You are on page 1of 19

NAGAGAMIT NANG WASTO

ANG MGA PANGNGALAN


SA PAKIKIPAG-USAP SA
IBA’T IBANG SITWASYON
F6WG-1D-2
• Ano ang ibig sabihin ng sumusunod na mga
simbolo?
• Saan madalas makita ang mga simbolong ito?
• Ano ang kapakinabangang dulot ng mga
simbolong ito?
• Sa iyong palagay, nalalaman ba ng mga
Pilipino ang mga simbolong ito?
• Basahin natin ang usapan ng isang mag-ama.
• Ang Tambakan
Joriz : Tay Kardo, andami na pong
basura sa likod bahay. Itapon na po
natin ang lahat ng ‘yun.

Mang Kardo : Joriz, anak tandaan mo


hindi lahat ng basura ay basura na.
May mga basura na maaari pa nating
pakinabangan. Matutulungan pa natin si
Kapitan na maging maayos ang ating
paligid.
Joriz : Hala! Tulad ng ano po?
Mang Kardo : Halimbawa ang mga bote maaari pa
nating gamiting pandekorasyon tulad ng plorera
at iba pa. O di kaya ibenta natin. Ginagamit rin ang
mga lumang gulong at lata bilang taniman ng mga
halaman. Kulayan lang ito at tiyak gaganda ang
ating paligid. Noong bata pa ako tinuruan ako ng
aking mga magulang ng wastong pagreresikulo ng
mga basura. Kaya ituturo ko naman sa iyo ito.
Joriz : Oo nga po, naaalala ko na. Gawa
sa mga boteng plastik yung parol sa
aming paaralan. Pinakolekta kami ng
aming mga guro ng boteng plastik mula
Hunyo hanggang Disyembre. Tuwang-
tuwa kaming magkakaklase sa aming
naipon. Pinagtulungan naming lahat ang
pagbuo ng parol na iyon.
Mang Kardo : Mahusay! Buti
naman ay naging bahagi ng
gawain ninyo sa klase ang
pagreresikulo.
Joriz : Ano po ang
pagreresikulo?
Mang Kardo : Ito ang proseso ng
pagbubukod ng mga nabubulok at
hindi nabubulok. Ang mga bagay tulad
ng plastik, gulong, bakal at bote ang
mga bagay na hindi nabubulok at
ilalagay natin ito sa bukod na lagayan.
Samantalang ang mga balat ng prutas at
gulay ay nabubulok.
Mang Kardo: Maaari nating gamitin bilang
pampataba ng lupa ang mga nabubulok
samantalang ang mga hindi naman ay lilinisin
natin at gagamitin bilang pandekorasyon at
puwedeng ring ibenta.
Joriz : Ay! Ang galing po pala, Itay.
Makakatulong pa tayo sa kalinisan ng
barangay natin.
Mang Kardo: Tara na, anak, sa tambakan!
• Ano ang napansin mo sa mga itiniman na
mga salita?
• Ano ang tinutukoy ng mga ito?
• Ano ang magagalang na salita na ginamit
sa usapan?
KASARIAN NG PANGNGALAN

1. Panlalaki- Tumutukoy ito sa pangngalang


ukol sa lalaki lamang.
Gaudencio, Luis, Joriz, Pedro, Juan

2. Pambabae- Tumutukoy ito sa


pangngalang ukol sa babae lamang.
Leticia, Maria, Agnes, Blossom
KASARIAN NG PANGNGALAN
3. Walang kasarian- tumutukoy ito sa
pangngalan ng mga bagay na walang
buhay.
pambura, lapis, papel, upuan
4. Di- tiyak- tumutukoy ito sa pangngalang
hindi tiyak ang kasarian
anak, kapatid, doktor, abogado, pulis
PANGKATAN

Balikan ang kuwentong


“Ang Tambakan.”
• Ilista ang mga pangngalang ginamit sa
kuwento at tukuyin ang kasarian nito.
ISAISIP MO

• Ano ang natutuhan mo sa


aralin?
• Anong pagpapahalagang
moral ang ginamit sa usapan?
ISAPUSO MO

•Isaisip at isapuso ang


wastong pagreresikulo dahil
ito ay ugat ng malinis na
pamayanan.
PAGTATAYA

A. Tukuyin ang kasarian ng


pangngalang may guhit sa
sumusunod na mga pangungusap.
B. Gamiting muli ang pangngalan
sa pangungusap.
PAGTATAYA
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-amang
Joriz at Mang Kardo.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng
basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok
sa hindi nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang
pinakamalinis na barangay.
5. Tuwang- tuwa si Nanay Leticia dahil sa paglilinis ng
kanyang mag-ama ng likod-bahay.
PAGTATAYA
1. Magkasamang nagbukod ng basura ang mag-amang
Joriz at Mang Kardo.
2. Nagturo ang guro ng wastong pagreresikolo ng
basura.
3. Pinagbukod-bukod ni Michelle ang mga nabubulok
sa hindi nabubulok.
4. Pinarangalan ang kanilang barangay bilang
pinakamalinis na barangay.
5. Tuwang- tuwa si Nanay Leticia dahil sa paglilinis ng
kanyang mag-ama ng likod-bahay.

You might also like