You are on page 1of 1

Ang Buhangin at ang Tao

Ni Demeterio N. Espino
May pagkakatulad ang buhangin at ang tao. Alamin natin kung ano ang pagkakatulad nito. Sinasang-ayunan
mo ba ang paghahambing na ito?
Sa unang malas, katawa-tawa kundi man kataka-takang paghambingin ang buhangin at ang tao.
Hindi maaaring magawa o matangka ang paghambingin ang iyon, masasabi natin. At maidaragdag pa, ang
buhangin ay walang iwing buhay gaya ng tao. Ang buhangin ay walang isip; ang tao ay mayroon.
At kaugnay nitoy pataka nating maitatanong: makalilikha baga ng explorer at sputnik ang buhangin?
Saka susundan ng ganito: Ang buhangin bay maaaring maging lapastangan sa kanilang magulang, tulad ng
ilang sibol na kabataan ngayon?
Pagkunway wawakasan nang paganito: Ang buhangin bay iniluluwal ng isang ina gaya ng pagluwal sa
isang sanggol?
Marami pa tayong maidaragdag na mga patibay na pader na haharang sa anumang pagtatangkang
paghambingin ang buhangin at ang tao.
Walang butas na maaaring daanan sa pagtatangkang yaon. Marahil ay wala ngang butas, ngunit sa unang
malas lamang.
Sapagkat kung pakasusuriin ang tinutungkol sa daigdig na ito ng buhangin at ng tao ay hahanga tayo sa isang
kongklusyon o katuusang ang mga iyon ay may pagkakatulad sa mga ginagampanang papel.
Halos araw-araw, tayoy nakakakita ng mga gusaling mababa at mataas mga gusaling konkreto. Ngunit
hindi natin gaanong pansin ang mga ito. Ano ang sukat mapansin sa mga iyon, maitatanong natin?
Wala, maliban kung sinaisip natin ang katanungang: Paano nabuo ang gusaling iyon?
At sa isip natin ay magkakaanyo ang larawan ng isang gusaling minsang naparoonan natin. Pawing
nasasangkapan iyon ng semento: sahig, tabiki, kisame.
Ngunit ano-ano ang bumubuo sa sementong iyan?
Saka lamang natin magugunita: Buhangin.
Maliwanag na ngayon ang naging bahagi ng buhangin ng mumunting buhangin sa pagtatayo ng mga
gusali, ng nagtatayugang gusali. At hindi lamang mga gusali. Maiisip din natin ang nangatayong mga moog,
bantayog, palasyo. Naging bahagi rin ang buhangin sa pagtatayo ng mga iyon.
At ganyan, humigit-kumulang ang tao sa kanyang pagtatayo o pagbubuo ng isang bansa.
Sapat nang magunita natin ang mga Rizal, Bonifacio, Quezon, Roxas at iba pa; upang magkaanyo sa ating
isip tulad ng pagkakaanyo ng mga gusali sa ating isip sa pagkagunita natin sa buhangin ang
pagkakatindig ng isang Republika sa dakong ito ng daigdig ang Pilipinas.
Ang mga nilikhang ito ay mahahalagang butyl buhanging naging makabuluhang sangkap sa pagtatayo ng
isang bansa.
Nakagawa na tayo ng paghahambing, nang walang pag-aalinlangan. At may ilang paghahambing pang
magagawa.
Kung minsan, may buhanging tikis na hindi napapasangkap sa sementong ginagamit sa pagtatayo ng gusali;
gaya rin ng di-iilang nilikha, sa pagtatayo ng isang bansa.
Ang buhanging iyoy nasa ialng hindi abot-tanaw ng nangangailangan; tulad din ng mga nilikhang
nagkakasya na lamang sa pagiging walang halaga.
Ang buhanging pumupuwing sa atin at nagdudulot sa atin ng pagkainis at pagkapoot ay maitutulad sa mga
taong hindi na nakatutulong sa mga mamamayan ay nakukuha pang magsamantala sa mga ito. Ang mga
yaoy ang ilang pinunong-bayang nagsasamantala sa kanilang katungkulan; mga Pilipinong may isipangalipin tungkol sa sariling kalinangan, sa sariling wika, sa pagka-Pilipino. Silay matatawag na buhanging
puwing ng sambayanan sa lumang kalakaran n gating lipunan.
Marahil, sa ilang mahahalagang katibayang sinasabi ay matatanggap natin ang buhangin (walang buhay at
isip at ina) at ang tao (may buhay at isip at ina) ay maaaring paghambingin, bagaman at sa ilan lamang
kabagayan.
Ngayon ay maitatanong natin sa sarili:
Ako kayay buhanging napasangkap o napapasangkap na sa pagbuo ng aking bayan, o akoy isang
puwing?

You might also like