You are on page 1of 16

FILIPINO 6

ACTIVITY SHEET q1w4

ARALIN 4
Unang Araw

Paghihinuha sa Kinalabasan ng Kuwento

Tuklasin Mo
May pakinabang ba o wala?

Lahat ba ng basura ay may pakinabang?

Alamin Mo
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro upang masagot
ang mga tanong na ibinigay.
1. Ano- ano ang katangiang taglay ng mga tauhan sa kuwento?
2. Bakit nagpapapansin ang mga basura sa basurero?
3. Nagtagumpay ba si Tembong sa kaniyang balak?
4. Ano ang posibleng nangyari kinaTembong at Tata Lata?
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang katangiang
ipinakita ng mga tauhan sa kuwento?

1
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

6. Alin sa mga tauhan ang labis na nakapukaw ng iyong


atensiyon? Bakit ito ang iyong napiili? Patunayan.
7. Sa iyong palagay, bago makarating sa tambakan ang mga
basura ano kaya ang kanilang mga kalagayan?
8. Sa paanong paraan tinapos ng manunulat ang kuwento?

Gawin Ninyo
Think Like A Writer
Gawin ang sumusunod.
A. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwentong Ang Tambakan.
B. Alin sa mga tauhan ang nakaugnay ka? Bakit?
C. Paano tinapos ng manunulat ang kuwento? Kung ikaw naman
ang manunulat paano mo tatapusin ang kuwento?
Gawin Mo
Tukuyin ang mga salitang magkasingkahulugan sa sumusunod na
mga pangungusap.
1. Iwasan ang pambubuyo sa kapwa dahil lahat tayo ay may
pagkukulang. Humingi ng tawad sa kapwang naasar upang
maging maganda relasyon ng bawat isa.
Maraming programa ang pamahalaan upang mabawasan ang
mga kababayan nating nagpapalaboy laboy sa lansangan dahil
hindi ligtas ang lansangan tuwing gabi at maaaring silang
maaksidente kapag nagpatuloy silang magpakalat kalat.
2. Dumagsa ang tulong sa ibat ibang panig ng bansa para sa mga
kababayan nating naapektuhan ng bagyo. Dumating rin ang
3. Sabay sabay na nagbungkal ng lupa ang mga mag-aaral para
sa pagtatanim ng mga halaman sa kanilang mga paaralan.
Mataba ang lupang kanilang hinukay kayat nasisigurado ang
malulusog na halaman na tutubo rito.
4. Tila mga diyamante ang mga nagkikislapang bituin sa
kalangitan tuwing gabi kayat tuwang tuwa ang mga batang
pagmasadan ang kanilang makikinang sa kulay.

2
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Isaisip Mo
Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na pangyayari.
Sitwasyon 1 Hindi natutong magresikulo ang mga Pilipino
Sitwasyon 2 Kung saan saan tinatapon ang mga basura
Sitwasyon 3 Patuloy na pagdagsa ng mga tao sa kalunsuran
Sitwasyon 4 Nagkaroon ng initiyatibo ang bawat mamamayan
sa tamang pagreresikulo
Sitwasyon 5 Walang siyentista ang umalis sa bansa at patuloy
na tumuklas ng panibagong kaalaman

Isapuso Mo
Sa paanong paraan ka makatutulong upang luminis ang ating
kapaligiran?
Isulat Mo
Tuwing pauwi ka galing sa inyong paaralan nakita mo ang tambak
ng basura sa iyong dinaraanan. Bawat araw hindi ito nababawasan
bagkus lalo pa itong nadaragdagan. Naisip mong bumuo ng isang
patalastas upang hikayatin ang iyong mga kabarangay sa isang
kampanya sa kalinisan. Simulang punan ang poster upang mabuo
ang Panata ng Kalinisan.

3
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Ikalawang Araw

Paggamit ng Pangngalan sa Pakikipag-usap


sa Ibat Ibang Sitwasyon

Tuklasin Mo
Pansinin ang mga simbolo sa bawat larawan.

Ano ang ibig sabihin ng sumusunod na mga simbolo?


Saan madalas makita ang mga simbolong ito?
Ano ang kapakinabangang dulot ng mga simbolong ito?
Sa iyong palagay, nalalaman ba ng mga Pilipino ang mga
simbolong ito? Bakit hindi?

4
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Alamin Mo
Basahin ang usapan ng mag-ama.
Joriz : Tay Kardo andami na pong basura sa
likod bahay. Itapon na po natin ang
lahat ng yun.
Mang Kardo : Joriz, anak tandaan mo hindi lahat ng
basura ay basura na. May mga basura na
maaari pa nating pakinabangan.
Matutulungan pa natin si Kapitan na
maging maayos ang ating paligid.
Joriz : Hala! Tulad ng ano po?
Mang Kardo : Halimbawa ang mga bote maaari pa
nating gamiting pandekorasyon tulad ng
plorera atbp. O di kaya ibenta natin.
Ginagamit rin ang mga lumang gulong at
lata bilang taniman ng mga halaman.
Kulayan lang ito at tiyak gaganda ang
ating paligid.
Noong bata pa ako tinuruan ako ng
aking mga magulang ng wastong
pagreresikulo ng mga basura. Kaya
ituturo ko naman sa iyo ito.
Joriz : Oo nga po naaalala ko na. Gawa sa mga
boteng plastik yung parol sa aming
paaralan. Pinakolekta kami ng aming
mga guro ng boteng plastik mula Hunyo
hanggang Disyembre. Tuwang-tuwa
kaming magkakaklase sa aming
naipon. Pinagtulungan naming lahat ang
pagbuo ng parol na iyon.

Mang Kardo : Mahusay! Buti naman kahit papaano ay


naging bahagi ng gawain ninyo sa klase
ang pagreresikulo.

5
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Joriz : Ano po ang pagreresikulo?


Mang Kardo : Ito ang proseso ng pagbubukod ng mga
nabubulok at hindi nabubulok. Ang mga
bagay tulad ng plastik, gulong, bakal at
bote ang mga bagay na hindi nabubulok
at ilalagay natin ito sa bukod na lagayan.
Samantalang ang mga balat ng prutas at
gulay ay nabubulok. Maaari nating
gamitin bilang pampataba ng lupa ang
mga nabubulok samantalang ang mga
hindi naman ay lilinisin natin at
gagamitin bilang pandekorasyon at
puwedeng ring ibenta.

Joriz : Ay! Ang galing po pala. Marami pong


salamat Itay.

Ano ang napansin mo sa mga itiniman na mga salita?


Ano ang tinutukoy ng mga ito?

Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki- Tumutukoy ito sa pangngalang ukol sa lalaki
lamang.
Halimbawa: Gaudencio, Luis, Joriz, Pedro, Juan,
2. Pambabae- Tumutukoy ito sa pangngalang ukol sa babae
lamang.
Halimbawa: Leticia, Maria, Agnes, Blossom,
3. Walang kasarian- tumutukoy ito sa pangngalan ng mga
bagay na walang buhay.
Halimbawa: pambura, lapis, papel, upuan

6
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

4. Di- tiyak- tumutukoy ito sa pangngalang hindi tiyak ang


kasarian
Halimbawa: anak, kapatid, doktor, abogado, pulis

Gawin Ninyo
Balikan ang kuwentong Ang Tambakan.
Ilista ang mga pangngalang ginamit sa kuwento at tukuyin ang
kasarian nito. Gamitin ang mga ito sa isang usapan kasama ng iyong
pangkat.
Gawin Mo
Tukuyin ang kasarian ng pangngalang may guhit sa sumusunod
na mga pangungusap. Gamitin ito sa pangungusap.
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-ama.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok sa hindi
nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang pinakamalinis na
barangay.
5. Tuwang- tuwa si nanay Leticia dahil sa paglilinis ng kanyang
mag-ama ng likod bahay.
Isaisip Mo
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Isapuso Mo
Isaisip at isapuso ang wastong pagreresikulo dahil ito ay ugat
ng malinis na pamayanan.
Isulat Mo
Balikan ang Panata ng Kalinisan na ginawa noong nakaraang
linggo. Isapinal ito at bumuo ng iskrip kung paano mo ipaliliwanag
ang sumusunod na mga puntos na nakalahad rito.

7
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Ikatlong Araw

Nagagamit nang Wasto ang mga Panghalip


sa Pakikipag-usap sa Ibat ibang Sitwasyon

Tuklasin Mo
Awitin at isakilos.

Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Ako (2x)
Akoy isang pamayanan
Akoy isang pamayanan
Lalala
Sumayaw sayaw kat
Umindak indak
Sumayaw sayaw ka
katulad ng dagat
Sumayaw sayaw ka
katulad ng dagat
(Palitan ang ako ng ikaw, tayo)

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

Alamin Mo
Ang sumusunod ang uri ng panghalip:
1. Panghalip Panao Panghalip na gingaamit sa panghalili sa
ngalan ng tao
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, atin, inyo, kata, mo,
siya, kanila, kaniya
2. Panghalip Pamatlig- Panghalip na ginagamit upang
ipanghalili sa mga itinuturong tao o bagay
8
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Malapit sa nagsasalita: ito, iri, ire, niri/nire, nito, ganito, ganiri


Malapit sa kinakausap: iyan, niya, diyan
Malayo sa nag-uusap: iyon, yaon, niyon, noon, doon
3. Panghalip na Pananong- Mga salitang ginagamit na
pantanong sa tao, hayop, lugar at pangyayari at sa mga
pangungusap na nangangailangan ng sagot.
Halimbawa: ano, ano-ano, sino-sino, alin, alin-alin
4. Panghalip na Panaklaw- Ginagamit na pansaklaw sa bilang,
dami, kaisahan at kalahatan ng pangngalan.
Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinma,a numan, pawang
5. Panghalip na Pamanggit- Ito ang mga salita o parirala na
ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang pananalita, kaisipan o
ideya.
Halimbawa: raw, daw, diumano, sa ganang akin
Gawin Ninyo
Balikan ang kuwentong Ang Tambakan.
Ilista ang mga panghalip na ginamit sa kuwento at tukuyin ang uri
nito. Gamitin ang mga ito sa isang usapan.

Gawin Mo
Punan ang patlang nang wastong uri ng panghalip upang mabuo ang
diwa ng diyalogo.
John : Nabasa ____ ba ang poster sa kanto na
inilathala ng tanggapan ni Mayor?
Luis : Tungkol saan _____?
John : Ayon sa _______ magkakaroon raw ng
paligsahan sa pinakamaganda at
pinakamalinis na barangay. May puntos rin
ang barangay na gagamit ng mga materyales
na mula sa basura bilang dekorasyon.

9
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Siyempre mahala rin ang pagtutulungan ng


mga tao sa inyong barangay.

Luis : Naku! Kailangan na palang pulungin ang


aming kabarangay para makapagplano na.

John : Oo tama! Sabihin na natin ___ kapitan


ang programang ____.
Isaisip Mo
Isipin na haharap ka ngayon sa kapitan ng inyong barangay at
ilalahad ang mga saloobin ng iyong mga kabarangay batay sa inyong
nakaraang usapan.
Sa iyong palagay ano ang posibleng tanong ni Kapitan at ano
ang possible mong sagot?
Isapuso Mo
Mahalaga ang gamit ng talastasan dahil pinag-uugnay nito ang
mga magkakaibang lahi.
Isulat Mo
Bago ka humarap sa kapitan ng barangay mahalagang
nakahanda ka sa iyong mga sasabihin. Tulad ng iyong paghahanda
noong nakaraan, bumuo ng iskrip upang ihanda ka sa usapang ito.
Isulat rin dito ang nakuhang saloobin ng inyong kabarangay.

Ikaapat na Araw
Pagbibigay kahulugan ng pamilyar at di kilalang
salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap

Tuklasin Mo
Bumuo ng tableau sa pamamagitan ng sumusunod na mga
salita. Pumili ng tauhang gagampanan hango sa kuwentong
Ang Tambakan. 30 segundo ang ilalaan sa bawat salita upang
makabuo ng tableau. Gagamitin ang rubriks para markahan ang
mga nabuo.
10
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

May pumosing. Halukay Nagpagulong- gulong


May nagpapogi Kalahig Nagpalaboy-laboy

May nagkislapan Bungkal Nanahimik

Rubriks ng Pagmamarka:

Nilalaman Napakahusay Mahusay-4 Katamtaman Nangangaila


-5 -3 ngan ng
Pagsasanay-
2
Pagkamalikh Napakamalik Malikhain Hindi Hindi
ain hain ang ang binuong gaanong malikhain
binuong tableau malikhain ang binuong
tableau ang binuong tableau
tableau
Karakterisas Ginampanan Mahusay Hindi Gumagalaw
yon at pokus at at may gaanon at
napakahusay kaseryosoha mahusay nagtatawana
ang pokus ng n ang bawat dahil may n sa biuong
bawat tauhan tauhan ilang tableau
gumagalaw
at hindi
gaanong
nakatutok
ang mga
tauhan
Dating/ Nakahihikaya May dating Hindi Walang
Hikayat t at malakas at hikayat gaanong dating at
ang dating sa ang binuong nakahihikay hikayat ang
madla ang tableau at madating binuong
binuong ang binuong tableau
tableau tableau

11
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Ano ang iyong pakiramdam habang bumubuo ng tableau?


Ano naman ang iyong masasabi pagkatapos buuin ito?
Sa iyong palagay, ano ang teknik sa pagbuo ng mahusay na
tableau?
Naging madali o mahirap ba ang proseso ng pagbuo ng tableau?

Alamin Mo
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salunggguhit sa
sariling salita.
1. Pumosing ang mga basurero ng dumating ang mga dayuhang
bisita nang malaman nilang kukunan sila ng litrato para sa
isang dokyumentaryo.
2. Pilit na nagpapogi si Buknoy para mapansin ng mga dayuhan
kahit na mababakas ang humpak niyang pisngi, maputla at
nanlilimahid na kutis at halos nakadikit na balat sa kanyang
buto.
3. Pagdating ng trak ng basura animoy gintong nagkislapan ito
sa paningin ng mga basurero.
4. Parang hinahalukay ng kanyang sikmura dahil sa kinain
niyang pagkain mula sa basurahan.
5. Tulad siya ng isang manok na patuloy na nangangalahig
makakuha lamang ng basurang maaari niyang pakinabangan
6. Binungkal niya ang tambak ng basura.
7. Nagpagulung-gulong ang bulto ng basurang nagmula sa trak.
8. Nilisan ni James ang kanilang probinsiya upang
makipagsapalaran sa Maynila dahil dito nagpalabuy laboy siya
sa lansangan.

12
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

9. Pinili na lamang nilang manahimik kesa pag-initan ng mga


kalaban sa tambakan.
10. Agad na umangal ang mga magsasaka dahil kinamkam
ng mayamang negosyante ang kanilang lupang sakahan.
Gawin Ninyo
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita at tukuyin
kung pamilyar o di pamilyar ang mga sumusunod na mga salita.
1. pumosing
2. nagpapogi
3. nagkislapan
4. hinalukay
5. nangalahig
6. binungkal
7. nagpagulung-gulong
8. nagpalabuy-laboy
9. manahimik
10. umangal
Gawin Mo
Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga salitang pinag-
aralan sa naunang gawain.
Isaisip Mo
Ano ang dapat mong gawin kung may salita na hindi
maunawaan sa isang teksto?
Isapuso Mo
Pakikibahagiy isabuhay upang kalagayay umalwal

13
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Isulat Mo
Pagtulungan kasama ang iyong kapareha na bumuo ng sariling
pangungusap gamit ang mga napiling salita. Pumili ng maaaring
maging tema ng inyong pangungusap.
Kahalagahan ng wastong pagreresikulo
Pagdami ng basura sa lansangan
Dulot ng paggamit ng droga
Dahilan ng mga Pilipinong namamatay at pinapatay

Ikalimang Araw

Paggamit ng pangkalahatang sanggunian


sa pagsusulat ng kuwento

Tuklasin Mo
Balikan ang mga nabasang sanggunian, Ang Tambakan at
diyalogo. Sagutin ang sumusunod na mga tanong
Ang Tambakan
Paano sinimulan ng manunulat ang kuwento?
Ano ang kasukdulan ng kuwento?
Alin sa mga tauhan ang pinakanagustuhan mo?
Ano ang wakas ng kuwento?
Diyalogo
Tungkol saan ang usapan ng mag-ama?
Naka-ugnay ka ba sa kanilang usapan?
Natuto ka ba sa kanilang usapan?

14
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Alamin Mo
Bahagi ng Maikling Kuwento
Panimula- Sa bahaging ito gumagamit ng pansariling teknik ang
manunulat. Kritikal ang bahaging ito dahil ito ang unang mababasa
na hihikayat sa mga mababasa.
Gitna- Karaniwan nasa bahaging ito ang kasukdulan ng kuwento.
Ang gitna ang magpapakita ng mayaman na impormasyon at
pangyayari sa loob ng kuwento.
Wakas- Dito tinatapos ng manunulat ang kabuuan ng kuwento.
Ngunit nakadepende sa kanya kung ito ay kakalas, tatapusin o mag-
iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa

Sangkap ng Maikling Kuwento


Tauhan Karaniwan bawat kuwento ay may bida at
kontrabida. Ang bida ay mga tauhang may
mabuting kalooban ngunit kabaligtaran
naman ang kontrabida.

Tagpuan - Ito ang pinangyarihan ng kuwento. Dito


umiikot ang buong pangyayari ng kuwento.
Maaaring maganap sa isa o higit pa ang
tagpuan ng kuwento.

Kasukdulan - Papataas at pababang emosyon ng kuwento.


Ito ang pinakamasidhing emosyon ng mga
tauhan sa kuwento.

Tunggalian - Ito ang suliranin ng kuwento. Sa bahaging ito


ipinapakita ang problema at solusyon ng mga
tauhan.

15
FILIPINO 6
ACTIVITY SHEET q1w4

Gawin Ninyo
Pumili ng isang kuwentong nabasa ng pangkat. Pag-usapan ito
at tukuyin ang mga bahagi at sangkap nito.
Gawin Mo
Inaasahan na natapos na ang mga nakaraang gawain:
a. Panata ng Kalinisan
b. Iskrip sa pagharap sa mga kabarangay
c. Iskrip sa pagharap sa kapitan.
Mula sa mga nabuong ito bubuo ka ngayon ng sarili mong kuwento.
Ikaw mismo, mga kabarangay at kapitan ang tauhan ng bubuing
kuwento. Tiyakin ang mga bahagi at sangkap ng maikling kuwento.
Rubriks ng Pagmamarka
Nilalaman 5 4 3 2 1
1. Malikhaing inilahad ang simula ng kuwento
2. Malinaw ang paglalahad ng gitna ng kuwento
3. Matalinong tinapos ang nabuong kuwento na mag-
iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa
4. May lohikal na pagkakasunud sunod ang mga
pangyayari sa kuwento
5. Nakahihikayat basahin ang kuwento

Isaisip Mo
Ano-ano ang bahagi at sangkap ng isang kuwento?
Isapuso Mo
Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga kuwento?
Isulat Mo
Ano ang natutuhan mo sa pagbuo ng sariling kuwento?

16

You might also like