You are on page 1of 27

3

Araling Panlipunan
Ika-apat na Markahan–Modyul 5:
Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon ng
mga Pangangailangan ng Sariling
Lalawigan sa Rehiyon at ng Bansa
i
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang

Self-Learning Module

Ika-apat na Markahan–Modyul 5:
Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon ng mga
Pangangailangan ng Sariling Lalawigan sa Rehiyon at ng Bansa

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp. na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

i
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Meriam C. Clave

Pandistritong Tagapamahala:

Tagamasid Pampurok: Edwin A. Ampler, EdD

Punongguro sa Araling Panlipunan : Cezardo C. Ladia, EdD

Tagasuri : Rosario C. Casaña, Principal I

Natividad C. Casiquin, Principal II

Josephine O. Arcellana, Principal II

Rosario C. Lavin, Principal I

Tagalapat : Maria Milagros B. Micu, Head Teacher III

Glenn C. Garce, Teacher I

Pansangay na Tagapamahala:

Pansangay na Tagapamanihala, OIC : Ely S. Ubaldo, EdD CESO VI

Pangalawang Tagapamanihala : Marciano U. Soriano Jr., CESO VI

Punong Tagamasid Pansangay, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD

Tagamasid Pansangay, LRMDS :Michael E.Rame, EdD

Tagamasid Pansangay, Araling Panlipunan : Rustico P. Abalos Jr., EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office 1 Pangasinan

Department of Education – SDO Pangasinan 1

Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan

Telefax: (075) 522-2202

E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

ii
3

Araling Panlipunan
Ika-apat na Markahan–Modyul 5:
Pakikipagkalakalan Tungo sa Pagtugon
ng mga Pangangailangan ng Sariling
Lalawigan sa Rehiyon at ng Bansa

iii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

iv
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikatlong


Baitang ng Self-Learned Modyul (SLM) ukol sa Kasaysayan ng
Kinabibilangang Rehiyon. Ang modyul na ito ay ginawa bilang
tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat


mong maunawaan.

Sa bahaging ito inilalahad ng


mga layunin o mithiing dapat
Alamin
matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng


iyong kaalaman sa tatalakaying
aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin masususuri kung ano ang iyong
natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

v
Ito ay ang pagtatatag ng
ugnayan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa
nagdaang aralin na may
koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong


Tuklasin aralin sa pamamagitan ng iba’t
ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga


mahahalaga at nararapat mong
matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na


magpapalawak sa iyong
Pagyamanin natutunan at magbibigay
pagkakataong mahasa ang
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing


magpoproseso sa iyong
Isaisip
mahahalagang natutunan sa
aralin.

Ito ay ang mga gawain na


gagawin mo upang mailapat ang
iyong mahahalagang natutunan
Isagawa
sa mga pangyayari o sitwasyon sa
totoong buhay.

vi
Ito ay isang tool sa pagtatasa
para sa bawat modyul upang
Tayahin masukat ang kaalaman at
kasanayan na natutunan ng mga
nag-aaral.

Sa bahaging ito, isa pang


aktibidad ang ibibigay sa iyo
upang pagyamanin ang iyong
Karagdagang
kaalaman o kasanayan sa aralin
Gawain
na natutunan. Ito rin ay
nagpapanatili ng mga natutunan
na konsepto

Nagbibigay ito ng mga sagot sa


Susi sa
iba't ibang mga aktibidad at
Pagwawasto
pagtatasa.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian : Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

vii
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

viii
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa pakikipagkalakalan ng


lalawigan sa rehiyon at sa ibang rehiyon upang matugunan ang
mga pangangailangan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
• Naiiugnay ang pakikipagkalakalan sa pagtugon ng mga
pangangailangan ng sariling lalawigan at mga karatig na
lalawigan sa rehiyon at ng bansa.

Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Anong uri ng hanapbuhay kaya mayroon kung ang isang
lalawigan ay:

1.
Malapit sa dagat?
___________________________________________________________

2.

Malawak na kabukiran?
___________________________________________________________

1
3.

Malapit sa kabundukan?

___________________________________________________________

Pakikipagkalakalan Tungo sa
Aralin Pagtugon ng mga
Pangangailangan ng Sariling
1 Lalawigan sa Rehiyon at ng
Bansa.
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang mga produkto at
kalakal ng mga lalawigan ng iyong rehiyon. Iba-iba ang
katangiang pisikal ng mga lalawigan. May mga
pangangailangan ang ibang lalawigan na wala sa kanyang
lalawigan. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang makipag-
ugnayan ang mga lalawigan ng rehiyon sa ibang rehiyon upang
matugunan ang ibang mga pangangailangan.
Paano nga ba nakikipag-ugnayan ang iyong lalawigan sa
ibang lalawigan ng rehiyon? Halina’t ating tuklasin!

2
Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang
Tama kung wasto ang ipinapahayag at Mali kung hindi.

______1. Ang lalawigan ng Pangasinan ay sagana sa palay, mais,


gulay at isda.
______2. Ang bayan ng Buang sa Ilocos Sur ay tinaguriang Fruit
Basket of the North.
_______3. Kilala ang lalawigan ng La Union dahil sa industriya sa
paggawa ng walis tambo.
______4. Ang abel na ginagamit bilang kumot at damit ay tanyag
sa lalawigan ng Ilocos Norte.
______5. Magkakapareho ng mga produkto ang mga lalawigan
sa rehiyon.

Tuklasin
Alam ba ninyo mga bata na kaugnay ng mga hanapbuhay
ang ating mga pangangailangan? Ano nga ba ang kahulugan ng
salitang pangangailangan? Natutugunan ba ng ating Rehiyon ang
lahat ng ating mga pangangailangan?

3
Suriin
Ang Pangangailangan ay mga bagay na lubhang mahalaga
upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs –
damit, pagkain, at tirahan.

Ang bawat mag-anak ay nangangailangan ng pagkain sa


araw-araw, damit, at bahay upang mabuhay. Ngunit, hindi lahat
ay nakakukuha ng sarili nilang makakain o iba pang
pangangailangan sa araw-araw. Halimbawa, kung ang iyong
magulang ay nagtatrabaho sa opisina, hindi na sila
makapagtanim o makapangisda upang magkaroon ng makain
araw-araw. Ang nagtatanim o nangingisda ay ibang tao na, at
ibinibenta ito sa inyong magulang. Minsan naman, hindi lamang
pagkain ang kailangan ng buong mag-anak. Kapag
nagkakasakit ang isa man sa inyo at hindi matugunan ng iyong
magulang, karaniwang dinadala nila sa ospital upang ipagamot.
Dito may mga taong nagbibigay ng kanilang serbisyo, halimbawa
mga doktor, upang magamot ka. Sila ang may karunungan
upang ikaw ay magamot. Binabayaran ng iyong mga magulang
ang kanilang serbisyo. Marami pang ibang halimbawa ang
binabayaran ng iyong magulang upang matugunan ang inyong
pangangailangan.
Bukod sa pangangailangan, ang tao din ay may mga
kagustuhan. Ano ang kahulugan ng salitang kagustuhan?
Ang Kagustuhan ay ang paghahangad ng mga bagay na
higit pa sa batayang pangangailangan (Basic Needs). Ito ang
mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito

4
ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng mga tao
sapagkat ito ay nagbibigay sa kanila ng kaginhawaan, kasiyahan,
kaunlaran at karangalan.

Ang bawat lalawigan ay may mga pangangailangan na


kailangang matugunan. Natutugunan nila ang kanilang
pangangailangan mula sa kanilang likas na yaman at pag-
aangkat mula sa ibang lalawigan.

Ano ang pakikipagkalakalan? Bakit kailangan nating


makipagkalakalan sa ibang lalawigan?

Ugnayan at Kalakalan ng mga Lalawigan at Rehiyon

Dahil sa kalagayan ng ating bansa ngayon sa panahon ng


Covid 19 pandemic na may kaugnayan sa ating mga
pangangailangan, ang ating bansa ay nakararanas ng
kakulangan ng suplay tulad ng bigas, gulay at iba pa dahil sa
sakit na nararanasan natin. May mga lugar na kulang ang suplay
ng mga pangangailangan at may mga lugar naman na
sumusobra sa kanilang pangangailangan. Iyan ngayon ang
dahilan kung bakit kailangan nating makipagkalakalan sa ibang
lugar sa lalawigan o bansa.
Kapag sinabi nating kakulangan ito ay ang kakapusan o
pagkakaroon ng limitadong suplay ng mga pangangailangan.

5
Samantala ang produksiyon naman ay ang tumutukoy sa
paglikha ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao.
Sa pamamagitan ng kalakalan napupunan ng isa’t-isa ang
mga kulang na produkto ng bawat rehiyon. Dahil dito, kailangang
pagbutihin ng mga lalawigan at rehiyon ang kanilang
produksiyon. Kung sapat lamang sa pangangailangan ng isang
rehiyon ang produkto nito, hindi makapag-aangkat sa iba.
Kailangang mapalaki o maparami ang produksiyon ng rehiyon
upang makatulong ito sa ekonomiya, kaya dito nagkakaroon ng
tinatawag nating pakikipagkalakalan.
Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto,
serbisyo, o pareho. Ang pangangalakal ay nangangahulugan ng
palitan, pagbili at pagbenta ng mga produkto sa pagitan ng
dalawa hanggang maraming tao tulad ng nagaganap sa mga
pamilihan.
Ang bawat rehiyon ay may mga pinunong namamahala
upang matugunan ang mga pangangailangan nito. Ang suliranin
sa kakulangan ng isang rehiyon ay matutugunan ng ibang
rehiyon gayundin ng mga lalawigang sakop nito. Halimbawa, ang
nahuhuling isda sa Pangasinan at La Union ay ipinapadala sa
ibang lalawigan ng rehiyon at iba pang panig ng bansa na may
kakulangan sa isda. Ito ay isang uri ng pag-uugnayan ng mga
lalawigan upang matugunan ang anumang kakulangan sa
pangangailangan ng bawat isa.

Ano kaya ang maaaring ikalakal ng


ating lalawigan/rehiyon sa iba pang
lalawigan/rehiyon?

6
Ang malaking bahagi ng Rehiyon I
ay may dagat kaya sagana ito sa
lamang-dagat tulad ng mga isda,
alimango, hipon at iba pa subalit hindi
sapat ang produksiyon nito sa ibang uri
ng gulay tulad ng repolyo, patatas,
sayote, carrots at brocolli.
Sa pamamagitan ng kalakalan naipagbibili sa Cordillera
Administrative Region ang mga lamang dagat at ang Rehiyon I
naman ay nakakabili ng gulay na galing sa CAR.

Agrikultura ang pangunahing


hanapbuhay ng mga mamamayan ng
Tarlac. Ang Tarlac ang isa sa
pangunahing pinagkukunan ng
panustos ng bigas at tubo. Sagana din
ito sa panustos ng mais, niyog, mga
gulay at prutas tulad ng saging,
kalamansi at mangga. Dahil sa tubo nakakagawa na rin sila ng
asukal o Muscovado sugar kaya nakakapag-angkat na rin ito sa
ibang rehiyon ng bansa. Kahit sagana ang Tarlac sa agrikultura
limitado naman ang suplay nito sa mga lamang-dagat.

Ang Nueva Ecija ang


pangunahing pinagkakukunang suplay
ng bigas ng bansa kaya tinawag itong
Rice Bowl of the Philippines at
Rice Granary of the Philippines. Mas
marami ang produksyon ng bigas sa
lugar kaysa sa kailangan. Kaya ang
sobrang bigas ay inaangkat ng
Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

7
Agrikultura ang pangunahing industriya
ng Nueva Vizcaya. Ang Nueva Vizcaya ang
pangunahing pinagkakukunang suplay ng
citrus crops tulad ng pomelo, ponkan at
oranges.

Sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan,


karaniwang kaunti o marami ang suplay. Kapag marami ang
kalakal o suplay, aasahang mura ang bilihin, ngunit kapag kaunti
aasahang mahal ang bilihin.

Maipagmamalaki mo ba ang produkto ng iyong lalawigan?

Isa pang uri ng pagkikipag-ugnayan ng mga lalawigan sa


rehiyon ang pagdaraos ng mga pista na kaugnay ng mga
pangunahing produkto. Sa ganitong paraan, nakikilala ang
produkto at nagbibigay sa mga lalawigan at rehiyon ng malaking
kita at pag-unlad ng ekonomiya.

Iba’t-ibang Pista o Pagdiriwang sa Pangasinan.


1. Bangus Festival
Ang pagdiriwang ng Bangus
Festival ay idinaraos sa Lungsod
ng Dagupan. Dahil dito
nakikilala ang bangus hindi
lamang sa

8
lalawigan o rehiyon ngunit nakikilala rin ito sa buong bansa.
Nakikilala rin ang Dagupan bilang isa sa pangunahing
pinakukunan ng bangus at ito rin ang kinilalang Bangus Capital
ng mundo.

2. Puto Festival
Ang pagdiriwang ng
Puto Festival ay idinaraos sa
bayan ng Calasiao,
Pangasinan. Taong 2018,
nakuha ng bayan ang
Guinness World Record para
sa largest rice cake photo mosaic. Ibinida sa bayan ng Calasiao
ang matamis at binabalik-balikang puto na siyang kanilang
pangunahing produkto. Taon-taon ibinida ng mga Taga-Calasiao
sa kanilang 101 Ways to serve Puto. Ilan sa mga ito ay ang puto
siomai, at puto vegie with tahong.

3. Bagoong Festival
Ang bayan ng Lingayen ay
kilala sa bangus, bocayo at
bagoong o tinatawag na 3Bs. Ang
isa sa mga pinagdiriwang ang
Bagoong Festival sa bayan ng
Lingayen, Pangasinan.

4. Sigay Festival
Dahil kilala ang bayan ng
Binmaley bilang Seafood Capital
of the North, ang kanilang pista ay
pinangalanang Sigay
Festival. Ito ay isang linggong
pagdiriwang bilang pagkilala sa
industriya ng aquaculture o pag-aalaga ng mga nabubuhay sa
tubig na siyang pangunahing hanapbuhay ng taga-Binmaley. Ang

9
“sigay” ay salitang Pangasinan na ang ibig sabihin ay pag-aani ng
produkto mula sa dagat, ilog o palaisdaan. Malaga at sugpo ang
pangunahing produkto ng Binmaley.

5. Mango at Bamboo Festival


Ang Mango-Bamboo Festival
ay ipinagdiriwang tuwing Abril
bilang pagpupugay sa Lungsod
ng San Carlos na isa sa mga
pangunahing pinagkukunan ng
mga produktong gawa sa
kawayan at pinagmumulan ng matatamis na mga mangga. Ilan
sa mga produktong gawa sa kawayan ay bahay-kubo, basket,
lamp shades, kabinet at iba pang mga kasangkapan.

6. Asin Festival
Kilalang pinagkukunan ng asin
ang bahagi ng Western
Pangasinan, at sa bayan ng Dasol
ay nananatili itong kabuhayan ng
mga residente kaya lalo pang
pinalakas ang produksiyon. Sa ngayon ay may 200 producers ng
asin ang Dasol sa walong barangay na sakop nito.

7. Pakwan Festival
Kilalang pinagkukunan ng
pakwan ang bahagi ng Western
Pangasinan, at sa bayan ng Bani
ay nananatili itong kabuhayan ng
mga residente kaya lalo pang
pinalakas ang produksiyon. Kilala rin ang bayan bilang
Watermelon Capital of the North.
8. Binongey Festival
Ang Binongey o Bamboo
cake ay kilalang isa sa napaka-
sarap na kakanin sa Pangasinan
lalo na sa bayan ng Anda at
Bolinao. Sa bayan ng Anda
ay ipinagdiriwang ang Binongey Festival. Ito ay gawa sa bigas na
malagkit at gata ng niyog na niluto sa kawayan.

Pagdating naman sa pagbili o pakikipagkalakalan kailangan


nating tandaan ang mga sumusunod na kabutihan at di-
kabutihan;

Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
1. Mas maraming produkto ang mapagpipilian sa pamilihan.
2. Napatataas nito ang kalidad ng mga produkto na mabibili sa
pamilihan.
3. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga mamamayan ng
lalawigang nakikipagkalakalan.
4. Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto sa lalawigan.

Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
1. Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produktong
galing sa ibang lalawigan sa rehiyon.
2. Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga mamamayan.
3. Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan bunga ng pagpasok ng
ibat-ibang kultura sa ibang lalawigan sa rehiyon.

Tandaan na ibat-iba ang paraan ng pagpapalitan ng


produkto ng mga lalawigan sa rehiyon. Ang ibang lalawigan ay
nakikipagpalitan ng produkto sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan samantalang iba naipapakilala nila ang
kanilang produkto dahil sa mga pagdiriwang tulad ng mga
kapistahan.

10
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na larawan ay
nagpapakita ng pangangailangan o kagustuhan. Isulat
ang P kung Pangangailangan at K kung Kagustuhan sa
patlang.

_____1. _____4.

_____2. _____5.

_____3.

Gawain B
Panuto: Tukuyin kung saang lugar maaring angkatin ang mga
sumusunod na produkto. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang citrus crops tulad ng pomelo at ponkan ay galing sa ______


A. Nueva Vizcaya B. Pangasinan C. Tarlac
2. Matatagpuan ang mga lamang-dagat tulad ng hipon at
alimango sa ________.
A. Rehiyon II B. Rehiyon I C. Rehiyon III
3. Saang lalawigan nanggagaling ang tubo?
A. Tarlac B. Pangasinan C. Nueva Vizcaya
4. Saang lalawigan ang pinagkukunan ng maraming bigas?
A. Pangasinan B. Nueva Ecija C. Nueva Vizcaya

12
5. Ang carrot, repolyo at broccoli ay inaangkat sa ________.
A. Benguet B. Nueva Vizcaya C. Cagayan

Gawain C

Panuto: Gumuhit ng isang simpleng poster na nagpapakita ng


ugnayan ng mga lalawigan sa inyong rehiyon at sa mga
lalawigan ng ibang rehiyon. Gawin ito sa coupon bond.

Isaisip
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang
mabuo ang ideya.
Rehiyon Pakikipagkalakalan
Pagdiriwang ng kapistahan Pangangailangan

Ang bawat ____________________ay kailangang makipag-


ugnayan sa ibang mga rehiyon sa bansa upang matugunan ang
mga _____________________ nito. Ibat-iba ang paraan ng
pagkikipag-ugnayan ng mga lalawigan sa rehiyon. Ang ibang
lalawigan ay nakikipagpalitan ng produkto sa pamamagitan ng
______________________ samantalang iba naipapakilala nila ang
kanilang produkto dahil sa mga _____________________.

Isagawa

Panuto: Magsulat ng maikling talata tungkol sa pagpapakita ng


ugnayan ng mga lalawigan sa inyong rehiyon at sa ibang
lalawigan ng bansa. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Narito ang mga gabay na tanong upang mabuo sa inyong
kaisipan ang inyong isusulat.
1. Anong mga produkto ng lalawigan ng Pangasinan ang
iniluluwas sa ibang lalawigan?
13
2. Ano naman ang mga produkto ang ina-angkat ng
Pangasinan mula sa ibang lalawigan?
3. Paano inaangkat ng isang lalawigan ang isang produkto
mula sa ibang lalawigan?

Tayahin

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at


sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod.

__________1. Ang kakulangan ng produkto sa isang lalawigan at


rehiyon ay napupunan ng ibang mga lalawigan.
__________2. Kayang tustusan ng bawat rehiyon ang lahat ng
kanyang pangangailangan.
__________3. Mahalaga ang mga pista sa pakikipagkalakalan
dahil nakikilala ang mga produkto ng isang lugar.
__________4. Ang pagdaraos ng pista ay isang pahirap sa mga
tao.
__________5. Ang kakulangan ay tumutukoy sa mga kailangan ng
mga tao para mabuhay.

B. Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ang isang kapatagang lalawigang napapalibutan ng


bulubunduking lugar ay nangangailangan ng produktong
dagat, saan ito mag-aangkat ng produktong dagat?
a. sa karatig lalawigan na nasa tabing dagat.
b. sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok.
c. sa malayong lalawigan na nasa tabing dagat.
d. sa malayong lalawigan ng nasa tuktok na bundok

14
2. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong
pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig na mga
lalawigan? Alin kaya ang maaring dahilan nito?
a. Walang oras ang mga taga-lungsod kaya hindi sila
makapagtanim
b. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng
mga gusaling pangkomersyo.
c. Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gustong
magtanim ng palay at mais.
d. Maraming anyong lupa at anyong tubig ang mga
lungsod.

3. Bakit umaangkat ng produkto ang isang lalawigan sa ibang


lalawigan?
a. Natutugunan ang kanilang pangangailangan
b. Naipagmamalaki ang kanilang produkto
c. Umuunlad ang kanilang lalawigan
d. Lumalaki ang kanilang kita

4. Bakit nag-aangkat ang mga taga-lungsod ng mga


produktong tulad ng isda?
a. Maraming anyong tubig sa lungsod.
b. Walang anyong tubig na pwedeng pagkuhanan ng mga
lamang-dagat.
c. Abala ang mga taga-lungsod kaya hindi sila
makapangisda.
d. Walang kakayahan ang mga taga-lungsod na mangisda.

5. Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa yamang


dagat ang kanilang produkto?
a. Sa tabing dagat
b. Mga karatig na lungsod
c. Malapit sa dagat
d. Sa mga taong nangingisda

15
C. Panuto: Tukuyin kung saang lugar ipinagdiriwang ang mga
sumusunod na kapistahan. Isulat ang titik ng
wastong sagot sa patlang.

Sagot Hanay A Hanay B


_______ 1. Binongey Festival A. Dagupan
_______ 2. Bangus Festival B. Anda
_______ 3. Bagoong Festival C. Lingayen
_______ 4. Pakwan Festival D. Binmaley
_______ 5. Sigay Festival E. Bani

Karagdagang Gawain

Panuto: Maglista ng 5 produktong kadalasang inaangkat ng


lalawigan sa karatig na mga lalawigan. Isulat sa ito sa
kahon.

16
17
Subukin
1. Pagkain 3. Tunig A. bagay na kailangan ng tao
2. Damit 4. Tirahan B. hindi po C. Pangangailangan
Balikan
1. Tama 3. Tama 5. Mali
2. Mali 4. Tama
Pagyamanin
Gawain A
1. P 2. K 3. P 4. P 5. K
Gawain B
1. a 2. b 3. a 4. b 5. c
Isaisip
1. Rehiyon 2. pangangailangan
3. pakikipagkalakalan 4. pagdiriwang ng kapistahan
Tayahin
A. 1. mali 2. tama 3. tama 4. mali 5. mali
B. 1. A 2. B 3. A 4. D 5. B
C. 1. B 2. A 3. C 4. E 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
K To 12 Most Essential Learning Competencies. 2020. Ebook.
Pasig City: Department ofEducation.
Dela Cruz, M.B., at, al. (2019). Araling Panlipuanan Kagamitan
ng Mag-aaral- Rehiyon I- Ilocos Region,
Philippines: p. 394-415
https://www.google.com.ph

18

You might also like