You are on page 1of 19

Alamin Natin

Isa sa mga Karapatan ng tao ay ang malayang makapagpahayag ng


kanyang ideya o tinatawag na Freedom of Speech na sa paglipas ng
panahon ay may malaking tulong sa mga tao at kung minsan ay inaabuso.
Mahalaga na kaalaman sa wastong pagbuo ng mga pahayag tulad ng
katuwiran at opinyon.
Sa Modyul 2 ay matutunghayan natin ang isa sa mga mayaman na
tradisyon mula sa tulang tatalakayin. Isa sa mga kinagigiliwan ng mga
kabataan ngayon ay ang magbigay ng opinyon sa mga usapin na
naglalaman ng maraming ideya, at ang kanilang mga sinasabi o
ipinaglalaban sa isang talakayan.
Isa sa mga uri ng panitikan ay kakikitaan ng pagpapahayag ng
kanilang damdamin at lalong magpatalas ng kanilang kaalaman. Ito ay isang
paraan upang lalong tangkilikin ang tradisyon ito. Ikaw mahilig ka ba sa flip-
top, debatehan at kahit anong uri ng pagtatalo na naglalahad ng ideya.

Sa pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang
palitan ng katwiran (F8PN-llc-d-24)
2. Naibibigay ang opinyon at katwiran tungkol sa paksa ng balagtasan
(F8PB-llc-d-25)

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Subukin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang


lebel ng iyong kaalaman sa tatalakayin nating aralin. Bilugan ang
titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng patula ?


A. duplo C. tula
B. balagtasan D. epiko
2. Ang unang balagtasan ay naganap noong ______________?
A. Abril 6,1924 C. Abril 24,1924
B. Abril 10,1924 D. Abril 22, 1942
3. Itinanghal bilang Hari ng Balagtasan ?
A. Manuel L.Quezon C. Florentino Collantes
B. Jose Corazon De Jesus D. Dr.Jose Rizal
4. Tinaguriang ama ng Balarila Filipino
A. Lope K. Santos C. Rosa Sevilla Alvero
B. Jose Corazon De Jesus D. Florentino Collantes
5. Ito ay impormasyon na nakabatay sa saloobin at damdamin ng tao?
A. opinyon C. katotohanan
B. pahayag D. kalagitnaang.Katotohanan
6. Isa itong pahayag na nagsasaad na mayroong basehan o kompletong
impormasyong pinagkukunan.
A. katototohanan C.pahayag
B. opinyon D. kalagitnaan
7. Ito ay isang uri ng panitikan na nangangailangan ng kilos o galaw at
itinatanghal sa entablado.
A. balagtasan C.duplo
B. tula D. dula
8. Ang awtor ng Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.
A. Jose Corazon de Jesus C. Florentino Colllantes
B. Jose Rizal D. Eduardo de Jesus
9. Sino ang pangulo ng Samahang Kapulungang Balagtasan?
A. Lope K.Santos C. Rosa Sevilla Alvero
B. Francisco Balagtas D. Florentino Collantes
10. Ang pangungusap na, Tunay na kahanga-hanga ang mga tanawin na
nakikita natin sa Eagle Farm ay halimbawa ng ______________.
A. pagsang-ayon C. pagsalungat
B. opinyon D. katotohanan
11. Sa pangungusap na “Tunay na napakahirap nang buhay habang may
pandemya”. Ang salitang may salungguhit ay nagsasaad ng_______
A. pagsang-ayon C. katotohanan
B. opinyon D. pagsalungat
12. Ang salitang paninibugho ay nangangahulugan ng ____________
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
A. pagkainggit C. pagkamuhi
B. pagkasuklam D. pagkainis
13. Ang Karagatan, Balagtasan, Batutian at Duplo ay umusbong sa
Panahon ng _____________
A. Amerikano C.Espanyol
B. Komonwelt D. Kastila
14. Ang mga salitang tama , totoo, sadya at tanggap ay halimbawa ng
A. pagsalungat C. pagsang-ayon
B. katotohanan D. opinyon
15. Ang salitang ayaw , wala, hindi ay halimbawa ng
A. pagsang-ayon C.pagsalungat
B. katotohanan D. opinyon

Aralin
BALAGTASAN
2
Balikan Natin

Gawain 1
Ang kahusayan sa pagbigkas ng tula ay isa sa mga talento na itinuro
ng ating mga ninuno. Ang tula ay isa sa mabisang paraan ng pagpapahayag
ng nilalaman ng ating saloobin at damdamin. Muli natin balikan ang mga
sangkap ng tula. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

Maganda ang araw, kung sumusungaw na


Sa likod ng bundok ay nakangiti pa
Magaganda ang buwan, parang tumatawa
Sa hihigang pilak, kung nagpapahinga
B
ahagi “Maaganda ang Lahat”
tula Ni Rufino Alejandro

Mga Tanong:
1. May tugmaan ba ang mga salita sa dulo ng bawat taludtod?
2. Anong istilo ng tugmaan ang ginamit sa tula?

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
3. Ano ang sukat ng bawat taludtod ng tula?
4. Ilang taludtod mayroon ang saknong ng tula?
Magaling at nasagutan mo ang bawat tanong. Marami kang natutuhan
sa nakaraang aralin kaya naman dagdagan mo pa ito sa pamamagitan ng
pagsagot at pagbabasa sa gawain.

Tuklasin Natin

Gawain 2
Sa bagong kadawyan o New Normal na pamamaraan ng pag - aaral
marahil ito ang laman ng usapan ninyo at ang mga dinaranas na
pagbabago. Sari - sari ang opinyon at paniniwala ng mga tao sa ganitong
pagbabago. Ang tanong, sa mga naririning o nababasa mong opinyon
tungkol sa bagong paraan ng pag-aaral, ano ang papanigan at sasang-
ayunan mo? Basahin ang isang artikulo tungkol sa ipinatupad na paraan ng
pag-aaral sa kabila ng pandemya sa bansa.
NASAAN NA NGA BA TAYO, KAYA NA BA?
ANDREI RAFAEL FABELLON | SAN BEDA UNIVERSITY – MANILA

Kung ako ang tatanungin ninyo, nandito lang ako sa aming


maralitang tahanan, nakaupo habang tinatamasa ang mga pribilehiyong
ibinigay sa akin ng aking mga magulang habang naghihintay ng muling
pagbabalik ng klase sa makalawa.
Ikaw, nasaan ka? Bayan, nasaan na tayo?
Ilang buwan na rin ng simulan kong ikulong ang aking sarili sa
aming tahanan upang maiwasan ang sakit na dulot ng pandemya, ngunit
ako’y napaisip kung papaano na ang mga kapwa kong mag-aaral na salat
at hindi kayang sumabay sa agos ng tinatawag nilang “new normal”?
Kung ako’y inyong tatanungin kung ikinatuwa ko ba na habang
ako’y ligtas sa pandemya at nagmumuni-muni lamang kasama ang mga
pribilehiyong inilatag sa akin, ang sagot ko ay hindi. Hindi sapat na ako at
siya lang ang may pribilehiyo, dapat tayong lahat.
Ngayon, bayan, kaya na ba nating tugunan ang mga
pangangailangan ng mga estudyante?
Habang hindi pa maayos ang internet sa bansa, habang may
porsyento pa rin ng paaralan sa bansa ang walang internet, at habang
may mga komunidad pa rin na walang kuryente, ay sa tingin ko hindi tayo

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
magiging handa.
Sa pagtawag ng pansin ng ating presidente sa mga
telecommunications companies sa bansa upang mabigyan ng agarang
solusyon ang problema sa koneksyon ng internet, magkakaroon nga ng
pagbabago?
Is change really coming sa koneksyon ng internet?
Tayong mga estudyante ba’y dapat na umasa sa mas mabilis na
koneksyon bago ang pagbubukas ng susunod na taong panuruan?
Habang tayo’y nag-aabang ng mga tulong at pagbabago,
inaanyayahan ko ang aking mga kapwa mag-aaral na kung hindi man
marinig ng nasa puwesto ang sigaw nating #AcademicFreeze, tayo’y
sama - sama upang maipaabot sa mga may awa ang pangangailangan ng
ating mga kapwa mag-aaral.
Ikaw, kung nasa bahay ka lang naman at hawak - hawak ang iyong
selpon, gamitin mo naman muna iyan upang makibaka kasama ng ating
mga kapwa estudyante na sila’y mabigyang pansin.
At upang sa oras na ika’y tanungin ni Dr. Jose Rizal kung nasaan
na ang mga kabataang pag - asa ng bayan, ang iyong maisasagot ay
nasa mabuti tayong kalagayan, hindi lang ako at ikaw kundi tayong lahat.

https://thepost.net.ph/opinion/letters-of-youth/nasaan-na-nga-ba-tayo-kaya-na-ba/

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang pribelehiyong binabanggit sa artikulo?
2. Ano ang paksa ng artikulo? Magbigay ng mga patunay na pangungusap.
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong sagot sa pamagat ng artikulong
binasa?
4. Ayon sa nabasa mong opinyon, bumuo ng dalawang tanong na nais
mong ipaalam sa Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagbabago ng
paraan sa pag-aaral?
Gawain 3
Mula sa binasang artikulo at tukuyin ang mga pangungusap o
pahayag na sa tingin mo ay nagpapahayag ng opinyon. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Talakayin Natin

Gawain 3
Ikaw ba ay may hinahangaan ? Kapag siya ay iyong nakikita, ikaw
ba ay kinikilig, kinakabahan at nagagalak. Huwag mahiya dahil karaniwan
lamang iyan kasalukuyang edad mo. Naniniwala ka ba sa kasabihan na
“Walang pusong hindi kayang palambutin ng tapat na paggiliw”? Naks!
Nakakikilig na marinig hindi ba?
Ngayon, bilang patunay ng husay at galing ng isang Pinoy
pagdating sa suyuan, ating basahin ang isang akda na naglahad ng
pakikipaglaban para pag-ibig ng kaniyang minamahal.

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan


ni: Jose Corazon de Jesus

LAKANDIWA: …KARUGTONG
Yamang ako’y siyang Haring inihalal ang unang halik kong katamis-tamisan
binubuksan ko na itong Balagtasan, sa talulot niya ay nakalarawan.
lahat ng makata’y inaanyayahang
sa gawang pagtula ay makipaglaban. PARUPARO:
Akong malapit na’y napipintasan mo,
Ang makasasali’y batikang makata ikaw na malayo naman kaya’y pano?
at ang bibigkasi’y magagandang tula, Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino
magandang kumilos, may gata sa dila ay ubos na pala yaong kanyang bango.
at kung hindi naman ay mapapahiya.
Bubuyog na laging may ungol at bulong
Itong Balagtasa’y galing kay Balagtas ay nakayayamot saan man pumaron,
Na Hari ng mga Manunulang lahat, at ang katawan mo ay mayrong
ito’y dating duplong tinatawag-tawag karayom
Balagtasan ngayon ang ipinamagat. pano kang lalapit, di naduro tuloy?

i ka humahalik sa mga bulaklak,


At sa gabing ito’y sa harap ng bayan
talbos ng kamote ang siya mong liyag,
binubuksan ko na itong Balagtasan
ang mga bintana’y iyong binubutas,
saka ang ibig kong dito’y pag-usapan:
doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,
Tinatawagan ko ang mga makata,
iyong mga bulong ay naririnig ko;
ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
kung dinig ng lahat ang panambitan mo
lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.
at magbalagtasan sa Sariling Wika.
BUBUYOG:
PARUPARO:
Kundi naiibig ang nakikiusap
Magandang Gabi po sa kanilang lahat Mga
lalo ang tahimik na tapat-tapat,
nalilimping kawal ni Balagtas,
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Ako’y paruparong may itim na pakpak kung ang magsalita’y di magtamong-
At nagbabalita ng masamang oras palad
lalo na ang dungong di makapangusap
Nananawagan po, bunying Lakandiwa,
ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Lilipad-lipad ka na payao’t dito
naging paru-paro sa gitna ng tula pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
at isang bulaklak ang pinipithaya. pagligaw-matandang sa panahong ito
pagtatanawan ka ng liligawan mo.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog


laon nang panahong nagtampo ang bango, nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
ngunit aywan baga’t sa sandaling ito ngunit saang panig nitong sansinukob
ay may kabanguhang binubuhay ako. nakakatuwaan ang paris mong uod?

May ilang taon nang nagtampo sa akin Saka, Paruparo, dapat mong malamang
ang bango ng mga bulaklak sa hardin, sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,
luksang Paruparo kung ako’y tawagin, ang panyong panali nang ikaw ay takpan
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim, ikaw ang may sabing may lason pang
taglay.
Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,
yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo, PARUPARO:
at si Lakan-ilaw ang gagamitin ko Ganyan ang hinalang namugad sa
upang matalunton ang naglahong bango. dibdib,
pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
LAKANDIWA: hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Sa kapangyarihan na taglay ko na rin ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.
ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
magtuloy po kayo at dito sa hardin, BUBUYOG
tingnan sa kanila kung sino at alin. Dadayain ka nga’t taksil kang talaga
At sa mga dahoy nagtatago ka pa
PARUPARO:
Sa aking paglanghap ay laon nang patay PARUPARO
ang bango ng mga bulaklak sa parang, Kung kayo’y dinaya’t ikaw ang tatawa
ngunit ang puso ko’y may napanagimpang Sa taglay kong bulo nilason na kita
bulaklak ng lahing kalinis-linisan.
BUBUYOG
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Pagkat ikaw’y taksil , akin si Kampupot
ubod ng ganda’t puti ang talulot, Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod
bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
kapatak poi to ng lupang Tagalog, PARUPARO
kapatak na luhang pangala’y kampupot. Bulaklak nga siya’y tako’y kanyang uod

Kung kaya po naman di ko masansala LAKANDIWA


ang taghoy ng dibdib na kanyang dinadaya, Tigil na bubuyog,tigil Paruparo
matapos na siya’y diligin ng luha Inyo nang wakasan iyang pagtatalo
nang siya’y umunlad, nagtago… nawala! Yamang di nalalaman ang may ari nito.
Kampupot na iya’y paghatian ninyo
Isang dapit-hapong palubog ang araw
sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, BUBUYOG
-- Paruparo, anya, kita’y tatalian, Kapah hahatiin ang aking bulaklak
ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Sa kay paruparo ibigay ang lahat
Ibig ko na ako’y magtiis ng hirap
Isang panyong puting may dagta ng lason Kaysa ang talutot niya ang malagas
ang sa aking mata’y itinakip noon,

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
at ang bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
nagtago pa mandin at aking hinabol, PARUPARO:
Kung hahatiin po’y ayoko rin naman
Hinabul-habol ko ang bango at samyo pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
hanggang makarating ako sa malayo, kabiyak na kampupot, aanhin ko iyan
at nang alisin na ang takip na panyo o buo o wala nguni’t akin lamang.
wala si Kampupot, wala yaring puso.
LAKANDIWA:
Ang taguang biro’y naging totohanan Maging si Solomong kilabot sa dunong
hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, dito’y masisira sa gawang paghatol;
at ang hinagpis ko noong ako’y iwan, kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
baliw na mistula sa pagsisintahan. ngunit kung hatii’y kapwa tumututol.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ipahintulot pong sa mutyang narito


ay siya ang laging laman niring isip, na siyang kampupot sabihin kung sino,
matulog man ako’y napapanaginip, kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. o kung si Bubuyog, o si Paruparo.

Sa apat na sulok ng mundong payapa kAMPUPOT:


ang aking tulang nabandila, Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,
Paruparo akong sa mata’y may luha, ang araw, ang buwan sa gabing tahimik,
ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. at si Bubuyog po’t Paruparong bukid,
ay kapwa hindi ko sila iniibig.
Ang sakdal ko’y ito, Lakandiwang mahal,
ibalik sa akin, puso kong ninakaw, PARUPARO:
at kung si Kampupot ay ayaw po naman, Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,
ay ang puso niya sa aki’y ibigay. limot mo na baga ang aking pagliyag?
limot mo na bagang sa buong
magdamag
BUBUYOG: pinapayungan ka nga dalawang
Hindi mangyayari pagkat puso niya’y pakpak?
karugtong ng aking pusong nagdurusa,
puso ni bulaklak pag iyong kinuha KAMPUPOT:
ang lalagutin mo dalawang hininga. Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong
sa hamog ng gabi ay may
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig nagkakanlong,
pag pinaghiwalay, kapanga-panganib, ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
dagat may hatiin ang agos ng tubig, at di inakala na sinuman yaon.
sa ngalan ng diyos, ay maghihimagsik.
BUBUYOG:
Ang dalawang ibon na magkasintahan, At ako ba, Mutya, hindi mo na batid
papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, ang akin bang samo at mga paghibik
bangkay ang umalis, patay ang nilisan. na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?

Paruparong sawing may pakpak na itim KAMPUPOT:


waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, Tila nga, tila nga ako’y may napansing
at dahil sa diwang baliw sa paggiliw daing at panaghoy na kung saan galing,
di man Kampupot mo’y iyong ina angkin ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin
at di inakala na sinuma’t alin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
at sa kasawia’y magkauri tayo BUBUYOG:
ako ma’y mayroong nawawalang bango Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,
ng isang bulaklak kaya naparito. makapitong lumbay o hanggang
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap matapos.
bawat salita mo’y matulis na sibat,
saka ang hanap mong mabangong PARUPARO:
bulaklak,Luksang Paruparo, siya ko ring Dito natunayan yaong kawikaan
hanap. na ang paglililo’y nasa kagandahan.

(SABAY) BUBUYOG AT PARUPARO


Ipahintulot mo, Paruparong luksa, Ang iisang sanglang naiwan sa akin
dalitin ko yaring matinding dalita, ay di mananakaw magpahangang libing.
itulot mo rin po, hukom na dakila;
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. LAKANDIWA:
Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang
PARUPARO: nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay yaman ang panahon ay inyong sinayang
lalo’t magningning ang isang katwiran, kaya’t nararapat na maparusahan
ngunit tantuin mo na sa daigdigan Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo,
ang bawat maganda’y pinag-aagawan. ang iyong tulain ay Pagbabalik mo,
at ang Pasalubong sa babaing lilo,
PARUPARO: Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
Di ko pinipigil ang pagsasalaysay (Pagkatapos makatula ni Paruparo)
lalo’t magningning ang isang katwiran,
ngunit tantuin mo na sa daigdigan
.ang bawat maganda’y pinag-aagawaN LAKANDIWA:
Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,
LAKANDIWA: ay ikaw BUBUYOG ang tumula ngayon;
Magsalita kayo at ipaliwanag ang iyong tulain ay ang Pasalubong
ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
paano at saan ninyo napagmalas (Pagkatapos makatula ni Bubuyog)
na ito ang siya ninyong hinahanap.
Minamahal nami’t sinisintang bayan,
BUBUYOG: sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan,
at kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Sa isang malungkot at ulilang hardin ang hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
binhi ng isang halama’y sumupling, Katapusan
sa butas ng bakod na tahanan namin
ay kasabay akong isinisilang din

.Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,


lumaki rin ako’t tumibay ang pakpak,
at nang sa butas ko ako’y makalipad
ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


ang tamis ng aking halik na sariwa,
at sa aking bulong na matalinghaga
napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
langgam at tutubing dumapo sa ubod
sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan


habang ako’y kanlong sa isang halaman,

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
ang aking halakhak ay nakabulahaw

Ang inyong taguan, akala ko’y biro,


kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
ngunit nang ang saya’y tumagos sa puso
sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


giliw kong bulaklak di rin dumarating,
nang kinabukasa’t muling nangulimlim
ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


at tinalunton ko ang bakas ng ibig,
ang kawikaan ko sa aking pag-alis kung di ka
makita’y di na magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad


dito ko natunton ang aking bulaklak,
bukong sa halik ko kaya namukadkad
di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


iyan ang langit pag-asa at buhay,

Matapos mong mabasa ang pakikipaglaban ng kanilang pag-ibig sa


isang nilalang ay sagutin mo ngayon ang bawat katanungan na
magpapaunawa sa iyo ng nilalaman ng balagtasang nabasa.

Gabay na Tanong:
Basahin ang bawat tanong sa tabi ng mga larawan at sagutin ito sa
hiwalay na sagutang papel.

Ano ang nais ipahiwatig ng karakter na ito sa kanyang


sinabi na “ang puso ni Bulaklak pag iyong kinuha,
ang lalagutin mo’y dalawang hininga”?
Bakit kaya may pahayag ang karakter na ito na “At ang
hinagpis ko nooy ako’y iwan, Baliw na mistula sa
pagsisintahan”?

Anong damdamin ang pumapaimbabaw ng banggitin ng


karakter na ito na “Bubuyog po’t Paruparong bukid,
ay kapwa di ko sila iniibig”?

Balagtasan
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Ito ay isang anyo ng panulaang Pilipino na unang umusbong noong
1924. Hinango ang salita sa pangalan ni Francisco Balagtas bilang pagkilala
sa dakilang manunulat. Ito ay isang pagtatalo ng dalawang panig tungkol sa
isang paksa. Ipinapahayag ng mga manunulat o mambabalagtas ang mga
saloobin o pangangatwiran sa paraang patula. Si Jose Corazon De Jesus
ang itinanghal na hari ng Balagtasan. Ang matalik niyang katunggali ay si
Florentino Collantes.

Ang unang balagtasan ay naganap noong Abril 6, 1926. Ibinatay nila


ang anyo nito sa mga naunang uri ng patulang pagtatalo tulad ng karagatan,
huwego de prenda, at duplo. Ang mga kalahok ay nagpapagalingan ng
pagbuo at pagpapahayag ng mga patulang pangangatwiran. Nagbibigay ito
ng aliw sa pamamagitan ng katatawanan, simpleng pag-aasaran,
pambihirang talas ng isip at dramatikong paglalahad.
Binubuo ito ng taltong manunula; ang
dalawang magtatangol sa
magkakasalungat na panig, at isang
tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa.
Kadalasan may hiwalay na hurado na siyang
magpapasiya kung sino ang mananalo.

Sa makabagong panahon ay may


ipinagbago na din ang balagtasan, ito ay
tinatawag na Fliptop sa millennial na salita.
http://learningfragments.blogspot.com/2013/08/balagtasan.html

Elemento ng Balagtasan
1. Paksa pagtatalunan -maaring magkaiba-iba ng paksa ngunit Ito dapat ay
naayon sa tema ng programa
2. Mambabalagtas -sila ng bumubuo ng dalawang panig; sang-ayon at di
sang-
ayon
3. Lakandiwa -tagapagpakilala at tagapamagitan
4. Tagapkinig/ manonood -ito ang malaking kaibahang ng balagtasan
sapagkat
aktibo silang kasama sa mga pagtatalo. Kadalasan ay sa kanila iniiwan ng
lakandiwa ang responsibilad na magdesisyon sa balagtasan

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
5. Tanghalan - pormal na lugar na pagdarausan ng balagtasan. Mahalaga ito
sapagkat kinakailangan ng isang lugar na pagtitipunan ng mga
mambabalagtasan at manonood.

Pagyamanin Natin

Gawain 4
Matapos mabasa ang balagtasan, kayo naman ay aking hihikayatin
upang magbigay ng opinyon at katuwiran sa mga pahayag na nasa
talahanayan kasama ang tatlong karakter na sina Kampupot, Bubuyog at
Paruparo, Handa ka na ba para sa gawain ito?
Karakter-pahayag Opinyon Katwiran
Paruparo - Kung kayo’y dinaya’t ikaw
ang tatawa,Sa taglay kong bulo nilason
nakita
Bubuyog - Pagkat ikaw ay taksil, akin si
kampupot. Siya’’y bulaklak ko sa tabi ng
bakod
Kampupot - Tila nga Tila nga sa aki’y
mayroong, sa hamon ng gabi ay may
magkakanlong.

Gawain 5
Tukuyin at bilugan ang mga salitang nagpapahiwatig ng opinyon o katwiran
sa bawat pangungusap. Bilugan ang mga salita o parirala at gamitin ito sa
sariling pangungusap.
1. Sa aking palagay, mas kayang ibuwis ni Bubuyog ang kanyang buhay
para kay Kampupot.
2. Batay sa mga nag-aaral tungkol sa mga hayop maraming naitutulong
ang mga paru-paro sa pagpapalago ng mga bulaklak.
3. Kung ako ang tatanungin tama ang naging desisyon ni Kampupot na
wala siyang tanggapin sa pag ibig na inaalok ni Paru-paro at Bubuyog
4. Sa pakiwari ko ay mayroong ibang mahal si Kampupot kaya wala
siyang pinili sa kanilang dalawa.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tandaan natin

Gawain 7
Wow! Natapos mo na rin ang gawain na nakatala sa araling ito.
Upang higit nating masukat ang iyong natutuhan, maglahad ng mga
karunungan na iyong natamo mula sa araling ito.

Nalaman ko na
_________________________________________________________________

Ibabahagi ko ang
_________________________________________________________________

Naliwanagan ako sa
_________________________________________________________________

Isabuhay natin

Gawain 8
Alam ko na naunawaan mo na ang paksang ating tinalakay. Ngayon
naman ay magkaroon tayo ng isang gawain na hahasa sa iyong isipan.
Ang panunuyo o panliligaw noong unang panahon ay isa sa
magandang kultura ng mga Pilipino. Habang umuusad ang panahon,
tinatangkilik pa rin kaya ito sa makabagong panahon? Halina’t ating alamin.
Bumuo ng ilang mga katanungan tungkol sa panunuyo noong unang
panahon at panunuyo sa kasalukuyan.
Gamit ang mga katanungan inihanda, mag-interbyu sa inyong mga
lolo’t lola kung ano ang kanilang opinyon tungkol sa panunuyo sa kanilang
panahon at gayundin sa mga “millennials” sa panahong ito. Maglaan ng
isang papel para sa inyong sagot. Isulat ito sa paraang pa-chart.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Tayahin Natin

Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano ang iyong mga


natutunan sa mga paksang iyong pinag-aralan.
Panuto : Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Bilugan ang
letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isa sa mga pahayag na nabanggit sa balagtasan : Ang Bulaklak


ng Lahing Kalinis-linisan “Kung kayo’y dinaya’t ikaw ang tatawa, sa
taglay kong bulo nilason na kita”. Sino ang nagpahayag nito?
A.Kampupot C. Bubuyog
B.Paru-paro D. Bulaklak
2. Elemento ng balagtasan na maaring magkaiba-iba ng panig
ngunit nararapat ay naayon sa tema ng programa.
A.tagapakinig C. mambibigkas
B.lakandiwa D.paksang
pagtatalunan
3. Tinagurian siya bilang “Hari ng Balagtasan”
A.Manuel L.Quezon C. Jose Corazon De Jesus
B.Florentino Collantes D. Dr.Jose Rizal

4. Ang bumubuo ng dalawang panig; sang-ayon at ‘di sang-ayon


A.lakandiwa C. paksa
B.mambabalagtas D. tagapakinig
5. Ito ang pormal na lugar na pagdarausan ng Balagtasan. Mahalaga ito
sapagkat kinakailangan ng isang lugar na pagtitipunan ng mga
mambabalagtasan at manonood
A.mambabalagtas C. lakandiwa
B.tagapakinig D. tanghalan
6. Ito ang tagapagpakilala at tagapamagitan sa isang balagtasan
A.lakandiwa C.tagapakinig
B.mambabalagtas D. paksa
7. Ito ay pagtulang pagtatalo ng tatlo tao.
A.balagtasan C.duplo
B.tula D. dula
8. Ang awtor ng Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.
A.Jose Corazon de Jesus C. Jose Rizal
B.Florentino Colllantes D. Eduardo de Jesus
9. Ano ang nais ipahiwatig ni BUBUYOG sa pahayag na ito
Pagkat ikaw’y taksil , akin si Kampupot
Siya’y bulaklak ko sa tabing bakod

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
A.mahalin niya ng buong puso si Kampupot
B.magkasama si Bubuyog at Kampupot sa kanyang piling
C.pinagtaksilan si Kampupot
D.pinaubaya na niya si Kampupot sa iba.
10. Sa pangungusap na “Batay sa tala ng Department of
Health, nababawasan na ang mga nagpopositibo sa sakit na Covid -
19. Anong salita ang ginamit na nagpapahiwatig ng katotohanan?
A.Department Of Education C. Covid 19
B.Batay sa D. Positibo
11. Pinatutunayan ng ating gobyerno na kapag nagtutulungan ang bawat
Pilipino ay makakamit natin ang solusyon sa problema
A.pagsang-ayon C. katotohanan
B.opinyon D. pagsalungat
12. Ang salitang panibugho ay nangangahulugan ng ____________
A.pagkainggit C. pagkamuhi
B.pagkasuklam D. pagkainis
13. Ang Karagatan, Balagtasan, Batutian at Duplo ay umusbong sa
Panahon ng _____________
A.Amerikano C. Espanyol
B.Komonwelt D. Kastila
14. Ang mga salitang sa aking palagay, para sa akin, sa nakikita ko ay
halimbawa ng ______________.
A.pagsalungat C. pagsang-ayon
B.katotohanan D. opinyon
15.Ang salitang, sa resulta ng ,sang ayon sa,mula kay ay halimbawa ng
___________
A.pagsang-ayon C. katwiran
B.katotohanan D. opinyon

Gawin natin

Gawain 9
Lubos na nakatutuwa dahil natapos mo ang mga gawain ng buong
kahusayan. Sa pagkakataong ito ay dadako ka na sa susunod na gawain
upang higit na pagyamanin pa ang iyong kaalaman.
Gamit ang larawan sa ibaba, ibigay ang inyong katwiran at opinyon
tungkol dito. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
http://www.science.ph

Katwiran:
________________________________________________________
Opinyon:
________________________________________________________

https://tl.vangelodioggi.org

Katwiran:
________________________________________________________
Opinyon:
________________________________________________________

REPLEKSYON SA ARALIN
Gawain 10
May mga pagkakataong, ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling
opinyon o haka-haka sa isang partikular na paksa sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap. At may pagkakataon din naman na kailangang maglahad ng
katotohanan. Kailan ba dapat gamitin ang opinyon o katwiran sa isang
partikular na paksa?
Gamit ang isang malinis na papel, bumuo ng isang alituntunin kung
saan maaring gagamitin ang opinyon at katwiran sa responsableng paraan
bilang isang kabataan o mag-aaral:
1. Sa bahay
2. Sa paaralan

Sanggunian

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
● https://libcom.org

● https://www.bulatlat.com

● http://www.seasite.niu.edu

● https://www.kapitbisig.com

● https://www.tagaloglang.com

● https://www.bulacandeped.com

● https://tadonggeniuskuno.wordpress.com

● https://kwadernonikuyakim.wordpress.com

● https://iglesianicristolahingtapat.blogspot.com

● Guerrero, Perla, Hernandez, Ruth, Magalong, Nina S., Dalumpines,


Celestino IV, Cabuhat, Ana Maria S., Jocson, Magdalena O.
Kayumanggi Baitang 8- Ikalawang Markahan
● Gonzales, Emmanuel Signo, Let Reviewer sa Filipino Lektyur at
Pagsasanay 2009 Edition
● Ramos, Susan H., Abancia, Roselyn F., Anastacio, Teresita M.,
Cruz, Roberto P., Espirtu, Jose Dakila N.,Ph. D, Coralejo, Enrique
F.,Ed. D Bukal 8 Serye sa Filipino Edisyong K To 12,

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Development Team of the Module

Writers: CRISTINE JOY L. LLAVER


SARA S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
MARIA INAH C. CATACUTAN
Editors:
Content Evaluator: MARIVIC S. POBLACION
RHAXELL A. SAÑGA
Language Evaluator: JOSEPHINE S. TOLENTINO
Reviewer:
DR. JENNIFER G. RAMA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER G. RAMA, EPS - FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REPUBLIKA NG PILIPINAS

You might also like