You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Cotabato
Arakan East District
DALLAG ELEMENTARY SCHOOL
Dallag, Arakan, Cotabato

BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 6

Paaralan Dallag Elementary School Baitang VI-Rizal


Guro RHEA G. OCITE Subject Filipino
Petsa March 20, 2023 Kwarter 3rd

I. Layunin
A. Pamantayang Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
Pangnilalaman napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng dayagram, diorama at likhang sining batay sa isyu o
paksang napakinggan
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig.
Pagkatuto. Isulat ang code F6WG-IIIj-12
ng bawat kasanayan.
II. NILALAMAN Pangatnig
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng Alab Filipino 6 – P. 88
guro Teacher’s Manual
2. Mga pahina sa kagamitang Module – F3Q3W5 – P. 5-9
Pang Mag-aaral
3. Mga pahina sa teksbuk Alab Filipino 6 – P. 145-146
4. Karagdagang kagamitan tarpapel, mga larawan, activity sheets, glue, pentle pen
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang kagamitang Powerpoint presentation
panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Panuto: Kunin ang mga nakatagong paper strip sa ilalim ng upuan at
aralin at/o pagsisimula sa basahin ito sa parila gamit ang tamang pang-angkop.
bagong gawain
B. Paghahabi sa layunin ng Ipabasa ng may katamtamang lakas ang teksto na may pamagat na “Ang
aralin ulilang si Juan” at pansinin ang mga salitang may salungguhit dito.

C. Pag-uugnay ng mga Pagpapakita ng mga larawan tungkol sa iba’t-ibang sitwasyon at basahin


halimbawa sa bagong aralin ang pangungusap na nakalaan dito.

D. Pagtatalakay ng bagong Pagtalakay sa iba’t ibang uri ng pangatnig.


konsepto at paglalahad ng Pangatnig- ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
bagong kasanayan #1 parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa mga pangungusap. Ito ay may
iba’t ibang uri ayon sa gamit.

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni,


maging, at, man.
Halimbawa:
Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na makasakit ng damdamin
ng iba.
Ang gunting at kutsilyo ay parehong gamit na makikita lamang sa
ating mga bahay.
2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag,
pag, at sakali.
Halimbawa:
Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
Pag laging umulan, hindi makakaipon ng kuryente ang mga solar
panel namin sa bukid.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang


ikalawangbahagi nito.
Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala,
kahitman, kahit.
Halimbawa:
Umani ng sagana ang aming bukirin kahit (kahit na) maraming
pagsubok ang nadaanan nito.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap


ng kilos. Ang mga ito ay: dahil, dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
Naghirap ang Pilipinas dahil sa pananakop ng mga dayuhan noon.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita,


gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:

Makukuha ko na rin sa wakas ang kalahating parte ng aming lupain.

E. Pagtalakay ng bagong Idikit Mo Ako:


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Piliin ang angkop na pangatnig sa loob ng kahon at idikit ito sa patlang
upang mabuo ang pangungusap.
1. Hindi nakapasok sa paaralan si Lita _________ masakit ang
kaniyang ngipin.
2. Pwede ka nang kumain ng tinapay _______ prutas pagkatapos
mong maligo.
3. Dapat magkaisa ang kasamahan _______ walang mag-aaway.
4. Hindi niya lahat binasa ang mga tanong _______ mababa ang
nakuha niya sa pagsusulit.
5. Lumakad ka na _________ may tao pa sa bahay.

F. Paglinang sa Kabihasnan Pangkatang Gawain:


(Tungo sa Formative Bigyan ang bawat grupo ng limang minuto sa kanilang magkaibang
Asessment) gawain.

Pangkat 1
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig na bubuo sa
diwa nito.
1. Nanghihina ka ngayon (dahil, subalit, kaya) hindi ka nag-almusal
kanina.
2. Alin sa mga ito ang gusto mo, pula, puti (at, o, kung) asul?
3. Kumain ka ng mga masustansyang pagkakin ( upang, dahil, kaya)
lumakas ka.
4. Hindi lumiban sa klase si Lito (kahit, ngunit, sapagkat) masama
pa ang kaniyang pakiramdam.
5. Tayo ay makapaglalaro sa labas (kahit, kung, at)papayag an
gating guro.
Pangkat 2
Panuto: Bumuo ng mga angkop na pangatnig upang mabuo ang bawat
pangungusap.
1. Magsisisi ka __________ hindi mo nagawa ang gusto mo.
2. Matematika ____ Filipino ang mga paborito kong asignatura.
3. Ano ba ang gagamitin ko, lapis ba _______ bolpen?
4. Dumating ako ________ wala ka na.
5. Nagalit siya sa akin __________ napatawad nya naman ako.

Pangkat 3
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na
pangatnig.
1. at
2. o
3. dahil
4. ngunit
5. kung
G. Paglalapat ng aralin sa Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangatnig.
pang araw-araw na buhay. 1. kahit
2. maging
3. samantala
4. upang
5. subalit
H. Paglalahat ng aralin. Ano ang pangatnig?
Magbigay ng pangungusap na may pangatnig.
I. Pagtataya ng aralin Gamitin ang wastong pangatnig na bubuo sa mga pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Patatawarin kita ____ sasabihin mo ang totoo.
2. Pipiliin ko ang Pangulo ___Pangalawang Pangulo na maging
panauhing tagapagsalita.
3. Inihalal tayo n gating mga kababayan ____ huwag nating sirain
ang tiwala nila.
4. Mga senador ___ kongresista ang gumagawa ng batas para sa
bayan.
5. Aminin n asana ang totoo_____hindi pa huli ang lahat.
J. Karagdagang Gawain para Sumulat ng limang pangungusap na ginagamitan ng mga pangatnig.
sa takdang aralin at
remediation.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:
RHEA G. OCITE
Teacher - I

Inobserbahan ni:
JOSEPH G. PELINGON
Principal – I

Si Juan ay lumaking ulila bagamat hindi ito naging


hadlang sa pagpupursigi niya sa buhay. Sa murang edad
ay namulat siya sa kahirapan kaya naman naging bihasa
na siya sa iba't ibang paraan upang siya ay makapag-aral
sa elementarya. Ngunit hindi ito naging madali, nagtitinda
siya ng mga basahan sa kalye at saka sa paaralan para sa
pang araw-araw na gastusin. Nag tuloy-tuloy iyon at sa
wakas ay nakuha na niya ang kanyang inaasam-asam at
iyon ay ang kanyang diploma.

You might also like