You are on page 1of 9

5

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Modyul 1
Taglay na Kaugaliang Pilipino,
Tanda ng Pagmamahal sa Bansa

(Unang Linggo)

0
Ikatlong Markahan
Modyul 1 - Taglay na Kaugaliang Pilipino,Tanda ng Pagmamahal sa Bansa

ALAMIN

Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino


1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
1.2. tumutulong o lumalahok sa bayanihan at palusong
1.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin

SUBUKIN (PRE-TEST)

Lagyan ng tsek ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magandang


kaugalian at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Pagmamano sa mga magulang at ibang nakakatanda.


_____ 2. Pagmamalaki sa mga kaugalian at kulturang Pilipino.
_____ 3. Nagkukusang tumulong sa iba ng abot sa makakaya.
_____ 4. Sumusunod sa payo ng mga magulang.
_____ 5. Pagsasama sa lakad ng barkada kahit may pandemya.

TUKLASIN

Ang pagmamahal sa bansa ay isang katangian na nasusukat sa


maraming bagay. Hindi kailangang palagi mong sinasabi na mahal mo ang
Pilipinas upang maituturing na mahal mo ang iyong bayan. Ang pagpapakita at
pagsasabuhay ng mga katangian, kultura, at mga kaugalian na sariling atin,
ay kumakatawan ng isang tunay na Pilipino.
Sa kasalukuyan, maraming kabataang Pilipino ang hindi nakakikilala sa
ating mga katutubong kaugalian at kultura. Kaya ang pamahalaan at iba pang
institusyon ay nagsisikap na maipaabot sa mga kabataan ang pangangailangang
matutuhan muli ang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagbuhay ng
mga kaugaliang Pilipino.

A. Ang sumusunod na mga larawan ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting


mamamayan. Pumili ng dalawang larawan. Sumulat ng pangungusap sa iyong
sagutang papel, na nagpagpaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

ugnayan sa kapamilya pagbibigay donasyon

1
pagdiriwang ng mahahalagang okasyon pag-aasikaso sa nakakatanda

pagbabayanihan pagtulong sa mga gawaing-bahay

SURIIN

Ano-anong mga kaugalian at katangiang Pilipino ang nasasaloob sa kwento?

2
“PALUSONG”
Panahon ng pag-aani at pagtatanim sa ilang lugar ang pagsisimula ng buwan
ng pagbagyo. Maingat na binabantayan ng mga magsasaka ang lagay ng
panahon upang lubos na mapangalagaan ang kanilang mga pananim.

MANG BERTO: Nakapanghihina ng loob and sinsasabi ng PAGASA sa lagay


ng panahon. Dalawang magkasunod na bagyo ang papasok sa
Pilipinas.
ALING NENA: Naku! Paano na ang pananim ni Mang Oscar? Maaari nang
anihin ang palay niya. Baka isa o dalawang araw na lang.
MANG PILO: Kalalabas lang ng ospital ni Mang Oscar at mahina pa ang
kanyang pangangatawan. Kalilipat naman ng anak niyang
si Mario at pamilya nito sa probinsya. Walang hahalili.
MANG BERTO: Sa tingin ko, hindi ito magiging problema. Sanay na tayo sa
ganitong sitwasyon. Nakatitiyak akong marami ang handang
magboboluntaryo.
JOKO: Tatay! Nagpalabas po ng anunsiyo ang PAGASA. Pinaghahanda
ang lahat dahil may darating na malakas na bagyo.
MANG BERTO: Pareng Pilo, magmadali tayong kumilos. Pakisabihan at
imbitahan ang ating mga kaibigan at kapitbahay. Aanihin natin
ang palay ni Mang Oscar. Sabihan si Mang Oscar tungkol sa
ating gagawin. Hindi siya dapat mag-alala.

Hindi nagtagal, handa na sina Mang Angel, Mang Inggo, Aling Celia, Mang
Pilo, at Mang Berto.

MANG ANGEL: Dala ko na ang mga gamit na panggapas ng palay. Tayo na!
MANG INGGO: Pag-usapan nating mabuti ang ating gagawin upang matapos
tayo sa takdang oras. Kailangang maipuwesto natin ang mga
tao sa kaniya-kaniyang lugar upang mapadali tayo.
ALING CELIA: Tutulong din ako, sanay yata ako sa paggapas ng palay.
Ihahanda ko rin ang iba pa nating kakailanganin.
MANG PILO: Salamat naman at marami tayo. Pinagbilinan ko na rin ang iba
pang nais na tumulong na sumunod agad sila sa bukid.
MANG BERTO: Matutuwa tiyak si Mang Oscar. Wala na siyang dapat ipag-alala.

Nakatutuwang pagmasdan ang pagkakasiyahan ng mga magsasaka


habang naggagapas ng palay. Tumulong silang lahat upang matapos sa takdang
oras ang kanilang palusong.

ALING NENA: Magmeryenda na muna kayo. Luto na ang nilagang saba at


mainit na kape.
JOKO: Nanay, mangunguha po ako ng mga sako na walang laman.
Sigurado akong sasabihin ni Lolo Oscar kung saan ako
makakakuha. Kukumustahin ko na rin po tuloy siya.
ALING NENA: Sumige ka. Pagkabati sa kaniya ay bumalik ka agad.

Lumipas ang ilang oras, nagsimula nang umulan. Nagtipon sa maliit na


bahay ni Mang Oscar ang kaniyang mga kapitbahay at kaibigan. Masaya sila.

3
Inaliw nila ang matandang lalaki habang nilalasap nila ang meryendang
inihanda ni Aling Nena.

MANG OSCAR: Maraming salamat sa inyong pagbabayanihan. Kung wala ang


inyong tulong at kooperasyon, nasira at nasayang na sana ang
mga palay. Muli, maraming salamat.
JOKO: Iyan ang Pinoy!

Masayang nagtawanan ang mga taganayon.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang iyong sagutang papel:

1. Ano ang palusong? Ginagawa pa rin kaya ito sa ngayon?


2. Anong mga katangian at kaugaliang Pilipino ang ipinakita sa kuwento?
3. Paano nagtulungan ang magkakapitbahay at magkakaibigan sa pamayanan?
4. Paano nailigtas ng mga kaibigan at kapitbahay ni Mang Oscar ang mga tanim
niyang palay mula sa pagkasira?
5. Sa panahon ngayon ng pandemya, may pagtutulungan bang nangyayari?
Magbigay ng dalawang halimbawa.

PAGYAMANIN

A. Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawing nakasulat sa ibaba? Isulat


ang sagot sa papel kung Palagi, Paminsan-minsan o Hindi Kailanman.

_____1. Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


_____2. Nakakalungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung
binabayaran sila o binibigyan ng pabuya.
_____3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.
_____4. Naniniwala na nagtuturo lang ng katamaran at pagiging palaasa sa iba
ang madalas na pagtulong sa tao.
_____5. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala.
_____6. Aktibong nakikibahagi sa mga pagdiriwang ng pamayanan.
_____7. Nagsisikap na makatulong sa ibang tao sa abot ng makakaya.
_____8. Nagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap sa araw-araw.
_____9. Ipinagdarasal ang sariling bayan, mga lider, at mga kapwa Pilipino.
_____10. Nagkukusang tumulong sa iba kapag may pagkakataon.

B. Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap na kaya mong isagawa


bilang pagmamahal sa bayan. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. Nakikinig ako ng payo sa mga nakakatanda sa akin.


_____2. Nagbabasa ako ng diyaryo at nakikinig sa radyo ng mga balita.
_____3. Maaga akong natutulog sa gabi, lalo na ngayong pandemya.
_____4. Hindi ako nakikipag-away.
_____5. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino.
_____6. Tumutulong ako kay Nanay sa pagtatanim ng halaman.

4
_____7. Pinaghihiwalay ko ang basurang nabubulok at di-nabubulok.
_____8. Nakikilahok ako sa mga programa ng aming barangay.
_____9. Madalas akong tumangkilik sa mga imported na kagamitan.
_____10. Nagsisikap akong makatapos sa aking pag-aaral.

ISAISIP
Balikan ang iyong nga sagot sa titik A. Alin sa mga sinagutan mo ng Paminsan-
minsan at Hindi Kailanman ang dapat mong baguhin upang maipakita ang
pagiging mabuting mamamayan? Magbigay ng isang gawain bawat araw simula
sa linggong ito. Isulat sa papel ang kasagutan.

Unang araw ________________________________________________


Ikalawang araw _____________________________________________
Ikatlong araw _______________________________________________
Ika-apat na araw _____________________________________________
Ikalimang araw ______________________________________________
Ikaanim na araw _____________________________________________
Ikapitong araw _______________________________________________

ISAGAWA

Paano mo maipapakita na mahal mo ang bansang Pilipinas? Isulat ang iyong


sagot sa papel.

⚫ Sa isip ⚫ Sa salita
__________________________________ ________________________________
__________________________________ ________________________________
__________________________________ ________________________________

⚫ Sa pakikipagkapwa ⚫ Sa buhay pamayanan

________________________________ _________________________________

________________________________ _________________________________

________________________________ _________________________________

5
TAYAHIN

A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa papel.

1. Sinusunod ko ang batas trapiko kapag _____.


A. may pulis C. may maraming sasakyan
B. tatawid sa daan D. walang nakabantay na enforcer

2. Inaalalayan ko ang matatanda sa pagtawid sa daan dahil _____.


A. sa utang na loob C. natutuwa ako sa kanila
B. ginagalang ko sila D. may bayad pagkatapos

3. Alin sa mga sumusunod na sayaw ang nagpapakita ng kulturang Pinoy.


A. Pandanggo Sa Ilaw C. Acrobatic Dance
B. Hiphop D. Chacha

4. Iginagalang ko ang pagkanta ng _____.


A. Pasko Na Sinta Ko C. Lupang Hinirang
B. Ako’y Isang Pinoy D. Dahil Sa Iyo

5. Ang katangiang gustong mapanatili ng mga Pilipino ay ang _____.


A. pagkahambog C. pagkamataray
B. pagkamahiyain D. pagkamatulungin

B. Pag-aralan ang mga larawan. Piliin sa loob ng kahon ang kaugalian at kulturang
Pilipino na angkop sa bawat larawan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa papel.

paggalang sa nakakatanda pagkamasinop

kulturang sayaw pagkarelihiyoso

pagmamahal sa angkan pagkamasigasig

6. 9.

____________ ______________

6
7. 10.

____________ ____________

8.

___________

KARAGDAGANG GAWAIN

Bilang pagpapakita ng iyong pagmamahal sa ating bansa, gumuhit ng isang


napakagandang watawat ng Pilipinas na may sukat na 7 x 4 inches gamit ang
isang short bondpaper.

7
USI SA PAGWAWASTO

TUKLASIN:

SURIIN:

PAGYAMANIN

ISAISIP: KARAGDAGANG GAWAIN:


(10 points kapag may naiguhit)

MGA SANGGUNIAN

⚫ Batayang Aklat
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5 p. 107
May-akda: Zenaida R. Ylarde
Gloria A. Peralta, Ed. D.
Mga Larawan o Imahe:
⚫ http://grace1331.blogspot.com/2014/02/daylinda-clan-reunion-2014.html
⚫ https://mb.com.ph/2020/04/30/unicef-protect-children-vulnerable-to-abuse-during-ecq/
⚫ https://steemit.com/filipino/@maeann/i-am-a-proud-filipino
⚫ https://www.alamy.com/stock-photo-philippines-21st-jan-2018-a-young-boy-holds-his-sto-
nihttps://www.google.com/search?q=flag+of+the+philippines&sxsrf=ALeKk00MjNZPsZb7jD
k8c5iO3eeYjvaBTg:1611059882693&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=l4zKsL0yUhGzHM%25
2CSxGWfrLNzqqgCM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kT-
WVcelXoFcpZDuHVd17f2ENzZEA&sa=X&ved=2ahUKEwj-
zZPggajuAhXVFIgKHXIDDIUQ_h16BAg2EAE#imgrc=l4zKsL0yUhGzHMno-as-the-blessing-
172398610.html

You might also like