You are on page 1of 18

4

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Kayarian ng Pangngalan
Filipino – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Kayarian ng Pangngalan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
(SLK) na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Jocelyn M. Gabayan
Editor: Rosemarie B. Sagum, Ligaya L. Perez
Tagasuri: Ligaya L. Perez, Rene P. Sultan,
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldiguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Name of SDO Developer

Office Address: ___________________________


Telefax: ___________________________
E-mail Address: ___________________________
4

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Kayarian ng Pangngalan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang sarling linangan kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa sariling linangan kit.
Para sa mag-aaral:
Ang sariling linangan kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
sariling linangan kit:
1. Gamitin ang sariling linangan nang may pag-iingat. Huwag
susulatan ang bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na
maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang
kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang sariling linangan sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga
inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

ii
Alamin Natin

Magandang Araw!
Halina’t ating talakayin ang mga kasanayang matututuhan mo sa Sariling
Linangan Kit na ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol


sa sarili at sa ibang tao sa paligid. (F4WG-Ia-e-2)

Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan sa


pagsasalita tungkol sa mga hayop at lugar sa paligid.

Subukin Natin

Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang sumusunod na usapan.


Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang
papel.
agaw-pansin sari-saring murang-mura
paso lumang dahon

Berto: Lolit, maaari mo bang ibigay na lang sa akin ang iyong mga
_______________ bote ng plastic?

Lolit: Oo naman, Berto. Patapon na rin naman ang mga ito. Dito mo ba
ilalagay ang iyong itatanim na mga _______________ bulaklak.

Berto: Tama ka, Lolit. Naubusan na kasi ako ng mga pagtataniman na


mga ____________________.
Lolit: May plano akong bumili ng ____________________ klase ng mga
halaman bukas. Saan kaya ako makabibili?

Berto: Ang Davao Flower Center ay maraming itinitindang mga halaman.


____________________ rin ang presyo ng mga paninda nila doon.

Lolit: Sige, pupunta ako doon bukas. Maraming salamat, Berto.

Aralin Natin

Ikaw ba’y nakapamasyal na sa isang bukirin? Ano-anong mga


pananim at hayop ang madalas makikita sa lugar na ito? Basahin nang
mabuti ang kuwento.

Isang Natatanging Bakasyon


ni Jocelyn M. Gabayan

Malapit nang magtapos ang mga araw ng bakasyon. Ilang


linggo na lang ang natitira at mag-uumpisa na naman ang pasukan.
Naalala ko ang pangako sa akin nina nanay at tatay. Ipapasyal daw nila
ako sa bukirin nina lolo at lola sa Marilog.

“Nay, hindi ba’t nangako kayong ipapasyal ninyo ako sa lugar


nina lolo at lola?” paalala ko sa kanila.
“Mabuti at ipinaalala mo sa akin, anak. Pupunta tayo roon sa
susunod na Sabado,” tugon ni nanay.

Dumating ang araw ng Sabado at madaling-araw kaming


bumiyahe patungo sa Marilog. Ayon kay tatay, mas kilala sa pangalang
Hinakhakan Farm ang bukirin nila roon. Abot-tanaw ko na rin ang
Bundok Apo mula sa bintana ng aming sasakyan. Hindi ko na maitago
ang labis-labis kong pagkasabik na makitang muli ang aking lolo at lola!

“Ding! Apo ko! Kaylaki mo na!” pagbati ni Lola Gloria sa akin


nang makita niya ako. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit at
binigyan ng halik sa pisngi. Sinalubong din ako ni Lolo Eduardo ng
yakap at nagmano ako sa kamay niya pagkatapos.

“Halika, Ding. Ipapasyal muna kita sa paligid habang


naghahanda ng meryenda ang nanay at lola mo,” paanyaya ni Lolo
Eduardo.

Naglakad kami patungo sa Organic Vegetable Farm, na nasa


gawing likuran ng bukirin. Bumungad sa amin ang mga malulusog na
tanim ng lolo. Ang magkahalong berdeng mga dahon at mala-
bahagharing kulay ng mga bungang gulay ay napakagandang
pagmasdan. Kitang-kita na ang mga ito’y inaalagaan nang husto ng lolo.

“Sige nga, Ding. Tingnan natin kung nalalaman mo ang tawag


sa mga gulay na pananim ko rito.” hamon sa akin ni Lolo Eduardo.

“Ang mga gulay na nakatanim dito sa kanang bahagi ay mga


kamatis, okra, talong, atsal po. Dito naman po sa gawing kaliwa ay mga
sibuyas, bawang, kamote, at gabi.” buong kumpiyansa kong sagot sa
kaniya. “Napakahusay mo talaga, apo ko! Magluluto ang lola mo bukas
ng paborito mong pinakbet. Samahan mo ako bukas, para anihin ang
mga ito,” sabi ng lolo.

Matapos ipaliwanag sa akin ng lolo ang tamang pamamaraan


ng pagtanim ng gulay, nagtungo kami sa Animal Farm Section ng
bukirin. Nagulat ako nang may grupo ng mga pato na tumawid sa harap
namin. Ang inahing pato ay sinundan ng kaniyang mga inakay. Natawa
ako sa sarili ko nang maalala ko kung paano ko palaging sinundan noon
ang nanay saan man siya magtungo.

“Marami kaming mga alagang hayop dito, Ding. Halos hindi ko


na nga matandaan kung ilang pato mayroon kami,” patawang sambit ni
Lolo Eduardo.

“May mga manok din po pala kayo dito, Lolo. Mukhang


naglilimlim ang isa sa kanila. Aba! May mga itlog nga sa pugad!”
pamangha kong bulalas habang inaangat ang isa sa mga kumpol-
kumpol na itlog.

“Ilagay mo na ang mga iyan dito sa basket, Ding. Iyan na ang


iaalmusal natin kapares ng pandesal na bibilhin ko bukas.” sabi ni Lolo
Eduardo sabay abot sa sisidlan ng mga itlog.

May mga kambing din akong nakita sa bandang likod ng bahay-


manukan. Palaboy-laboy rin ang dalawang alagang aso ng lolo na sina
Bantay at Bruno. Patakbo silang lumapit nang makita nila kami ni Lolo
Eduardo. Buong tuwa kong hinaplos ang kanilang malalambot na
balahibo.

Unti-unti nang lumilim ang sikat ng araw at kaysarap sa


pakiramdam na langhapin ang sariwang hangin sa bukirin. Niyaya na
ako ni Lolo Eduardo na bumalik sa kanilang bahay. Naghihintay na raw
sa amin ang meryendang inihanda nina lola at nanay.

“Lolo, bago tayo bumalik. Maaari po ba ninyo akong kunan ng


litrato gamit itong celpon ko? Ipopost ko po ito sa Friendstagram po.”
pakiusap ko sa kaniya.

“Oo naman, apo ko! Huwag kang mag-aalala at ila-like ko rin agad
itong larawan mo!” masayang-masaya na tugon ni Lolo Eduardo.

Pareho kaming napabulalas sa tuwa. Hindi ko akalain na maalam


si Lolo Eduardo sa paggamit ng social media. Matapos niya akong
kunan ng mga litrato, naglakad na kami pabalik sa bahay at tunay kong
naramdaman ang saya ng bakasyon kong ito.

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


__________________________________________________

2. Saan pumunta sina Ding at ang kaniyang pamilya?


__________________________________________________

3. Kailan nagpunta sina Ding sa bukirin ng kaniyang lolo at lola?


__________________________________________________

4. Ano-anong mga gulay at hayop ang nakita ni Ding?


__________________________________________________

5. Bakit napamangha si Ding kay Lolo Fernando sa hulihang bahagi


ng kuwento?
__________________________________________________
__________________________________________________

Basahin ang mga pangungusap na hango sa nabasa mong talata.

• Malapit nang magtapos ang mga araw ng bakasyon.


• Samahan mo ako bukas para anihin ang mga ito.
• Hindi ko na maitago ang labis-labis kong pagkasabik na makitang
muli sina lolo at lola!
• Abot-tanaw ko na rin ang Bundok Apo mula sa bintana ng aming
sasakyan.
Pansinin mo ang mga salitang may salungguhit sa mga pangungusap.
Ang mga ito ay kabilang sa iba’t ibang kayarian ng pangngalan.
Ang pangngalan ay may apat na anyo o kayarian.
Kayarian ng Pangngalan
Ang kayarian ng pangngalan ay nakatutulong upang malaman natin
kung paano nabubuo ang pangngalan na ginagamit natin sa iba’t ibang
pangungusap.

1. Payak – Pangngalang binubuo ng salitang ugat.

Halimbawa: lolo, lola, halaman, manok, aso, pato


bawang, sibuyas, atsal, itlog, litrato

2. Maylapi – Pangngalang binubuo ng salitang ugat at panlapi.

Halimbawa: pag + ka + sabik = pagkasabik


tanaw + in = tanawin
ka + pares = kapares
ka + linis + an = kalinisan

3. Inuulit – Pangngalang binubuo sa pamamagitan ng unang


dalawang pantig ng salitang ugat o buong salitang ugat na maaaring
mayroon o walang dagdag na panlapi.

Halimbawa: kitang-kita, kumpol-kumpol,


masayang-masaya, malayo-layo
sabay-sabay, salo-salo, sabi-sabi
litong-lito, labis-labis, libo-libo

4. Tambalan – Pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita.

Halimbawa: madaling-araw, abot-tanaw


bahay-manukan, likas-yaman,
bukang-liwayway, silid-aralan
agaw-pansin, agaw-eksena
bahaghari, matanglawin
Tandaan: Ang salitang tambalan ay maaaring dalawang salita na
pinagsama o pinagdugtong ng gitling.

Gawin Natin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang titik P kung ang kayarian ng
pangngalan ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung inuulit, at T kung ito
ay tambalan.

_________1. pagbiyahe _________9. kayamanan


_________2. dala-dala _________10. lapis
_________3. balikbayan _________11. katapatan
_________4. bukid _________12. mahalaga
_________5. isip-bata _________13. bituin
_________6. baon-baon _________14. ari-arian
_________7. paaralan _________15. sama-sama
_________8. malinis

Sanayin Natin

Panuto: Piliin ang tamang kayarian ng pangngalang nararapat gamitin sa


sumusunod na pangungusap. Piliin ang nararapat na salita mula sa kahon
sa ibaba. Isulat sa sagutang papel.

labis-labis tagapayo ari-arian alpabeto takipsilim

pangingisda lungsod silid-tulugan halamang-ugat bahay-bahayan


1. ________________ ang pangunahing kabuhayan namin.

2. Madalas kaming maglaro ng ________________ ng aking mga


kaibigan.

3. Nilinis ko ang aking ________kaya mahimbing ang tulog ko kagabi

4. ________________ ang aking pasasalamat sa mga taong


nagpakita ng kabutihan sa amin.

5. Hindi na mabilang ni Don Lucas ang kaniyang ________________


sa sobrang yaman niya.

6. Nagmadali na akong umuwi sa bahay dahil ________________ na


at dumidilim na ang kalangitan.

7. Si Attorney Gomez ang ________________ ni Mario para sa


hinaharap niyang kaso.

8. Kami ay pupunta sa ________________ upang mamili ng


maraming mga produkto na ibebenta sa probinsya.

9. Hindi mahirap isaulo ang ________________ ng Wikang Ingles.

10. Pinakuluan ni Lola Conchita ang ________________ na


pinaniniwalaan niyang gamot para sa sakit ng tiyan.

Tandaan Natin

May iba’t ibang paraan upang makabuo ng mga


pangngalan. Ito ay tinatawag na kayarian ng pangngalan. May
apat na kayarian ang pangngalan.
• Payak – pangngalang binubuo ng salitang payak.

Halimbawa: lapis, papel, lamesa, pisara


lupa, tanim, dahon, bunga
• Maylapi – pangngalang binubuo ng salitang ugat at
panlapi.
Halimbawa: kasiyahan, kalinisan, katapatan
pagbangon, pagbabago, pagsuko
• Inuulit – pangngalang binubuo sa pamamagitan ng unang
dalawang pantig ng salitang ugat o buong salitang ugat na
maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi.

Halimbawa: araw-araw, gabi-gabi, iba-iba


awang-awa, tuwang-tuwa,
• Tambalan – pangngalang binubuo ng dalawang
magkaibang salita.
Halimbawa: balat-sibuyas, akyat-bahay, likas-yaman
hatinggabi, hampaslupa, matapobre

Suriin Natin

Panuto: Baguhin ang mga salitang payak ayon sa hinihinging kayarian


ng bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

Halimbawa:

Inuulit 1. Taon nilang ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Roque.

Sagot: Taon-taon

Inuulit 1. Binuhat ni Loloy ang patong na sako ng mga niyog.


Maylapi 2. Siya ay pawis nang husto habang papunta siya sa
puwesto nila sa may palengke sa Agdao.
Maylapi 3. Nang matapos niya ang kaniyang gawa, inilabas niya
ang baon niyang pastil.
Maylapi 4. Pares niya ito ng nilagang itlog at sariwang kamatis.
Tambalan 5. Tanghali at tapat na nang makarating sa puwesto nila
ang kaniyang mga magulang.
Inuulit 6. Bitbit nila ang kumpol na mangosteen na kanilang
ibebenta rin sa palengke.
Maylapi 7. Agad silang inabutan ni Loloy ng inom upang mapawi
ang kanilang uhaw.
Maylapi 8. Salamat si Loloy ng kaniyang mga magulang sapagkat
siya’y laging maaasahan.
Tambalan 9. Naging agaw at pansin sa mga namamalengke ang
tinda nilang mangosteen.
Maylapi 10. Hindi nagtagal at ubos din paninda nila Loloy.

Payabungin Natin

Panuto: Piliin ang salitang inuulit sa pangungusap. Isulat sa iyong


sagutang papel.

1. Si Lola Paz ay makalilimutin na kaya’t paulit-ulit ang kaniyang mga


kuwento.

2. Maya-maya lamang ay ikukuwento na naman niya ulit ang


kaniyang mga karanasan sa buhay.

3. Litong-lito na ako dahil halo-halo na ang mga kinukuwento niya sa


aking utak.

4. Ngunit masayang-masaya ako sa tuwing siya ay nagkukuwento,


Naglalakbay ang imahinasyon ko sa panahon niya noon.

5. Hindi ako magsasawang bisitahin si Lola Paz linggo-linggo.

Panuto: Piliin ang salitang tambalan sa pangungusap. Isulat sa iyong


sagutang papel.

1. Dahan-dahang pumasok sa silid-aralan ang mga mag-aaral.

2. Sabay-sabay nilang binati ng magandang umaga ang punong-


guro na si Bb. Corona.
3. Napansin ni Bb. Corona ang bahaghari sa labas at hinikayat ang
kaniyang mga estudyante na silipin ito.

4. Nagtanim ang buong klase ng mga punongkahoy sa likuran ng


silid-aralan.
5. Binigyan ni Bb. Cruz ang mga mag-aaral ng mga bote ng tubig,
Taos-puso siyang pinasalamatan ng mga ito.

Pagnilayan Natin

Binabati kita sa binuo mong SLK!

May mga obserbasyong nangangailangan ng iyong atensiyon.

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan?

2. Paano nabubuo ang mga salitang maylapi, inuulit, at tambalan?

Palaging tandaan na ang wastong paggamit ng iba’t ibang kayarian


ng pangngalan ay makatutulong upang makabuo ng mga
makabuluhang pangungusap.
GAWIN NATIN
PAYABUNGIN NATIN 1. M
2. I
1. PAULIT-ULIT 3. T
2. MAYA-MAYA SURIIN NATIN
4. P
3. LITONG-LITO 1. PATONG-PATONG 5. T
4. MASAYANG-MASAYA 2. PINAWISAN 6. I
5. LINGGO-LINGGO 3. GAWAIN 7. M
4. PINARESAN 8. M
5. TANGHALING TAPAT 9. M
1. SILID-ARALAN 6. KUMPOL-KUMPOL
2. PUNONG-GURO 10.P
7. INUMIN/MAIINOM 11.M
3. BAHAGHARI 8. NAGPASALAMAT
4. PUNONGKAHOY 12.M
9. AGAW-PANSIN 13.P
TAOS-PUSO 10. NAUBOS
14.I
15.I
SANAYIN NATIN SUBUKIN NATIN
1. PANGINGISDA 1. LUMANG
2. BAHAY-BAHAYAN 2. AGAW-PANSIN
3. PASO
3. LITONG-LITO 4. SARI-SARING
5. MURANG-MURA
4. SILID-TULUGAN
5. LABIS-LABIS
6. TAKIPSILIM
TAGAPAYO
Susi sa Pagwawasto:
Sanggunian:

Juanico, Romy A. “Editorial Cartooning” Editorial Cartooning Seminar.


Lecture, 2014. https://www.slideshare.net/alonarose/editorial-
cartooning2014.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like