You are on page 1of 2

Pateros Catholic School

Pateros, Metro Manila

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

FILIPINO GRADE-10

TANDAAN:

CRITIQUE
1. Ang pagbuo ng critique ng panitikan ay ang paghimay sa iba’t ibang elemento at bahagi ng
isang akda upang makita kung ang bawat isa ay nakatutulong maipaabot ang nais sabihin o
ang mensahe ng akda para sa mga mambabasa.
2. Pagkakaiba ng CRITICISM sa CRITIQUE
 Ang criticism ay naghahanap ng mali / ang critique ay naghahanap ng estruktura.
 Ang criticism ay naghahanap ng kulang / ang critique ay naghahanap ng kung ano ang
pwede.
 Ang criticism ay nagbibigay-agad ng hatol sa hindi niya maunawaan/ ang critique ay
nagtatanong para maliwanagan.
 Ang criticism ay nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig/ ang critique ay nakalahad
sa mabuti, matapat, at obhetibong tinig.
 Ang criticism ay negatibo/ ang critique ay positibo.
 Ang criticism ay malabo at malawak/ ang critique ay kongkreto at tiyak.
 Ang criticism ay seryoso at hindi marunong magpatawa/ ang critique ay nagpapatawa
rin.
 Ang criticism ay naghahanap ng pagkukulang sa manunulat at sa akda/ ang critique ay
tumingin lamang sa kung ano ang nasa pahina.

Mahahalagang hakbang sa Pagsasagawa ng Critique


 Pagbasa ng ilang beses sa akda
 Pag-alam sa background at kalagayan ng manunulat sa panahong kanyang isinulat ang
akda
 Pagbibigay-pansin sa mahahalagang bahagi at elemento ng akda
1. Mga tauhan (Paano hinabi ng manunulat ang bawat tauhan?
2. Banghay ( Naging maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
akda?
3. Tagpuan ( Angkop ba ang tagpuan (lugar at panahon) sa temang tinalakay sa akda?
4. Estilo sa pagsulat ( Ang mga salita bang ginamit sa pagsasalaysay at sa diyalogo ay
angkop sa mga tauhan at sa panahon kung kalian nangyari?
 Pagsulat ng critique
1. Pagkilala sa akda –sa bahaging ito babanggitin ang pamagat ng akda, manunulat,
maikling buod at isang maikling panimulang makakukuha sa atensyon ng mga
mambabasa.
2. Pagsulat ng Nilalaman ng Critique – dito isusulat ang mga bagay na bibigyang-diin
ukol sa akda tulad ng mga sumusunod;
a. Ang kagandahang taglay ng akda
b. Ang epekto ng kalagayan ng manunulat sa kabuuan ng akda
c. Ang mga bahagi sa elementong nagpatibay sa mensahe
d. Mga pwede pang gawin upang higit na mapabuti/ mapaganda ang akda
3. Paglalagom/ Pagbuo ng Kongklusyon- sa bahaging ito lalagumin ang pananaw ukol
sa kabuuan ng akda.
( tandaan sa pagsulat ng critique ng isang akda, gamitin ang ikatlong panauhan upang higit na maging
obhetibo ang pagpapahayag)

You might also like