa pagsasanay na bumaril nang
patalikod.

-binata
Napaluhod ang binata at agad-agad
nagpasalamat sa Panginoon.

-binata
“Pag-isipan mo itong mabuti anak. Maging ang
isang napakahusay na mangangaso katulad ng
iyong ama ay hindi nagwagi sa puting tigre.
Pakiusap, anak, tuldukan mo na ang hangaring
igupo ang puting tigre. Samahan mo na lamang
ako dito sa ating tahanan.”

-ina
IKALAWANG
ARAW
PAG-UNAWA SA BINASANG AKDA
Kasanayan sa Pagkatuto:
1.Naiaantas ang mga salita (clining)
batay sa tindi ng emosyon o
damdamin (PT)
2.Nasusuri ang pabula ayon sa
katangian nito (PS)
3.Napaghahambing ang pabulang
binasa sa pabulang napanood (PD)
Talasalitaan
(Pangklaseng Gawain)
– 10 minuto
Bigyan ng kasingkahulugan
ang mga sumusunod na
mga salita.
Salita 1 2 3

1. nakintal
2. pananalasa
3. galit
4. gilas
5.
ipinagpaliban
6. puspusan
Salita 1 2 3

1. nakintal nakaukit natandaan natatak

2. pananalasa paninira panggigiba pamemerwisyo

3. galit inis yamot muhi

4. gilas kisig galing husay

5. ipinatigil ipinagpabukas ipinagmamaya

ipinagpaliban
6. puspusan lubusan todo seryoso
Salita Mababaw Malalim Mas-malalim

1. nakintal natandaan natatak nakaukit

2. pananalasa paninira panggigiba pamemerwisyo

3. galit yamot inis muhi

4. gilas kisig galing husay

5. ipinagmamaya ipinagpabukas ipinatigil

ipinagpaliban
6. puspusan seryoso lubusan todo
Pagsusuri
(Pangklaseng Gawain)
– 15 minuto
Panuto:
Suriin natin ang pabula ayon sa elemento nito.

• Tauhan

• Tagpuan

• Pangyayari/ Banghay

• Tema/Aral
Paghahambing
(Parehang Gawain)
– 15 minuto
Panonoorin ng klase ang isang
halimbawang pabula.
Paghahambingin ng bawat pareha
ang kanilang pabulang nabasa sa
pabulang napanood ayon sa mga
sumusunod na elemento ng pabula:
Pabulang Pabulang
Elemento
Nabasa Napanood
Tauhan    
Tagpuan    
Pangyayari    
Tema    
IKATLONG ARAW
KASANAYAN AT LAGUMANG PAGSUSULIT
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Naipakikita ang transpormasyong
nagaganap sa tauhan sa pagbabagong
(pisikal, emosyonal at intelektwal)
2. Muling naisusulat ang pabula sa
paraang babaguhin ang karakter ng
isa sa mga tauhan nito (PU)
Lagumang Pagsusulit
20 minuto
Lahat ay Nagbabago
(Pangklaseng Gawain)
10 minuto
Ihahambing ng bawat mag-
aaral ang pangunahing
tauhan sa pabulang “Ang
Puting Tigre” noong siya ay
bata pa hanggang sa
pagwawakas ng pabula.
PAGHAHAMBING

SIMULA

GITNA

WAKAS
 

Mga Gabay na Tanong:


1.Paano ninyo ilalarawan ang
pangunahing tauhan noong siya ay
bata pa lamang?
2.Anong pagbabago ang naganap sa
katauhan ng pangunahing tauhan
mula sa kanyang pagkabata
hanggang sa paglaki?
Palit-katauhan
(Pangklaseng Gawain)
10 minuto
PANUTO:
Magkakaroon ng dugtungang
pagsasalaysay ang klase tungkol sa
pabula na may pagbabago sa
katangian ng ilang tauhan.
Kailangang magkaroon muna ng
pag-uusap ang klase kung anong
katangian ng pagunahing tauhan
ang kanilang babaguhin.
IKA-APAT NA
ARAW
Balarila
Kasanayan sa Pagkatuto:
1.Nakikilala ang mga pangatning na
pananhi at paninsay sa binasang
akda (W)
2.Nagagamit nang maayos ang mga
pangatnig na pananhi at paninsay
sa pangungusap (W)
Salungatin Mo
(Pangklaseng Gawain)
5 Minuto
PANUTO:
Pag-uugnayin ng mga mag-aaral
ang dalawang larawan. Bubuo
sila ng pangungusap ukol dito.
Mga Pamprosesong Tanong:
1.Paano ninyo maiuugnay ang
magkapares na mga larawan?
2.Ano-anong mga salita ang inyong
ginamit?
3.Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Pangatnig na
Pananhi at Paninsay.
TALAKAYAN
Pangatnig
Ito ang tawag sa mga kataga o
salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod
sa pangungusap.
Pangatnig na Pananhi
• Ito ay mga pangatnig na
nagbibigay ng dahilan o katuwiran
para sa pagkaganap ng kilos. Ang
mga ito ay: dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari.
Halimbawa
a)Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
b) Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c)Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang
ulan.
d)Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang
ikot.
Halimbawa
a)Namaos siya dahil sa matagal na
pagtatalumpati.
b) Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c)Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang
ulan.
d)Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang
ikot.
Pangatnig na Paninsay
• Ito ay pangatnig na ginagamit kapag
sinasalungat ng unang bahagi ng
pangungusap ang ikalawang bahagi
nito gaya ng: ngunit, datapwat,
subalit, bagaman, samantala,
kahiman, kahit.
Halimbawa:
a)Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit
na) maraming naninira sa kanya.
b)Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman
tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c)Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga
kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d)Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada
naman.
Halimbawa:
a)Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit
na) maraming naninira sa kanya.
b)Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman
tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c)Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga
kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d)Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada
naman.
Pagsusuri
(Indibidwal na Gawain)
15 minuto
Muling babalikan ng mga mag-aaral
ang pabulang binasa. Sisipiin nila ang
mga pangungusap na naglalaman ng
mga pangatnig na pananhi at
paninsay. Susuriin nila kung tama ba
ang pagkakagamit ng mga pangatnig
na pananhi at paninsay sa konteksto
ng pangungusap.
IKALIMANG
ARAW
Paglikha; Pagsulat ng Pabula
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nakasusulat ng isang pabulang
may pagkakatulad ng katangian sa
pabulang binasa (PU)
Paglikha
(Parehang Gawain)
30 minuto
Lilikha ang mga mag-aaral
ng isang pabula ayon sa
mga sumusunod na
pamantayan:
1. Nilalaman (magkatulad ang tema sa
pabulang tinalakay)
2. Elemento ng Pabula (kapareho ang
katangian ng pabula ng Timog Korea)
3. Kaayusan ng daloy ng mga pangyayari
4. Paggamit ng mga pangatnig na pananhi
at paninsay
5. Wastong gamit ng balarila
Pagbibigay-puna
(Pangklaseng Gawain)
10 minuto
PANUTO:
Magpapalitan ng likha ang bawat pareha.
Bibigyan ng puna ang gawa ng iba batay sa
mga pamantayan na ibinigay. Matapos
magawa ang pagwawasto ay ibabalik ang
mga likha sa may-ari. Kanilang rerebisahin
ang pabulang kanilang naisulat ayon na rin
sa punang ibinigay ng mga kaklase.

You might also like