You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 6 UNA AT IKALAWANG LINGGO


Kwarter 3

MGA PRODUKTO NG PILIPINAS, PAGYAYAMANIN KO!

Unawain Natin

Ang tekstong pang-impormasyon ay nagpapaliwanag ng mahahalagang impormasyon o


Kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na
pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.

Basahin mo ang ilang mahahalagang konseptong dapat mong tandaan sa aralin.

1. Ang tekstong pang-impormasyon ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at


mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.
3. Sa pagbasa ng tekstong pang-impormasyon, magkaroon ng pokus sa mga impormasyong
ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong pang-impormasyon, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing mabuti
ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.
5. Ito ay isang lathalain na nagbibigay ng mahalagang impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, petsa o
pangyayari. Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Kailan, Saan, at Bakit.
6. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.

Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong tungkol dito.Isulat ang sagot
sa inyong sagutang papel.
Ang mga Produkto ng Pilipinas
Mapalad ang bansang Pilipinas sapagka’t pinagkalooban ito ng Manlilikha ng
mayama’t masaganang lupain. Isang bansang agrikultural ang
Pilipinas.Nangangahulugang walumpung bahagdan ng mga Pilipino ay nabubuhay at
umaasa sa pagsasaka. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao subali’t mayroon
ding mais na ipinanghalili bilang kanilang pangunahing pagkain.Gitnang
Bisaya,Mindanao at Lambak ng Cagayan ang pangunahing tagaprodyus ng mais.
Itinuturing namang Kaban ng Bigas ng Pilipinas ang Gitnang Kapatagan sapagka’t dito
nagmumula ang pinakamarami’t pinakamalaking ani ng bigas sa buong bansa. Maliban
sa bigas at mais,marami ring tanim na puno ng niyog sa bansa. Ito ang dahilan kung
bakit nangunguna ang Pilipinas sa pagluluwas ng kopra at langis.Kabilang din sa mga
iniluluwas ang produktong abaka,tabako,asukal at iba’t ibang prutas gaya ng
pinya,mangga,saging,at marami pang iba. Hindi ba’t dapat ipagpasalamat ang mga
biyayang ito na handog ng Diyos?
1.Anong uri ang tekstong binasa? Patunayan sa pamamagitan ng halimbawang
pangungusap.
2.Paano sinimulan,winakasan at inilahad ang mga impormasyon sa teksto?

1
Alamin Natin

Ang pagbubuod ay isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan
at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging
sariling akda. Wala kang isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa. Isinasaad dito kung ano ang
nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod
o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Ang buod ay isang pinaikling pagsasalaysay ng isang akda.

Pamantayan sa Pagsulat ng Buod

❖ 1.Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
- 2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata.
- 3. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain.
- 4. Gumamit ng sariling pananalita.
- 5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
6. Upang mapadali ang pagsulat ng buod o lagom maaaring gumawa o gumamit ng balangkas.

Ang balangkas ay maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang


punto hingil sa paksa.

Mga mahahalagang hakbang sa pagbabalangkas


1. Basahin ang buong materyal
2. Piliin ang pantulong na kaisipan na bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan
3. Huwag isama ang mga impormasyong hindi saklaw sa paksa
4. Gamitin ang balangkas na ninanais para sa paksa

Balikan natin ang binasang teksto Ang mga Produkto ng Pilipinas.Tingnan ang
balangkas sa ibaba
Isulat ang Pamagat
Ang mga Produkto ng Pilipinas
Isulat ang batayang ideya o Kaisipan ng unang talata
A. Pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino
Isulat ang magpapatibay na kaisipan
- Pagsasaka o Agrikultura
B. Pangunahing pagkain ng mga Pilipino

Isulat ang dalawang magpapatibay na kaisipan


1. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga tao
2. Mais din ang ipinanghalili bilang kanilang pangunahing pagkain
C. Mga pangunahing tagaprodyus ng Mais

Isulat ang tatlong magpapatibay na kaisipan


1. Gitnang Bisaya
2. Mindanao
3. Lambak ng Cagayan
D. Iba pang produktong iniluluwas ng bansang Pilipinas

Isulat ang mga magpapatibay na kaisipan


1.abaka
2.tabako
3.asukal
2
4.mga ibat-ibang uri ng prutas tulad ng pinya,mangga at saging
Buod:
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino. Bigas at mais ang
pangunahing pagkain ng mga tao.Ang Gitnang Bisaya, Mindanao at lambak ng
Cagayan ang mga pangunahing tagaprodyus ng mais. Ang abaka, tabako, asukal at
ibat-ibang uri ng prutas ang iba pang produktong iniluluwas ng bansang Pilipinas.

Tayain Natin

Pagtataya 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto at Isulat ang hinihingi sa bawat
patlang ng balangkas.

La Mesa Ecopark
Mayamang mga puno, halaman, at katubigan sa lungsod! Tama, mama-
mangha ang mga bibisita sa La Mesa Ecopark sa iba’t ibang uri ng mayayabong at
matatayog na puno, makukulay na hanay ng mga halaman, at malawak at malalim na
dam. Hindi maiisip ng namamasyal dito na siya ay nasa siyudad. Ang tangi niyang
mararamdaman ay kapiling siya ng kalikasan sa kagubatan. Bakit nga ba hindi? Patuloy
itong pinauunlad at inaalagaan ng pamahalaan at ng iba’t ibang samahang
makakalikasan.
Maaaring magpiknik sa lilim ng mayayabong na puno rito. Maka-pag-
eehersisyo rin ang pupunta rito. Maaaring maglibot paikot umakyat at bumaba sa di
maabot ng paninging lupaing nasasakupan nito. Puwede ring sumakay sa Bangka
upang maglayag habang pinagmamasdan ang mayamang kalikasan. Ngumingiti at
kumakaway ang mga puno at halaman sa mga bisitang masayang namamasyal at
nangangalaga sa kanilang kabutihan. Tunay na kakaiba ang karanasan at pakiramdam
kapag kapiling ng makakalikasan ang likha ng Maykapal.
Tingnan ang balangkas. Isulat ang hinihingi sa bawat patlang:

Isulat ang Pamagat


____________________________________________________
Isulat ang batayang ideya o Kaisipan ng unang talata
A.Ano-ano ang mga bagay na makikita sa loob ng La Mesa EcoPark?
Isulat ang tatlong magpapatibay na pangungusap

1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________

Isulat ang batayang ideya o Kaisipan ng ikalawang talata


B. Mga bagay na maaaring gawin sa loob ng La Mesa EcoPark.
Isulat ang apat na magpapatibay na pangungusap
1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________
4.________________________________________
3
Pagtataya 2

Panuto: Gamitin ang balangkas sa itaas gumawa ng buod o lagom tungkol sa


tekstong La Mesa Eco Park ayon sa sarili mong pananalita. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Likhain Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto at pagkatapos ay sumulat ng


maikling lagom o buod mula sa teksto.

Ang Sakit na Coronavirus 2019


(COVID-19)

Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito


ay sanhi ng isang virus. May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito araw-
araw dahil ito ay bago.
Nakikipagtulungan kami sa mga doktor upang mapabagal ang pagkalat ng
COVID-19, ngunit ang bawat isa sa estado ay may bahaging gagampanan upang
maisakatuparan ito. Anumang edad ay maaaring tamaan ng sakit na ito. Ang ilang tao
ay maaaring magkasakit nang mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit
ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit.
Hindi namimili ang virus na ito kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung
sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.
Ang ilang taong may impeksyong COVID-19 ay maaaring makaranas ng mga
sintomas katulad ng ubo ,pangangapos ng paghinga,lagnat ,panginginig, pananakit ng
ulo ,pananakit ng kalamnan ,pananakit ng lalamunan ,pagkawala ng panlasa o pang-
amoy, ang mga tao ay maaaring sumakit ang tiyan, pagsusuka, o pagdudumi.
Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas. Tumawag sa iyong doktor o iba pang
provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapasuri. Tumawag sa
kanila kung mayroon kang mga sintomas o nababahala sa iyong nararamdaman.

___________________________

______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

You might also like