You are on page 1of 3

Ang tekstong ito ay nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman, konsepto,

pangyayari, tao at iba pa. Karaniwang ginagamitan ito ng paglalarawan ukol sa katangian o kalikasan
ng mga pinaghahambing at pagkokontrast upang malinaw na maipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito.

Ang hulwarang paghahambing at pagkokontrast ay madalas gumagamit ng mga panandang: kasing,


tulad ng, gaya ng, sa ganoon, ganito, pero, ngunit, subalit, sa halip, datapwat, sa kabilang dako o
banda, habang, samantala, atbp.

Ang Buhangin at ang Tao

Ni Demeterio N. Espino

May pagkakatulad ang buhangin at ang tao. Alamin natin kung ano ang pagkakatulad nito. Sinasang-
ayunan mo ba ang paghahambing na ito?

Sa unang malas, katawa-tawa kundi man kataka-takang paghambingin ang buhangin at ang tao.

Hindi maaaring magawa o matangka ang paghambingin ang iyon, masasabi natin. At maidaragdag pa,
ang buhangin ay walang iwing buhay gaya ng tao. Ang buhangin ay walang isip; ang tao ay mayroon.

At kaugnay nito’y pataka nating maitatanong: makalilikha baga ng explorer at sputnik ang buhangin?

Saka susundan ng ganito: Ang buhangin ba’y maaaring maging lapastangan sa kanilang magulang,
tulad ng ilang sibol na kabataan ngayon?

Pagkunwa’y wawakasan nang paganito: Ang buhangin ba’y iniluluwal ng isang ina gaya ng pagluwal
sa isang sanggol?

Marami pa tayong maidaragdag na mga patibay na pader na haharang sa anumang pagtatangkang


paghambingin ang buhangin at ang tao.

Walang butas na maaaring daanan sa pagtatangkang yaon. Marahil ay wala ngang butas, ngunit sa
unang malas lamang.

Sapagkat kung pakasusuriin ang tinutungkol sa daigdig na ito ng buhangin at ng tao ay hahanga tayo
sa isang kongklusyon o katuusang ang mga iyon ay may pagkakatulad sa mga ginagampanang papel.
Halos araw-araw, tayo’y nakakakita ng mga gusaling mababa at mataas – mga gusaling konkreto.
Ngunit hindi natin gaanong pansin ang mga ito. Ano ang sukat mapansin sa mga iyon, maitatanong
natin?

Wala, maliban kung sinaisip natin ang katanungang: Paano nabuo ang gusaling iyon?

At sa isip natin ay magkakaanyo ang larawan ng isang gusaling minsang naparoonan natin. Pawing
nasasangkapan iyon ng semento: sahig, tabiki, kisame.

Ngunit ano-ano ang bumubuo sa sementong iyan?

Saka lamang natin magugunita: Buhangin.

Maliwanag na ngayon ang naging bahagi ng buhangin – ng mumunting buhangin – sa pagtatayo ng


mga gusali, ng nagtatayugang gusali. At hindi lamang mga gusali. Maiisip din natin ang nangatayong
mga moog, bantayog, palasyo. Naging bahagi rin ang buhangin sa pagtatayo ng mga iyon.

At ganyan, humigit-kumulang ang tao sa kanyang pagtatayo o pagbubuo ng isang bansa.

Sapat nang magunita natin ang mga Rizal, Bonifacio, Quezon, Roxas at iba pa; upang magkaanyo sa
ating isip – tulad ng pagkakaanyo ng mga gusali sa ating isip sa pagkagunita natin sa buhangin – ang
pagkakatindig ng isang Republika sa dakong ito ng daigdig – ang Pilipinas.

Ang mga nilikhang ito ay mahahalagang butyl “buhanging” naging makabuluhang sangkap sa
pagtatayo ng isang bansa.

Nakagawa na tayo ng paghahambing, nang walang pag-aalinlangan. At may ilang paghahambing pang
magagawa.

Kung minsan, may buhanging tikis na hindi napapasangkap sa sementong ginagamit sa pagtatayo ng
gusali; gaya rin ng di-iilang nilikha, sa pagtatayo ng isang bansa.

Ang buhanging iyo’y nasa ialng hindi abot-tanaw ng nangangailangan; tulad din ng mga nilikhang
nagkakasya na lamang sa pagiging walang halaga.

Ang buhanging pumupuwing sa atin at nagdudulot sa atin ng pagkainis at pagkapoot ay maitutulad


sa mga taong hindi na nakatutulong sa mga mamamayan ay nakukuha pang magsamantala sa mga
ito. Ang mga yao’y ang ilang pinunong-bayang nagsasamantala sa kanilang katungkulan; mga
Pilipinong may isipang-alipin tungkol sa sariling kalinangan, sa sariling wika, sa pagka-Pilipino. Sila’y
matatawag na buhanging “puwing” ng sambayanan sa lumang kalakaran n gating lipunan.

Marahil, sa ilang mahahalagang katibayang sinasabi ay matatanggap natin ang buhangin (walang
buhay at isip at ina) at ang tao (may buhay at isip at ina) ay maaaring paghambingin, bagaman at sa
ilan lamang kabagayan.

Ngayon ay maitatanong natin sa sarili:

Ako kaya’y “buhanging” napasangkap o napapasangkap na sa pagbuo ng aking bayan, o ako’y isang
“puwing”?

You might also like