You are on page 1of 17

Gawain 1

Gawain 1: Gamit ang Paksang “LIGTAS ANG MAY ALAM”. Gumuhit ng poster sa
kahon na nasa ibaba. Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kung ano and
sariling pagpapakahulugan sa paksa.

Batayan Kaukulang Grado


Puntos
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit sa datos 10
Nailahad ang iba’t ibang panig ng paksa 10
Maayos ang Sistema at malinaw ang paglalahad ng mga 10
bahagi ng papel
Malikhain at nakapukaw ang poster na ginuhit 10
Kabuuan 40

PAGPIPILI: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik na
naglalaman ng iyong tamang sagot.
1. Ito ay aklat na naglalaman tungkol sa paborito mong isports.
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. persuweysib D. naratibo
2. Pagkatapos mailarawan ang tatlong tauhan sa kuwento, inilalahad ng nagbabasa kung
paano naaantig ang kanyang damdamin
A. Naratibo B. Argumentatibo C. impormatibo D. deskriptibo
3. Ang mga sumusunod ay bahagi ng Kabanata I sa pagsulat ng pananaliksik maliban sa ___.
A. Balangkas Konseptwal C. Kahalagahan ng Pag-aaral
B. Disenyo ng Pananaliksik D. Panimula o Introduksyon
4. Layunin ng tekstong ito ang mahikayat o makumbinsi ang babasa.
A. Persuweysib C. Prosidyural
B. Deskriptibo D. Argumentatibo
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo maliban sa
A. Maikling kuwento C. Pagdedebate
B. Alamat D. Tula
6. Elemento ito ng tekstong naratibo na tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang
mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran
A. Tagpuan at panahon C. Banghay
B. tauhan D. paksa o tema
7. Ipinapakita mo sa harapan ng klase ang paraan ng pagluluto ng adobo. Anong paraan ng
pagsunud-sunod ng mga kaisipan ang iyong ginamit?
A. Prosidyural B. persuweysib C. deskriptibo D. impormatibo
8. “Ang buhay ay tulad ng isang pagdaloy ng tubig sa batisan”, ayon sa isang aklat na
nagbibigay ng mabuting balita sa sangkatauhan. Ito ay halimbawa ng ekspositoring ___
A. Sanhi at Bunga C. Depinisyon
B. C.Pagsusunud-sunod D. Paghahambing at Pagkokontrast
9. Ang pananaliksik na isinagawa ni Dr. Jeanette B. Muñoz ay tungkol sa mga Aeta na
pinamagatang “Pamumuhay ng mg Aeta”. Alin sa sumusunod na mga kaisipan ang wala sa
kanyang pag-aaral?
A. Pananampalataya ng mga Aeta . C. Ang pangarap ng mga Aeta
B. Pangunahing kabuhayan ng mga Aeta D. Mga ugali at pamahiin ng mga Aeta
10. “Kung gusto mong mabuhay ka, maging mapagbigay ka. Kung gusto mong habang buhay
ka pa’y itinuturing ka ng patay, maging maramot ka.” Ano ang magandang pamagat ng
pahayag na ito?
A. Kay Sarap Mabuhay! C. Paalam
B. Kamatayan D. Buhay

Gawain 2: Panuto: Bigyang paglalarwan ang salitang “DIPLOMA” na nasa loob ng


kahon.
DIPLOMA

Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan

Panuto: Sabihin kung ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa katangian ng


tekstong deskriptibo. Isulat ang TAMA kung ito ay tama, at MALI naman kung ito ay
hindi.
______1. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat.
______2. Binibigyang diin dito ang damdamin o emosyong taglay ng kanyang
sinusulat.
______3. Mismong ang tauhan ang magsasaad ng emosyong taglay.
______4. Nagagamit ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan.
______5. Ito ay gumagamit ng epektibong pangungumbinsi sa mambabasa.
______6. Gumagamit ng paglalahad kung paano gagawin ang isang bagay.
______7. Inilalarawan dito ang tagpuan lugar na pinangyarihan at oras ng
pangyayari.
______8. Ito ay gumagamit ng paglalarawan na tulad ng ipininta o iginuhit na
parang nakita na rin ang larawan.
______9.Ang uri ng paglalarawan ay napakalinawa at halos madama na ng
mambabasa.

_____10.Mga salita ang ginagamit upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang


paglalarawan.
_____11. Mula sa epektibong paglalarawan halos makikita, maaamoy, at
malalasahan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan.
_____12. Madalas ding ginagamit sa paglalarawan ang mga pangalan at pandiwa .
_____13. Ito ay uri ng babasahing di piksiyon.
_____14. Agad na inihahayag ng manunulat ang mangyayari sa akda.
_____15. Ito ay akdang gumagamit ng obhetibo at subhetibo sa pagsulat.

Gawain 3: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat patlang.


1.Ang ___________________ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
naglalayongmagbigay ng impormasayon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports,
agham o siyensiya, kasaysayan, Gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan,
panahon at iba pa.
2.Ang _______________________ay tumutukoy sa tekstong naglalahad ng
katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap,
nagaganap o magaganap pa lamang.
3.Ang _______________________ay maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iginuhitkung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin
nila ang orihinal na pinagmulan nglarawan.
4. Limang Pangunahing Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal.
4.______________________________
5.______________________________
6. ______________________________
17
7.______________________________
8.______________________________
9. Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ang mga bagay
na kanyangnaranasan, naalala o narinig kaya gumagamit ng panghalip na ako.
10. Ang _______________________ o kontrabida ay siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan.

Subukan NATIN: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga


pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anaphora o katapora
_______________1. Siya ay huwarang pinuno ng bayan,sapagkat namuhay si
Jesse Robredo nang may katapatan sa sinumpaang serbisyo.

_______________2. Isa sa mga pangunahing pinagkikitaan ng buwis ng bansa


ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa.

_______________3. Sa panahon ng kanyang panunungkulan,pinatunayan ng


dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa
Pilipinas.
_______________4. Lubos ang pasasalamat nila,dahil na rin sa patuloy na
pagsuporta hindi lamang ng mga taga-Naga gayundin ang sambayanang
Pilipino sa pamilya Robredo.
_______________5. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.
Gayunpaman,tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na
mapagtibay ang kalayaan ng Pambansang Krus na Pula.

_______________6. Si Rita’y nakapagturo sa paaralang-bayan,diyan siya


nakilala ng iyong anak.

_______________7. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo


kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.

_______________8. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa


bansa kaya ang terorismo ay patuloy na s
inusugpo ng Administrasyong arroyo.

_______________9. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na


Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko
noon.

_______________10. Sa panahon ng kanilang pag-aaral,matinding


pagsusunog ng kilay ang kailangan upang makamit ng mga mag-aaral ang
inaasam na diploma.

Gawain 4: Pagsulat ng komposisyon: Isulat ito sa ibaba.


1. Mag-isip ng isang isyu ng mga pangyayari para sa pagsulat ng isang argumentatib na
komposisyon.
2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may pagsasaalang-alang sa mga katangian ng isang
tekstong argumentatib.
3. Ikritik ang iyong sariling komposisyon at pagkara’ay ipabasa sa iyong mga kasamahan sa
bahay at tanungin ang kanilang reaksyon o masasabi sa iyong isinulat. (Isulat ang kanilang
reaksyon sa ibang papel)
4. Pagkatapos ipunin ang iyong mga sulatin at ang guro ang huling magkritik sa iyong sinulat.

Sa bahaging ito gumawa ng isang tekstong prosidyural kung paano magsaing


ng kanin. Isulat ito sa ibaba.
Filipino sa Piling Larangan
Gawain 1: Batay sa nabasa at napag-aralang katuturan,layunin at kahalagahan ng
pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong ng wastong paggamit ng wika.
1. Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?

.
2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at
hubuging lubos ? Bakit?

.
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?

.
4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa
ang layuning personal at panlipunan? Bakit?

.
5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang
ito? Ipaliwanag ang iyong sagot

PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawa ng


akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at
kaalaman ukol dito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.
A.Panunuring Pampanitikan F.Pamanahong papel
B.Bibliyogarapiya G.Disertasyon H.Pagsasaling-wika
I.Aklat
C.Tesis D.Artikulo
J.Abstrak
E.Konseptong papel
1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo.
May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng
ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa
isang balangkas o framework.
3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang
manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong
pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng
kursong Batsilyer at Masterado.
4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong
doktor.
5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng
manunulat.
6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag
sa ibang anyo ng wika.
7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng
karunungan
(Maaaring pahayagan, magasin, at iba pa).
8. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman sa
iba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan, isports,
negosyo, at iba pa.
9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o
pablikasyon. Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang
proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial
essay, lakbay- sanaysay at abstrak.
10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga
report.

Gawain 2: PAKIKIPANAYAM SA GURO :


Kapanayamin /interbyuhin mo ang isa sa iyong mga guro tungkol sa kanyang
Bionote. Maghanda ka ng mga makabuluhang tanong na may kaugnayan sa
kanyang propesyon bilang guro.Sundin ang mga pamantayan sa wastongparaan ng
pakikipanayam at sa wastong pagsulat ng bionote .Isulat ito sa ibaba at sikaping
lakipan ito ng larawan ng kinakapanayam mo.

Panuto : PAGKILALA SA PAKSA:Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng
angkop na sagot.Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-
katulad ito sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o
pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang
kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at kadalasan ay
may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng mga
sulating papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.AkademikoD.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin
nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.tambalan
_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa
ukol sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo

Gawain 3: Sumulat ng isang talumpati tungkol sa pandemya.


Sagutin mo ang lahat ng aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa .
a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu o pangyayari.
a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang paniniwala nang mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katwiran
at mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang.
4. Ang layunin ng talumpating ito ay magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan .
a. pampasigla b. papuri c. panghikayat d. panlibang
5. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.

a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri


6. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang
7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa ng biglaan o walang paghahanda na
nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan .
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati

8. Ito ay mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati
9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aralan ito ng mabuti at dapat na nakasulat .
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati

10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay ng biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita .
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati
Gawain 4: Panuto : KATANGIAN NG ADYENDA : Suriin ang
kahulugan ,kalikasan , mga katangian , layunin , gamit anyo (porma) ng Adyenda .
Sundin ang tsart at isulat ito sa papel o bondpaper.

Adyenda

Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)
Panuto A: PAGKILALA SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman
sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Pumili ng sagot sa loob ng
panaklong
(Memorandum, Adyenda, Katitikan ng Pulong)
__________________1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
__________________2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
__________________3. Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
___________________4. Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa
pulong.
__________________ 5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
__________________ 6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na
tatalakayin sa pulong.
__________________ 7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa
pinakamahalaga hanggang sa simpleng usapin.
___________________ 8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
__________________ 9. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na
alituntunin.
___________________10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
___________________11. Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng
pulong ang higit na mahalagang paksa
___________________12. Isang paalala sa sulating ito na, bago ang pulong, magpasiya kung
anong paraan ng
pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
___________________13. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat
isakatuparan gaya
halimbawa sa pagdalo sa isang pulong.
___________________14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit
maging flexible kung kinakailangan.
___________________15. Buuin agad ito pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.

You might also like