You are on page 1of 18

12

Filipino sa Piling Larang


( Akademik)
Unang Markahan
Modyul 3
Katangian at Pangkalahatang
Estruktura ng Akademikong Pagsulat
Panimula
Sa Linggong ito, mas madagdagan pa ang iyong kaalaman hinggil sa
akademikong pagsulat kung saan malalaman mo ang katangian ng akademikong
pagsulat at ang estruktura ng akademikong pagsulat. Mapabibihasa ka sa wastong
paraan ng pagsulat.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1.Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko; (CS_FA11/12EP-
Oa-c-39)

Sa kataposan ng modyul 3, ikaw ay inaasahang:


1. nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin;
2. nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin;
3. naiisa – isa ang mga katangian na dapat taglayin ng isang akademikong
sulatin.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel. Huwag
kalimutang isulat ang pangalan, baitang/seksyon at bilang ng modyul.

A. Aplikasyon G. Hierarkikal

B. Akademiko H. Pagkokompara

C. Kronolohikal I. Problema at Solusyon

D. Deskripsiyon ng Paksa J. Sanhi at Bunga

E. Di – akademiko K. Sekwinsya ng mga ideya

F. Estruktura ng Tesis L. Estrukturang Factual Report

______1. Ang estrukturang ito ay ginagamit para pagbatayan ang mga patunay at
katuwiran sa isang teksto.

______2. Umiikot ang mga punto at layunin ng paksa sa paksang pangungusap na


kung saan pinakatema ng teksto.

______3. Ang mga paksa at mga ideya ay inuugnay nito sa tunay na nagaganap sa
buhay.

1
______4. Sa uri na ito ng estruktura ng tekstong akademiko, may roong dalawang uri
upang ayusin ang mga ideya o pagkasunod-sunod na maaaring batay sa panahon o
batay sa ideya.

______5. Ano ang tawag sa uri ng pagkasunod-sunod ng mga ideya na batay sa


panahon?

______6. Ang uri na ito ng pangkalahatang estruktura ng tekstong akademiko ay


gumagamit ng pagkakaiba at pagkakapareho ng mga datos upang patibayin ang mga
katuwiran, ano ang tawag dito?

______7. Ang estruktura na ito ay kalimitang nagsisimula sa depinisyon, paglilinaw,


o pagpapaliwanag na kalimitang nakikita sa simula ng teksto. Anong uri ito ng
estruktura?

______8. Ano ang tawag sa uri ng pagkasunod-sunod na batay sa ideya?

______9. Ang ____________ ay may layuning magbigay ng opinyon na nakabatay sa


sariling karanasan ng manunulat na hindi binibigyang pansin ang pagkakaayos ng
mga ideya.

______10. Ito ay estrukturang tekstong akademiko batay sa layunin na kung saan


may kaugnayan ito sa tekstong nangangatwiran o may pinapatunayan at ang
introdukyon nito ay ang paksang pangungusap.

Katangian at
Aralin
Pangkalahatang Estruktura
1.3 ng Akademikong Pagsulat
(Ikatlong Linggo)

Alamin

Sa modyul na ito, malalaman mo ang pagkakaiba ng katangian sa akademikong


pagsulat at sa di – akademikong pagsulat. Mas lalo mong mauunawaan ang mga
pamantayan sa pagsulat ng mga akademikong sulatin.

2
Balikan

Basahin at suriin ang halimbawang akademikong pagsulat sa ibaba.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim
sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may edad na
labindalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag
igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag
igrinupo sa estadong marital.

Tuklasin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang paksa ng abstrak?


__________________________________________________________________________________

2. Ano – ano ang mga katangian ng sulating ito?


__________________________________________________________________________________

3. Sa iyong pananaw, paano binuo ang ganitong uri ng sulatin?


__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

3
Suriin/Talakayin

Akademikong Pagsulat
Ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na ginagamit at pinag-
aaralan sa akademya na kung saan pinapahalagahan dito ang mga
alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino maaaring sa pasulat o
pasalitang pamamaraan. Ang kahalagahan sa pagsunod ng mga alituntunin
sa paggamit ng wikang Filipino upang ito ay maging istandard at magamit
bilang wika ng intelektuwalisasyon. Sa asignaturang ito masusukat lahat ng
natutunan ng isang mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino at ang mga
naranasan niya hinggil sa pagsulat mula sa elementarya, sekundarya,
kolehiyo at maging sa graduate school.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat


1. Obhetibo – Batay nga sa tagline ng GMA News na “Walang kinikilingan,
Walang prinoprotektahan, Walang kasinugalingan, Serbisyong totoo lamang.”
Nararapat lamang na ang isang sulating pang-akademiko ay obhetibo ang
pagsulat na kung saan ang mga kinakailangang datos ay bayat sa
isinagawang pananaliksik o pag-aaral. Iwasang maging subhetibo o ang
pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala, sariling pananaw, at haka-
haka o opinyon hinggil sa paksang tinatalakay.

2. Pormal – Wikang Filipino ang ginagamit na wika para sa akademikong


pagsulat kaya nararapat lamang na iwasan ang paggamit ng mga salitang
kolokyal o balbal. Sa halip, dapat gumamit ng mga salitang pormal na
madaling nauunawaan na kahit sa mga karaniwang tao na mambabasa.
Nararapat din na ang tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
impormasyon ay dapat na maging pormal.

3. Maliwanag at Organisado – Mahalagang mayroong kaisahan ang mga


datos na ilalahad sa pagsulat upang ito ay maging maliwanag at organisado.
Ang mga hindi kinakailangang impormasyon ay hindi na dapat babanggitin
at isasali sa upang hindi na maging paligoy-ligoy pa. Lahat ng mga salita,
parirala at pangungusap ay dapat may kaugnayan sa pangunahing paksa.

4. May paninindigan – Kinakailangan mapanindigan ng manunulat ang


paksang kanyang napili sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin lamang sa
paksang napili o pag-aaralan at hindi siya pabago-bago ng paksa kaya
kinakailangan niyang maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at
pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat na napiling paksa.

4
5. May pananagutan – Ang manunulat ay mayroong pananagutan sa mga
sangguniang kanyang gagamitin sa pagsulat. Dahil sa wastong paggamit ng
sanggunian naipapakita ng manunulat ang paggalang at respeto sa mga
taong nakatulong sa manunulat bilang bahagi ng etika ng akademikong
pagsulat upang mabuo ang sulatin.

Akademikong Pagsulat V.S. Di – Akademikong Pagsulat


Ang salitang akademiko ay mula sa salitang Latin na academicus noong 1580,
academian noong 1590 at academician noong 1746. Tumutukoy at may kaugnayan
ang mga salitang ito sa edukasyon, iskolar, institusyon, o larangan ng pag-aaral.
(etymoline.com) Ang akademikong pagsulat ay nagbibigay-tuon sa makrong
kasanayan na pagbasa, pakikinig, panonood, pagsulat, at pagsasalita. Kabilang din
sa akademya ang paglinang sa kakayahang analisis, panunuring kritikal,
pananaliksik at eksperimentasyon kung saan nalilinang ito sa gabay ng etika,
pagpapahalaga, katotohanan, ebidensiya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako
naman, ang di – akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at
common sense. Narito ang talahanayan sa pagkakaiba ng akademikong pagsulat at
di – akademikong gawain mula sa aklat na Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ni
Constantino et al. (2016)

AKADEMIKO DI - AKADEMIKO
Layunin: - Nagbibigay ng ideya at - Nagbibigay ng sariling
impormasyon opinyon
Paraan o - Obserbasyon, pananaliksik, at - Sariling karanasan,
Batayan ng pagbabasa pamilya, at komunidad
datos:

Mambabasa: - Iskolar, mag – aaral, guro - Iba’t ibang publiko


(akademikong komunidad)
Organisasyon - Planado ang ideya - Hindi malinaw ang
ng ideya: - May pagkasunod – sunod ang estruktura
estruktura ng mga pahayag - Hindi kailangang
- Magkakaugnay ang mga ideya magkaugnay ang mga ideya
Pananaw: - Obhetibo - Subhetibo
- Hindi direktang tumutukoy sa tao - Sariling opinyon, pamilya,
at damdamin kundi sa mga bagay , komunidad ang pagtukoy
ideya at mga makatotohanang - Tao at damdamin ang
impormasyon tinutukoy
- Hindi direktang tumutukoy sa tao - Nasa una at pangalawang
at damdamin, at hindi gumagamit panauhan ang pagkakasulat
ng pangalawang panauhan
- Nasa pangatlong panauhan ang
pagkakasulat
Gamit: - Pang-eskuwelahan - Ordinaryo
- Pang-kolehiyo - Pang-araw-araw

5
Pangkalahatang Estruktura ng Tekstong Akademiko

Ang pangkalahatang estruktura ng tekstong akademiko ay makikita sa mga artikulo


at sanaysay na karaniwang binabasa sa kolehiyo.

1. Deskripsiyon ng Paksa – Karaniwang itong nababasa sa unang bahagi o


sa simula ng teksto dahil mababasa dito ang depinisyon, paglilinaw, at
pagpapaliwanag sa paksa.
Halimbawa:
“Laganap na hindi lamang sa ating lipunan kundi pati na din sa bansa at sa
buong mundo ang mga isyu ng pagpapatiwakal o pagkitil ng tao sa sarili
niyang buhay. Ang pagpapatiwakal ay isang seryosong public health problem
na dapat masolusyonan sa ating lipunan, Marami sa mga kabataan ang
maagang namumulat sa pagpapakamatay dahil sa hirap at bigat ng kanilang
pinagdadaanan sa buhay.”

Halaw sa photo-essay na gawa ni Ma. Faith C. Errua

2. Problema at Solusyon – Ang paksang pangungusap ang pinakatema ng


teksto kung saan umiikot ang mga punto at layunin ng paksa na gustong
patunayan, ipaggiitan, isangguni at ilahad sa paraan na madali itong
maunawaan.
Halimbawa:
“May mga paraan upang mapakinabangan ang texting na kinababaliwan ng
mga mag-aaral at itinuturing ng mga guro na sagabal sa kanilang pag – aaral.”
Halaw sa Texting at Pag-aaral (2009) ni P.C. Rodriguez

“Ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang napakalaking bagay na pinapangarap ng


mga kabataan, kahit ito ay puno ng hamon marami pa rin ang sumsubok na
malagpasan ito dahil ito ang tanging magdadala ng isang magandang
kinabukasan para sa ikakabuti ng buhay.”
Halaw sa Ang Pinansyal na Problema ng mga
Kolehiyala (2016) ni Laihca De Leon

3. Pagkasunod-sunod o Sekwensiya ng mga Ideya – Ang pagkakaayos


nito ay maaaring ilahad sa dalawang pamamaraan. Una, ang
kronolohikal kung saan ang pagkasunod-sunod ay ayon sa panahon.
Ikalawa, ang hierarkikal kung saan tumutukoy sa pagkasunod-sunod
ng mga ideya.
Halimbawa ng kronolohikal na pagkasunod – sunod:
“Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung
paano ito nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya),
naging Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.”
Halaw sa Kasaysayan ng Wikang Filipino na isinulat ni John Iremil E.
Teodoro na nilathala sa GMA News Online noong ika – 31 ng Agosto, 2009

6
Halimbawa ng hierarkal na pagkasunod – sunod:
“Ang lapit o pagdulog ay set ng mga paniniwala o simulaing hango sa mga
teoryang pangwika. Sa bawat lapit o pagdulog ay may set ng mga istratehiyang
magagamit sa pagtuturo.”
Halaw sa CURRICULUM AND INSTRUCTION: ANG PAGTUTURO NG
FILIPINO na isinulat ni Narcisa S. Sta. Ana na nilathala sa
amses.weebly.com

4. Sanhi at Bunga – Ito ay ginagamit para pagbatayan ang mga ebidensiya


at katuwiran sa teksto.
Halimbawa:
“Ang pagdodroga, ay ang pag-iinom, paghihinga, o pagyoyosi ng mga iba’t
ibang mapanganib na bagay. Itong mga bagay ay naglalason sa inyong
katawan at nagbibigay ng maraming problema sa inyong buhay. Maraming
iba’t ibang klaseng droga ang naroroon. Ang pinaka-karaniwan na droga na
yinoyosi ng mga tao dito sa Pilipinas ay ang marihuana. Ang marihuana ay
nagpaparamdam sa iyo ng malakas na damdamin. Pwede ito ay kalungkutan
o kasiyahan. Pag-yosi mo nito, bibilis ang kibo ng iyong puso. Magiging pula
and iyong mata, at palagin kang kulang sa tulog at nagugutom. Pwede rin na
umiba ang tingin mo sa mundo.”
Halaw sa Replektibong Sanaysay na Sanhi at Bunga ng
Pagdodroga ni isinulat ni Jason Friedlander

5. Pagkokompara – Ang estruktura na ito ay may kaugnayan sa


pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang patibayin ang
katuwiran.
Halimbawa:
“Kakaiba sa siyensya na isang eksaktong kaalaman, ang panitikan
bilang isa sa pitong hemispera ng sining, ay hindi kailanman masusuri
sa paraang natutulad sa pagsusuri ng mga bilang o numero. Hindi
katumbas ng pagkakasama-sama. Lagi na at mananatiling nakahihigit
ang kabuuan kaysa sa suma ng mga bahagi nito”
Ruth Elynia S. Mabanglo

6. Aplikasyon – Ang estruktura na ito ay iniuugnay ang paksa at mga


ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
Halimbawa:
“Maging ang urban lore ay nagpapahiwatig ng kontradiksiyong
panlipuanan. Ang white lady sa Balete Drive, biktima ng sexual abuse
at heinous violence, ay muli’t muling bumabalik sa alaala at espasyo
ng marahas at baliw na syudad.”
R. Tolentino, “Modernidad sa Produksyong Pampanitikan sa Syudad”
Diliman Review vol. 49, nos 1-2, 2001, pp 97 – 101

7
Estruktura ng Tekstong Akademiko Ayon sa Layunin
1. Estruktura ng Tesis

Ang estrukturang ito ay ginagamit sa mga tekstong nangangatwiran o


may pinapatunayan.
Katawan
Paksang Talata
Introduksiyon Mga Detalye Kongklusyon
Paksang Pangungusap Argumento Argumentong
Katuwiran Kongklusyon
Paksang Pangungusap
Mga Detalyeng
Pangungusap
2. Estrukturang Problema – Solusyon

Tinatalakay dito ang mga problema o isyu at posibleng solusyon

Katawan

Introduksiyon Mga Detalye Kongklusyon


Pahayag ng Problema Argumentong
Mga Ebidensiya
at/o Solusyon Kongklusyon
Mga Katuwiran
Mga Posibleng
Solusyon

3. Estrukturang Factual Report

Walang pinapanigang isyu o katuwiran ang estrukturang ito ng


akademikong pagsulat.

Introduksiyon Katawan Kongklusyon


Mga Detalye Pangkalahatang
Pangunahing Paksa
Mga Paliwanag Buod

Ang Filipino sa Piling Larang sa Akademikong pagsulat ay nagbibigay-diin sa


mga sumusunod na sulatin;

1. Abstrak 7. Katitikan ng Pulong

2. Sintesis/buod 8. Posisyong Papel

3. Bionote 9. Replektibong Sanaysay

4. Panukalang proyekto 10. Pictorial- Essay

5. Talumpati 11. Lakbay – Sanaysay

6. Agenda

8
Isaisip

Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing kaalaman sa


pagsulat ng AKADEMIKONG SULATIN gaya ng katangian nito,
pangkalahatang estruktura at estruktura ayon sa layunin dahil ito ay
magbibigay sa iyo ng gabay sa paghahabi ng mga kaisipang iyong ilalahad sa
sulatin.

Isagawa

Panuto: Magbigay ng ideya kung ang pahayag ay isang malikhaing pagsulat o


akademikong pagsulat at ipaliwanag.

Kailangan kong ilarawan nang Kailangang gamitin ko ang tamang


maayos ang aking karanasan sa panuntunan sa pagsulat lalong-lalo
panahon ng pandemic na sa gramatika.

____________________________________ ___________________________________

Paliwanag: ________________________ Paliwanag: _________________________

Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang parirala sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ang bawat puwang
kung ito ay katangian ng akademikong pagsulat, ekes naman kung ito ay hindi
katangian ng akademikong pagsulat.

______1. ang manonood ay iba’t ibang publiko

______2. gumagamit ng una at ikalawang tauhan

______3 . sariling opinyon

______4. planado ang ideya

______5. di-pormal ang layunin

9
BAGUHANG MANANALIKSIK
Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa mga uri ng akademikong
pagsulat. Ibigay ang kahulugan, katangian at sanggunian ng mga ito sa tulong ng
graphic organizer. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel.

Uri ng Akademikong Sulatin:________ Uri ng Akademikong Sulatin:________

KAHULUGAN: KAHULUGAN:

KATANGIAN: KATANGIAN:

SANGGUNIAN:
SANGGUNIAN:

URI NG AKADEMIKONG SULATIN

Uri ng Akademikong Sulatin:________ Uri ng Akademikong Sulatin:________

KAHULUGAN: KAHULUGAN:

KATANGIAN: KATANGIAN:

SANGGUNIAN: SANGGUNIAN:

10
Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa isang
buong papel. Sulatan ng pangalan baitang/seksyon at bilang ng modyul.

______1. Ito ay katangian na dapat taglayin ng akademikong pagsulat na


nagsasabing dapat iwasan ang paggamit ng mga di-pormal na salita sa akademikong
pagsulat.

A. obhetibo C. maliwanag at organisado

B. pormal D. may paninindigan

______2. Ang pagiging ________________ay katangian ng akademikong pagsulat na


kung saan dapat may kaisahan ang mga parirala at mga pangungusap sa
pangunahing paksa.

A. obhetibo C. maliwanag at organisado

B. pormal D. may paninindigan

______3. Ang isang manunulat ay kailangan maging matiyaga sa pananaliksik at


pagsisiyasat sa paksang kanyang napili at hindi siya pabago-bago ng paksa. Anong
katangian ito ng akademikong pagsulat.

A. obhetibo C. maliwanag at organisado

B. may pananagutan D. may paninindigan

______4. Isa sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay kinakailangan ang


pawang katotohanan lamang ang isusulat ng manunulat na batay sa kanyang mga
nakalap na datos sa pananaliksik. Anong katangian ito ng akademikong pagsulat?

A. obhetibo C. maliwanag at organisado

B. may pananagutan D. may paninindigan

______5. Ang isang mananaliksik ay kailangang maging responsible sa kanyang mga


ginamit na impormasyon at kinakailangan niyang kilalanin ang pinagkunan niya ng
impormasyon sa kanyang pagsulat. Anong katangian ito ng akademikong pagsulat?

A. obhetibo C. maliwanag at organisado

B. may pananagutan D. may paninindigan

6-10. Basahin ang bionote sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na katanungan.

Patrocinio Villafuerte

Si Patrocinio Villafuerte o Pat Villafuerte na kilala bilang isang guro, makata,


komposer, aktor, lider, at manunulat sa Filipino ay ipinanganak noong ika-pito ng Mayo
taong 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija, at may edad na 69 sa kasalukuyan. Nagtapos siya

11
ng pag-aaral sa Philippine Normal College sa kursong Batsilyer sa Agham sa Edukasyong
Pang-elementarya at may sertipikong gradwado, Master sa Sining ng Pagtuturo.
Nakatanggap din siya ng titulo mula sa
Unibersidad ng Manuel Luis Quezon bilang Master sa Sining sa Filipino na may Gawad
Merito.
Hindi maipagkakait na si Villafuerte ay tapat at mapagmahal sa kaniyang propesyon
bilang guro at manunulat sa Filipino, kaya naman nagkamit siya ng iba’t ibang parangal
paukol sa larangan ng pagturo at pagsulat, kabilang rito ang pagiging kauna-unahang
nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professional Chair in Filipino. Nagkamit din siya ng
dalawang Presidential Awards sa Malacañang; dalawang Teacher of the Year Award; walong
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; at sampung Gawad Surian Gantimpalang
Collantes. Bukod pa riyan, naparangalan din siya ng Philippine Normal University (PNU)
Alumni Association; Komisyon ng Wikang Filipino (KWF); Kapisanan ng mga Propesor sa
Pilipino (KAPPIL); Philexers; at Ninoy Aquino Foundation.
Si Villafuerte ay nahalal din bilang pangulo ng Pambansang KAPPIL at Samahan ng
mga Edukador sa Pilipinas. Siya rin ay nagtrabaho bilang Borad Director ng BUKLOD ng
mga manunulat sa Pilipinas at ingat Yaman ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang
Filipino. Naging pangunahing aktor din siya sa dulang Pamana ng Lahi, Pampanitikan,
Kintin, Aidao, May isang Alamat at sa Ngalan ng Ama. Siya rin ay naging Kompositor ng
Himno ng San Mateo at Sustagen Jingle.
Siya ay isang guro sa Filipino sa lahat ng antas- elementarya, sekundarya, at
kolehiyo, at manunulat ng humigit kumulang 140 na aklat, bilang awtor at ko-awtor, at
karamihan sa mga ito ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino. Nakapag sulat din siya
ng mahigit 150 na piraso ng mga sulating pampanitkan kabilang ang mga tula, sanaysay,
at maikling kuwento na naipalathala sa mga aklat, pahayagan, at magasin. Karagdagan
pa ay, sumulat din siya ng isang dula na pinamagatang “Sa Mahal Kong Bayan” na
naitanghal sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at sa United States of America (U.S.A.). At
kasalukuyang nagtatrabaho bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Philippine
Normal University.
______6. Anong uri ng akademikong sulatin ang binasang halimbawa?

A. agenda C. buod

B. bionote D. lakbay – sanaysay

______7. Anong pangkalahatang estruktura ng akademikong pagsulat ang ginamit


sa binasang teksto?

A. Aplikasyon C. Sanhi at Bunga

B. Deskripsiyon ng Paksa D. Sekwensiya ng mga Ideya

______8. Anong estruktura ang ginamit ng tekstong binasa?

A. Estrukturang Factual Report C. Estrukturang Problema - Solusyon

B. Estrukturang Pagkokompara D. Estrukturang Tesis

______9. Batay sa iyong pagsusuri sa tekstong binasa, ano ang mga katangiang
taglay nito bilang isang akademikong sulatin?

A. Obhetibo, Pormal at Maliwanag

B. Obhetibo, Pormal, Maliwanag at Organisado

12
C. Obhetibo, Pormal, Maliwanag, Organisado at May paninindigan

D. Obhetibo, Pormal, Maliwanag, Organisado, May paninindigan at May


pananagutan

______10. Ang mga sumusunod na pahayag ay naglalarawan kay Patrocinio


Villafuerte, MALIBAN sa _________________________________________.

A. Siya ay nahalal din bilang pangulo ng Pambansang KAPPIL at Samahan ng mga


Edukador sa Pilipinas.

B. Siya ay sumulat ng isang dula na pinamagatang “Sa Mahal Kong Bayan” na


naitanghal sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas at sa United States of America (U.S.A.).

C. Siya ay isang guro sa Filipino sa lahat ng antas- elementarya, sekundarya, at


kolehiyo, at manunulat ng humigit kumulang 150 na aklat, bilang awtor at ko-awtor,
at karamihan sa mga ito ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.

D. Siya ay tapat at mapagmahal sa kaniyang propesyon bilang guro at manunulat


sa Filipino, kaya naman nagkamit siya ng iba’t ibang parangal paukol sa larangan
ng pagturo at pagsulat, kabilang rito ang pagiging kauna-unahang nagkamit ng
Genoveva Edroza Matute Professional Chair in Filipino.

13
Sanggunian
Julian, Ailene Baisa, and Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling
Larangan (Akademik). Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, 2016.
Constantino, Pamela C., and Galileo S. Zafra. Filipino Sa Piling Larangan
(Akademik). UNA ed. Quezon City, Philippines: Rex Printing Company, 2016.

Unlisted. "LATHALAIN: Ang Mapagpagaling Na Pagmamahal Ng Ating Ama Sa


Pamamagitan Ni Fr. Fernando Suarez." Philstar.com. Accessed July 15, 2020.
https://www.philstar.com/opinyon/2011/07/04/702104/lathalain-ang-
mapagpagaling-na-pagmamahal-ng-ating-ama-sa-pamamagitan-ni-fr-fernando-
suarez.
Batuigas, Bening. "Paalala Sa Cebuanos." Philstar.com. June 26, 2020. Accessed
July 15, 2020. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/06/27/2023778/paalala-sa-cebuanos.
"Halimbawa Ng Abstrak." Halimbawa Ng Abstrak. Accessed July 15, 2020.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-
abstrak.html.
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015

Ocelot®, Knm. "RARE Tagalog Words." ®YUZON. January 01, 1970. Accessed July
15, 2020. http://lastbassmaster.blogspot.com/2014/03/rare-tagalog-words.html.

Alamat Ng Bundok Kanlaon – Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros. "Alamat


Ng Bundok Kanlaon - Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros." Philippine News.
August 19, 2019. Accessed July 15, 2020.
https://philnews.ph/2019/08/19/alamat-ng-bundok-kanlaon-ang-alamat-
tungkol-sa-bulkan-ng-negros/.
Domingo, D. (2015). Pagsusuri sa Panitikang Pilipino sa Panahon ng
Kontemporaryo. Retrieved from
https://www.slideshare.net/dennimardomingo/pagsusuri-sa-panitikang pilipino-
sa-panahon

WikiPilipinas. (2008). Patrocinio Villafuerte. Retrieved from


http://en.wikipilipinas.org/index.php/Patrocinio_Villafuerte
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like