You are on page 1of 9

0

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga


HINDI IPINAGBIBILI

12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Kuwarter 1
Linggo 1-3 (MELC 1.0)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
1

FILIPINO SA
ASIGNATURA PILING
LARANG-
MARKAHAN 1 LINGGO 1-3 ARAW ___________________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy
AKADEMIK
CODE CS_FA11/12PB-0a-c-101
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.

PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Paksa: Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat
(Lunsaran)

Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalagang malinang sapagkat sa pag-aaral mo bilang isang


estudyante, ang pagsulat ay hindi lamang simpleng pagtataya ng ideya na inilalapat sa papel o
minamakinilya sa kompyuter. Ano nga ba ang pagsulat? Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya,
konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko (sa
kompyuter).
Binubuo ang pagsulat ng dalawang yugto. Una na rito ang yugtong pangkognitibo, ibig
sabihin, nasa isip lahat natin ang ating mga isusulat. Nagkakaroon ng artikulasyon ang mga ideya,
paniniwala at iba pa sa dahilang masusing dumaraan ito sa isipan ng tao-napag-isipan, naisapuso o
naunawaan bago naisulat. Ang ikalawang yugto ay ang mismong proseso ng pagsulat. Nagkakaroon ng
hulma at tiyak na hugis ang mga ideya at konseptong nasa isipan ng tao habang unti-unting naisusulat ito
sa papel. Nagkakaroon ng kaganapan ang yugtong pangkognitibo sa pagsulat na mismo. Magkakambal
ang dalawang yugtong ito sa dahilang sabay na ginagamit ito sa pagsulat. Hindi makapagsulat ang isang
estudyante ng isang sulating pananaliksik kung hindi muna niya pinag-iisipan nang mabuti ang ideya at
gagawin. Hindi niya marerebisa ang naisulat kung hindi niya tuluy-tuloy na pinag-iisipan ang nabubuong
hugis at hulma ng naisulat na papel. Samakatuwid, mula simula hanggang wakas magkasama ang dalawa,
halimbawa, sa pagsulat ng sanaysay at iba pang akademikong papel.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang isipan. (Sauco, et al., 2008).
Ayon kina Xing at Jin, “Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
Sinabi ni Badayos, “Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”
Ayon kay Keller, “Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.”
Ayon kay Donald Murray, “Writing is rewriting”.
Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat – “A good writer is wasteful”. Metapora ni
Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding wood… The writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.”
Ayon kay Donald Murray, “Ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,
pagtuklas sa porma at ang manunulat ay gumagawa nang pabalik-balik na nagtutuon-pansin sa isa sa
Jeramay U. Baracol, Teacher II
Vitali National High School
2

mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat
at kung paano niya iyon maipahahayag nang mahusay.”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat, “Ang pagsulat ay ekstensyon
ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.”
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo. Tumutukoy ito o may
kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa
pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
Tinatawag na mga larangang akademik ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang
pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinesisyunan na magpatuloy sa kolehiyo.
Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng
mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis,
term paper, lab report at iba pa.Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Layunin nito na
maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan.
Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis at
pagtataya.
Ayon kay Karen Gocsik (2004) ang konsepto ng akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga
iskolar at para sa mga iskolar, nakalaan sa mga paksa at mga tanong na pinag-uusapan o nakapukaw
sa interes sa akademikong komunidad, at nararapat na maglahad ng importanteng argumento.
Bawat paksa, layunin at kahalagahan ng akademikong sulatin ay tinutugunan ng isang mainam
na paraan kung paano ito “iuulat” o “sasabihin” sa mambabasa.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano ang kahulugan ng akademikong pagsulat?


Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ayon sa iyong pagkaunawa, ipaliwanag ang kahulugan ng pagsulat.

Sanayin Natin!

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong na makikita sa bawat bilang. Isulat lamang ang iyong
mga sagot sa pinaglaanang sagutang papel.

1. Wika ni Murray , “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and
cuts away, discarding wood. The writer cannot build a good strong piece of writing unless he
has gathered an abundance of fine raw materials.” Ano ang iyong sariling interpretasyon sa
pahayag na ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Gamit ang Venn Diagram, ilahad mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pagsulat at ng


akademikong pagsulat?

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
3

3. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang iyong kadalasang sinusulat? Magbigay ng mga dahilan kung
bakit nagsusulat ka ng mga ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubriks
Katangian 10 6 3 1

Pokus at Detalye May isang malinaw May isang malinaw May isang paksa. Hindi malinaw ang
at tiyak na paksa, na at tiyak na paksa, Hindi gaanong paksa at ang mga
sinusuportahan ng ngunit hindi malinaw ang mga argu-mento.
mga detalyadong detalyado ang mga suportang
impormasyon o suportang impormasyon o
argumento. impormasyon o argumento.
argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang May introduksyon, May introduksyon, at Hindi malinaw ang
introduksyon; mahusay na pagtalakay. introduksyon,
naipakilala nang pagtalakay. pagtalakay sa paksa.
mahusay ang paksa.
Mahalaga at nauukol
sa paksa ang mga
impormasyon na
ibinahagi sa isang
maayos na paraan.
Pagpili ng mga Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
angkop na salita paggamit ng mga paggamit ng mga manunulat ang nais paggamit sa mga
salita; Angkop at salita, bagaman sa sabihin, bagaman salita.
natural at hindi pilit. ilang pagkakataon walang baryasyon sa
ay hindi angkop at paggamit sa mga
natural. salita.

Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa ng Hindi maayos ang


Gramatika, Bantas, pagkakaayos ng pagkakaayos ng mga pangungusap mga pangungusap at
Pagbabaybay mga salita at mga salita at na may saysay. hindi maunawaan.
pangungusap. pangungusap. May Maraming mga Lubhang maraming
Walang pagkakamali kaunting pagkakamali sa pagkakamali sa
sa gramatika, bantas pagkakamali sa gramatika, bantas at gramatika, bantas at
at baybay. gramatika, bantas at baybay. baybay.
baybay.
Mga Komento at
Mungkahi

TANDAAN

Mahahalagang Konsepto

 Ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang


manunulat ay gumagawa nang pabalik-balik na nagtutuon-pansin sa isa sa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung
paano niya iyon maipahahayag nang mahusay. (Murray)

 Mahalaga ang pagsulat dahil ito ay naglalahad ng mga pangyayari, sanhi at bunga, at
magkakaugnay na mga ideya, nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy
ng pangyayaring aktwal na naganap, ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong
pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat, isinasaad sa panulat na ito
ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang
bagay, tao, lugar at kapaligiran,

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
4

 Nilalayon ng akademikong pagsulat na linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito
tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab
report at iba pa.

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !
Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa inilaang sagutang papel.

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman sa paraang nakalimbag.


a. pakikinig b. pagbabasa c. pagsasalita d. pagsusulat
2. Ayon sa kanya, layunin ng pagsulat ay maipahayag ng tao ang nasa kanyang isipan.
a. Sauco b. Keller c. Xing at Jin d. Badayos
3. Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalaman ng
elemento ng pagsulat?
a. talasalitaan b. wastong gamit c. pagbuo ng sanaysay d. retorika
4. Ayon sa kanya, ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan.
a. Kellogg b. Keller c. Bernales d. Badayos
5. Sulatin na kadalasang nakikita sa mga artikulo, pananaliksik o tesis at iba pa.
a. akademikong pagsulat b. malikhaing pagsulat c. referensyal d. Jornalistik
6-7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa akademikong pagsulat. Isulat lamang ang titik.
a. ito ay ginagamit upang ibalita ang nangyayari sa mundo
b. layunin nito na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat na ginawa
c. tumutukoy ito sa mga kurso sa kolehiyo na pagpipilian ng mga mag-aaral
d. ang mga halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa
8-10. Ang mga sumusunod ay mga uri ng sulatin. Pumili ng tatlong akademikong sulatin mula dito at
isulat lamang ang mga titik nang wastong sagot.
a. diary f. resume
b. photo essay g. menu
c. aklat h. disertasyon
d. konseptong papel i. pamanahong papel
e. abstrak j. Balita

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLet.

1. Corazon L. Santos PhD at Gerard P. Concepcion PhD, Filipino sa Piling Larang


Akademik Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Edisyon), Pasig City: Department of
Education-Bureau of Learning Resources, 2016, 30
2. Corazon L. Santos PhD at Gerard P. Concepcion PhD, Filipino sa Piling Larang
Akademik Patnubay ng Guro (Unang Edisyon), Pasig City: Department of
Sanggunian Education-Bureau of Learning Resources, 2016, 4-5, 11-12
3. Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra, Filipino sa Piling Larang Akademik
(Unang Edisyon), Manila, Philippines: REX Book Store, 2016, 6-7
4. “Akademikong Pagsulat”, uploaded by haidnaioaqie on January 24, 2012,
scribd.com/doc/79166019/akademikong-pagsulat

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
5

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.
Inihanda ni:

JERAMAY U. BARACOL, Teacher II


Vitali National High School

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
6

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa

Pangalan
FILIPINO SA PILING
Asignatura LARANG-AKADEMIK
Baitang

KUWARTER Unang Kuwarter LINGGO 1-3 ARAW


PETSA

PAKSA Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat


KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.

ARALIN NATIN
Paksa: Kahulugan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

Ano ang kahulugan ng akademikong pagsulat?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

Whatsaisiyong
Ayon Digestion?
naunawaan, ipaliwanag ang kahulugan ng pagsulat.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

SANAYIN NATIN!

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin at unawain ang tanong na makikita sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa
pinaglaanang sagutang papel.
1. Wika ni Murray , “A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away,
discarding wood. The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance
of fine raw materials.” Ano ang iyong sariling interpretasyon nito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Jeramay U. Baracol, Teacher II
Vitali National High School
7

2. Gamit ang Venn Diagram, ilahad mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pagsulat at ng


akademikong pagsulat?

3. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang iyong kadalasang sinusulat? Magbigay ng mga dahilan kung
bakit nagsusulat ka ng mga ito.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Rubriks
Katangian 10 6 3 1

Pokus at Detalye May isang malinaw at May isang malinaw at May isang paksa. Hindi Hindi malinaw ang
tiyak na paksa, na tiyak na paksa, ngunit gaanong malinaw ang paksa at ang mga argu-
sinusuportahan ng mga hindi detalyado ang mga suportang mento.
detalyadong mga suportang impormasyon o
impormasyon o impormasyon o argumento.
argumento. argumento.

Organisasyon Kawili-wili ang May introduksyon, May introduksyon, at Hindi malinaw ang
introduksyon; mahusay na pagtalakay. introduksyon,
naipakilala nang pagtalakay. pagtalakay sa paksa.
mahusay ang paksa.
Mahalaga at nauukol sa
paksa ang mga
impormasyon na
ibinahagi sa isang
maayos na paraan.
Pagpili ng mga Malinaw ang paggamit Malinaw ang paggamit Nasasabi ng manunulat Limitado ang paggamit
angkop na salita ng mga salita; Angkop ng mga salita, ang nais sabihin, sa mga salita.
at natural at hindi pilit. bagaman sa ilang bagaman walang
pagkakataon ay hindi baryasyon sa paggamit
angkop at natural. sa mga salita.

Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa ng mga Hindi maayos ang mga
Gramatika, Bantas, pagkakaayos ng mga pagkakaayos ng mga pangungusap na may pangungusap at hindi
Pagbabaybay salita at pangungusap. salita at pangungusap. saysay. Maraming mga maunawaan. Lubhang
Walang pagkakamali sa May kaunting pagkakamali sa maraming pagkakamali
gramatika, bantas at pagkakamali sa gramatika, bantas at sa gramatika, bantas at
baybay. gramatika, bantas at baybay. baybay.
baybay.
Mga Komento at
Mungkahi

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School
8

SUBUKIN NATIN
1. A B C D 6. A B C D

2. A B C D 7. A B C D

3. A B C D 8. A B C D

4. A B C D 9. A B C D

5. A B C D 10. A B C D

Jeramay U. Baracol, Teacher II


Vitali National High School

You might also like