3
Science
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Mga Uri at Mga Pagbabago sa
Kalagayan ng Panahon
Agham – 3
Self-Learning Module (SLM)
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga Uri at mga pagbabago sa Kalagayan ng
Panahon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Development Team of the Module
Writers: Grezzle Mae P. Binibini Axcel Rose P. Bernal
Gretchiel R. Baytos Jesica M. Gunday
Editor: Alpha V. Cerbo
Reviewer: Blessy Mae M. Cabayao
Illustrator: Anna Lou C. Suyamin
Layout Artist: Welmer M. Leysa
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team:
Carlito D. Rocafort, CESO IV – Regional Director
Atty. Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI- OIC- Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, Science and ADM
Lalaine SJ. Manuntag, PhD – Chief, CID
Nelida S. Castillo, PhD - EPS, LRMS
Marichu Jean R. Dela Cruz – EPS, Science
Printed in the Philippines byDepartment of Education –SOCCSKSARGENRegion
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3
Science
Ikaapat na Markahan– Modyul 3:
Mga Uri at Mga Pagbabago sa
Kalagayan ng Panahon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham 3 ng Self- Learning Module (SLM)
Modyul para sa araling Mga Uri at mga Pagbabago sa Kalagayan ng Panahon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham 3 ng Self Learning Module (SLM) ukol sa
Mga Uri at mga Pagbabago sa Kalagayan ng Panahon.
Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
This module has the following parts and corresponding icons:
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.
iv
Alamin
Magandang araw mga bata! Handa naba kayo para sa
panibagong kaalam? Sa tingin ko kayo ay handang-handa na.
Sa iyong patuloy na pag-aaral, ang modyul na ito ay
ginawa at inihanda upang mas lalong mapalawak ang inyong
natutunan bilang mag-aaral. Ito ay makakatulong para malinang
ang inyong natatanging kaalaman at kakayahan tungkol sa Mga
Uri at Mga Pagbabago sa Kalagayan ng Panahon.
Nakapaloob din dito ang iba’t ibang halimbawa at gawain
na inaasahang masasagot ang tanong at sa huli ay
maipaliwanag ang mga uri at pagbabago sa kalagayan ng
panahon.
Sa modyul na ito, kinakailangang malinang sa iyo ang
sumusunod na kakayahan, kaalaman at pag-unawa.
Mahalagang Pamantayan Pangnilalaman:
• Natutukoy ang iba’t ibang uri ng panahon
• Nailalarawan ang pagbabago sa kalagayan ng panahon
(S3ES-IVe-f-3)
1
Subukin
Bago natin simulan ang ating aralin, sagutan ang mga
sumusunod na pangungusap ayon sa inyong nalalaman. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong uri ng panahon nangangailangang isuspende ang
pasok sa opisina at paaralan?
A. mahangin C. bumabagyo
B. maaraw D. maulap
2. Ano ang nararapat gawin kapag umuulan?
A. maligo sa dagat C. magsampay ng damit
B. magdilig ng mga halaman D. manatili sa loob ng bahay
3. Alin sa mga uri ng panahon ang magandang magpalipad ng
saranggola?
A. maaraw C. maulap
B. mahangin D. maulan
4. Paano mo mailalarawan ang maaraw na panahon ?
A. Ang araw ay natatabunan ng maraming ulap.
B. Ang langit ay makulimlim at may katamtamang ulan.
C. Ang paligid ay madilim, may malakas na hangin at ulan.
D. Ang sikat ng araw ay matarik at mainit ang hangin.
5. Anong mga uri ng panahon ang maaaring lumabas at
maglaro?
A. maaraw, maulap, mahangin
B. maaraw, bumabagyo, maulan
C. maaraw, mahangin, bumabagyo
D. maaraw, maulan, mahangin
2
Aralin
Mga Uri at mga Pagababago
1 sa Kalagayan ng Panahon
Ang panahon sa ating kapaligiran ay paiba-iba.
Nakararanas tayo ng maaraw, mahangin, maulap, maulan at
minsan naman ay bumabagyo. Ang panahon ay nakakapekto sa
tao, hayop at kalikasan kaya, ugaliing maging handa sa
pagbabago ng kalagayan ng panahon na maaring makaapekto
sa ating pamumuhay.
Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay ginagawang panggatong, paggawa ng bahay, at iba
pang gusali.
A. punongkahoy B. bulaklak C. bato D. gulay at prutas
2. Ito ay anyong lupa na malawak na patag na tinataniman ng
mga magsasaka.
A. burol B. bulkan C. lambak D. kapatagan
3. Ito ay isang anyong tubig na pinalilibutan ng lupain.
A. dagat B. lawa C. sapa D. talon
4. Paano nakatutulong ang mga hayop sa ating pamumuhay.
A. Ang mga hayop ay nagbibigay ng pagkain sa atin.
B. Ang mga hayop ay nakakapagbigay kasiyahan sa atin.
C. Ang mga hayop ay tumutulong sa gawaing pansaka.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Ito ay isang malawak, malaki, maalat na bahagi ng tubig.
A. lawa B. talon C. karagatan D. ilog
3
Tuklasin
Basahin at unawain ang Tula:
Pana-panahon Lang
Matinding sikat ng araw damhin
Init sa balat iyong indahin .
Payong at sombrero ay kailangan
Dahil maaraw na panahon iyong nararanasan.
Kapag sinag ng araw ay medyo natatakpan
Ng mga mapuputing ulap sa kalangitan
At simoy ng hangin, bigay ay kaginhawaan
Mahangin na panahon dapat pasalamatan.
Patak ng tubig na mahina at maliliit
Na nagmumula sa langit
Ang paglalaro sa ulan iyong mababanggit
Sa maulan na panahon, makakangiti ka ng hindi pinipilit.
Pero kapag lumakas na ang ulan
Kasama ng pagdilim ng kapaligiran
Malalakas na hangin na parang nagsisipulan
Mabagyong panahon sayo ay nagpaparamdam.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano-anong uri ng panahon ang nabanggit sa tula?
_________________________________________________
2. Magbigay ng katangian ng bawat uri ng panahon batay sa
tulang nabasa.
________________________________________________
4
Suriin
Ang panahon o kalagayan ng ating panahon ay ang pang-
araw – araw na kundisyon ng isang lugar. Ito ay maaring
makaapekto sa ginagawa natin sa araw-araw.
Tayo ay nakararanas ng mga panahon na maaraw,
maulan, maulap, mahangin at minsan ay bumabagyo. Dahil sa
ating pabago-bagong panahon ang mga gawain natin ay
nakadepende dito.
• PAG-ASA – Philippine Atmospheric Geophysical
Astronomical Services Administration, isang ahensiya
ng Pilipinas na nilikha upang magbigay ng babala
tungkol sa panahon.
• Meteorologist – isang dalubhasa na nag-aaral ng
mga proseso sa kapaligiran ng lupa na nagdudulot
ng kondisyon ng panahon.
Ibat’ ibang Uri ng Panahon
1. Maaraw- may mataas na sikat ng
araw. Mainit din ang simoy ng hangin
sa panahong ito. Ito ay ang araw na
magandang maligo sa sapa, ilog at
dagat. Panahong kinakailangang
gumamit ng payong, sombrero at
pamaypay.
5
2. Mahangin – panahon kung saan
malakas ang ihip ng hangin. Ito ang
panahong magandang maglaro at
magpalipad ng saranggola.
3. Maulan- panahon na walang sikat ng
araw. Ang langit ay makulimlim at may
dalang ulan. Ito ang panahon na dapat
manatili sa loob ng inyong tahanan.
Gumamit ng payong, kapote at bota
upang maiwasang mabasa at
magkasakit.
4. Maulap- panahon na kung saan
maraming ulap sa kalangitan at ang
araw ay bahagyang natatakpan. Ito
ang panahon na magandang maglaro
at mamasyal.
Iba’t ibang Uri ng Ulap
• Cumulus- may mala bulak na anyo. Makikita ang mga
ulap cumulus kapag maaraw at mainit ang panahon.
• Cirrus – ito ang pinakamataas na ulap. Malabalahibo
ang anyo nito, mahahaba ang mga ito at manipis ang
pagkabuo sa langit. Maputi rin ang mga ulap cirrus
ngunit hindi malalaki ang kumpol tulad ng ulap
cumulus.
6
• Stratus – ito ay tulad ng cirrus malabalahibo ang anyo
nito ngunit ito ay matatagpuan sa mas mababang
bahagi ng himpapawid.
5. Bumabagyo- panghuling uri ng
panahon, ito ay may madilim na
kalangitan, malakas ang hangin
at buhos ng ulan, may kasamang
kulog at kidlat. Mag-ingat sa
panahong ito, iwasan ang
paglabas-labas ng bahay.
Pagyamanin
Gawain 1: Hanapin at bilugan ang mga salitang tungkol sa uri ng
panahon na makikita sa palaisipan. Isulat sa baba ang mga
nakitang salita
M S D G H T A N Y B
A E F P B A N T S U
A R A P E Q I A M M
R T C A O R G B N A
A B D W M S A C O B
W Y G S A T H D P A
R L M A U L A P Q G
T M I Y L U M E R Y
O N D X A V Y F S O
I A W Z N W X G T Z
1.___________ 2.____________ 3. ______________
4.______________ 5.__________________
7
Gawain 2: Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A sa angkop
na kalagayan ng panahon sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. mahangin
2. maulap
3. bumabagyo
4. maulan
5. maaraw
8
Gawain 3: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang
angkop na kalagayan ng panahon sa kahon kung ito ba ay
maaraw, maulan, mahangin, maulap o bumabagyo.
9
Gawain 4: Iguhit ang kalagayan ng panahon sa loob ng isang
araw. Isulat ito sa sagutang papel.
UMAGA
TANGHALI
HAPON
10
Gawain 5: Pag-aralan ang bawat larawan. Isulat sa patlang ang
uri ng ulap kung ito ba ay (cumulus, stratus o cirrus) sa larawan.
11
12
Isaisip
Palaging pakakatandaan na ang panahon ay may ibat
ibang uri. Ito ay ang _________, __________, _________, _______,
at________. Ang bawat uri ng panahon ay may kanya kanyang
katangian ito ay may maganda at mapanganib na dulot.
Isagawa
Panuto: Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang
mabuo ang salita.
1. Panahon kung saan mataas ang sikat ng araw.
M A A W
2. Panahon kung saan malakas ang ihip ng hangin.
A A G N
3. Panahon kung saan ang langit ay makulimlim at may
dalang ulan.
M U A
4. Panahon kung saan maraming ulap sa kalangitan.
A L P
5. Panahon kung saan madilim ang kalangitan,
malakas
ang hangin at malakas ang buhos ng ulan.
B M A G Y
13
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga uri ng panahon ang magandang maligo sa ilog,
sapa, at dagat?
A. maulap B. maaraw C. mahangin D. maulan
2. Ito ang panahon kung san madilim ang kalangitan, may kulog
at kidlat at malakas na ulan.
A. maulap B. maaraw C. mahangin D. maulan
3. Ito ang uri ng ulap na may malabulak na anyo, makikita kapag
maaraw at mainit ang panahon.
A. Cumulus B. Stratus C. Cirrus D. Nimbus
4. Anong uri ng ulap na may malabalahibo ang anyo ngunit nasa
mas mababang bahagi ng atmosphere?
A. Nimbus B. Cumulus C. Stratus D. Cumulus
5. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag umuulan?
A. Mamasyal sa parke
B. Magsampay ng damit
C. Magpalipad ng saranggola
D. Magsuot ng raincoat at bota
14
Karagdagang Gawain
Sagutin ang mga katanungan:
1.Magtala ng 3 gawain tuwing tag-araw.
__________________________________
__________________________________
__________________________________
2.Magtala ng 3 gawain tuwing tag-ulan.
__________________________________
__________________________________
__________________________________
15
16
Gawain 5
1. Cumulus
2. Stratus
3. Cirrus
Subukin 4. Cirrus
5. Cumulus
1. C
2. D Pagyamanin Isaisip:
3. B Gawain 1 Bumabagyo, Maulan, Maaraw,
4. D 1. mahangin Mahangin, Maulap
5. A 2. maaraw
maulan Isagawa:
3. mahangin 1. Maaraw
Balikan 4. bumabagyo 2. Mahangin
1. A Gawain 2 3. Maulan
2. D 1. maulap 4. Maulap
3. B 2. maaraw 5. Bumabagyo
4. D 3. mahangin
5. C 4. bumabagyo Tayahin:
5. maulan 1. B
Gawain 3 2. D
1. maulap 3. A
2. mahangin 4. C
3. maulan 5. D
4. mahangin
5. bumabagyo
6. maaraw
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian
Sacatropes.Arthur D.C, Osmena, et al., 2015, Science 3 Kagamitan ng
Mag-aaral Tagalog Unang Edition. Quezon City Philippines: Rex
Bookstore, Inc., pp. 159-169
Manio, Rosalyn R. & Religioso, Teresita F., 2018, Science for Active Learning
Second Edition, K to 12 Compliant, Quezon Avenue, Quezon City:
SIBS Publishing House, Inc., pp.318-335
Magbanua, Geraldine O. & Wamilda, Dina S., 2016, T.R.E.K. 3, Technology,
Research, Experiment and Knowledge Science Worktext Series, Cainta, Rizal:
Glad Tidings Publishing Inc., 291-308
17
PAHATID-LIHAM:
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing
layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential
Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay
pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021.
Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na
ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
puna, komento at rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph