You are on page 1of 15

2

Araling Panlipunan
Kwarter 2: Modyul 4
Mga Katangian ng Sariling
Komunidad

1
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Kwarter 2 – Modyul 4: Mga Katangian ng Sariling Komunidad

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Francia M. Isaac
Editor: Florenia C. Toralde
Edgar B. Collantes
Noel L. Desquitado
Tagasuri: Jerson V. Toralde
MODYUL/SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN
Tagaguhit: Rex T. Cortez
Tagalapat: Rex T. Cortez

2
Magandang araw!
Kumusta ka?
Ako’y nagagalak at nagpapakita
ka ng sipag sa pag-aaral...
Sabik kana ba sa bago nating
aralin?
Sige! Umpisahan na natin

Sa gawaing ito, maihahambing


mo ang katangian ng sariling
komunidad sa iba pang komunidad
tulad ng likas na yaman, produkto at
hanap- buhay, kaugalian at mga
pagdiriwang.
O, ano kayang-kaya ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang…..makapaghahambing ng
katangian ng sariling komundidad sa iba
pang komunidad tulad ng likas na yaman,
produckto at hanap – buhay, kaugalian at
Layunin: mga pagdiriwang

1
Matutukoy mo ba ang
kahulugan?

Talasalitaan
:
Mahalagang malaman at maunawaan mo ang
kahulugan ng mga salita na ginamit sa modyul.
Marapat na kilalanin at unawain ang mga salita at ang
kahulugan nito.
1. Komunidad – ay binubuo ng pamilihan, pook
pasyalan, paaralan, bukid, ilog, simbahan at mga
tahanan ng mga taong nakatira dito.
2. Likas na yaman – ay mga bagay na galing sa
kalikasan tulad ng lupa, dagat, ilog, bukid o
kagubatan.
3. Produkto – ay isang bagay na ginawa upang
maibenta. Karaniwang ang bagay na ito ay ginawa
sa pamamagitan ng pang industriyang proseso. Ang
ibang produkto naman ay tinanim ng mga magsasaka
matapos pinalago at inani upang ibenta.
4. Establisyemento – ang pampribado o pampubliko
straktura.
5. Hanapbuhay, pinagkakakitaan, o trabaho ay gawain,
gampanin, o tungkulin na isinasagawa o
isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap
ng kapalit na salapi, gana, o sweldo. Tinatawag ang
taong naghahanap buhay bilang manggagawa,
empleyado, o trabahador.
6. Pagdiriwang – 2 uri ng pagdiriwang: pagdiriwang
pansibiko at pagdiriwang panrehiyon. Hal. sa
Pansibiko Araw ng mga Puso, Araw ng mga Ina/Ama,
Linggo ng Wika, Araw ng mga Guro, Araw ng mga
Manggagawa Panrelihiyon- Pasko, Tinagba, Mahal na
2
Araw, at ibp.
2
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Mga bata, halika samahan ninyo kong magbasa!

Sitwasyon: Sa loob ng klase sa ikalawang grado nag –


uusap usap ang mga mag- aaral at ang kanilng guro.

Guro: Mga bata pag- uusapan natin ngayon ang tungkol


sa inyong komunidad. Ano ba ang mga likas na
yaman, produkto, at hanap-buhay ang makikita sa
inyong komunidad? Maari bang ikuwento ninyo sa
akin ang mga ito?
Sharon: Maingay dahil maraming tao po sa aming
komunidad. Naging sentro ito ng negosyo. Dito po
makikita ang mga malalaking mga establisyemento
kagaya ng department store, JOLLIBEE, LCC MALL,
GAIZANO MALL at iba pa. Dito rin pumupunta ang
mga tao upang bumili ng pang araw araw nilang
pangangailangan. Ang aking nanay ay
nagtatrabaho sa LCC Mall bilang cashier at waiter
naman ang aking tatay sa JOLLIBEE. Kahit abala sa
trabaho ang aking mga magulang ay sumasali ako sa
iba’t ibang pagdiriwang sa paaraln katulad ng Buwan
3
ng Wika,at Buwan ng Nutrisyon kung kaya’t tuwang
tuwa sila at binibigyan nila ko ng regalo tuwing aking
kaarawan.
Tita: Simple at tahimik lamang po sa aming komunidad.
Pagtatanim ang pangunahing hanap- buhay ng
mga tao sa amin. Ang aking tatay ay nagtatanim sa
bukid ng iba’t ibang gulay at prutas katulad ng
talong, ampalaya, pechay, okra, saging, abokado,
santol at iba pa. Ang aking nanay naman po ang
taga tinda ng mga gulay at prutas sa palengke.
Tuwing pasko ay masayang nagbibigayan ng mga
pagkain ang mga tao sa aming komunidad bilang
pasasalamat sa Diyos sa biyayang ibinibigay.
Ben: Masaya at sagana naman po ang aming
komunidad. Ang aming bahay ay malapit po sa ilog
kong kaya’t madali lang sa amin makahuli ng isda
katulad ng tilapia, hito, bangus, hipon at iba pa.
Malapit din po ang bahay namin sa simbahan kong
kaya’t nagsisimba kami tuwing Linggo at
nagnonovena tuwing gabi sa simbahan. Malapit na
din po ang piyesta sa aming lugar kong kaya’t tiyak
na magiging masaya naman po ang lahat dahil uuwi
ang mga pinsan ko upang makipiyesta sa amin.
Maraming pagkain ang lulutuin ni inay bilang
pasasalamat sa patron ng aming lugar .
Kimlyn: Mahirap po ang pamumuhay sa aming
komunidad, maraming mga tao at ngsisiksikang mga
bahay. Maraming mga walang trabaho at walang
mapag kunan ng pagkain. Maraming nagugutom at
walang matirahan. Wala rin po kaming lupang
mapagtaniman o kaya ilog na pwedeng makunan ng
isda. Karpentiro po ang aking tatay at sa bahay
lamang ang aking nanay na nag aalaga sa anim kung
mga kapatid.

4
Jean: Sagana po sa mga pananim ang aming
komunidad. Nagtataasang puno ng niyog,
matatabang mais, palay, tubo, saging, pinya,
kamote, kamoteng kahoy ang mga produkto sa
aming komunidad. Dito rin po makikita ang
pagawaan ng mantika, copra, asukal na galing sa
tubo at maging ang paggawa ng masasarap na
cassava cake ay matatagpuan din dito. Dinarayo din
po ng mga turista at mga taong nanggagaling sa
iba’t ibang lugar upang makapag libang at mamasyal
sa ipinag mamalaki naming talon dito sa aming
komunidad
Guro: Magaling mga bata! Lahat kayo ay nakapag
kwento ng maayos tungkol sa inyong komunidad.
Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili!

Paghambingin ang pangungusap sa


ibaba. Isulat ang tamang salita
upang makumpleto ang bawat Pagsasanay 1
pangungusap . Piliin ang tamang
sagot:
1. Pangingisda ang hanap buhay sa
komunidad ni Ben samantalang _________ naman ang
kay Tita.

a. pagmimina b. pagtatanim c. pangangahoy

2. Naglalakihang mga establisyemento ang makikita sa


komunidad ni Sharon samantalang _____________ naman
sa komunidad ni Kimlyn.

a. Nagsisiksikang mga bahay


b. Malinis na ilog
c. Nag gagandahang mga bulaklak
5
3. Nagluluto ng masasarap na pagkain tuwing fiesta sa
komunidad ni Ben ngunit ___________ naman tuwing
pasko sa komunidad ni Tita?

a. nagbibigayan b. nagtatawanan c.
nagkakainan

4.Kung ang komunidad ni Ben ay malapit sa ilog malapit


naman saan ang komunidad ni tita?

a. dagat b. bukid c. bayan

5. Kaninong komunidad ang magkatulad sa likas na


yaman at produkto na nakukuha?

a. Jean at Ben b. Tita at Kimlyn c. Tita at Jean

Binabati kita. Natapos mo ang unang


pagsubok.
Alamin natin sa pahina ____ ang wastong sagot
sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

6
Pagsasanay 2 Basahin at intindihin ang mga
sumusunod na sitwasyon .
Ihambing ang mga mga
kaganapan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa inyong papel.

1. Si Lito ay nakatira sa komunidad na malapit sa


dagat. Mangingisda ang kanyang ama. Si Lita naman
ay nakatira sa komunidad sa sakahan. Magsasaka ang
kanyang ama.
a. Magkapareho ang komunidad na tinitirahan nina
Lito at Lita.
b. Magkaiba ang komunidad na tinitirahan nina Lito at
Lita.
c. May pagkakapareho ang komunidad na tinitirahan
nina Lito at Lita.
2. Nakatira sa bayan/syudad ang pamilya ni Lina
samantalang sa probinsya naman nakatira ang pamilya
ni Rene.
a. Mas marami ang mga tao at sasakyan na makikita
sa komunidad ni Lina.
b. Mas marami ang tao at sasakyan na makikita sa
komunidad ni Rene.
c. Magkasing dami lang ang tao sa komunidad nina
Lina at Rene.
3. Kompleto ang buong pamilya kung kaya’t masaya
ang pagsalubong ng Pasko sa bahay nina Lolo Ben at
Lola Ana. Turotot dito turotot doon, kain dito kain doon,
tawanan dito, tawanan doon. Lahat ng ngiti at saya ay
napawi pagsapit ng bagong taon. Walang tawanan,
walang kwentuhan dahil bumalik na sa trabaho ang
mga anak ni Lolo Ben at lola Ana.

7
Anong dalawang pagdiriwang ang nabanggit sa
pangungusap?
a. Bagong taon at piyesta
b. Pasko at Bagong taon
c. Paskoat at kaarawan?

4. Malapit sa dagat ang tinitirahan ni Shainel.


Mangingisda ang kanyang ama. Si Dan naman ay
nakatira sa bukid. Mangangahoy ang kanyang ama.
a. Magkapareho ang produkto namakukuha sa
komunidad ni Shainel at ni Dan.
b. Magkaiba ang produkto na makukuha sa
komunidad ni Ben at ni Dan.
c. Mga troso ang produkto sa komunidad ni Shainel
at isda naman ang produkto sa komunidad ni Dan.

5. Si Cris ay isang batang magalang at mapagmahal sa


magulang. Pagmamano at pag sabi ng po at opo ay
hindi nya nakakalimutan. Kabaliktaran naman ito ng pag
uugali ni Marie. Si Marie ay tamad at mahilig sumagot sa
kanyang mga magulang kong kaya’t siya ay palaging
napapagalitan. Anong kaugalian ang ipinapikita sa
pangungusap?
a. Mabait at magalang si Cris samantalang tamad
naman si Marie
b. Mabait at mapagmahal na bata si Cris at Marie.
c. Magaling Si Marie samantalang tamad naman si
Cris.
Binabati kita. Natapos mo ang pangalawang pagsubok.
Alamin natin sa pahina ____ ang wastong sagot sa mga
tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

8
Pagsasanay 3

I- Paghambingin ang mga


larawan. Hanapin sa Hanay B ang ipinapakita sa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot:
A B

____1. A. Larawan
ng likas yaman

____2. B. Mga
pagdiriwang

9
____3. C. Lugar
sa komunidad

_____4 . D. Hal. ng
produkto

_____ 5.
E. Hananapbuhay
Binabati kita. Natapos mo ang pangatlong
pagsubok.
Alamin natin sa pahina ____ ang wastong
sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

10
Pagsasanay 4

I. Direksyon: Isulat ang


T kung tama ang sinasabi ng pangungusap
at M naman kung mali ang sinasabi nito.
_______________1. Ang Tinagba Festival at Pasko
ay halimbawa ng pagdiriwang panrelihiyon.
___________________ 2. Ang mga gulay at prutas ay
halimbawa ng produkto sa pagtatanim samantalang ang
papel, plastic, softdrinks, tinapay ay produktong dumaan
sa industriyang proseso.
___________________ 3. Ang isda at kabibe ay likas yaman
sa lupa samantalang ang gulay at prutas ay likas yaman
sa tubig.
___________________4. Ang komunidad ay binubuo ng
pamilihan, paaralan, simbahan, pook pasyalan, hospital
at ibp.
___________________5. Ang magsasaka, mangingisda,
panadero, sapatero, guro, pulis, sundalo ay ang mga
halimbawa ng hanapbuhay na makikita sa komunidad.

Binabati kita. Natapos mo ang pang- apat


pagsubok.
Alamin natin sa pahina ____ ang wastong sagot sa
mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

11
Mga Gawain sa Pagkatuto:

Sa gawaing ito mapapanood mo ang mga video clip ng


iba’t ibang komunidad, hanap buhay,likas yaman at
pagdriwang sa ating bansa.
Maaring mag log in sa mga sumusunod na link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=2LHomxFKi_c

https://www.youtube.com/watch?v=xadt36MpLVk

https://www.youtube.com/watch?v=zFEMUoNBQoQ

https://www.youtube.com/watch?v=Z5UslOZ4Hn4

Mga batayan:
www.google.com.ph

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%Fimg.

https://www.google.com/imgres?imgurl=http%3A%2Fclipart-library.

12
Mga tamang sagot:

Pagsasanay 1
1. b
2. a
3. a
4. b
5. c

Pagsasanay 2
1. b
2. a
3. b
4. b
5. a
Pagsasanay 3
1. b
2. a
3. d
4. e
5. c
Pagsasanay
1. T
2. T
3. M
4. T
5. T

13

You might also like