You are on page 1of 35

7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4
Maikling Kwento Mula sa Cotabato:
Ang Reynang Matapat
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 4: Maikling Kwento Mula sa Cotabato:
Ang Reynang Matapat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin


o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Christine Joy L. Gocotano, Marife M. Agbon
Editor: Pamela L. Edisane
Tagasuri: Adelma D. Cudera
Tagaguhit:
Tagalapat: Marife M. Agbon
Tagapamahala: Nelson C. Lopez
Marilyn V. Deduyo
Cherrelyn A. Cometa
Christopher P. Felipe
Rita L. Rellanos

Nilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng Davao del Sur


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management -Section
Office Address: Corner Lapu-Lapu and Plaridel Streets, Zone 3, Digos City,
8002 Davao del Sur
Telefax: 082-553-4288
E-mail Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph
7
Filipino
Unang Markahan– Modyul 4
Maikling Kwento Mula sa Cotabato:
Ang Reynang Matapat

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Paunang Salita

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 na modyul para

sa araling Maikling Kwento Mula sa Cotabato: Ang Reynang Matapat.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng

mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang

pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang

pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon

sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang

kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-

alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita

ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul.

Paalala sa Guro
Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa mga
guro sa pagtuturo ng araling ito. Hinihikayat po
namin kayo na gamitin ito ng buong puso upang
maihatid natin sa ating mag-aaral ang wastong
kaalaman na nararapat sa kanila.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo

ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano


gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-

unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 na modyul para

sa araling Maikling Kwento Mula sa Cotabato: Ang Reynang Matapat.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon, at

layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,

lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay

sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang

matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-

akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga

kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob

ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang

oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang

mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin

kung ano na ang kaalaman mo sa

aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang

lahat ng tamang sagot (100%), maaari

mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

maikling pagtalakay sa aralin. Layunin

nitong matulungan kang maunawaan

ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-unawa at

mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip Naglalaman

ito ng mga
katanungan o pupunan ang patlang ng

pangungusap o talata upang maproseso

kung anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin

ang bagong kaalaman o kasanayan sa

tunay na sitwasyon o realidad ng

buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin

ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa

lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng ano mang

marka o sulat ang ano mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat

sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.


3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain

at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang

pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos

nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa

modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o

tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa

nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na

mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Nabuo ang modyul na ito saklaw ang mga kasanayang mailalapat mo

sa tunay na sitwasyon o sa tunay buhay. Marahil ang ilan sa mga

kasanayang ito ay pamilyar na sa iyo sapagkat ito’y naituro na sa iyo sa

elementarya. Ngunit mas lalo mo pang mapapalalim ang paghubog ng mga

kasanayang ito sa iyong sarili kapag buong puso mong sasagutin at gagawin

ang mga nakaatang na gawain sa modyul na ito.


Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang higit na malinang

ang iyong mga kasanayan at pag-unawa.

Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa

pag-aaral ng modyul na ito:

1. Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na pamantayan;

F7PD-Id-e-4

2. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng

mga pangyayari sa kwento, mito/ alamat/ kuwentong-bayan; at

F7PS-Id-e-4

3. Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa

akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa,

halimbawa, at iba pa; isang araw, samantala, at iba pa), sa pagbuo ng

editoryal na nanghihikayat (totoo / tunay, talaga, pero/ subalit, at iba

pa). F7WG-Id-e-3, F7WG-If-g-4

Marahil, iniisip mo na madali lang ang paksa ng modyul na ito. Kung

kaya’t bibigyan muna kita ng panimulang pagsubok upang malaman ko ang

iyong kaalaman tungkol dito. Simulan mo na!

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito’y isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng

katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan,

politikal o historikal.

A. Pelikula
B. Dokyu-film

C. Maikling Kwento

D. Retorikal na Pang-ugnay

2. “Kung nagsikap lamang silang magkakapatid, marahil maunlad na ang

kanilang buhay.” Ano ang gamit ng retorikal na pang-ugnay sa

pangungusap na ito?

A. Naglalahad ng pag-alinlangan

B. Nagpapahayag ng walang katiyakan

C. Nagsasaad ng tiyak / di tiyak na kondisyon

D. Nagsasaad ng walang tiyak na kondisyon at walang katiyakan

3. “Magagalit ang kaniyang mga kasamahan kung sakaling hindi siya

dumating.” Ano ang gamit ng retorikal na pang-ugnay sa pangungusap na

ito?

A. Naglalahad ng pag-alinlangan

B. Nagpapahayag ng walang katiyakan

C. Nagsasaad ng tiyak / di tiyak na kondisyon

D. Nagsasaad ng walang tiyak na kondisyon at walang katiyakan

4. “Baka malugi ang tindero kung patuloy na manghihingi at makikihati sa

kaniyang kita ang mga tao sa paligid niya.” Ano ang gamit ng retorikal na

pang-ugnay sa pangungusap na ito?

A. Naglalahad ng pag-alinlangan

B. Nagpapahayag ng walang katiyakan

C. Nagsasaad ng tiyak / di tiyak na kondisyon

D. Nagsasaad ng walang tiyak na kondisyon at walang katiyakan

5. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng dokyu-film, maliban sa _____.

A. Anyo

B. Layunin
C. Tunggalian

D. Estilo at / o Teknik

Nasagot mo ba ang lahat ng tanong? Sige, tingnan mo sa Susi sa

Pagwawasto at iwasto mo ang iyong mga sagot. Tingnan kung ano ang iyong

iskor. Kung nakakuha ka ng:

4 – 5 Binabati kita! Natitiyak kong magiging madali sa iyo ang aralin!

1– 3 Huwag kang mag-alala. Makatutulong sa iyo ang modyul na ito upang

maunawaan mo ang paksang tatalakayin.

Tunghayan sa susunod na bahagi!

Arali Maikling Kwento Mula sa


Cotabato
n Ang Reynang Matapat
4 (Mga Retorikal na Pang-ugnay)

Magandang araw! Ikinagagalak ko na tayo’y muling nagkita sa

ikaapat na aralin ng unang markahan. Panibagong aralin na naman ang

iyong matutuklasan sa modyul na ito. At sigurado akong magugustuhan mo

ang ang mga kwento at gramatikang matutunghayan mo sa araling ito.

Pero bago ang lahat, nais kong tingnan mo muna ang nakapaskil sa

ibaba.

HONESTY is the
best POLICY!
Ano ang iyong masasabi sa pahayag na nakapaskil? Masasabi mo

bang isinasabuhay mo ang pahayag na nasa loob ng paskil? Kung Oo ang

iyong sagot, binabati kita! Ikaw ay maituturing na isang huwaran. Kung

hindi naman ang iyong sagot, aba’y simulan mo na ngayon ang pagiging

matapat sa kapwa. Sigurado ako na sa pamamagitan ng aralin na ito ay

mahihimok ang iyong sarili na maging isang matapat na mag-aaral. Alam ko

na gusto mo iyon. Maging handa para sa mga gawain sa susunod na mga

pahina.

Tuklasin

Bago mo sisimulan ang pagbabasa ng isang kuwentong may

kaugnayan sa pagiging matapat, nais kong alamin mo muna ang mga

salitang mahihirap na matatagpuan sa loob ng teksto nang sa ganoon ay

hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa tekstong iyong babasahin. Huwag

mag-alala sa pagsagot sapagkat mayroon kang pagpipilian.

Handa ka na ba?

Simulan mo na!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang

matatagpuan sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang

sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. Mangangalakal a. pangunguna


_____2. Pagtingala b. parte ng teritoryo

_____3. Tanyag c. negosyante

_____4. Pamumuno d. sikat

_____5. Nasasakupan e. katapatan

f. pag-idolo

Kumusta! Nahirapan ka ba sa pagsagot? Tingnan mo sa Susi sa

Pagwawasto at iwasto mo ang iyong papel. Kung mababa man ang

iyong iskor, huwag kang mag-alala. Panimula pa lamang ito. Marami

akong inihandang gawain kaugnay sa araling ito para sa iyong lubusang

pagkatuto.

Nasa ibaba ang mga katanungang magiging gabay mo sa

pagbabasa ng kwento. Habang binabasa mo ang kwento, alamin mo na

rin ang mga kasagutan sa mga katanungan. Sa pamamagitan nito,

masusubok ang iyong pag-unawa sa tekstong babasahin. Narito ang

mga katanungan:

1. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan sa kwento.

Paano ipinakita sa kwento ang katangian ng pangunahing

tauhan?

2. Saan ito naganap o nangyari?

3. Bakit tinitingala ng ibang bansa ang pangunahing tauhan sa

kwento?

Naibigay na sa iyo ang mga katanungan, mamaya babalikan mo

ang mga katanungang iyan at sasagutin batay sa

iyong pagkaunawa sa kwento.


Handa ka na ba?

Simulan mo na ang pagbabasa ng kwento.

Ang Reynang Matapat

Itinuring na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao ang

Cotabato. Mula ito sa salitang Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna

Sima na kilala sa katalinuhan, katapatan, at kaayusan sa pamamalakad at

panunungkulan.

Maraming mangangalakal na mula sa Tsino, Hindu, at Arabo ang

nakikipag-ugnayan na sa kaharian ni Reyna Sima bago pa man dumating

ang mga Espanyol.

Sa mahusay na pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at mapayapa

ang mamamayan ng Kutang-bato. Kapag sinunod ang batas at naging

matapat ang sinasakupan, maayos ang pangangalakal. Resulta ito ng

matapat na panunungkulan ng Reyna.

Naiwan ng isang negosyanteng Tsino ang isang supot ng ginto sa

isang mesa sa palasyo. Maaaring kunin at maging bahagi ito ng kaban ng

yaman ngunit mahigpit ang utos ni Reyna Sima na hindi ito gagalawin at

ibabalik sa may-ari.

Naging tanyag sa katapatan ng paglilingkod at sa mahigpit na

pagpapatupad ng kautusan sa katapatan ang Reynang Matapat. Kung

nagpatukso sa kinang ng ginto ang Reyna, hindi daranasin ang pagtingala

at paghanga ng ibang bansa.

Nagustuhan mo ba ang kuwentong iyong binasa?

Masasabi mo bang ika’y tulad ni Reyna Sima?


Nahimok ba ng kwento ang iyong puso na simulan na ngayon ang maging

isang matapat na mag-aaral? Sana’y oo ang iyong sagot! Kung oo, ikaw ay

aking binabati!

Ngayon ay balikan mo ang mga katanungan kanina at subukan mong

sagutin batay sa iyong pagkaunawa sa kwento. Isulat sa kalahating papel

ang iyong sagot.

Simulan mo na!

1. Ilarawan ang katangian ng pangunahing tauhan sa kwento. Paano

ipinakita sa kwento ang katangian ng pangunahing tauhan?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

2. Saan ito naganap o nangyari?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

3. Bakit tinitingala ng ibang bansa ang pangunahing tauhan sa kwento?

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

___________________________________________ _________

___________________________________________ _________
_______________________________________________________________________

______________________________________

Di ba madali lamang ang mga katanungan! Magaling at nasagutan

mo nang mahusay at buong galak ang mga tanong. Batid kong ika’y handa

na para sa iba pang mga gawain!

Suriin

Napansin mo ba ang mga sinalungguhitang salita sa kuwentong iyong

binasa? Ano kaya ang gamit ng mga salitang ito? Paano kaya ito

nakatutulong sa paglalahad ng mga pangyayari? Alamin natin!

Pansinin natin ang mga salitang may salungguhit mula sa kuwentong Ang

Reynang Matapat:

Unang pangungusap:

Kapag sinunod ang batas at naging matapat ang sinasakupan, maayos ang

pangangalakal.

- Sa unang pangungusap, may napansin ka bang kondisyon na

hinihingi? Kung Oo ang iyong sagot, anong kondisyon ito? Kung ang

iyong sagot ay, kapag sinunod ang batas at naging matapat ang

nasasakupan, tama ka! Ano naman ang magiging resulta kapag


sinunod ang batas at naging matapat ang nasasakupan? Magiging

maayos ang pangangalakal!

Samakatuwid, ano kaya ang gamit ng salitang kapag sa loob ng

pangungusap? Tama. Ang salitang kapag ay nagsasaad ng tiyak na

kondisyon.

Dumako naman tayo sa pangalawang pangungusap:

Kung nagpatukso sa kinang ng ginto ang Reyna, hindi daranasin ang

pagtingala at paghanga ng ibang bansa.

- Sa pangalawang pangungusap, may napansin ka rin bang kondisyon

na hinihingi? Kung oo ang iyong sagot, aba’y tama ka rin! Anong

kondisyon naman kaya ito? Kung nagpatukso sa kinang ng ginto ang

Reyna, di ba? Kung iyan ang iyong sagot tama ka!

Samakatuwid ang salitang kapag at kung ay parehong nagsasaad ng

tiyak na kondisyon.

Ano kaya ang tawag sa mga salitang kapag at kung? Alam mo ba ang tawag

sa mga salitang ito? Alamin natin!

Alam mo ba na ang mga salitang kapag at kung ay ang tinatawag nating

retorikal na pang-ugnay? Tama! Tama ang iyong nabasa, retorikal na pang-

ugnay!

Ano nga ba ang retorikal na pang-ugnay?

Ang retorikal na pang-ugnay ay mga pang-ugnay na nag-uugnay ng salita,

mga salita o pahayag ay nagsasaad ng walang katiyakan o pag-aalinlangan

sa kaganapan ng kilos o kalagayan. Ang mga pang-ugnay na ito ay

karaniwang nasa unahan at gitna ng

pangungusap. Nakatutulong ito sa pag- unawa at

paghahatid ng mensahe at ito ay nagiging mabisa sa


paggamit ng mga salitang nag-uugnay ng isang kaisipan sa mga kasunod na

kaisipan.

Narito naman ang mga Gamit ng Retorikal na Pang-ugnay:

1. Naglalahad ng pag-aalinlangan

Kung sakali

- Magagalit ang kaniyang mga kasamahan kung sakaling hindi

siya dumating.

Sakali

- Sakaling umalis ang mga bantay madali silang makapasok sa loob.

2. Nagpapahayag ng walang katiyakan

Baka

-Baka malugi ang tindero kung patuloy na manghihingi at makikihati sa

kanyang kita ang mga tao sa paligid niya.

3. Nagsasaad ng tiyak / tiyak na kondisyon

Kapag

-Makakaalis lamang si Nena kapag dumating na ang kaniyang kapatid.

Kung at Marahil

-Kung nagsikap lamang silang magkakapatid, marahil maunlad na ang

kanilang buhay.

Naibigay na sa iyo ang iba’t ibang gamit ng retorikal na pang-ugnay.

Ngayon ika’y handa na para sa pagkatuto ng pangalawang kasanayan, ito ay

ang pagbubuod. Alam mo ba na ang tekstong binasa mo na may pamagat na

Ang Reynang Matapat ay isang halimbawa ng tekstong naibuod na? Ngayon,


matutunghayan mo ang kahulugan ng buod, ang mga katangian nito, at

mga hakbang sa pagbubuod ng isang kwento.

Ang pinaikling bersiyon ng teksto ay tinatawag na buod. Ang buod ay

mayroong tatlong (3) katangian.

Katangian ng Pagbubuod:

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.

2. Hindi inuulit ang mga salita ng may-akda, bagkus gumagamit ng sariling

pananalita.

3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa rito ang buod.

Mga Hakbang sa Pagbubuod:

1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang

mabuti ang mga panggitnang kaisipan.

2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na

kaisipan.

3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang

paraang madaling maunawaan ng mambabasa.

4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.

Upang mas lalo mo pang maunawaan ang pagbubuod ng kwento,

basahin mong mabuti ang buong kwento ng tekstong Ang Reynang Matapat

sa link na ito;

https://www.google.com/amp/s/www.wikakids.com/filipino/maikling-

kwento/reynang-matapat/amp/ at ihambing sa tekstong iyong nabasa sa

itaas.

Pagkatapos mong mabasa ang buong kwento ng

tekstong Ang Reynang Matapat, sigurado akong madali

na lamang sa iyo ang pagbubuod ng kwento.


Ngayon, ikaw naman ay dadako sa ikatlong kasanayan na dapat mong

matutuhan sa araling ito, sigurado akong magugustuhan mo ang susunod

na tatalakayin natin. Mahilig ka bang manood ng telebisyon, ng pelikula ng

sikat na mga artista, o kaya’y mga dokumentaryong palabas sa telebisyon

tulad ng I-Witness o Jessica Soho? Ikaw, anong paborito mong palabas sa

telebisyon? Siguro, lagi mong pinapanood gabi-gabi si Cardo Dalisay,

kinikilig ka rin siguro kina Gabo at Belinda ng Make It With You, aba’y

naiinis ka rin kay Romina ng Kadenang Ginto. Pero, alam mo ba na

mayroong mga palabas sa telebisyon na dapat mo ring panoorin? Mga

palabas na naglalahad ng katotohanan at mga isyu sa lipunan, ito ang

tinatawag nating dokyu-film.

Ano ba ang dokyu-film? Mukhang bago sa iyong pandinig ang salitang

ito, di ba? Ito kaya’y isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad

ng katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan,

politikal o historikal? Kung iyan ang iyong sagot, tama ka! Ngayon, alamin

natin ang iba pang impormasyon tungkol sa dokyu-film.

Dokyu-film – Ito’y isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng

katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan,

politikal o historikal. Layunin nitong irekord ang ilang aspeto ng

katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang panrekord ng

kasaysayan.

Alam mo ba na ang dokyu-film ay mayroong limang (5) katangian? Ano-ano

kaya ang mga ito? Alamin natin!

Katangian ng Dokyumentaryong Pantelebisyon:

1. Paksa – Tumatalakay sa nilalaman ng

dokyumentaryo kung saan nakapokus ito sa pagkilos


ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano siya kumilos

sa buhay. Ang mga tao, lugar, at pangyayari ay totoong nagaganap at

kadalasang napapanahon. Ito rin ay naglalahad ng katotohanan sa mga

nagaganap sa loob ng isang lipunan na bilang halimbawa nito ay ang

paksang ukol sa kahirapan.

2. Layunin – Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod ng paksa ng

dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan na

itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan

nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga isyu, mga

tinatangkilik at marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito

ay may kakayahan silang maipaalam sa atin ang nagaganap sa ating

lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang

layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang maaaring ikamatay na

hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.

3. Anyo - Ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso

na kung saan ang mga diskusyon ay orihinal at ang mga tunog at

tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga

pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa mga

umiiral na mga pangyayari.

4. Estilo at/o Teknik - Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng

kamera at sa panahon ng pag-eedit nito. Ang isa sa mga mahalagang

sangkap ay ang mga non-actors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na

walang ginagampanang ano mang karakter. Ang lugar din ay aktwal,

hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Maaaring

tingnan ang iba’t ibang uri ng anggulo sa dokyumentaryong pampelikula.

5. Uri ng karanasan - Ang dalawang bahagi nito ay ang

pang - aestetiko at ang epekto nito sa taong


maaaring magtulak sa kanya upang gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga

nasa likod ng dokyumentaryo sa mga makapapanood nito ay hindi

magpokus sa mga artista kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay

ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin

ng manunuod ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng

karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

Ngayong alam mo na ang tungkol sa dokyu-film at ang mga katangian

nito, oras na para ika’y manood ng isang dokyu-film tungkol sa isang guro

mula sa I-Witness:Titser Annie, dokumentaryo ni Kara David. Panoorin ito sa

youtube sa link na ito https://youtu.be/i20TWCfLLWs .

Mula sa https://youtu.be/i20TWCfLLWs
Nagustuhan mo ba ang dokyu-film na iyong napanood? Naantig ba

ang iyong puso sa napanood mong video? Kung gayon, sana’y nagdulot ng

aral sa iyo ang napanood mong dokyu-film.

Binabati kita at nasubaybayan mo nang mabuti ang ating aralin! Una,

ang tungkol sa retorikal na pang-ugnay. Pangalawa, ang tungkol sa

pagbubuod ng kwento. Panghuli naman ay ang dokyu-film. Batid kong ika’y

handa na para sa susunod na mga gawain na hahasa sa iyong mga

natutuhan sa aralin na ating tinalakay. Handa ka na ba?

Simulan mo na!

Pagyamanin

Isang maikling kwento ang iyong babasahin. Unawaing mabuti ang

daloy ng mga pangyayari.

Si Inang Pipang, Ang Maprinsipyong Lola

Mula sa angkang mayaman si Inang Pipang. Minahal ng mga taga-

Tongohin, Infanta, Quezon dahil sa pagiging matulungin.

Pinatunayan ito noong panahon ng mga Hapon. Sa kanilang

pagtakas, lahat ng tahanang maraanan at pansamatalang tinuluyan ay

pinagsabing lisanin na ang kanilang lugar upang makaiwas sa bagwis ng

mga sundalong Hapon.

Tinirhan ng mga sundalong Hapon ang malaking

bahay ni Inang Pipang. Mabuti’t wala na sila rito.


Nakatanggap ng kalatas ang isa niyang anak na lalake na makiisa

lamang sa makapangyarihang Hapon ay di kahaharapin si kamatayan.

“Kapag tayo’y nagpaalipin di natin makakamit ang kalayaan,”

matapang na pahayag ni Inang Pipang.

“Pag di po tayo magsurender baka i-Garrison tayo.” May panimdim

na tugon ng kausap.

Hindi napahinuhod ang maprinsipyong si Inang Pipang. Tinawid ang

mga bundok sa Sierra Madre hanggang makarating sa Nueva Ecija na wala

na ang mga sundalong Hapon. Nailigtas niya ang kaniyang pamilya, mga

sumamang kapitbahay at mga kamag-anak.

Nabalitaang ang mga nagpaiwang kakilala ay pinatay ng mga

sundalong Hapon gamit ang kanilang bayoneta.

Kapag may paninindigan, nakatitiyak ng tagumpay.

Siguro’y nabago ng kwento ang iyong prinsipyo, tama ba ako? Kung

gayon, maging handa sa susunod na gawain sapagkat magsisimula ka na sa

paglilinang ng iyong kasanayan. Sigurado akong pagkatapos mong magawa

ang mga gawain sa susunod na pahina, ikaw ay magiging mahusay! Alam

kong gusto mo iyon. Kung gayon, simulan mo na!

Gawain 1. Paramihan Tayo!

Panuto: Matapos mong mabasa ang tekstong pinamagatang Si Inang Pipang,

Ang Maprinsipyong Lola at Ang Reynang Matapat, ngayon ay piliin mo sa

dalawang akdang binasa ang mga pahayag na may retorikal na pang-ugnay.

Sa isang buong papel, isulat sa nakalaang hanay ang

iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.


Ang Reynang Matapat Si Inang Pipang,
Ang Maprinsipyong Lola

 

 

 

 

 

 

Mahusay! At nasagot mo nang buong galing ang unang gawain, ang

susunod naman na gawain ay susubok sa iyong kasanayan sa pagbubuod.

Galingan mo!

Gawain 2.

Panuto: Magsaliksik ng maikling kwento na nagustuhan mo at may

kaugnayan sa mga temang tinalakay sa araling ito, maikling kuwentong

tumatalakay sa katapatan, pagiging maprinsipyo, at kabutihan ng puso,

pagkatapos ay ibuod ito. Maging batayan sa pagbuod ng kwento ang

pamantayan na nasa ibaba. Isulat ang buod na iyong

nabuo sa isang buong papel.


Pamantayan:

Lohikal at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ---------------10 puntos

Akma sa hinihinging paksa -------------------------------------------- 5 puntos

Balarila, pagbabaybay, pagbabantas -------------------------------- 5 puntos

Malinis at maayos ang pagkakagawa --------------------------------- 5 puntos

Kabuoan ------------------------------------------------------------------------- 25 puntos

Buod:

Magaling at natapos mo rin ang ikalawang gawain! Maging handa sa

pangatlong gawain!

Gawain 3.

Panuto: Sa isang buong papel, suriin ang dokyu-film na napanood, tungkol

sa isang guro mula sa I-Witness:Titser Annie, dokumentaryo ni Kara David

sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa dokyu-film.

2. Ilarawan ang naging karanasan ng pangunahing tauhan sa lugar na

kinalalagyan nito.

3. Sa tingin mo, ano kaya ang pangunahing layunin ng dokyu-film na

iyong napanood?

4. Ibigay ang iyong repleksyon o ang iyong

natutuhan mula sa dokyu-film na napanood.


Binabati kita at natapos mo rin ang unang tatlong gawain! Ika’y dadako

na sa susunod na hakbang.

Isaisip

Sa bahaging ito, matutuklasan mo ang mga puntong dapat mong

tandaan upang sa susunod na bahagi ng modyul na ito ay mas magiging

mahusay ka sa pagtugon ng mga gawain.

Tandaan:

1. Sa pagbubuod ng isang kwento, ginagamit ang mga salitang madaling

maintindihan kaysa sa orihinal sapagkat ang buod ng isang kwento ang

pinakasimpleng anyo ng pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari

nito. Layunin nitong magabayan ang mga mambabasa na maunawaaan

ang kaisipang nangingibabaw sa akda nang hindi nawawala ang pananaw

ng sumulat nito pati ang naging layunin nito sa pagsulat ng akda.

2. Sa pagsusuri ng isang dokyu-film, mahalagang mapansin ang kabuoang

layunin nito. Maliban diyan, kailangang matukoy ng isang tagasuri kung

ang film na napanood ay nagdulot ng epekto sa manonood. At higit sa

lahat mahalagang makita sa isang dokyu-film kung ito ba ay nakapokus

sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano

siya kumilos sa buhay.

3. Nakadepende sa tagapaghatid ng mensahe ang layunin nitong nais

ipabatid sa tagapakinig / tagatanggap ng mensahe. Kaya mahalagang

malaman din ang mga retorikal na pang-ugnay na makatutulong sa pag-

unawa at paghahatid ng mensahe.


Ngayong naibigay na sa iyo ang mga konseptong dapat mong

malaman at maunawaan sa modyul na ito, batid kong ikaw ay handa na

para sa nakaatang na susunod na gawain. Sa pamamagitan nito, mas lalo

pang malilinang ang iyong kasanayan na natamo sa araling ito.

Isagawa

Sa bahaging ito, maging handa sa tatlong gawain na lilinang sa iyong

kasanayan.

Handa ka na ba?

Galingan mo!

Gawain 1

Panuto: Gumupit ng isang larawang taglay ang isang kuwento, idikit ito sa

isang malinis na papel o bond paper. Sa ibaba ng larawan, sabihin ang

kuwentong nakapaloob ayon sa iyong sariling pagkaunawa (20 pts).

Gawain 2.

Panuto: Sa isang malinis na papel, suriin ang isa pang dokyu-film mula sa I-

Witness: Ang Mga Guro ng Malining, isang dokumentaryo ni Kara David na

mapapanood sa link na ito https://youtu.be/5IMEkeKzZh8 sa pamamagitan

ng mga sumusunod: Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa dokyu-film.

2. Ilarawan ang naging karanasan ng pangunahing tauhan sa lugar na

kinalalagyan nito.

3. Sa tingin mo, ano kaya ang pangunahing

layunin ng dokyu-film na iyong napanood?


4. Ibigay ang iyong repleksyon o ang iyong natutuhan mula sa dokyu-

film na napanood.

Gawain 3

Panuto: Sa isang buong papel, bumuo ng tigdadalawang pangungusap na

gumagamit ng mga retorikal na pang-ugnay batay sa mga sumusunod na

sitwasyon:

Sitwasyon 1: Mga mamamayang may katuwirang lisanin ang kanilang lugar

Sitwasyon 2: May kondisyon sa pagtulong sa kapwa

Sitwasyon 3: May planong maligo sa ulan

Sitwasyon 4: Nais gawin ng anak sa paghihirap ng ina mailigtas lang sa

kuko ng kapahamakan

Sitwasyon 5: Hinamon ni Inang Pipang na mahalin ang kalayaan

Binabati kita at natapos mo ang tatlong gawain! Isangguni sa iyong

guro ang mga kasagutan sa bahaging ito.

Malinaw ba sa iyo ang lahat? Kung oo, sagutan mo na ang pagsusulit

sa tayahin. Kung hindi, balikan mo ang aralin.

Tayahin

Ang pagsusulit na ito ay naglalayon na masukat ang iyong natutuhan

sa paksang tinalakay sa modyul na ito.

Handa ka na ba?

Simulan mo na. Galingan mo!


A. Panuto: Saliksikin ang kuwentong Sandaang Damit ni Fanny Garcia at

gawan ng buod sa tulong ng kasunod na gabay. Isulat ito sa malinis na

papel.

1. Pamagat : ______________

2. Nagsimula ang kuwento nang _____________

3. Pagkatapos nito _________________

4. Sumunod dito ___________________

5. Bukod pa rito _____________________

6. Nalutas ang suliranin _________________

7. Naging wakas ng kuwento ________________

Pamantayan:

Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ------------------ 10 puntos

Pagtugon sa ibinigay na gabay ------------------------------- 5 puntos

Balarila, pagbabaybay, pagbabantas ------------------------ 5 puntos

Kabuoan --------------------------------------------------------------- 20 puntos

B. Panuto: Punan ng angkop na retorikal na pang-ugnay ang mga patlang

mula sa kasunod na kahon upang mabuo ang diwa ng salaysay. Lagyan din

ito ng mungkahing pamagat. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Baka maaari sakaling kapag pag kung disin sana

_____(1)________ di makatapos ng pag-aaral si Samuela. Namayapa na

ang haligi ng tahanan at may sakit pa ang ina. ____(2)_______ naman siyang

makapagtapos sa pag-aaral. Biniyayaan ng katalinuhan ng maykapal.

Naipasa niya ang iskolarship na ikinatuwa ng kanyang ina.


_____(3)_________magkulang siya sa pang-araw-araw na baon, may

naiwang sakahan ang kaniyang ama na pagtutulungang maging produktibo.

Pinatunayang ___(4)_________ may pangarap ang isang nilalang tiyak

na magiging maganda ang kinabukasan. Mahalaga ang pagtitiwala sa sarili

at sa maykapal ____(5)________ nais pagandahin ang buhay.

C. Panuto: Manood ng isa pang dokyu-film, pumili ng dokyu-film mula sa I-

Witness at Jessica Soho pagkatapos ay magbigay ng repleksyon o aral na

iyong natutuhan. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Pamantayan:

Naaayon sa paksa –-------------------------------------------------------10 puntos

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ------------ 10 puntos

Malinaw na naihatid ang mensahe / kaisipan ---------------------- 10 puntos

Kabuoan -------------------------------------------------------------------------- 30 puntos

Magaling! Buong husay mong nasagot ang mga pagsubok sa modyul

na ito. Malalaman mo sa iyong guro ang mga sagot sa bahaging ito. Bilang

pangwakas na gawain, nasa ibaba ang isang gawain na magpapayaman sa

iyong kasanayan.

Galingan mo!

Karagdagang Gawain
Bago mo tapusin ang iyong paglalakbay sa modyul na ito, hihirit

muna ang gawain na nasa ibaba na lalong magpapahusay ng iyong

natutuhan sa modyul na ito.

Panuto: Sa isang malinis na papel, magsaliksik ng iba pang maikling kwento

mula sa Mindanao. Basahin at ibigay ang buod nito.

Pamagat

__________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Binabati kita at natapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul

4. Isang matagumpay na pag-aaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag

at matalinong mag-aaral! Magkita-kita tayong muli sa Modyul 5. Paalam!

Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. B
2. C
3. A
4. B
5. C

Tuklasin Tayahin
1. C Malalaman mo sa iyong guro
2. F ang mga sagot sa tayahin.
3. D
4. A
5. B
Sanggunian
Cabuhat, Ana Maria M., Jocson, Magdalena O., Guerero, Perla, Hernandez,

Ruth at Magalong, Nina S. (2018) Kayumanggi, Batay sa Kurikulum na K-

12, pahina 29-37

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyu/

https://youtu.be/i20TWCfLLWs

https://youtu.be/5IMEkeKzZh8

http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/sandaang-damit-ni-

fanny-garcia.html?m=1

https://prezi.com/p/7qqwtidqsosj/pagbubuod-at-paguugnay-ugnay-ng-

impormasyon/

https://www.google.com/amp/s/www.wikakids.com/filipino/maikling-

kwento/reynang-matapat/amp/

34
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Davao del Sur


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section

Office Address Corner Lapu-lapu and Plaridel Streets,


Zone 3, Digos City,
8002 Davao del Sur

Telefax: (082-553-4288)

Email Address: lrmds.davsur@deped.gov.ph

35

You might also like