You are on page 1of 8

GRADE 7 Paaralan MALINAO ILAYA NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 8

Lesson Guro MRS. MARY ROSE C. LAUREL Asignatura Filipino


Exemplar Petsa Setyembre 4-5, 2023 Markahan Una
Oras 2:00-3:00 (Tulip) Bilang ng Araw 5

I. LAYUNIN 1. Nabibigyang kahulugan ang talinghaga, eupemistiko o mainsing na


pahayag sa tula;
2. Natutukoy ang mga matatalinghagang pahayag sa mga piling bahagi ng
akda;
3. Matukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng salita;
4. Maibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar;
5. Makapagsaliksik tungkol sa kadalasang matatalinghang salita na ginamit
sa pagpayo o pangaral ng kanilang mga magulang sa kanilang panahon.
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Pangnilalaman Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

C. Pinakamahalagang Nabibigyang-kahulugan mo ang mga talinghaga, eupemistiko o masining


Kasanayan sa Pagkatuto na pahayag sa mga tula, balagtasan, alamat/ maikling kuwento, epiko ayon
(MELC) sa mga kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. F8PT-Ia-c-19
D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Pinagmulan ng Kwentong-Bayan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Filipino 8
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
B. Listahan ng mga Powerpoint presentation
Kagamitang Manila Paper, Cartolina, Activity/Worksheet
Panturo para sa mga Gawain
sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Panimulang Gawain
-Panalangin

-Pagtatala ng liban sa klase

- Pagbabalik aral
Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa naunang aralin, iugnay ang
mga karunungang-bayan na nasa HANAY A sa angkop na sitwasyon
na nasa HANAY B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
- Pagganyak
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Suriin at magbigay ng maikling pagpapaliwanag sa mga sumusunod.
1. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
______________________________________________________
2. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
______________________________________________________
3. Ang sakit kapag naagapan, madali itong malulunasan.
______________________________________________________
4. Sa bukid nagsaksakan, sa bahay nagbunutan.
______________________________________________________
5. Paano tatawa ang dalaga nang hindi makikita ang kanyang ngipin?
______________________________________________________
B. Development Pagtalakay sa akdang Karunungang-Bayan.
(Pagpapaunlad)

Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng nga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan, at bulong. Karaniwan ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang
tula.
1. Salawikain – Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal n
gating mga ninuno na naglalayong mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan.
Halimbawa:
Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
2. Sawikain/Idyoma – ang mga sawikain o idyoma ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng
talinghaga.
Halimbawa:
bagong tao – binata
bulang-gugo – gastador

3. Kasabihan – karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna ng isang tao.


Halimbawa:
Tulak ng bibig Utos na sa pusa
Kabig ng dibdib Utos pa sa daga
4. Bugtong – inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-iisip.
Ang bugtong ay mayroon din sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng dala-wa hanggang apat na
taludtod.
Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa ka-paligiran.
Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangi-an ng bagay na
binabanggit sa naung linya.
May dalawang uri ng bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga tagalog ang pianakamayaman sa bugtong.
1. Mga talinghaga (o enigma), mga suliraning ipinahahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika
na nangangailangan ngkatalinuhan at maingat na pagn-inilay-nilay para sa kalutasan.
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyang gamit sa tanong o
sagot.
Apat na katangian ng tunay na bugtong:
1. Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinhaga (pinakamahalagang katangian)
Halimbawa: Sagot
1. Nagtago si Pedro, labas din ang ulo. Pako
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Atis
3. Nanganak ang birhen itonago ang lampin. Saging
5. Palaisipan – ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang
bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Juan, lumundag ang isa, ilan ang natira?
May isang bola sa mesa, tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalawa ang sombrero?
6. Bulong – ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na
pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto, at masamang espir-itu.
Halimbawa
Huwang magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan.
C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Iugnay ang mga sumusunod na karunungang-bayan sa mga
(Pagpapalihan) pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

D. Assimilation (Paglalapat) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumupit ng mga larawan para makagawa ng isang brochure
pangkalusugan ukol sa . Lagyan ng caption ang bawat larawan gamit ang mga karunungang-bayan at
ipaliwanag.

V. PAGNINILAY Isusulat ng mga mag-aaaral sa piraso ng papel ang natutuhan sa aralin. Tatatawag ang guro ng ilang
mag-aaral upang maglahad ng kanilang sagot.

Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na _______________________.

Inihanda ni:

MARY ROSE C. LAUREL


Guro II – Filipino
Nabatid:

ALLAN E. DATA
Punungguro III

GRADE 7 Paaralan MALINAO ILAYA NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 8


Lesson Guro MRS. MARY ROSE C. LAUREL Asignatura Filipino
Exemplar Petsa Setyembre 6-9, 2023 Markahan Una
Oras 2:00-3:00 (Tulip) Bilang ng Araw 3

II. LAYUNIN 1. Nabibigyang kahulugan ang karunungang-bayan;


2. Natutukoy ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa
karunungang-bayan;
3. Natutukoy ang mahalagang kaisipang napapaloob sa sa mga karunungangbayan;
4. Nakabubuo ng tamang salita na tutugma sa bawat bugtong.;
5. Nakabubuo ng sariling bugtong na may kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari;
6. Nakasusulat ng sariling kasabihan at salawikain batay sa sitwasyon.
A. Pamantayang Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga
Pangnilalaman Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo
C. Pinakamahalagang Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
Kasanayan sa Pagkatuto karunungangbayan sa mga pangyayari sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22
(MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
II. NILALAMAN Karunungang-Bayan
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
b. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Filipino 8
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
B. Listahan ng mga Powerpoint presentation
Kagamitang Manila Paper, Cartolina, Activity/Worksheet
Panturo para sa mga Gawain
sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Panimulang Gawain
-Panalangin

-Pagtatala ng liban sa klase

-Pagbabalik aral
Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa.

-Paunang Pagtataya

-Pagganyak
Suriin at kilalanin ang sumusunod na mga karunungang-bayan.
Bigyan natin ng pansin ang mga pahayag. Ano-ano kaya ang mga ito?

Ngayon ay subukan mong bigyan ng kahulugan ang mga ito.


1. __________________________________________________
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________

B. Development Pagtalakay sa akdang Karunungang-Bayan.


(Pagpapaunlad)
Kahon ang Maghusga!
Panuto: Piliin ang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa
karunungang-bayan.
1. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
___Palaging pinaalalahan si Ana ng kanyang ina na ugaliin ang maging magalang sa kapwa dahil ito
ay natatanging kaugalian.
___Hindi man mayaman si Ana, higit pa ring hinahangaan ang walang sawang pagtulong sa kanyang
mga kaklase.

2. Ang malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.


___Napakalakas ng loob ni Joseng makipag-usap sa kaniyang mga kasama sa kabila ng kaniyang
mga ginawa.
___Hindi kailanman natatakot si Baldo sa lahat ng kanyang naging desisyon dahil malinis ang kanyang
intensyon.

3. Kung nagbigay ma’t mahirap sa loob, ang pinakakain ay di mabubusog.


___Isang hapunan ang inihanda ng tiya ni Lina, ngunit hindi ako mabusogbusog dahil sa bawat subo
namin, siya naman ay nakatingin.
___Magaan ang pakiramdam ni Mang Juan sa pag-abot ng tulong sa mga naging fronliner ng COVID
19.

4. Siya ang itinuturing na itim na tupa sa kanilang pamilya.


___Si Roel ay may katigasan ng ulo at hindi sumusunod sa kanyang magulang.
___Maitim ang pangangatawan ni Roel kaya siya ay naiiba.

Bugtungan Tayo!
Panuto: Sagutin ang
sumusunod na bugtong.
Iayos ang mga initimang letra
upang mabuo ang tamang salita na
tutugma sa bawat bugtong.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
nasagutang papel.
C. Engagement Panuto: Dugtungan ang mga pangungusap na may patlang ayon sa iyong natutuhan. Isulat ito sa
(Pagpapalihan) hiwalay na papel.

May iba’t ibang uri ng Karunungang-bayan. Ang bugtong ay isang uri ng palaisipang nasa anyong
_______________. Ang kasabihan naman ay _________________ ang pagpapakahulugan. Ang
sawikain ay mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang
__________________ ang paraan ng pagpapahayag. Ang Salawikain naman ay mga butil ng
karunungan na ___________________________ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Kaya’t
mahalaga ang mga karunungang ito dahil ________________________________________________.

Iangkop Mo!
A. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba na nangyayari sa totoong buhay sa kasalukuyan.
Mula rito piliin ang pinakaangkop na kasabihan, salawikain o sawikain batay sa sitwasyon. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Madalas kang tuksuhin ng iyong kamag-aral dahil salat ka sa pangangailangan pero puno ka naman
sa pagmamahal ng iyong mga magulang. Ang pangyayaring ito sa iyong buhay ang iyong naging
inspirasyon upang mag-aral nang mabuti. Mabilis na dumaan ang panahon at ikaw ay nakapagtapos
ng pag-aaral. Ang dating tinutukso noon ay umunlad at nagkaroon na ng magandang buhay.
A. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
C. Huwag mong sa gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
D.Bago mo linisin ang dungis ng iba, linisin muna ang putik sa iyong mukha.

2. Hiniling ng matalik mong kaibigan na magsinungaling ka at sabihing kayo ang magkasama sa


kaniyang panonood ng sine. Hindi ka pumayag kaya nagalit siya. Hindi ka niya kinibo nang mahabang
panahon. Ipinagkibitbalikat mo na lang ang kaniyang ginawa. Dumating ang araw humingi siya ng
tawad sa kanyang ginawa at naibalik ang inyong magandang pagkakaibigan.
A. Ang tunay na kaibigan karamay kainlanman.
B. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
C. Ang tunay na kaibigan ay karamay sa kasinungalingan.
D. Ang mga hangal ay nagsisinungaling, ang mga matatalino ay nanatili sa katotohanan.

3. Ang mga frontliners sa panahon ng pandemyang Covid19 ay taos-pusong naglilingkod hindi lamang
sa ating komunidad at sa ating bansa.
A. bukal sa loob
B. matalas na ulo
C. makitid mag-isip
D. malawak mag-isip

4. Sa kinahaharap nating iba’t ibang isyu sa ating lipunan, hindi maaaring mag bingi-bingihan lamang
tayo sa mga pangyayaring ito. Kailangan nating kumilos.
A. taingang-kawali
B. mahina ang loob
C. bahag ang buntot
D. matalas ang pandinig
5. Nag-apply sa trabaho si Arnel. Masyadong mahigpit ang pagtanggap ng bagong empleyado kaya
nilapitan ni Arnel ang kakilala niyang tagamahala ng kompanya. Ngunit sa hindi inaasahang
pangyayari, hiningan siya nito ng halaga upang maipasok siya sa trabaho. Hindi tumugon si Arnel sa
nais ng kakilala sa halip pumila sa hanay ng mga aplikante. Ipinagmamalaki niyang natanggap siya sa
trabaho na dumaan sa tamang proseso
A. Matalas ang ulo.
B. Mataas ang noo.
C. Malawak ang isip.
D. Bahag ang buntot.

D. Assimilation (Paglalapat) Grupong Gawain


B. Bumuo ng sariling bugtong na may kaugnayan sa mga sumusunod na bagay, hayop, pagkain at iba
pa.
1. Bola
2. Apoy
3. Araw
4. Manga
5. Aso
6. Tubig
7. Santol
8. Mata
9. Aklat
10. Dagat
11. Damit
12. Kalsada

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain at kasabihan. Tukuyin ang
mahalagang kaisipang napapaloob sa mga karunungang-bayang nabanggit mula sa hanay B. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bugtong at sawikain na nasa ibaba.
1. Lantang-gulay
A. sira na ang gulay
B. lanta na ang gulay
C. sobrang pagod
D. sobrang tulog

2. Makapal ang palad


A. makalyo ang palad
B. malikhain
C. masipag
D. matulungin

3. Maikling landas, di-maubos lakarin.


A. anino
B. daan
C. sapatos
D. tsinelas

4. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.


A. baso
B. batya
C. lata
D. tabo

5. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.


A. alitaptap
B. gamu-gamo
C. paruparo
D. tutubi
V. PAGNINILAY Isusulat ng mga mag-aaaral sa piraso ng papel ang natutuhan sa aralin. Tatatawag ang guro ng ilang
mag-aaral upang maglahad ng kanilang sagot.

Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na _______________________.

Inihanda ni:

MARY ROSE C. LAUREL


Guro II – Filipino

Nabatid:

ALLAN E. DATA
Punungguro III

You might also like