You are on page 1of 1

BANGKAL NATIONAL HIGH SCHOOL

BANGKAL MATANAO, DAVAO DEL SUR


Summative Test-1 for the 1st grading
FILIPINO-GRADE 9

Pangalan__________________________Seksyon________________Petsa_____________Iskor___________

A.Panuto: Piliin ang tamang sagot at bilugan ang titik ayon sa hiniling nito.

1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa


a. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
b. Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita
c. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
d. Pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos.
2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong_____________.
a. Kababalaghan c. pangtauhan
b. Katutubong kulay d. makabanghay
3. Ang pangatning na samantala ay ginagamit na_____________.
a. Panlinaw c. pantuwang
b. Pananhi d. panapos
4. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga:
a. Pantukoy c. pandiwa
b. Pangatnig d. pang-abay

B. Salungguhitan ang angkop na pangatnig at transitional devices sa pahayag.

5. (Subalit,Samantala),ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw (kaya,ngunit)kapalit
nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.

6. Alam na ng mga magulang ni Rebo na hindi na magtatagal ay maaaring sa isang iglap ay mawawala na siya,
(Kaya, Kung gayon)ay kailangan nilang tatanggapin kung anuman ang mangyari sa anak.
7. Hindi nasiyahan si Adrian sa ginawang pagpapahirap sa ama,(kaya, kung gayon)nakapagdesisyon siya kunin at
alagaan.
8. (Dahil sa, Sa wakas) ng mawala at nagpapahinga na ng tuluyan si Rebo nakapagpahinga narin ang kanyang mga
magulang.
9. (Sa lahat ng ito, kaya) nakayanan ng mga magulang ni Rebo ang kanyang pagpanaw dahil sa paniniwala sa May-
kapal.

C. Bilugan ang titik ng tamang sagot ayon sa hiniling sa pahayag.

10. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinopresa sila ng ama ng nagkakapera ng marami-
rami ito. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Yumayaman b. nagkaluwagang-paladc. umaasenso d. umuutang
11. Ang pambubugbog ng ama may alaalang naiwan sa mukha na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga nito.Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Isang malakas na suntok c. suntok ng isang lasing
b. Nagkaroon ng pasa at marka sa mukha d. nagkaroon ng pagwasak sa mukha
12. Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit di pa araw. Bakit hiniling
ng pangunahing tauhan na magdiwang kahit di pa niya kaarawan?
a. Takot siyang magdiwang sa tunay niyang kaarawan.
b. Baka walang dumalo sa petsa ng kanyang kaarawan
c. Para maraming siyang regaling matanggap
d. Baka dina siya umaabot sa kaarawan dahil sa kaniyang sakit
13. Sa maikling kuwentong “Ang Ama”Anong uri ng teksto ang binasa?
a. Naglalarawan b. Naglalahad c. Nangangatuwiran d. Nagsasalaysay
14. Sa kuwentong Ang Ama. Paano nagwakas ang kuwento?
a. Sa pamamagitan ng pagsisisi at paghingi ng pagpapatawad sa mga anak
b. Sa pamamagitan ng pagtirik ng kandila at pagdasal
c. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng pagkain sa puntod nito
d. Sa pamamagitan ng di na umiinom na alak at di na mangbubugbog

15. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama.
a. Nagpapahilo sa ulo c. Nagpapatindi ng galit
b. Nagpapasaya ng ama d. Lahat ng nabanggit

D. Ipaliliwanag ang pahayag na ito?(5puntos)

1. Sa maikling kuwentong tungkol sa “Ang Ama”. Paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kaniyang anak?

You might also like