You are on page 1of 4

DOÑA PILAR M.

ALBERTO INTEGRADTED HIGH SCHOOL


Hernandez St., Landayan, San Pedro, Laguna

Taong Panuruan: 2023-2024

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang.


1. Nasusuri ang kahalagahan ng mga pang-ugnay sa pangungusap.
2. Naipaliliwanag ang wastong gamit ng mga pang-ugnay.
3. Nagagamit ng wasto ang mga retorikal ng pang-ugnay na ginagamit sa akda.
II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Wastong Gamit ng Retorikal na Pang-ugnay

Sanggunian: Panitikang Mideterranean, Kagamitan ng Guro, pahina

Kagamitang Panturo:TV, Laptop, tisa at aklat


Sesyon: 3 Sesyon

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
Bago natin umpisahan ang ating aralin, tayo muna ay magkaroon ng panalangin. Tumayo ang lahat.
(Uumpisahan ang panalangin.)
2. Pagbati
Magandang umaga sa inyo mga bata!
(Sasagot ang mga estudyante ng pagbati sa kanilang guro)
3. Pagtatala ng Liban
Mayroon ba sa inyo ang lumiban sa klase ngayon?
(Sasagot ang mga mag-aaral kung sino ang lumiban sa klase.)
4. Balik-tanaw sa nakaraang aralin

Sa ating pagbabalik-aral, ano ang pinag-aralan natin?


a. Mitolohiya
- Ano ang mitolohiya?
- Paano natin masasabi na mito ang isang akdang pampanitikan?
B. PANLINANG NA GAWAIN (4As)

1. Mga Gawain (Activity)


a. Pangganyak
- Bibigyan ng mga hati-hating puso ang iilang mag-aaral at hahanapin nila sa kapwa nila kamag-aral
ang kabiyak ng puso na kaparehas nila.
- Tatanungin ng guro kung nahanap nila ang kabiyak ng puso na hawak nila.
- Magbibigay ng mga katanungan tungkol sa nabuo nilang puso.
b. Paglinang ng Gawain
- Para sa inyong pangkatang Gawain, bawat grupo ay bibigyan ng guro ng mga salita at gagamitin
nila ito sa pangungusap.
- Bibigyan lamang ng limang minuto ang bawat grupo upang matapos ang Gawain at pagkatapos ay
pipili ng isang miyembro na mag uulat sa harap ng klase.

c. Pagpapakilala sa paksa
b.1. Base sa inyong naging gawain ano sa palagay ninyo ang ating paksang tatalakayin ngayong araw?
-Ngayong araw ay inaasahan na inyong:

a. Masuri ang kahalagahan ng mga pang-ugnay sa pangungusap


b. Maipapaliwanag ang wastong gamit ng mga pang-ugnay
c. Magagamit nang wasto amg mga retorikal na pang-ugnay sa ginamit na akda.

b.2. PANG-UGNAY
-. Ngayon naman ay dumako na tayo sa ating aralin. Napansin Ninyo kanina sa pinagawa ko ang mga
Salitang pang-ugnay.
- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay.

b.3 May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1. pang-angkop – Ang pang-angkop ay ang katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang
maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang pang gramatika. Ito ay may
tatllong uri: “na”, :-ng”, “g”.
(Ang pang-angkop na “na” ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa N.
hindi ito isinusulat ng nakadikit sa unang salita.Nagigitnaan ito ng salita at ng panaguri.
Halimbawa:
a.mapagmahal na hari.
b.masipag na guro.
(Ang pang-angkop na “-ng” ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa patinig:
Halimbawa:
a. binibining Gloria
b. mabuting anak
(Ang pang-angkop na “-g” ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa titik N.
Halimabawa:
a. huwarang guro
b. luntiang halaman
2. pang-ukol- Ay nag uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.

Narito ang mga katagang ginagamit sa pang-ukol:


- Sa, ayon sa/kay, ng ukol sa/kay, kay/kina, para sa/kay, tungkol sa/kay, hinggil sa/kay, ni/nina.
Halimbawa:
a. Si Elena ay magaling sa pagtatanim.
b. Para sap ag-aaral ang aking ipon.
3. pangatnig – Ito ay nag uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala o pangungusap. Ito ay maaring
nagpapakita ng pamukod, panubali, paninsay.
- Pamukod – Ginagamit sa pagbubukod o pagtatangi, gaya ng: ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piling lider natin.
c. Walang diperensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.
- Panubali – Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
- Paninsay – Kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya
ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, at kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit maraming naninira sa kanya.
b. Nakapagtapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang
kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
2. Pagsusuri (Analysis)

Gawain 1. Panuto: Isulat ang PG kung pangatnig, PU naman kung pang-ukol, at PA kung pang-angkop
ang pang-ugnay na nasa panaklong.

PU _______ 1.Ang pagpupulong ay (tungkol sa) maayos na pagtatapon ng mga basura.


PA _______ 2.Masipag (na) bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.
PA _______ 3.Malaki(ng) mangga ang ibinigay ni Julius sa kanyang ina.
PG _______4.Pumasok pa rin sa klase si Jane (kahit) siya ay may lagnat.
PU _______5.Ayon sa PAGASA may darating na bagyo sa susunod na araw.
3. Paghahalaw (Abstraction)
- Bakit mahalaga ang pag-uugnayan ng iba’t-ibang bahagi ng pagpaphayag?
4. Paglalapat (Application)
Gawain 2. Gamit ang mga salitang nag-uugnay bumuo ng hinuha tungkol sa mga posibleng mangyayri sa
bawat pahayag. Gawin ito sa inyong kuwaderno.

PANGUNGUSAP HINUHA
1.Hindi ka sana maiiwan kung…
2. Kung sakaling nakalimutan mo ang mga pangako
ko sa’yo…
3.Kapag nahuli ka sa curfew…
4.Hindi sana siya mahahawa ng sakit kung…

C. PAGLALAHAT
- Sa bahaging paglalahat, magtatanong ang guro sa mga mag-aaral upang subukin ang kanilang mga
napulot na kaalaman mula sa paksang tinalakay.
Gawain 3:
a. Ano ang Pang-ugnay?
b. Ano-ano ang tatlong uri ng pang-ugnay?
c. Ano ang pang-angkop na pang-ugnay?
d. Ano ang pang-ukol na pang-ugnay?
e. Ano ang pangatnig na pang-ugnay?
f. Magbigay ng tatlong uri ng pang-ugnay na pangatnig.

IV. EBALWASYON
- Sa bahaging ito, magkakaroon ng maikling pagsusulit na may kinalaman sa tinalakay na paksang
aralin.

MAIKLING PAGSASANAY

I. Panuto: Nakikilala kung ang pang-ugnay ay isang pang-ukol, pang-angkop o isang pangatnig.
Isulat sa bilog pagkatapos ng pangungusap ang pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.Isulat sa linya
bago ang bilang kung ito’y pang-ukol,pang-angkop o isang pangatnig.

__________1. Ayon sa mga balita,patuloy na nakaranas ng kaguluhan ang bansang Israel.

__________2. Tungkol sa agawan ng teritoryo ang pangunahing dahilan ng kaguluhan.


__________3. Kung narito pa si Hesus, ano kaya ang mararamdaman niya sa ganitong pangyayari sa kanyang
bansa?
__________4. Ang labanan sa pagitan ng Israel at Palestine ay nagpapatuloy sa loob ng napakahabang
panahon.

__________5. Para sa kaligtasan ng mga manggagawa ang utos kaya marami ang tumalima.

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Gumawa ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-ugnay

1. Ayon sa
2. Na
3. Subalit
4. Datapwat
5. Nina
6. Para sa
7. Kay
8. Samantala
9. Kung
10. Kapag

Inihanda ni:

JEZREEL A. SIEGA
Guro, Filipino 7

Binigyang Pansin ni:

KATHERINE KATE B. SAMANIEGO


Head Teacher I/Teacher-In-Charge

You might also like