You are on page 1of 108

FILIPINO IX

IKALIMANG LINGGO
UNANG MARKAHAN
1 Timoteo 4:10
“Dahil dito, tayo’y nagsisikap at
nagpapagal, sapagkat umaasa
tayo sa Diyos, ang Tagapagligtas
ng lahat, lalo na ng mga
sumasampalataya.”
“Ginagawa ni Juan ang pagiging masunurin,
pagkamasunurin hanggang kamatayan. Naisulat
na na siya ay napupuno ng Espiritu Santo. Sinunod
niya ang Espiritu Santo at pinapatnubayan din siya
ng Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo, ang Espiritu
ng Panginoon, ay higit sa lahat, ay pagiging
masunurin – bulag, mistulang paslit, mapagtiwala,
at buong pagsunod.”
(Homily, December 19, 1991)
HULYO 13, 2020
UNANG ARAW
Naibubuod ang binasang dula sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
mga mahahalagang pangyayari
(PB)
(Pangklaseng Gawain) – 15
minuto
PANUTO:
Magbibigay ng paghihinuha
ang klase tungkol sa awiting
“Natutulog ba ang Diyos?”.
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Anong ibig ipakahulugan ng pahayag


na “Natutulog ang Diyos”?
2. Sa anong aspeto kaya ng buhay ng
tao masasabi na “natutulog ang Diyos”?
(Pangklaseng Gawain) – 15
minuto
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng pangunahing
tauhan sa binasang akda?
2. Anong pangyayari sa kaniyang buhay ang
nagpabago sa kaniyang mga paniniwala?
Isalaysay ito.
3. Anong mensahe ang nais ipahatid ng awtor ng
dula? Ipaliwanag.
(Pangklaseng Gawain) – 5 minuto
Magkakaroon tayo ng dugtungang
pagbubuod ng nilalaman ng dula.
HULYO 14, 2020
PANGALAWANG ARAW
1. Natutukoy ang pangunahing kaisipan ng
dula (PB)
2. Nailalapat sa sarili bilang Asyano ang
pangunahing kaisipan ng dulang binasa (PS)
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita
habang nababago ang istruktura nito (PT)
(Pangklaseng Gawain) – 15
minuto
Bubuo ng mga salita buhat sa
salitang-ugat.
Bibigyan ng kahulugan ng mga
salitang nabuo batay sa pagbabago
ng istruktura nito.
Salitang-
Salita Kahulugan Kahulugan
ugat
Ama
Pahid
Ngilin
Gupo
Buhay
(Parehang Gawain) – 25 minuto
Tutukuyin ng bawat pareha ang mga
kaisipan ng dulang binasa. Kanila itong
gagawan ng pag-uugnay sa kanilang
mga sarili.
Tatawag ang guro ng ilang pareha na
siyang maglalahad sa klase ng kanilang
gawain.
HULYO 15, 2020
PANGATLONG ARAW
1. Natutukoy ang kultura (paraan
ng pamumuhay, kaugalian) sa
loob ng dula (PS)
2. Nasusuri ang dula batay sa
elemento nito (PS)
(Pangklaseng Gawain) – 5 minuto
Tutukuyin ng klase ang mga
kultura na napapaloob sa dulang
binasa.
Banggitin ang pangyayari at
kulturang napapaloob dito.
Kultura Pangyayari sa Akda
(Pangklaseng Gawain) – 15
minuto
Dula
Ito ay sinasabing aktwal na imitasyon ng
buhay na itinatanghal sa entablado. Ang
itinuturing na entablado rito ay hindi lamang
yaong nakikita sa loob ng teatro. Maaaring
maituturing na entablado ang anumang maaaring
magamit bilang tanghalan, na maaaring isang
lansangan, ibabaw ng anumang bagay, gitna ng
bulwagan – basta mayroon lamang espasyo na
maaaring galawan ng actor.
PANGUNAHING SANGKAP SA DULA
1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan,
tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian, at ang
kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang
kakalasan at ang kalutasan.
SANGKAP NG DULA:
TAGPUAN
• panahon at pook kung
saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa
dula
TAUHAN
• ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa
tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan
ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula
SULYAP SA SULIRANIN
•bawat dula ay may suliranin, walang dulang
walang suliranin; mawawalan ng saysay ang
dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
SAGLIT NA KASIGLAHAN
•saglit na paglayo o
pagtakas ng mga tauhan
sa suliraning nararanasan.
TUNGGALIAN
•ang tunggalian ay maaaring sa pagitan
ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa
kanyang sarili; maaaring magkaroon
ng higit sa isa o patung-patong na
tunggalian ang isang dula
KASUKDULAN
•climax sa Ingles; dito nasusubok ang
katatagan ng tauhan; sa sangkap na
ito ng dula tunay na pinakamatindi o
pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang
tunggalian.
KAKALASAN
•ang unti-unting pagtukoy
sa kalutasan sa mga
suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
KALUTASAN
•sa sangkap na ito nalulutas,
nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit
maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood
ELEMENTO NG DULA:
ISKRIP O NAKASULAT NA
DULA
•ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay
naaayon sa isang iskrip; walang
dula kapag walang iskrip.
GUMAGANAP O AKTOR
•ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip;
sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila
ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na
tauhan sa dula
TANGHALAN
•ang anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan;tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula,
tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng
mga mag-aaral sa kanilang klase
TAGADIREHE O DIREKTOR
•ang direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa
iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng
direktor sa iskrip
MANONOOD
• hindimaituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag
sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood
EKSENA / TAGPO
• Ang eksena ay ang paglabas-masok
sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama’y ang
pagpapalit o ang iba’t ibang
tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
(Pangklaseng Gawain) – 20
minuto
Suriin ang nasabing dula batay sa
elemento at sangkap nito.
HULYO 16, 2020
PANG-APAT NA ARAW
1. Nasusuri ang pagkamakatotohanan
ng mga pangyayari sa dula (PB)
2. Naihahambing ang mga
pangyayari sa dula sa mga pangyayari
sa kasalukuyan (PU)
(Pangkatang Gawain) – 15 minuto
Hahatiin ang klase sa walong pangkat.
Tutukuyin ng bawat pangkat ang mga
pangyayari sa akda na masasabing
makatotohanan at hindi makatotohanan.
Magkakaroon ng pagbabahaginan ang
kinatawan ng pangkat sa kanilang napag-
usapan.
(Pangkatang Gawain) – 25 minuto
Matapos na matukoy ng bawat pangkat
ang mga makatotohanang pangyayari
sa akda ay kanilang iuugnay ang mga
pangyayaring ito sa mga kasalukuyang
nangyayari sa lipunang Asyano.
(Maaaring iugnay ito sa ibang relihiyon.)
Matapos ang pag-uusap ng pangkat
ay magkakaroon ng malayang
pagpapalitan ng ideya ang klase.
HULYO 17, 2020
PANG-LIMANG ARAW
Nabibigkas nang may paglalapat
sa sariling katauhan ang ilang
pahayag ng napiling tauhan (PS)
(Pangkatang Gawain) – 40 minuto
Pipili ang bawat pangkat ng isang
senaryo mula sa dulang binasa na
kanilang ipakikita sa harap ng klase.
Isaalang-alang ang mga sumusunod sa
pagsasadula:
o Kaangkupan ng boses
o Emosyon
FILIPINO IX
IKA-ANIM NA LINGGO
UNANG MARKAHAN
1 Timoteo 4:10
“Dahil dito, tayo’y nagsisikap at
nagpapagal, sapagkat umaasa
tayo sa Diyos, ang Tagapagligtas
ng lahat, lalo na ng mga
sumasampalataya.”
“Ang Banal na Pamilyang ito mula sa Nazareth
ay isang huwarang pamilya dito sa mundo. May
isa pang banal na pamilya sa langit na isa ring
huwarang pamilya. ang Banal na Pamilyang ito
ay tinatawag na Santisima Trinidad. Binubuo ito
ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo. Ang Banal
na Pamilyang ito sa langit ay pamilya rin ng
pagmamahalan,komunidad ng pagmamahalan.
Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay nagmamahalan;
walang katapusan at walang maliw na
pagmamahalan. Ang tanging hanap at hangad Nila ay
ang kabutihan ng isa’t isa. Tayo rin ay tinatawag na
maging banal na pamilya katulad ng kay Hesus, Maria
at Jose ng Nazareth, katulad ng Ama, Anak at Espiritu
Santo sa langit. Tinatawag tayo na maging pamilya
ng pagmamahal, komunidad ng pagmamahalan.”
(Homily, December 26, 1991)
HULYO 20, 2020
UNANG ARAW
Nakabubuo ng kritikal na paghuhusga
sa karakterisasyon ng mga tauhan at
ang epekto nito sa kasiningan ng akda
batay sa kanilang mga pahayag
(PN/PU)
Kilalanin ang katangian ng
pangunahing tauhan batay
sa kanyang mga kilos at
pananalita.
Sumulat ng paghuhusga
tungkol sa katauhan ng
pangunahing tauhan at ang
epekto nito sa pagkamasining
ng akda.
1. Anong ugali ng pangunahing tauhan
ang nagkaroon ng ambag sa
pagkamasining ng dula?
2. Ano ang inyong masasabi sa pag-
uugaling ito ng pangunahing tauhan?
3. Makatotohanan ba ito? Ipaliwanag.
Magkakaroon ng pagpapalitan
ng opinyon ang klase tungkol sa
kanilang ginawang paghuhusga
sa katauhan ng pangunahing
tauhan.
HULYO 2I, 2020
PANGALAWANG ARAW
1. Nakikilala ang mga eupemestikong
pahayag na ginamit sa loob ng dula
(W)
2. Nagagamit sa impormal na usapan
ang mga eupemistikong pahayag (W)
MGA GABAY NA TANONG:
1. Ano ang Eupemistikong
Pahayag?
2. Ano ang layuning ng
eupemistikong pahayag?
3. Ano-ano ang mga halimbawa
nito?
•Ang eupemismo o badyang
pampalubag-loob ay ang pagpapalit ng
salitang mas magandang pakinggan
kaysa sa salitang masyadong matlim,
bulgar, o bastos na tuwirang
nakapananakit ng damdamin o hindi
maganda sa pandinig.
•Ang orihinal na katawagan ay
pinagagaan sa kahulugan, sa
pagpapalit ng katawagan
upang hindi maging mabigat
sa pandinig o damdamin ng
iba ang sitwasyon.
•Sa kalahatan, umiisip ng magagandang
salita o pahayag na kilala sa tawag na
eupemismo. Ang paggamit ng
magagandang pahayag ay naglalayong
pahalagahan ang damdamin ng iba o
upang hindi makasakti sa damdamin ng
iba.
1. Nauuri ang wika batay sa
antas nito ayon sa:
a. Paksa ng usapan
b. Taong sangkot sa usapan
c. Lugar
2. Mataas ang pandama o
sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang.
3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di
tuwirang tukuyin ang nais ipahayag
na nakatutulong upang lalong mag-
isip ang nagsasalita at kinakausap.
Sa halip na
Gumagamit ng…
sabihing …
patay sumakabilang-buhay
Nadudumi Tawag ng kalikasan
Iniwan ng
Sumakabilang-bahay
asawa
Katulong Kasambahay
Ginahasa Iginupo ang puri
Pangit Iba ang tabas ng mukha
Susuriin ng klase ang mga
eupemestikong pahayag na
matatagpuan sa loob ng dula.
(Kung wala, ay maaaring humanap
ng sitwasyon ang guro mula sa dula
na maaaring malapatan ng mga
eupemestikong pahayag.)
Gagawa ng isang sitwasyon ang guro kung saan
maaaring magamit ng mga mag-aaral ang mga
eupemistikong pahayag. Maaaring kahit sino ang
magbigay ng eupemestikong pahayag na aangkop
sa sitwasyong ibinigay ng guro. (Maaari ring
gawing dugtungan ang pagbibigay ng mga
dayalogo na kakikitaan ng mga eupemistikong
pahayag.
Malubha ang kalagayan ng iyong ama sa ospital
dahil nasangkot ito sa isang aksidente. Paano
mo ito ibabalita sa iyong ina?
Palaging bagsak sa pasulit ang
iyong isang kaklase.
Matagal kayong hindi nagkita ng iyong
kaibigan kaya napansin mo ang kanyang
malaking pamamayat. Nabatid mo rin na
sila ng kanyang pamilya ay naghihirap na
mula sa pagiging dating mayaman.
HULYO 22, 2020
PANGATLONG ARAW
Nakasusulat ng maikling
dula gamit ang mga
eupemestikong pahayag
(PU)
Hahatiin ang klase sa walong
pangkat.
(Kaparehong pangkatan ang
gagamitin.)
Bawat pangkat ay susulat ng isang maikling dulang
may pagsasaalang-alang sa mga sumusunod:
❑ Nilalaman (Pangyayaring naging dahilan ng
pagbabago ng paniniwala ng pangunahing tauhan)
30%
❑ Paggamit ng mga eupemistikong pahayag (limang
eupemistikong pahayag) 30%
❑ Wastong gamit ng balarila 20%
❑ Kaayusan ng daloy ng mga pangyayari 20%
HULYO 23, 2020
PANG-APAT NA ARAW
Naitatanghal ang nabuong
dayalogo (PS)
Bibigyang ng pagkakataon ang
mga mag-aaral na mag-ensayo
para sa kanilang pagsasadula
kinabukasan.
❖ Kaangkupan ng pag-arte -30%
❖ Wastong pagbigkas ng salita-
30%
❖Kaayusan ng daloy ng
pangyayari -10%
❖Kagamitan - 10%
❖Hikayat sa Madla -10%
❖ Takdang oras (3-4 minuto) –
10%
HULYO 24, 2020
PANGLIMANG ARAW
Naitatanghal ang nabuong
dayalogo (PS)
❖ Kaangkupan ng pag-arte -30%
❖ Wastong pagbigkas ng salita-
30%
❖Kaayusan ng daloy ng
pangyayari -10%
❖Kagamitan - 10%
❖Hikayat sa Madla -10%
❖ Takdang oras (3-4 minuto) –
10%

You might also like