You are on page 1of 20

PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy
na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin
Sa Modyul 9 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangan Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan
ng mga mag-aaral na maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa
Pilipinas kundi pati na rin sa buong Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda
para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang maging
interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Sa panghuling modyul ng unang markahan ang tatalakayin ay:


Modyul 9: Pangwakas na Awput

Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey


tungkol sa tanong na “Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang
Asya ang iyong nagustuhan?” F9PB-Ii-j-44

Subukin Natin
Ang bahaging ito ang magbubukas ng paunang kaalaman para sa iyo. Ito ang
magbibigay daan para sa dapat mong matutuhan sa unang aralin.

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ang kuwentong “Ang Ama” ay isang maikling kuwentong _______.


A. katutubong kulay C. makabanghay
B. katatawanan D. katatakutan
2. Ang batang otso anyos, sakitin at palahalinghing ay si __________.
A. Rebo C. Mui Mui
B. Ho Chek D. Lau Soh
3. Pangunahing kaisipan ng kuwento.
A. banghay C. tunggalian
B. tauhan D. paksang-diwa
4. Ito ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita,
parirala o sugnay.
A. Pantukoy C. Pandiwa
B. Pang-ugnay D. Pang-abay
5. Ang mga sumusunod - na, -ng, -g ay halimbawa ng __________?
A. Pang-angkop C. Pandiwa
B. Pang-abay D. Pangngalan
6. Ang tawag sa salita o katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangngusap.
A. Pandiwa C. Pang-ukol
B. Pang-abay D. Pangatnig
7. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng
iisang tao.
A. tao laban sa lipunan C. tao laban sa tadhana
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa Diyos
8. Ang batang nagwagi bilang Miss Kinder?
A. Maya C. Madonna
B. Lea D. Ding
9. Ang pinakadakilang paksa ng alin mang akda at naging palasak sa mga
nobelista ang temang ito.
A. nobelang pag-ibig C. nobelang historikal
B. nobelang realistiko D. wala sa nabanggit
10. Ito ay pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba.
A. opinyon C. katotohanan
B. pagkakamali D. paninindigan
11. Ang pagkakatulad o pagkakahawig ng mga tunog sa hulihang pantig ng
bawat taludtod.
A. sukat C. aliw-iw
B. guniguni D. tugma
12. Ang ________ ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,
hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw-iw.
A. panitikan C. tula
B. dula D. sanaysay
13. Ang tanging ibig ng Prinsesang Javanese ay____________?
A. maging mapag-isa sa buhay
B. maging malaya upang makatayo nang mag-isa
C. maging tunay na reyna
D. maging modernong babae
14. Ayon kay Aristotle, ito ay isang masining at makaagham na panggagaya sa
kalikasan ng buhay.
A. dula C. sanaysay
B. tula D. nobela
15. Ano ang kinuha ni Tiyo Simoun na nakatulong sa kanyang pagbabago?
A. damit C. bote
B. manika D. lapis

Modyul PANGWAKAS NA OUTPUT


9

Balikan Natin

Batay sa mga paksang iyong napag-aralan mula sa unang modyul


hanggang sa ikawalo ay iyong hanapin ang mga sumusunod na mahahalagang
salita na may kinalaman sa tinalakay natin sa nakalipas na walong modyul.
Masusubok ang kalinawan ng iyong mata kaya’t simulan na natin.

Mahusay na nahanap mo ang lahat ng mahahalagang salita.


Nakatutulong ito sayo upang mabalikan ang mga paksa na natakalay natin sa
nakalipas na walong modyul para sa unang markahan.

Tuklasin Natin
Tukuyin kung saang akda nagmula ang mga piling pahayag na ating
natalakay. Kopyahin ito sa isang papel at piliin ang letra ng tamang sagot.

GAWAIN 1 Pahayag Nila, Tukuyin Mo


A. Bata, Bata Paano Ka
Ginawa?

1. “Ang bawat paghakbang ay may


pagsasakatuparan.”
B. Tiyo Simon
2. “…nagsalo-salo sila tulad sa isang
piging na alam nilang ‘di nila
mararanasang muli.”
C. Ang Ama
3. “Ibig kong maging malaya upang
makatayo nang mag-isa, mag-aral,
hindi para mapailalim sa sino
man…” D. Kay Estella
Zeehandelaar
4. “…ngiting tila ba nananalig na siya
ay walang kamatayan…”

5. “Kundi ko lang naisip na lahat ng E. Kultura: Ang Pamana


bata’y kailangang bigyan ng ng Nakaraan, Regalo
pagkakataong maging tao.” ng Kasalukuyan at
Buhay ng Kinabukasan

Nahirapan ka ba sa pagtukoy kung saang akda nagmula ang limang


pahayag? Nawa’y natuwa ka sa pagsasagot habang inaalala ang mga ito. Dahil sa
pagkakataong ito babalikan natin ang buod ng mga akdang ating tinalakay sa unang
markahan.

Talakayin Natin

Muli mong sariwain ang mga akdang ito upang matulungan ka sa iyong
gagawin na pangwakas na awput ang pagsasagawa ng isang sarbey.

MGA BUOD NG MGA AKDANG TINALAKAY SA UNANG


MARKAHAN

ANG AMA

Mayroong isang ama na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang


pamilya. May anim Itong anak na lahat ay takot sa kaniya dahil laging mainit ang ulo
nito at lagi silang sinasaktan kabilang ang kanilang ina.
Isang araw, natanggal sa trabaho ang ama. Mainit ang ulo nito pagdating sa
kanilang bahay. Tiyempo naman na malakas ang iyak ng anak niyang si Mui Mui.
Dahil sa pagkainis nito sa mga nangyayari, nabalingan niya ng galit ang anak.
Sinapak niya ito at tumilapon malapit sa silid. Nawalan ito ng malay ngunit
nakabangon naman matapos ang ilang sandali. Gayunman, dalawang araw matapos
ang pananakit sa bata ay yumao ito.
Noong panahong iyon, ay nabuhay ang konsensya ng ama dahil sa nagawa
sa anak. Sa kaniyang pagmumuni-muni, naisipan niyang mula noon ay magiging
mabuti na siyang ama. Ang perang ibinigay ng amo niya bilang abuloy ay ibinili niya
ng mga pagkain.
Ngunit ang mga iyon ay dinala niya sa puntod ng namayapang si Mui Mui.
Hindi niya batid na sinundan siya ng iba pa niyang mga anak.
Inialay niya ang ipinamili sa anak na si Mui Mui kasama ang pagsusumamo
na patawarin siya nito. Nang umulan, sumugod ang magkakapatid sa puntod at
pinagsaluhan ang alay na pagkain ng ama.

Mula sa https://www.panitikan.com.ph/ang-ama-buod

BATA, BATA PAANO KA GINAWA? (BALANGKAS)


NI LUALHATI BAUTISTA
Umiinog ang katha sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na
babaeng si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang.
Sa simula, maayos ang takbo ng buhay ni Lea – ang buhay niya na may kaugnayan
sa kaniyang mga anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang
pakikipagtulungan sa isang samahan na pangkarapatang-pantao. Subalit lumalaki
na ang mga anak niya – at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na
ang mga hakbang sa pagbabago ng mga pag-uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging
paslit na may kuryosidad, samantlang si Ojie sa pagtawid nito patungo sa pagiging
isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kailan nagbalik ang dating asawa ni Lea upang
kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka
kapwa kuhanin ng kani-kanilang ama ang kanyang dalawang anak. Kailangan niya
ring gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya – isang
pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral
ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay
siya ng talumpati na ang paksa ay kung paano umiiral ang buhay, at kung paano
sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng paglaki, pagbabago, at pagunlad ng
mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa
buhay ng isang tao.

Mula sa https://tl.m.wikipedia.org

KULTURA: ANG PAMANA NG NAKARAAN, REGALO NG


KASALUKUYAN, BUHAY NG KINABUKASAN NI PAT V.
VILLAFUERTE
Ang tulang ito ay isinulat ni G. Pat V. Villafuerte na naglalaman ng kanyang
pananaw sa papel na ginagampanan ng kultura sa buhay ng isang tao. Ang unang
dalawang saknong ay tumutukoy sa kung paano ang kultura ay naging isang
mahalagang pamana ng nakaraan. Ang pamanang ito ay dala - dala natin habang
tinatahak natin ang buhay na ito saan man natin nais na pumunta o anuman ang
ating gawing propesyon sa hinaharap. Sa paglipas ng panahon, mananatili ang
kulturang ito sa ating pagharap sa lahat ng ating mga pagsubok na maaaring
magdulot ng panganib at pangamba sa atin. Ang kulturang ito ang tutulong sa atin
upang unti - unti ay matanggap natin ang mga pagbabagong magaganap sa
kasalukuyan.
Ang ikatlong saknong ay naglalaman ng kahalagahan ng kultura bilang biyaya
ng kasalukuyan. Magbago man ang panahon at magkaroon man ng iba't - ibang lahi
ang lugar na ang ating kinabibilangan, mananatili pa rin ang kultura na nagbigay sa
atin ng sariling pagkakakilanlan sa lahat ng aspeto ng ating buhay maging ito man
ay pampamilya, pang - eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa  na higit na
pinagyayaman ng ating mga karanasan at pang araw - araw na buhay.
Ang huling saknong ay naglalarawan sa kultura bilang ang buhay ng
kinabukasan. Inihahabilin ng may - akda na ang kultura ay dapat na manatiling
sumasalamin sa kabutihan, may paggalang sa mga kabataan, kababaihan, at mga
nakatatanda, magtuturo ng bayanihan at kapatiran, pagkakaisa, pagsasama - sama,
pagkakapantay - pantay sa kalayaan at karapatan, at magpapayabong sa ating lahi
bilang ang lahing magiting, kapuri - puri, at marangal.

Mula sa https://brainly.ph/question/812044#readmore

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR


SALIN NI RUTH ELYNIA S. MABANGLO
MULA SA LIHAM NG ISANG PRINSESANG JAVANESE NI RADEN
ADJING KASTINI
Mga Tauhan:

Raden Adjing Kastini – ang sumulat ng liham.


– panganay sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara.
Estella Zeehandelaar – ang sinulatan ng liham.
– isang babaeng Dutch o Olandes
Pangeran Ario Tjondronegero ng Demak
– ang lolo ng Prinsesang Javanese.
– isang kilalang lider ng kulisang progresibo.
– regent ng Gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga
panauhin mula sa ibang dagat.

Japara, Mayo 25, 1899 – kung kailan sinulat ang liham.

Ang “Kay Estella Zeehandelaar” ay ipinapakita at inihahatid ang sitwasyon ng


isang prinsesang javanese. Ang kawalan nila ng kalayaan.
Ibig niyang makakilala ng isang ‘babaeng moderno’ na malaya. Sinasalubong
niya ang bagong panahon; totoong sa puso’t isip niya’y hindi siya nabibilang sa
daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng mga puting kapatid na babae na
tumatanaw sa malayong kanluran.
Gustong gusto niyang labanan ang lumang tradisyong meron sila upang
magkaroon ng kalayaan subalit sila’y nakatali sa kanilang mga lumang tradisyon na
hindi dapat suwayin. Sila ay umaasa na balang araw makamit nila sana ang
kalayaang kanilang ninanais dahil hindi sila makagawa ng mga bagay na gusto sana
nilang gawin, ngunit sa kahigpitan ng kanilang tradisyon wala silang magagawa
kundi hintayin lamang ang tamang panahon kung kailan makamit nila ang kalayaang
nais makuha, ngunit baka pagkatapos ng tatlo o apat na henerasyon.
Umaabot sakanya ang tinig na galing sa malayong lupain: ang malayo, marikit
at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa
kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”.
Panganay daw siya sa tatlong babaeng anak ng Regent ng Japara, na may
anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo niya ay si Pangeran Ario Tjondronegoro
ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya.
Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa
mga panauhin mula sa ibayong dagat - ang sibilisasyong Kanluran.
Karamihan sa mga pinsan niyang lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger
School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa
India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid niyang lalaki’y tatlong taon na
ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo
ang dalawa pa. Samantalang ang mga babae ay hindi nakapag-aral dahil sa lumang
tradisyon at kumbensyon.
Noong labing-dalawang taong gulang siya, ay itinali siya sa bahay. Ikinulong
siya at pinagbawalang makipag-ugnay sa mundo. Ipinagkasundo siya sa isang lalaki
na hindi niya kilala, ang mapapangasawang estranghero. Apat na taon siyang
ikinulong sa kanilang bahay.
Nilipas niya ang oras sa pamamagitan ng pagbasa ng mga librong Dutch at
ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch. “Ang Diwa ng Panahon” ay itinuturing
niyang ‘kaibigan’ nakapagpapabago ng mga lumang tradisyon.
Sa sumunod na taon, noong pamunuan ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna
Wilhemina ng Netherland), ay pinalaya na sila ng kanilang magulang
Mabilis lumipas ang panahon, at nang maging labing-anim na taong gulang
na siya ay hindi iniaasahang siya’y makalaya. Sa huli nakalaya nga siya pero parang
hindi siya makontento dahil ibig niyang maging malaya upang makatayo siya sa
kanyang sarili, makapag-aral at hindi para pagasawahin nang pagpilitan. Ngunit
dapat silang mag-asawa dahil hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanan na
maaring magawa ng isang muslim na babae.

Mula sa https://idoc.pub/documents/kay-estella-zeehandelaar-3no7pv0we5ld

TIYO SIMON
DULA – PILIPINAS NI N.P.S TORIBIO
Ang mga tauhan ng Tiyo Simon ay ang mga sumusunod:

Tiyo Simon- Isang taong may kapansanan ang isang paa.


-Siya ay isang binata. Mayroon siyang paniniwala sa buhay na hindi
maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa.
Ina- Ina ni Boy
Boy
Oras: Isang umaga na hindi pa sumisikat ang araw
Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng
mga langis at pomade sa buhok, toniko, suklay, at iba pang gamit sap ag-aayos. Sa
taas ng tokador, nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng Birheng
nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sag
awing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng
kariwasaan.
Unang tagpo- Sa kwento ay niyayaya ng ina ang kanyang anak na si boy na
magsimba sa simbahan ngunit ayaw ng bata sapagkat gusto lamang niyang maiwan
sa kaniyang Tiyo Simon at Iyon ay ikinagagalit ng kanyang Ina.
Ikalawang tagpo- lumapit si Simon sa kanyang pamangkin at kinombense ang
kanyang pamangkin sa magsima at siya din ay sasamang magsima. Ito ay ikinagulat
ng ina ni Boy.  Nagmamadaling nagbihis ang ina ni Boy. Napaluha ang Ina ni Boy
dahil sa narinig sa kanyang hipag.
Ikatlong tagpo- Nag-usap ang magtiyuhin sa sofa at kanyang iniinda ang
nangangawit at mahina niyang katawan. At nagtanong si Boy sa kanyang Tiyo kung
ano ang dahilan ng kanyang pagka pilay. Dahil sinabi ng ina ni boy na parusa iyon
sa kanyang tiyo kaya siya ay napilay. Ipinaliwanag ni Simon sa kanyang pamangkin
ang nangyari na mahirap ipaliwanag at kanyang sinabi na Malaki ang pananalig niya
sa Diyos.  Ngunit dumating ang panahon na totoong isya ay nawalan ng pananalig
sa Diyos dahil sa kanyang angking kapansanan. Hindi siya naniniwala sa Diyos, siya
ay naging bugnutin at magagalitin.
Ngunit sa huli natauhan si Simon at nag balik loob sa Diyos, dahil sa nakita
niyang bata na nasagasaan ng sasakyan. Sa kabila ng pangyayaring kamatayan ay
may ngiti pa din sa labi ng bata. Naging aral sa kanya na maging sa kalungkutan o
kamatayan ay dapat manatili ang pananampalataya sa Diyos. Maswerte siya at siya
ay may buhay na kaloob sa kanya ng Diyo’s kahit siya ay may kapansanan.
Dumating na ang ina ni boy at ito’y nagyaya na umalis para magsimba. Naisip
ni Simon na hindi siya maligaya noong nawalan siya ng pananampalataya sa Diyos.
Kaya siya ay nagsimba at siya ay nag balik loob sa Diyos.

Mula sa https://brainly.ph/question/1600974#readmore

PAGSASAGAWA NG SARBEY
Ang sarbey ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng pangkalahatang
pananaw, opinyon, prinsipyo, paninindigan, kalagayan, saksi, lawak o kalagayan ng
partikular na bagay o kaisipan. Ito ay malaking tulong upang makapagtipon ng mga
impormasyon kaugnay ng mga nabanggit.

Ang pagsasagawa ng sarbey ay simple lamang. Narito ang mga hakbang.

Una, pag-aralan at piliing mabuti ang mga tanong na gagamitin sa


pagsasarbey. Kasama rito ang pag-alam ng iyong paksa, mga impormasyong dapat
makuha mula sa sarbey at siguraduhing ang mga tanong na mabubuo ay
makasasagot sa layunin ng pagsasarbey.

Halimbawa, sa araling ito ay nais mong malaman ang pananaw ng mga tao
sa mga babasahin sa Timog-Silangang Asya, ang mga tanong na bubuoin ay dapat
nakatuon sa paksang ito. lwasang magtanong nang hindi naman makatutulong sa
iyong sarbey. Ilan sa mainam na tanong ang sumusunod:

1. Ano-anong mga babasahin sa Timog-Silangang Asya ang nabasa o alam


mo na?
2. Naaalala mo pa ba ang pamagat ng mga babasahing ito?
3. Anong pamagat nito? (magbanggit lamang kahit isa o dalawang pamagat)
4. Saang partikular na bansa sa Timog-Silangang Asya ito nagmula?
5. Paano mo nalaman o nabasa ang mga babasahing ito?
6. Anong naidulot sa iyo ng nasabing babasahin?

Gumawa ng listing upang higit na mapino ang mga tanong na gagamitin sa


pagsasarbey. Upang makita ang kaangkupan ng bawat tanong sa pamamagitan ng
paglalagay ng marka. Pagkatapos ng listing, muling ayusin at pinuhin ang "itinalang
mga angkop na tanong.
Ikalawang hakbang ay ang pagtukoy kung sino at saan gagawin ang
pagsasarbey. Hindi maaaring lahat ng taong kakilala mo ang pasasagutin mo ng
iyong sarbey. Pumili lamang ng posibleng kalahok na sasagot ng iyong mga tanong.
Halimbawa ang gagawin mong sarbey ay ipasasagot mo sa mga gurong nagtuturo
ng panitikan, o sa mga nag-aaral ng panitikan sa ikatlong baitang ng inyong
paaralan. Imposible mo namang maabot ang lahat ng guro na nagtuturo ng panitikan
sa bansa, o maging ang lahat ng mag-aaral sa ikatlong baitang ng hayskul sa inyong
lalawigan o distrito.
At panghuli ay kunin ang resulta ng sarbey at suriin o bigyang-kahulugan
mga nalikom na datos. Maging matapat sa pagbibigay-kahulugan sa mga datos at
huwag paiiralin ang sariling damdamin, palagay, o kuro kuro. Kapag nasuri na ang
kahulugan ng sarbey ay bumuo ng kongklusyon mula rito. Maaaring bumuo ng mga
talahanayan, tsart, at graph na makapagpapatibay sa nabuong kongklusyon.
Mahalagang maging magalang at maingat sa pagsasagawa ng sarbey.
Bigyan ng konsiderasyon ang mga taong pasasagutin. Siguraduhing hindi ito kukuha
ng malaking oras nila lalo na ’t hindi ka nagtakda ng oras para sa kanilang pagsagot.

Mula sa Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang Pluma 9. 2015. Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.

GAWAIN 2 Sagutin Mo
1. Ano-ano ang mga bagay na ginagawan ng sarbey?
2. Sino ang maaaring magsagawa ng pagsasarbey?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan kapag nagsasagawa ng sarbey?
4. Ano-ano naman ang mga bagay na dapat iwasan kapag gumagawa nito?
5. Paano mo masasabing isang pakinabang ang pagsasarbey?
6. Ano-ano ang katangiang dapat taglayin ng isang nagsasarbey? Isa-isahin ang
mga ito.
7. Bakit kailangang maging tapat sa pagsasagawa at pagpapakahulugan ng
sarbey na ginawa?
8. Sa iyong palagay, mahirap bang magsarbey? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagyamanin Natin
Bago mo simulan ang pagsasagawa ng sarbey ay mas palalimin pa
natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain na nasa ibaba.

GAWAIN 3 Pahalagahan Mo
1. Mula sa mga akdang binalikan, ano-anong mga aral ang iyong natutuhan
na maaari mong maisabuhay.

MGA AKDA MGA ARAL


 Ang Ama
 Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
 Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,
Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng
Kinabukasan
 Kay Estella Zeehandelaar
 Tiyo Simon
2. Para sa iyo, bakit kailangan mong pag-aralan ang mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya?
3. Ano ang nabago sa iyo, pagkatapos mong pag-aralan ang mga saling
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya?
4. Ihambing mo ang kultura ng Pilipinas sa mga bansang pinagmulan ng
mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan. Ano-ano ang mga
pagkakahalintulad?
5. Kung ikaw ay gagawa ng iyong sariling akda, ano ang magiging pamagat
nito at bakit?

GAWAIN 4 Wakasan Mo Na
Bigyan ng sariling wakas ang mga akda na ating tinalakay sa unang
markahan. Ito ang mga panitikan na nagmula sa Timog-Silangang Asya. Kopyahin
ang organizer at doon isulat ang iyong sagot.

Ang Ama

Bata, Bata Paano Ka Ginawa

Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo


ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan

Kay Estella Zeehandelaar

Tiyo Simon

GAWAIN 5 Kaisipan Iyong Ipahayag


Isulat ang mga kaisipan na para sa iyo ay may kaugnayan sa akdang
pampanitikan. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Mga Akdang Kaisipan Kaisipan Kaisipan Kaisipan Kaisipan


Pampanitikan
1. Maikling
Kuwento
2. Nobela
3. Tula
4. Sanaysay
5. Dula

Tandaan Natin
Nalalapit na tayo sa pagsasagawa mo ng pangwakas na awput kaya
bago iyon ay sagutan mo muna ang mga sumusunod ayon sa hinihingi nito.

Ang mga akda sa unang markahan ay:

1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________
5.________________________________________________________________

Ang naitutulong o nagagawa ng sarbey sa buhay mga tao at sa araw-araw


nating pamumuhay ay_______________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________________________________

Isabuhay Natin
Bilang isang mag-aaral sa ikasiyam na baitang ay inaatasang
makapagbahagi ng sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa
tanong na ”Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagustuhan?” F9PB-Ii-j-44 bilang pinal na gawain sa unang markahan. Basahin at
unawang mabuti ang gawaing isasagawa.

Panuto: Pumili at humanap ka ng lima hanggang sampu mong kamag-aral o di


kaya’y kapareho mong mag-aaral sa ika-siyam na baitang para sagutin ang
sarbey na nasa ibaba. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pag-chat,
pagtext o pag-interbyu sa mga kaklase mo. Kung wala talaga sa mga iyan
ay maaari ka ng humingi ng tulong sa iyong guro. Itala ang pangalan ng
lahat ng kukuhaan mo ng sarbey. Matapos makuha ang tugon ng iyong
mga kamag-aral ay magbahagi ka ng iyong sariling pananaw sa naging
resulta ng iyong sarbey. Banggitin muna ang naging resulta ng sarbey
bago ipahayag ang iyong sariling pananaw tungkol dito. (Paalala: Mahigpit
na nililinaw na hindi kailangan lumabas ng tahanan para gawin ang sarbey
ng harapan.) Ilagay ang lahat ng iyong sagot sa short bond paper.

1. Ano-anong mga babasahin sa Timog-Silangang Asya ang nabasa o


alam mo na?
2. Naaalala mo pa ba ang pamagat ng mga babasahing ito?
3. Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagustuhan (magbanggit lamang kahit isa o dalawang pamagat)
4. Saang partikular na bansa sa Timog-Silangang Asya ito nagmula?
5. Paano mo nalaman o nabasa ang mga babasahing ito?
6. Anong naidulot sa iyo ng nasabing babasahin?

RESULTA NG SARBEY AKING PANANAW MULA SA


RESULTA NG SARBEY

Tayahin Natin
Ito ay gawain na naglalayong mataas o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kumpetensi.

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. __________ang dalawang salita kung ang mga ito ay magkaparehas ng


kahulugan.
A. magkasalungat C. talinghaga
B. magkasingkahulugan D. pahambing
2. Batay sa tula, anong araw binanggit ang linyang ito “kulturang gagalang sa
bata’t matanda”?
A. bukas C. ngayon
B. noon D. baling-araw
3. Ang kaliluhan ay maihahalintulad sa ugali ng ahas.
A. mapagkunwari C. mapagkakatiwalaan
B. kataksilan D. mainggitin
4. Isa sa mga dapat tandaan sa paglalahad ng opinyon o pananaw ay______?
A. Dapat mong papanigin sa iyo ang iyong kausap.
B. Sumalungat habang nagsasalita ang kausap
C. Makipag-usap sa iba habang kinakausap ka.
D. Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap.
5. Ano ang dahilan noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang
timpla?
A. wala siyang sahod C. nasisante sa trabaho
B. walang pera D. natanggalan ng lisensya
6. Bakit tinanggap muli sa trabaho ang ama?
A. dahil nangangailangan ulit ng trabahante
B. dahil sa hirap ng buhay
C. para sa pagtulong sa kapwa
D. para sa kapakanan ng kanyang asawa at anak
7. Kapag ang kahulugan ng salita ay makikita sa diksyunaryo.
A. konotasyon C. talinghaga
B. denotasyon D. wala sa nabanggit
8. Siya ang ulirang ina nila Ojie at Maya?
A. Lea C. Ding
B. Gemma D. wala sa nabanggit
9. Bakit ayaw ni Lea na palagyan ng make-up si Maya?
A. Dahil mas gumaganda lalo si Maya
B. Dahil para maiba siya sa lahat ng bata
C. Dahil maruming tingnan ang isang batang naka make-up
D. Wala sa nabanggit
10. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng opinyon?
A. Ayon sa Department of Health, malaki ang naitutulong nang paghuhugas
ng kamay at pagkakaroon ng distansya sa pakikisalamuha upang
maiwasan ang COVID-19.
B. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik na marami ang naapektuhan
ng pandemya.
C. Para sa akin, dapat lahat tayo ay may maiambag para sa ekonomiya ng
bansa.
D. Lahat ay tamang sagot.
11. Ang isang pahayag ay________ kung ito’y may suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para
sa lahat.
A. opinyon C. mabisa
B. makatotohanan D. maparaan
12. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan?
A.Batay sa pag-aaral ng DOH, ang 2019-nCoV ay nagdulot ng malalang
pneumonia sa ilang tao sa Tsina at kumalat na rin sa iba pang mga siyudad
at bansa.
B. Palagay ko, mas dumarami ang nagkakasakit ngayon sa Tsina.
C. Sa tingin ko, nakatatakot na talaga ang lumabas sa panahon ngayon.
D. Wala sa nabanggit.
13. Namatay na hindi nakapagpa-Hesus. Nangangahulugan ang may
salungguhit na?
A. nagdarasal C. nakapagpaalam
B. nag-alay D. nabendisyonan
14. Sino ang may-akda ng Tiyo Simon?
A. Pat V. Villafuerte C. Jose Rizal
B. N.P. Toribio D. Lope K. Santos
15. Ang _________ ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng
pangkalahatang pananaw, opinyon, prinsipyo, paninindigan, kalagayan, saksi,
lawak,o kalagayan ng partikular na bagay o kaisipan.
A. sarbey C. pagpapahayag
B. pag-aaral D. wala sa nabanggit

Gawin Natin

Ang mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya ay nag-iiwan


ng imahe sa ating mga isipan. Bilang pag-alaala sa mga akdang ito, gumupit o
magsaliksik ng mga larawan na marahil ay pag nakita mo ay tatak agad sa iyo ang
mga akda. Idikit ito sa isang short bond paper. Sabihin kung bakit ito ang iyong napili
na larawan. Maaari mong gamitin ang graphic organizer o pumili ka pa ng iba na
nagustuhan mo.

ANG AMA BATA, BATA KULTURA: ANG KAY ESTELLA TIYO SIMON
PANO PAMANA NG ZEEHANDELAAR
NAKARAAN,
REGALO NG
KASALUKUYAN,
BUHAY NG
KINABUKASAN

Repleksiyon ng Natutuhan
Panuto: Isulat ang sarili mong “Pagkatutong Repleksyon” batay sa mga aralin na ating
tinalakay simula sa unang aralin hanggang ikawalong aralin ng mga pantikan na
nagmula sa Timog-Silangan Asya. Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na nasa loob ng kahon at isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel. Ang iyong malalim at malikhaing pamamaraan sa pagpapahayag ay ang
magsisilbing susi mo sa matagumpay na pagkatuto. Magaling Ka, Kaya Mo ‘Yan!
Ang mga aralin sa
Aralin1 hanggnag Natutuhan kong ...
Masasabi kong ...
Aralin 8 ay tumatak
sa akin bilang...

Ang mga gawi at Ang mabisang


Maibabahagi ko sa
pag-uugali na kongklusyon na
aking pamilya at
nahubog sa akin mananatili sa akin
kaibigan na...
ay... ay...

Sanggunian:

Baisa-Julian, Ailene G., del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S. & Dayag,
Alma M. 2015. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.
https://brainly.ph.June 1, 2020
https://brainly.ph/question/1600974#readmore.June 7, 2020
https://brainly.ph/question/812044#readmore.June 7, 2020
https://idoc.pub/documents/kay-estella-zeehandelaar-3no7pv0we5ld.June 7, 2020
https://tl.m.wikipedia.org.June 7, 2020
https://www.panitikan.com.ph/ang-ama-buod.June 6, 2020
Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.Aurora C.,
Tabora, Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Shiela C., Carpio, Lucelma O.,
Rivera, Julieta U. & Ambat, Vilma C. 2014. Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-
aaral sa Filipino. Pasig City: Vibal Group, Inc.
Development Team of the Module

Writer:
GINEIL O. CORNELIO
Editors:
Content Evaluator:
CLARISSA R. SENOSA
MIRIAM C. MABASA
Language Editor:
ROSYL V. ANOOS
MARITA T. LACANLALE
Reviewer: DR. JENNIFER RAMA
Illustrators:
CAMILLE JEWEL C. GARCIA
JHOANA R. OLANA
NATHANIEL C. MACAAMBAC
Layout Artist:
MELANIE D. GATANELA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS – FILIPINO
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

16
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

26

You might also like