You are on page 1of 13

 Department of Education

National Capital Region


SC HOOLS DIVISIO N OFFIC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 35:
Pagbibigay ng mga Kaugnay na Konsepto
sa mga Salitang Kritik at Simposyum

May-akda: Jasmin P. Pambid


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&( 1
$ODPLQ

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

භ Aralin 1 – Pagbibigay ng mga Kaugnay na Konsepto sa mga Salitang


Kritik at Simposyum

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. nakikilala ang mga salitang kritik at simposyum; at


B. naibibigay ang mga kaugnay na konsepto sa mga salitang kritik
at simposyum

6XEXNLQ
Pamilyar ba kayo mga salitang kritik at simposyum? Kung hindi ay
suriin natin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa bahaging ito ng aralin.
Subukin natin ang iyong mga nalalaman tungkol dito.
Hanapin at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang
papel.
1.Nag-uugat sa salitang Griyego na nangangahulugang sama-samang
pag-inom.
a. Critique
b. Kundiman
c. Kantiyawan
d. Simposyum

2. Ito ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng


sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda.
a. Simposyum
b. Pagbubuod
c. Critique
d. Talasalitaan

3. Kaalaman na unang bubungad o mapapansin sa pagtingin ng isang


akda.
a. Tema o Paksa ng akda
b. Layunin ng akda
c. Kulturangmasasalaminsaakda
d. Uri ng panitikan

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
4. Tagapamagitan sa isang simposyum.
a. Hurado
b. Modereraytor
c. Tagapagsalita
d. Tagapanood

5. Ehersisyong pangkaisipan at kasanayan sa pagsasalita at pakikinig


a. Pagsulat ng talaarawan
b. Paggawa ng critique
c. Simposyum
d. Pag-akda ng tula

Aralin Pagbibigay ng mga Kaugnay na Konsepto


1 sa mga Salitang Kritik at Simposyum

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng mga kaugnay na


konsepto sa mga salitang kritik o critique at simposyum. Malilinang ang
kasanayang ito kung maisasagawa mo nang matapat at tama ang mga gawain.

%DOLNDQ
Magbalik-aral tayo sa nakaraang aralin. Punan ang panimulang
pangungusap upang mabuo ang kaisipan ng paksa.

Ang suring-basa ay ___________________________________________________________


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Sa tinging ko, may pagkakatulad sa konsepto ng pagsasagawa ng suring basa


ang kritik sa pamamagitan ng ________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
7XNODVLQ

A. Panimula

Sa pagpapalalim ng pag-unawa sa isang teksto o paksa ay gumagamit


ang mga tao ng samu’t saring pamamaraan. Sinasaklaw nito ang simpleng
indidbwal na pagmumuni, pagkukumpara ng mga teksto sa mga naunang
nailathala, pagkakaroon ng malayang diskurso sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga tao, at marami pang iba.
Malaki ang maitutulong ng pagbabasa ng iba’t ibang klase ng
literatura, pagsasanay sa pagsusulat, at pagsasanay ng pakikipagtalastasan.

B. Pagbasa

Unang lumabas sa aklat na Kung Sino ang Kumatha ng “Florante”


ni Hemenigildo Cruz noong taong 1908, ang Tagalog na tulang ito na
sinasabing isinusulat umano ng pambansang bayaning si Jose Rizal noong
siya ay walong taong gulang pa lamang.
Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng bawat bahagi ng tula.
Sagutin ang mga tanong sa bahaging “Pag-unawa sa binasa.”

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

C. Pag-unawa sa Binasa
C.1. Ayon sa akda, isulat sa patlang ang inilalarawan ng pangungusap.
Piliin ang sagot loob ng kahon.

__________ 1. Ito ay makakamtan sa pag-ibig sa salitang sariling atin.


__________ 2. Dala nito ang kahatulan sa bayan.
__________ 3. Inihahalintulad sa walang pahalaga sa sariling wika.
__________ 4. Tulad din ng wikang Tagalog.
__________ 5. Dahilan sa pagkawalay natin sa sariling wika.

Lunday Ibong nasa himpapawid Kalayaan


Salitang anghel Inang tunay na nagpala Malansang Isda
Sigwa Salita

C.2. Anong pagpapalahaga ang nais ipaunawa ng tula sa mga mambabasa?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
C.3 Magbigay ng mga salik sa pagkakasulat ng tulang ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
6XULLQ
Kritik o Crtique
Ang critique ay isang maikling pagsusuring pampanitikang
naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda.
Upang makapagbigay ng sariling kuro-kuro, kinakailangan na
naiintindihan ang nais sabihin ng isang teksto. Magkakaroon din ng mas
makabuluhang critique kung alam ang konteksto ng pagkakasulat ng
isang akda. Halimbawa sa bumubuo ng konteksto ay kung anong
panahon ito inakda, ano ang sosyo-politikal na klima ng panahon, at kung
ano ang pagkatao ng isang awtor.
Upang makabuo ng isang critique maari mong ikumpara ang isang
akda sa iba pang mga teksto. Maari mo rin magamit ang mga sarili mong
karanasan at opinyon upang mabigya ng panibagong saysay ang isang
akda. Marapat na alalahanin na hindi lamang negatibong impresyon ang
gaya ng paghahanap ng kahinaan o kamalian sa isang akda, maari rin
nitong kilalanin ang magagandang ideya o istilo na ginamit ng awtor.
Maaring gamiting gabay sa pagsulat isang critique ang pormat sa
ibaba:
I. Panimula Uri ng panitikan
Bansang Pinagmulan
Pagkilala sa may akda
Layunin ng akda
II. PagsusuringPangnilalaman Tema o Paksa ng akda
MgaTauhan/Karaktersaakda
Tagpuan/Panahon
Balangkas ng mgapangyayari
Kulturang masasalamin sa akda

III. PagsusuringPangkaisipan MgaKaisipang/ IdeyangTaglay ng akda


Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

IV. Buod Maikling pagbibigay diin sa


mahahalagang detalye
Pangkabuaang masasabi ukol sa akda

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Ilan sa mga tanong na makakatulog sa pagbibigay ng critique o
kritikal na pagtatasa ay ang sumusunod:

x Sino ang awtor? Ang akda ba ay inilahad sa parang objective o


subjective?
x Ano ang layunin ng akda? Nakamit ba ang layunin ng akda?
x Ano ang mga pamamaraan o estilo na ginamit sa akda? Epektibo ba
ang mga napiling pamamaraan upang makamit ang layunin ng akda?
x Nakapagbibigay linaw ba ang akda sa mga ideya / mga bagay-bagay?
Ito ba’y nagbubunga ng mas marami pang katanugnan?

-Narcissus: Greek Myhtology, Isang Pagsasalin

Simposiyum
Ang simposyum ay nag-ugat sa salitang Griyego na sympinein na
nangangahulugang sama-samang pag-inom. Mahihiwatigang ang
pagsasalu-salong ito ay sinasabayan ng talakayan at pagpapalitan ng mga
opinyon kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari
Sa kasalukuyan, ito ay isang pagtitipon kung saan may malayang
talakayan o palitan ng kaisipan. Maari ding pagpupulong kung saan may
ilang tagapagsalita na nagbibigay ng maikling panayam tungkol sa isang
paksa o iba’t ibang aspekto ng naturang paksa. Ito’y isang mahalagang
paraan upang matalakay, mailahad ang ideya at mapalawak ang kaisipan
sa paksang pinag-uusapan.
Ito ay may modereytor na:
a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
e. Tagapagbigay ng buod ng Talakayan.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa
kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng pagsasalita. Kapag
nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo ng pangkat, ito ay susundan ng
lahat ang diskusyon o open forum kung saan maaaring magtanong ang
mga tagapakinig. Dito nagkakaroon ng paglilinaw at pagbatid sa ibang
bagay na kaugnay ng paksang tinatalakay. Mahalagang paghandaang
mabuti ng mga panauhing tagapagsalita ang saklaw ng kanilang paksa at
ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga tagapakinig upang maging
malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.
Ang tagumpay ng simposyum ay hindi lamang nakasalalay sa
kahandaan ng mga tagapagsalita. Malaki ang tungkuling ginagampanan
ng mga tagapakinig sa gawain. Ang aktibong tagapakinig ay makatutulong
upang maging produktibo ang simposyum. Ang mabuting pakikinig ay
nangangahulugang pagpapakita ng interes sa paksang tinatalakay,
paggalang sa mga tagpagsalita at kapwa tagapakinig, maayos na paraan
ng pagtatanong at matalinong pagbibigay ng reaskyon ukol sa mga
napakinggan.
Sa kabuuan, kung ang lahat ay may kahandaan sa pagkakaroon ng
sapat na kaalaman sa tatalakayin, ang pagdaraos ng simposyum ay isang
kapaki-pakinabang na uri ng ehersiyong pangkaisipan at kasanayan sa
pagsasalita at pakikinig.

3DJ\DPDQLQ

Ngayon naman ay palawakin ang iyong kasanayan. Balikan ang


tulang “ Sa Aking mga Kabata” sa bahaging Pagbasa sa pagtukoy sa mga
kinakailangang detalye at konsepto upang makapagsulat ng isang critique o
di kaya’y magagamit upang makalahok sa isang diskusyong simposyum.
Ibigay ang detalyeng hinihingi.

1. Uri ng panitikan
2. Bansang pinagmulan
3. Pagkilala sa may akda
4. Tema o paksa ng akda
5. Mga Kaisipang/Ideyang Taglay ng akda (Pumilli ng taludtod na may
ideyang tumanim sa iyong kaisipan)

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Pamantayan sa Isasagawang Kritik o Critique

MgaPamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


5 4 3 ng pagsasanay
2
Malinaw ang
pagkakalahad ng detalye
at konsepto
Makabuluhan ang
critique na ibinigay
May kaisahan ang diwa
Kabuoang Puntos

,VDLVLS
Tandaan:

Kritik/Critique
=sistematikong pag-aaral at Simposyum
pagtataya sa binasa,
napanood o napakinggan =malayang talakayan o
palitan ng kaisipan

,VDJDZD
Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan sa aralin. Maging
modereytor sa maiksi at impormal na talakayan gamit ang konsepto ng
simposyum. Pag-usapan kasama ang miyembro ng pamilya o kaibigan ang
paksang: Pambansang Wika. Basahin sa iyong mga kasama ang tulang Sa
Aking mga Kabata bilang introduksyon o pambungad na bahagi ng
isasagawang simposyum upang magkaroon sila ng ideya sa paksa.

Buod ng Pagtatalakay ng Tagapagsalita 1:

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Buod ng Pagtatalakay ng Tagapagsalita 2:

Buod ng Talakaayan

7D\DKLQ
Batid kong natutuhan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang
iyong kakayahan.

A. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bawat bilang.

1. Mas nagiging makabuluhan ang critique kung alam mo ito.


2. Sa bahaging ito maaaring magtanong ang tagapakinig ng simposyum
3. Ito ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng
sariling kuro-kuro o palagay
4. Isa itong pagtitipon kung saan may malayang talakayan o palitan ng
kaisipan
5. Ito ay tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
6. Salitang Griyego na pinag-ugatan ng salitang simposyum na
nangangahulugang sama-samang pag-inom
7-10. Isulat ang apat na bahagi ng isang critique.

B. Magbigay ng iba’t ibang kaugnay na konsepto sa mga salitang


kritik at simposyum.

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Salita Iba’t ibang Kaugnay na Konsepto

KRITIK

SIMPOSYUM

.DUDJGDJDQJ *DZDLQ
x .

Paimbulogin ag iyong kakayahan. Dumalo o kaya ay maghanap ng video sa


Youtube tungkol sa isang kritik at simposyum. Sagutin ang tanong na “Anong
bagong kaalaman ang natutuhan mo sa kritik at simposyum na pinanood?”

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati kita!


Sige, hanggang sa muli!

6XVL QJ 3DJZDZDVWR

Subukin
1. D.
2. C.
3. D.
4. B
5. C.

Pag-unawa sa binasa
1.Kalayaan
2. Salita
3. Malansang isda
4. Salitang anghel
4. Sigwa

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
Tayahin

1. Teksto
2. Open Forum
3. Critique
4. Symposyum
5. Moderator
6. Sympinein
7-10. Panimula, Pagsusuring Pangnilalaman, Pagsusuring Pangkaisipan,
Buod

Filipino 10 PanitikangPandaigdig

https://www.citewrite.qut.edu.au/write/critique.jsp

Rodolphe Gasché (2007) The honor of thinking: critique, theory,


philosophy

https://www.tagaloglang.com/sa-aking-mga-kababata-jose-rizal/#more-
4579

https://www.jru.edu.in/research-cell/

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(
%XPXEXR VD 3DJVXODW QJ 0RG\XO

0DQXQXODW -DVPLQ 3 3DPELG *XUR 3+6


0JD (GLWRU 0D *UDFH = &ULVWL *XUR 7+6
.LPEHUO\ 0 &DSXQR *XUR 0+6
$GHOZLVD 3 0HQGR]D *XUR &,66/
7DJDVXUL3DQORRE *DOFRVR & $OEXUR (36)LOLSLQR
7DJDVXUL 3DQODEDV
7DJDJXKLW 3DROR 1 7DUGHFLOOD *XUR .1+6

7DJDODSDW -HHMD\ % &DQLOOR *XUR 1+6

7DJDSDPDKDOD
6KHU\OO 7 *D\ROD
3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 7DJDSDPDQLKDOD

(OLVD 2 &HUYH]D
+HSH ± &XUULFXOXP ,PSOHPHQWDWLRQ 'LYLVLRQ
3LQXQRQJ 1DQXQXSDUDQ  7DQJJDSDQ QJ 3DQJDODZDQJ 7DJDSDPDQLKDOD

*DOFRVR & $OEXUR


6XSHUELVRU VD )LOLSLQR

,Y\ &RQH\ $ *DPDWHUR


6XSHUELVRU VD Learning Resource Management Section

ŝƚLJ ŽĨ 'ŽŽĚ ŚĂƌĂĐƚĞƌ 


',6&,3/,1( ‡ *22' 7$67( ‡ (;&(//(1&(

You might also like