You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Dibisyon ng Lungsod ng Mati

Pambansang Mataas na Paaralan ng Dawan

Dawan, City of Mati, Davao Oriental

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 9

PANGKALAHATANG PANUTO:

1. Bago mo simulan ang pagsagot, bilangin mo muna kung ito ba ay binubuo ng pitong (7)
pahina.
2. Isulat sa malalaking titik ang titik ng napili mong sagot.
3. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

Pagsasanay I:Multiple Choice

Panuto:Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:

a. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.


b. pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
c. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o
pangyayari.

2. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na:

a. panlinaw c. pantuwang
b. pananhi d. panapos

3. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento,


gumagamit tayo ng mga:

a. pantukoy c. pandiwa
b. pangatnig d. pang-abay

4. araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa


pangungusap ay:

a. Kung c. Sa
b. Kapag d. Simula
5. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit. Ano
ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga
nabanggit?

a. kaya c. subalit
b. palibhasa d. datapwat
6. Sa sanaysay na “Nang Minsang Naligaw si Adrian” ano ang trabaho ng kanyang dalawang
kapatid?
a. Enhinyero c. Doktor
b. Guro d. Abogado
7. Sino ang nagsalin sa Filipino ng sanaysay na Ang Ama?
A. Romulo N. Peralta c. Mauro R. Avena
B. Mui-Mui d. Rebo Dela-Cruz
8. Saan nagmula ang kuwentong “Ang Ama”?
a. Hapon c. Cambodia
b. Pilipinas d. Singapore
9. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong “Ang Ama”?
a. Romulo N. Peralta c. Mauro R. Avena
b. Mui-Mui d. Rebo Dela-Cruz
10. Saan nakabatay ang kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian?
a. Tawag c. Sulat
b. Text message d. Voice mail

Pagsasanay II: Identification

Basahing mabuti ang mga pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Piliin ang tamang sa sagot sa kahon.
Isulat ito sa sagutang papel.

Paninsay Pangatnig Pamanggit Panulad


Panubali Panlinaw Panimbang Panapos
Pamuklod Pananhi Pantuwang Pantahi

__________11. Ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan.

__________12. Tumutulad ng mga pangyayari o gawa.

__________13. Ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay salungat sa isa.

__________14. Gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.

__________15. Ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi.

__________16. Kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa
isa pang salita o kaisipan sa isa pang kaisipan.
__________17. Ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.

__________18. Nagsasabi ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita.

__________19. Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos.

__________20. Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, pasakali o pasubali.

Pagsasanay III: Pagpili ng tamang pangatnig

Panuto: Piliin ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong at isulat ito sa sagutang papel.

1. Namaos siya (kapag, dahil sa, raw) sa matagal na pagtatalumpati.


2. (Dahil sa, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.
3. Siya (at, raw, o) ang hari ng sabalay.
4. Sina Jose ( o, di-umano, at ) ay nagtungo sa bukid.
5. Nagkasundo na ang mga-asawa ( dahil sa, daw, kung gayon)
6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.
7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.
8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?
9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
10. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda (dahil sa, sakaling, upang) lumitaw na ang buwan.
11. Nagtanim ako ng upo (at saka, o, raw) patola.
12. Titigil lang ang pag-iyak ng bata (kapag, bagama’t, subalit) bumalik ang kanyang ina.
13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing
eskuwelahan.
14. Walang diprensya sa akin (kung, o, maging) si Jose man ang manalo.
15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.
16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?
17. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa nakaraang
pagsusulit.
19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaak- saya
mo lang ang perang bigay nila sa iyo.
20. (Subalit, Bagama’t, Dahil sa) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho
upang makatulong sa pamilya.
---GOODLUCK AND GODBLESS---
--SirBling--

You might also like