You are on page 1of 25

Filipino 10

Ikawalong Linggo
f

f
VIRTUAL CLASSROOM RULES

Mute when Listen during Wait for your


not talking discussions turn

Participate/Ask Do the
notetaking Enjoy learning
questions
SCRIPTURAL MESSAGE
Proverbs 27:17
“Bakal ang nagpapatalim sa
kapwa bakal at isip ang
nagpapatalas sa kapwa
isipan.”
FR. AL’S MESSAGE
Week 8: “Mula pa sa simula, nilinaw na
ng Panginoon na ang Simbahang Kanyang
itinatag ay una sa lahat “samahan ng mga
mahihirap”. Ito ay Simbahan ng mga
mahihirap, ngunit ang Simbahan ng mga
mahihirap ay para rin sa lahat - kasama
na ang mga mayayaman at mga
nakaririwasa.” (Poverty: sign of our times, 1970)
I. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang
Mediterranean
 
II. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-
aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa
mga isinagawang critique tungkol sa alinmang
akdang pampanitikang Mediterranean
Kasanayan sa Pagkatuto Ika-8
• Naibibigay ang Linggo
kaugnay na mga
konsepto ng salitang
critique at simposyum
• Naiisa-isa ang mga
katangian at mga Araw: 1-2
hakbang sa pagsasagawa
ng isang kritikal na
pagsusuri
SIMPOSYUM

PAGSUSURI / CRITIQUE
PAGSULAT NG CRITIQUE NG AKDANG PAMPANITIKAN

Ang pagbuo ng critique ng isang akdang pampanitikan


ay ang paghimay sa iba’t ibang elemento at bahagi ng isang
akda upang makita kung ang bawat isa’y nakatutulong
maipaabot ang nais sabihin o ang mensahe ng akda para sa
mga mambabasa. Sa pagsasagawa ng critique ay
maipababatid ang iyong pananaw ukol sa akda kasabay ng
pagbibigay ng angkop na patunay sa mga pananaw na ito.
Ano ang kaibahan ng criticism at critique?
 Ang criticism ay naghahanap ng mali samantalang ang
critique ay naghahanap ng estruktura.
 Ang criticism ay naghahanap ng kulang samantalang ang
critique ay naghahanap kung ano ang puwede.
 Ang criticism ay nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
maunawaan samantalang ang critique ay nagtatanong para
maliwanagan.
 Ang criticism ay nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig
samantalang ang critique ay nakalahad sa mabuti, matapat,
at obhetibong tinig.
Ano ang kaibahan ng criticism at critique?
 Ang criticism ay negatibo samantalang ang critique ay
positibo.
 Ang criticism ay malabo at malawak samantalang ang
critique ay kongkreto at tiyak.
 Ang criticism ay seryoso at hindi marunong magpatawa
samantalang ang critique ay nagpapatawa rin.
 Ang criticism ay naghahanap ng pagkukulang sa manunulat
at sa akda samantalang ang critique ay tumitingin lamang
sa kung ano nasa pahina.
Ano ang kaibahan ng criticism at critique?
Tandaan:
• Sa pagbuo ng critique ay makabubuting iwasan ang uri ng
pamumunang makasasakit sa damdamin at maaaring makasira o
makapanghina sa loob ng isang manunulat lalo na kung baguhan pa
lang siya.
• Ang mahusay na critique ay makatutulong hindi lang sa may-akda
kundi gayundin sa sumulat ng critique**
• Para sa may-akda, bagamat batid niyang hihimayin ang bawat
elemento ng kanyang akda ay may kapanatagan siya sapagkat alam
niyang magiging obhetibo at igagalang ito ng magsasagawa ng
critique.
• Para naman sa susulat ng critique, makatutulong ito upang matuto
siya sa may-akda at ang mapaunlad din ang kanyang kakayahan sa
pagsulat.
Paano ba maisasagawa ang isang
critique?
1.Pagbasa nang ilang beses sa akda.
- Hindi makasasapat ang isang beses lang na
pagbasa sa akda kapag ang intension ay
magsagawa ng critique.
Ang unang pagbasa
- ay sa pananaw ng isang mambabasa. Pagkatapos
bumasa ay mababatid ang naging unang pananaw
o impresyon sa binasa, kung nagustuhan ba niya
ito, atkung magugustuhan din kaya itong basahin
ng iba.
1.Pagbasa nang ilang beses sa akda.

Ang ikalawang pagbasa


- ay sa pananaw ng isang manunulat.
- Dito na siya magkakaroon nang mas malalim o malawak na
impresyon sa akda.
- Maaari na siyang maglagay ng mga tanda sa mga bahaging
kanyang nagustuhan.
- Makatutulong kung isusulat niya sa detalyadong paraan ang
mga dahilan kung bakit nagustuhan ang mga bahaging ito.
- Kapag ang agad pinagtuunan ng pansin ay ang hindi
magaganda o hindi nagustuhan sa akda, karaniwang
mahirap nang mapalawig ang critique
2. Pag-alam sa background at kalagayan ng
manunulat sa panahong kanyang isinulat ang
akda.
- Ano kaya ang kalagayan ng may-akda noon, ang kanyang
mga layunin, interes, at iba pa na maaaring nakaapekto sa
kabuuan ng kanyang akda?
- Mahalagang malaman ang mga impormasyong ito ukol sa
may-akda upang higit na maunawaan ang kanyang
pangangailangan.
- Makatutulong ito upang makapagbigay ng papuri sa mga
bahaging dapat papurihan at ng mga puntos o
mungkahing maaaring makapagpabuti pa sa akda.
3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at
elemento ng akda.
- Mahalagang pagtuonan ng pansin ang sumusunod upang
maging mga patunay kung nailahad ba nang mahusay ng
manunulat ang mensaheng nais ipabatid ng kanyang akda.
 
a.Mga Tauhan –
- Paano hinabi ng manunulat ang bawat tauhan?
- Makatotohanan ba ang kani-kanilang katangian?
- Kung may tauhang sa iyong pananaw ay mababaw at nagiging
dahilan ng pagbagal sa takbo ng akda, paano kaya magagawa
ng manunulat na higit siyang maging epektibo upang
makasabay sa angkop na daloy ng pagsasalaysay?
3. Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at
elemento ng akda.
b. Banghay
– Naging maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa akda?
Epektibo at nakaganyak ba ng mambabasa ang panimula?
Makatwiran at makatotohanan baa ng suliraning hinarap ng
tauhan? May mga bahagi bang hindi nalutas? Mayroon pa bang
bahaging nangangailangan ng pagpapaliwanag?
Naging kapana-panabik ba ang kasukdulan?
Naging epektibo baa ng kakalasan ng akda?
Nag-iwan ba ng kakintalan ang mensaheng taglay ng akda bago
ito tuluyang nagwakas?
c. Tagpuan
– Angkop ba ang tagpuan (lugar at panahon) sa temang
tinalakay ng akda? Nakatulong ba ito upang higit na
mapagtibay ang mensahe ng akda?
d. Estilo sa Pagsulat
– Ang mga salita bang ginamit sa pagsasalaysay at sa
diyalogo ay angkop sa mga tauhan at sa panahon kung
kalian nangyari ang akda?
- May mga napansin ka bang pagkakamaling maaari pang
iwasto sa baybay, bantas, gamit ng salita, hindi
magkakaugnay na pangungusap, at iba pa?
4. Pagsulat ng critique.
- Ngayong nabasa mo na ng ilang beses at
naunawaang mabuti ang akda, namarkahan mo na ang
mahahalagang bahagi nito, nakiilala mo na rin ang
background o kalagayan ng may-akda sa panahong
isinulat niya ang akda, napagtuonan at nasagot moa ng
mga tanong kaugnay sa mahahalagang bahagi at
elemento, hand aka na upang maupo at isulat ang
iyong critique.
4. Pagsulat ng critique.
- Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng sumusunod:

a.Pagpapakilala sa Akda
– Sa bahaging ito babanggitin ang pamagat
ng akda, ang manunulat, maikling buod, at
sa isang maikling panimulang makakukuha
ng atensyon ng mambabasa
4. Pagsulat ng critique.
- Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng sumusunod:
b. Pagsulat sa Nilalaman ng Critique
– Dito isusulat ang mga bagay na bibigyang-diin ukol sa akda tulad ng
sumusunod:
- Ang kagandahang taglay ng akda, ang epekto ng kalagayan ng
manunulat sa kabuuan ng akda, ang mga bahagi sa elementong
nagpatibay sa mensahe, ang mga puwede pang gawin upang higit na
mapagbuti ang akda, at iba pa. upang hind imaging magulo ay tiyaking
maglalaan ng isang talata para sa bawat mahalagang puntos na
tatalakayin.
- Iwasan ang paggamit ng una at ikalawang panauhang panghalip tulad ng
ako, ko, kami, tayo, ikaw, mo, kayo upang higit na maging obhetibo ang
pagpapahayag.
4. Pagsulat ng critique.
- Maisasagawa mo ito sa pamamagitan ng sumusunod:

c. Paglalagom / Pagbuo ng
Kongklusyon
– Sa bahaging ito lalagumin ang pananaw
ukol sa kabuuan ng akda.
SCRIPTURAL MESSAGE
Proverbs 27:17
“Bakal ang nagpapatalim sa
kapwa bakal at isip ang
nagpapatalas sa kapwa
isipan.”
FR. AL’S MESSAGE
Week 8: “Mula pa sa simula, nilinaw na
ng Panginoon na ang Simbahang Kanyang
itinatag ay una sa lahat “samahan ng mga
mahihirap”. Ito ay Simbahan ng mga
mahihirap, ngunit ang Simbahan ng mga
mahihirap ay para rin sa lahat - kasama
na ang mga mayayaman at mga
nakaririwasa.” (Poverty: sign of our times, 1970)
Maraming Salamat po
At
Nawa’y pagpalain tayo ng Maykapal

G. Filemon H. Cobilla, CVP-P, LPT

You might also like