You are on page 1of 20

3

Science
Ikalawang Markahan– Modyul 7:
Pangunahing Pangangailangan
ng Tao, Hayop at Halaman
Science – 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Hayop at
Halaman
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module

Writer: Brian V. Cagas


Editor: Alpha V. Cerbo
Reviewer: Blessy Mae M. Cabayao, Jay Sheen A. Molina
Illustrator: Cyprus Cyrmith D. Mayormente
Layout Artist: Solomon P. Lebeco Jr.
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV – Regional Director
Atty. Fiel Y. Almendra CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI- OIC- Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, Science, ADM
Lalaine SJ. Manuntag PhD - CID Chief
Nelida S. Castillo PhD - EPS, LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz – EPS, Science, ADM

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Science
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pangunahing Pangangailangan
ng Tao, Hayop at Halaman
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham 3 ng Self- Learning Module (SLM)


Modyul para sa araling Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Hayop at Halaman.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Science 3 ng Self Learning Module (SLM) ukol sa

Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Hayop at Halaman.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

This module has the following parts and corresponding icons:

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Sa araling ito, tatalakayin ang mga pangunahing


pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Dito mabibigyan ng
kasagutan kung paano ang mga bagay na may buhay ay
umaasa ng kanilang pangunahing pangangailangan sa
kapaligiran.

Mahalagang Pamantayan Pangnilalaman:


Sa modyul na ito, inaasahan na:
 Makikilala ang mga pangunahing pangangailangan ng
Tao, Hayop at Halaman. (S3LT-lli-j-14)

1
Subukin

Panuto: Sagutan ang mga sumusunud na pangungusap ayon sa


inyong nalalaman.
1. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pangangailangan
ng mga tao, hayop at halaman?

A. Pagkain
B. Hangin
C. Tubig
D. Lahat na nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangunahing
pangangailangan ng tao at hayop?

A. Masustansyang Pagkain
B. Malinis na tubig
C. Maruming Hangin
D. Ligtas at maayos na bahay
3. Ang hangin ay isa sa pangunahing pangangailangan. Alin sa
mga sumusunud ang nangangailangan ng carbon dioxide?
A. Tao
B. Hayop
C. Halaman
D. Lahat na nabanggit

2
4. Para makagawa ng sariling pagkain, kinakailangan ng halaman
ang tubig, hangin at _________.
A. Sikat ng araw
B. Damit
C. Tirahan
D. Oxygen
5. Ano ang magkaparehong pangangailangan ng tao at hayop?
A. Uri ng Pagkain.
B. Hangin.
C. Damit.
D. Tirahan

3
Aralin Pangunahing
1 Pangangailangan ng Tao,
Hayop at Halaman
Ang mga halaman at mga hayop ay may parehong
pangangailangan sa tao. Lahat na mga nabubuhay na bagay
ay may mga pangunahing pangangailangan para ito’y
mabuhay.
Ano ang mga pangunahing pangangailangan ng tao,
hayop at halaman?

Balikan

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang salitang Tama


kung ang pangungusap ay naglalarawan ng
kahalagahan ng pangangalaga at pag iingat sa
kapaligiran at Mali naman kung hindi.

_____________ 1. Pagtatapon ng basura sa ilog at karagatan


_____________ 2. Pagkakaroon ng malinis at ligtas na bahay.
_____________ 3. Pagpuputol ng mga punong kahoy sa
kagubatan.
_____________ 4. Pagkakaroon ng marumimg hangin dulot ng
mga pabrika.
_____________ 5. Pagkakaroon ng malinis na tubig para sa
mga tao, hayop at halaman.

4
Tuklasin

Gawain 1: Ano ang Pangunahing Pangangailangan Upang


Mabuhay?
Layunin
a. Nakikilala ang pangunahing pangangailangan ng tao,
hayop at halaman.
Panuto:
Sa sagutang papel, lagyan ng tsek(/) kung ito ay
pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Sipiin ang
talaan sa ibaba.
Mga Mga Mga
Pangangailangan Tao Hayop Halaman Gawain

Pagkain Pagkain
Tubig Pag-inom
Hangin Paghinga
Tirahan Lugar kung saan
sila nakatira
Damit/bumabalot Galaw
dito

5
Suriin

Ang mga tao, hayop at halaman ay may pangunahing


pangangailangan upang mabuhay sa kanilang piniling
tirahan.
Lahat ng mga bagay na nabubuhay ay
nangangailangan ng pagkain, tubig at hangin.

Ano - ano ang magkaparehong pangangailangan ng


tao, hayop at halaman?

Ang tao at hayop ay nangangailangan ng oxygen at


ang halaman ay carbon dioxide sa paghinga.

Magkatulad ba ang hangin na nilalanghap ng mga tao,


hayop at halaman? Saan sila kumukuha ng hangin?

Ang tao ay kumakain ng halaman, karne at iba’t ibang


uri ng pagkain. Marami sa mga hayop ay may tiyak na uri
ng pagkain. Ang mga hayop ay kumakain din ng halaman
at karne. Kinakailangan ng halaman ang tubig, carbon
dioxide at sinag ng araw upang makagawa ng sariling
pagkain.
6
Magkatulad ba ang kinakain ng tao, hayop at
halaman? Saan sila kumukuha ng pagkain?

Tubig ay isa din sa pangunahing pangangailangan ng


tao, hayop at halaman upang mabuhay. Ito ay nakukuha
sa iba’t ibang katubigan gaya ng batis, sapa, lawa at iba
pang uri na pinanggagalingan nito.

Magkatulad ba ang iniinom ng tao, hayop at halaman?


Saan sila kumukuha nito?

7
Pagyamanin

Panuto: Magmasid sa paligid ng iyong bahay? Maghanap


ng tao, hayop at halaman at itala ang mga bagay kinakailangan
nila upang mabuhay. Gamitin ang graphic organizer na nasa
ibaba.

Dayagram1

Mga Pangunahing Pangangailangan

Isaisip

 Ano - ano ang mga pangunahing pangangailangan ng


tao, hayop at halaman?

8
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang pangungusap na nagsasaad


ng pangunahing pangangailangan ng bawat
larawan na nasa ibaba.

________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________

9
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik


ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang sumusunud ay mga pangunahing pangangailangan ng
mga tao at hayop maliban sa isa.
A. Masustansyang Pagkain
B. Mabahong hangin
C. Malinis na tubig
D. Ligtas at malinis na bahay.
2. Alin sa mga sumusunud ang nangangailangan ng carbon
dioxide?
A. Tao
B. Hayop
C. Halaman
D. Lahat na nabanggit
3. Ano ang magkaparehong pangangailangan ng tao at hayop?
A. Oxygen
B. Pagkain
C. Tirahan
D. Damit

10
4. Para makagawa ng sariling pagkain, Kinakailangan ng halaman
ang tubig, hangin at?
A. Enerhiya galing sa araw
B. Damit
C. Tirahan
D. Oxygen
5. Ang sumusunud ay parehong gawain ng tao, hayop at halaman
maliban sa isa.
A. Paghinga
B. Pagkain
C. Pag awit
D. Pag inom

Karagdagang Gawain

Paggawa ng Collage

Gumupit ng mga larawan sa mga magasin na nagpapakita


ng pangunahing pangangailangan at mga gawain ng tao,
hayop at halaman at idikit ito at gawing collage sa isang ¼ na
cartolina. Ang iyong gawa ay titimbangin sa pamamagitan ng
rubriks.

Pamantayan Bahagdan Iskor


Kaangkupan 50%
Orihinalidad 20%
Pagkamalikhain 20%
Kalinisan 10%
Kabuuan 100%

11
12
Isaisip Pagyamanin Suriin
Tao
1. - Pagkain  Pagkain, hangin,
 Pagkain - Tubig tubig
- Inumin  Oo
 Hangin
- Bahay Oxygen( Tao at
 Tubig
- Kasuotan Hayop)
 Tirahan
- Hangin Carbon
 Damit/ Hayop Dioxide(Halaman)
bumabalot ditto
 Hindi
- Pagkain Tao at
- Tubig hayop(paligid)
- Tirahan Halaman(
- Hangin gumawana ng
Isagawa - Halaman sariling pagkain)
Tayahin Pagkain(minerales  Oo
galling sa lupa) sapa, batis lawa
1. B at iba pa.
2. C - Tubig
3. A - Hangin
4. A - Enerhiya
5. C galling sa
araw
Tuklasin Balikan Subukin
1. Mali 1. D
/ / / 2. C
2. Tama
/ / / 3. Mali 3. C
/ / / 4. Mali 4. A
/ / 5. Tama 5. B
/
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian
Sacatropes, A., et. Al., 2015. Science 3 Kagamitan ng mag-aaral.
Pasig City, Philippines: Bloombooks Inc.,pp. 99-102.

13
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinusunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education - SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like