You are on page 1of 18

8

Filipino
Unang Markahan Modyul 1
Unang Linggo

Ang Wika
Ang wika ay isang
masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos paraang
arbitraryo upang magamit
ng mga tao sa

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS

1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

1
Alamin Natin

Ang Pilipinas ay naging sentro ng kalakalan ng iba’t ibang lahi sa mundo


kasabay nito ang pagkakabuo ng sibilisasyon ng bansa. Kaalinsabay ng
pagkakatatag ng sibilisasyon ang pagkabuo ng panitikan sa bansa.

Sa modyul na ito ating tuklasin ang mga akdang naisulat ng ating mga
ninuno at alamin ang kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon. Sa pag-unawa
natin sa ang mga akda ay tuklasin ang mga nangyari noon at maihambing ang
kasalukuyan.

Ang aralin na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral


na maunawaan ang iba’t ibang karunungang bayan na naging salamin ng
pamumuhay ng ating mga ninuno at kung paano ito napananatili sa mga Pilipino
hanggang sa kasalukuyan. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-
aaral tulad ng pagbabasa, pagbuo ng malikhaing pag-iisip at pagsusuri ng mga
akdang pampanitikan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga


karunungang-bayang napakinggan (F8PB-Ig-h-24)

2. Nauugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang


bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukyan (F8PB-Ia-c-22)

1
Subukin Natin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang lebel
ng iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____1. Sa kanila nagmula ang unang panitikan ng mga Pilipino.
A. Indian C. Ninuno
B. Korean D. Amerikano
_____2. Anong karunungang bayan na payak ang kahulugan at karaniwang
namumuna sa kilos, ugali at gawi ng isang tao?
A. Sawikain C. Bugtong
B. Salawikain D. Kasabihan
_____3. Anong pangkat ng mga tao ang nagpasimula ng panitikan sa Pilipinas?
A. Malay C. Negrito o Aeta
B. Espanyol D. Indones
_____4. Sagutin ang bugtong: “Yumuyuko man ang reyna, di malalaglag ang
korona.”
A. santol C. kalabasa
B. bayabas D. niyog
_____5. Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikang idinadaan sa
pamamagitan ng pagsagot o paghula na nangangailangan ng malalim na
pag-iisip.
A. karunungang-bayan C. kuwentong-bayan
B. alamat D. epiko
_____6. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Ang taong gipit, sa patalim
kumakapit.”
A. Kapag may hawak siyang patalim, siya ay gipit.
B. Kapag gipit ang isang tao, humahawak siya ng patalim.
C. Ginagamit na dahilan ng taong gipit ang paggawa ng masama.
D. Ang taong gipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng masama.
_____7. Ito ay anyo ng karunungang bayan na naglalayong mangaral at akayin
ang kabataan tungo sa kabutihang asal.
A. salawikain C. bugtong
B. sawikain D. kasabihan
_____8. Sinong mga dayuhang mananakop ang nagpasunog at nagpasira ng
mga Panitikan sa Panahon ng katutubo?
A. Espanyol C. Amerikano
B. Indones D. Hapon
_____9. Isang karunungang-bayan na patalinghaga at nasa anyong patanong na
humihingi ng kasagutan.
A. salawikain C. bugtong
B. sawikain D. kasabihan

2
_____10. Ang kahulugan ng pahayag na ito: “Putak putak batang duwag,
matapang ka’t nasa pugad” ay_____.
A. Matapang lamang sa pagsasalita dahil nasa kanyang teritoryo.
B. Pumuputak siya kapag siya’y naduduwag.
C. Matapang dahil nasa sariling pugad.
D. Siya’y isang ibon na putak ng putak.
_____11. Noong unang panahon ay wala pang papel. Saan sinusulat ng ating
mga ninuno ang kanilang mga panitikan?
A. sa bato at sa kawayan
B. sa dahon ng saging
C. sa manila paper
D. sa bakal
_____12. “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo” ay halimbawa ng:
A. salawikain
B. bugtong
C. sawikain
D. sasabihan
_____13. Ano ang nais ipabatid ng pahayag: “may gintong kutsara sa bibig”.
A. ginto ang kanilang kutsara
B. mayaman o maraming pera
C. nilagyan siya ng kutsara sa bibig
D. iniyayabang ang gintong kutsara sa bibig
_____14. Isang pamamaraan sa pagbigkas ng karunungang-bayan ay ang hindi
paggamit ng mararahas na salita upang makaiwas na makapanakit ng
loob.
A. sawikain C. bugtong
B. salawikain D. kasabihan
_____15. Ang mga sumusunod ay layunin ng panitikan maliban sa:
A. maipabatid ang saloobin
B. masalamin ang kaugalian
C. maipahayag ang kaisipan
D. makabuo ng isang samahan

3
Aralin
Karunungang Bayan
1
A. Panitikan: Karunungang Bayan
Mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
mga karunungang bayan

Balikan Natin

Gawain 1

Balikan natin ang sinaunang panitikan ng Pilipinas. Ang sumusunod ay ang


mga pangkat ng dayuhan na nakapag-ambag sa ating panitikan. Alamin natin
kung ano ang mga naiambag nila at ano ang mga bagay na nagpapakita ng
impluwensya ng mga dayuhan. Maaari kang sumangguni sa internet o kaya’y
magtanong sa mga kasamahan sa bahay o kakilala.

Tuklasin Natin

Gawain 2

Basahing mabuti ang bawat pangungusap o pahayag. Narinig o nabasa


mo na ba ang sumusunod? Kung oo, lagyan ng tsek ( / ) ang kahon sa tapat ng
mga salita o pahayag. Kung hindi, lagyan ito ng bantas na (?).

4
⬜ Nariyan na si Kaka bubuka-bukaka.
⬜ Bulang-gugo
⬜ Bato-bato sa langit, ang tamaa’y huwag magalit
⬜ Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin
⬜ Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan

Pumili ng isang pahayag na pamilyar sa iyo at ipaliwanag ang kahulugan nito sa


pamamagitan ng tatlong pangungusap.

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

______________________________________________________________

Talakayin Natin

Gawain 3
Mahusay na pagtuklas sa bagong aralin. Palawakin pa natin ang iyong kaalaman.
Tulungan mo ang mag-aaral na si Kaloy sa pagsagot sa mga madadaanang paskil
sa kanilang bayan patungong paaralan. Ikaw ang kanyang gabay patungong
paaralan dahil kung siya’y magkakamali ng sagot maaari siyang maligaw at hindi
makapasok sa paaralan. Handa ka na ba?

Napansin mo ba ang ilan sa mga pahayag sa mga paskil sa binasa mong


gawain? Maaring napaisip ka sa kahulugan ng ilang pahayag. Upang mas
maliwanagan ka sa mga tanong na gumugulo sa iyong isipan, talakayin natin ang
aralin tungkol sa Karunungang Bayan. Basahin at tukuyin kung anong uri ng
karunungang bayan ang mga nabasa mo sa naunang gawain.

5
Halimbawa:
- Parang natuka ng ahas. - natulala
- Itaga mo sa bato. - pakatandaan.
- Bulang-gugo. – gastador

Halimbawa:
“Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”
“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan,
di makakarating sa paroroonan.”

6
Halimbawa:
“Baboy ko sa pulo, balahibo’y pako.” –Langka
“Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.” – Pluma
“Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.” -Kandila

Halimbawa:
“Putak putak batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad.”
“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.”
“Kasama sa gayak, ‘di kasama sa lakad.

Pagyamanin Natin

Matapos nating matuklasan ang iba’t ibang karunungang bayan sa ating


panitikan ay subukin naman natin ang mga natutuhan mo sa talakayan sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyo.
Gawain 4
Sa pagsasanay na ito, masusubok mo naman ang iyong galing sa pagsagot
sa mga bugtong. Suriin mo kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag at hulaan mong mabuti ang kasagutang hinihingi sa tulong ng mga kahon
na kasunod nito.

7
1. Sapagkat lahat na ay nakahihipo;
Walang kasindumi’t walang kasimbaho;
Bakit mahal nati’t ipinakatatago?
2. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.

3. Halaman ng dunong, walang dilig maghapon,


araw - araw kung bilangin isang taon kung tapusin.

4. Sa umaga’y apat ang paa, dalawa sa tanghali at tatlo sa


gabi.
5. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay,
Mabilog na parang buwan, mukha’y may bilang.
Gawain 5
Sa bahaging ito, palawakin mo pa ang iyong natutuhan at talasan ang
iyong mga mata. Hanapin sa puzzle ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.
Bilugan ito at isulat sa patlang na nakalaan.

V O P A A S P B N M A W K C T I A B A M

B B W I M P O S I B L E H D A Q E Y I M

I M E E S N O V B M Q T Z Y W E W H G Z

O E R E H A A I G L A P W N A M A Y A M

W E E X L G D H Y U I A Q A H V W T D Y

W Q T U M A T A B A L R A Y J M E T T Y

T R I V H R A S R H H I A U L I B I N G

G F T C H A S T I O E H G A M O U L A O

I V E C C L D O A E G A O G E H E O E G

S I B N E F E R E R T M U M J G H O K A

1. Mukhang napabayaan ka ata sa kusina!_________________________


2. Nagsunog ako ng kilay kagabi.________________________________
3. Sa isang kisap-mata ay pumuti ang uwak. ______________________
4. Pambihira kasi, ikaw ay nakahiga sa salapi samantalang kami ay mga
anak dalita lamang._________________________________
5. Sa kanyang huling hantungan ay maraming pumunta sapagkat siya ay
may pusong-mamon.__________________________________
Batid kong marami ka nang natutuhan sa pagpapatuloy ng ating pagsasanay.
Bilang karagdagan, bumuo ng story board mula sa mga sawikain na ginamit sa

8
katatapos pa lamang na gawain. Palawakin ang iyong imahinasyon. Tara na at
paunlarin pa ang iyong kasanayan!

Gawain 6
Ayusin ang mga ginulong salita upang mabuo ang sawikain sa bawat bilang.
Isulat sa patlang ang mabubuong sawikain at sa gilid ng kahon ay ipaliwanag ang
nais ipakahulugan nito.

may madudukot kung 1.


ng sinuksok may

haba-haba ng kay man tuloy 2.


simbahan prusisyon sa ang din

aanihin ano kung ay siyang 3.


ang itinanim

Gawain 7
Sa puntong ito naman ay magbabasa tayo ng isang tula kung saan
nakapaloob ang ilang kasabihan. Hanapin ang kasabihang ito at iugnay sa
kasalukuyang buhay ninyo bilang isang kabataan.

Sa Aking Mga Kabata


Ni: Herminigildo Cruz
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kaayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila at sa salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

9
Anong kilalang kasabihan ang nabanggit sa tula ni Herminigildo Cruz na
matatagpuan sa ikatlong saknong ng tula? Isulat ito sa kahon na inilaan.

_______________________________
_______________________________

Sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap lamang, maglahad ng


iyong karanasan na may kaugnayan sa kasabihang ito. Isulat ang iyong sagot sa
kahon na nasa ibaba.

Gawain 8
Halina’t suriing mabuti ang kahulugan ng mga karunungang bayan sa bawat
bilang. Isulat sa patlang ang letra ng iyong sagot.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Ang batang makulit, A. Hindi natin alam ang kayang
napapalo sa puwit gawin ng mga taong tahimik.
_____ 2. kilos pagong B. mais
_____ 3. Hindi hayop, hindi tao, C. mabagal kung kumilos
Buhok ay ginto.
_____ 4. Ang taong walang kibo, D. Naparurusahan ang batang
Nasa loob ang kulo. gumagawa ng ‘di matuwid

Tandaan natin

Gawain 9
Binabati kita! Dahil sa husay na iyong ipinamalas narating mo ang bahaging
ito ng modyul. Sa puntong ito ay ibahagi mo ang iyong mga natutuhan mula sa mga
pagsasanay na iyong naisagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng pahayag na nasa
loob ng kahon.

10
Isabuhay natin

Gawain 10
Nalaman natin ang malaking nagawa ng karunungang bayan sa paghubog ng
kamalayang tradisyunal ng ating mga ninuno. Muli nating balikan at paunlarin ito
sa pamamagitan ng pagbuo ng sarili nating karunungang bayan. Ngayon na
kinakaharap ng ating bansa ang hamon ng nakamamatay na pandemya, marami
sa atin ang mayroong iba’t ibang karanasan kaugnay dito. Bilang tugon, gumawa
ka ng halimbawa ng karunungan bayan na maaaring iugnay sa paksang ito at
ipaliwanag ang nilalaman nito.
KARUNUNGANG BAYAN PALIWANAG

Rubric o Pamantayan sa pagbuo ng sariling Karunungang bayan at


pagpapakahulugan dito.

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailan


(5) (4) (3) gan pa ng
pagsasanay
(2)

Kaangkupan ng paksa sa
kasalukuyang panahon

Kawastuhan sa pagbuo ng
karunungang bayan

Orihinalidad

Naiuugnay sa kasalukuyang
panahon

Pagkamalikhain

Matapos nating talakayin, pag-aralan at mapunan ang iyong isipan ng mga


karunungan, muli nating sukatin ang lawak ng iyong kaalaman ukol sa aralin.

11
Tayahin Natin

Gawain 11
A. Tukuyin kung anong Karunungang Bayan ang sumusunod na pahayag. Isulat
sa patlang ang letra ng tamang sagot
A. Salawikain B. Sawikain C. Kasabihan D. Bugtong
__________1. Kaibigan kung mayroon, kung wala’y sitsaron.
__________2. Parang di makabasag pinggan ang kapatid niya.
__________3. Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay nakaupo na.
__________4. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
__________5. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.
__________6.Takbo dito, takbo doon, di makaalis sa tayong ito.
__________7. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.
__________8. Ang aming ilaw ng tahanan ay may pusong mamon.
__________9. Puri sa harap, sa likod palibak.
__________10. Kung maikli ang kumot, matuto kang mamaluktot.
B. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Ang mga sumusunod ay angkop na pahayag sa karunungang-bayan
maliban sa:
A. Ito ay bahagi ng katutubong panitikan.
B. Ito ay pinag-ugatan ng panulaang Pilipino.
C. Nagpapamalas ng talas at tayog ng kaisipan ng ating mga ninuno.
D. Ito ay nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng kaisipang nakabilang sa bawat
kultura ng isang tribu.
12. Ang tawag sa mga malumanay na salita o pahayag na ipinapalit upang
maiwasan ang makasakit ng damdamin.
A. Salawikain C. Kasabihan
B. Tula D. Eupemismo
13. Ang ______ ay ang mga butil ng karunungang nagsisilbing batas o tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno, kadalasang nagtataglay ng sukat at
tugma.
A. Tula C. Salawikain
B. Awit D. Sawikain
14. Ito ay karaniwang binubuo ng salita o parirala na nagbibigay ng malalim na
kahulugan.
A. Sawikain C. Tula
B. Eupemismo D. Salawikain
15. Upang maging malumanay at mas magaan ang dating ng sasabihin, sa halip
na sabihing “gutom na ako”, maaaring sabihin ang sumusunod maliban sa:
I. Maganda siguro, kumain na tayo.
II. Kumain na tayo, gutom na ako.

12
III. Kumain na ba kayo ng almusal?
IV. Hindi pa ba kayo nagugutom?
A. I
B. II
C. III
D. IV

Gawin natin

Gawain 12
Mula sa iyong kinabibilangang lugar o bayan, magtanong-tanong sa mga
nakakatanda ng mga karunungang bayan na kanilang nalalaman at
pinaniniwalaan. Ilista sa isa ibaba ang mga nakalap na sagot.
SALAWIKAIN SAWIKAIN
1._____________________________ 1._____________________________
_____________________________ _____________________________
2._____________________________ 2._____________________________
_____________________________ _____________________________
3._____________________________ 3._____________________________
_____________________________ _____________________________
4._____________________________ 4._____________________________
_____________________________ _____________________________
5._____________________________ 5._____________________________
_____________________________ _____________________________

KASABIHAN BUGTONG
1._____________________________ 1._____________________________
_____________________________ _____________________________
2._____________________________ 2._____________________________
_____________________________ _____________________________
3._____________________________ 3._____________________________
_____________________________ _____________________________
4._____________________________ 4._____________________________
_____________________________ _____________________________
5._____________________________ 5._____________________________
_____________________________ _____________________________

13
Repleksiyon sa Aralin
Gawain 13
Bahagi ng buhay ng isang Pilipino ang Karungang bayan, hindi man natin
napapansin ngunit ito ay ating kinalakihan na, kaya naman sa gawain na ito ay
pumili ng tig-iisang halimbawa sa bawat uri ng karungang bayan at iugnay sa
nakagawian o nakalakihang paraan ng pamumuhay.Itala ang sagot sa inilaang
kahon.

Hal. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa


paroroonan.

Kaugnayan sa nakagawian: Pagtanaw ng utang na loob sa mga nakatulong sa


buhay.

Para sa kabuuang pagkaunawa sa aralin, pumili ka ng isang pulso sa


naging daloy ng talakayan at gawain. Lagyan ng tsek sa gilid at isulat mo sa
ibaba ang maikling paliwanag sa napiling pulso.

PULSO NG MAG-
AARAL

Madali Katamtam Mahirap


an

_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

14
Sanggunian
● https://www.slideshare.net/earnice18/grade-8-filipino-module
● https://youtu.be/PNAwLCrhBmY
● Baisa-Julian, Ailene G., Del Rosario Mary Grace G., Lontoc, Nestor S,
Dayag, Alma M., 2005.Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing
House Inc, 927 Quezon Ave., Quezon City
● Bilasano, Jose B. Ang Batikan(Bolyum XVII.BLG1) Educational
Resources Corp. 11-B Sunrise Drive, 1111 Cubao, Quezon City

15
Development Team of the Module
Writers: CHRISTINE JOY L. LLAVER
JOANNE C. BLASÉ
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBALCION
RHAXELL A. SAŇGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: RHAXELL A. SAŇGA


Layout Artist: JOSEPH B. SON
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

16

You might also like