You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 5 UNA AT IKALAWANG LINGGO

Kwarter 3

KILOS KO, PAGHUHUSAYAN KO!

Unawain Natin

Alamin:
Ang mga karanasan o pangyayari sa isa seleksiyon ay may pagkasunod-
sunod. Hindi lamang sa mga pangyayari kundi maging sa proseso ng paggawa
ng bagay ay may sinusunod na hakbang. Ito ang lakad ng buhay upang maging
sistematiko at makabuluhan. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang
pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa isang kwento. Ang wastong
pagkasunud-sunod ng magkakaugnay na pangyayari ay nakakatulong para
maging mabilis ang pag -unawa sa diwa ng kwento.
Halimbawa:
1. Ang mga bilang ay may pagkasunod-sunod
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
2. Ganoon din ang mga titik
ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ
3. Ang paggalaw ng tao mula pagkabata
paggapang pag-upo pagtayo paglakad pagtakbo

Ilapat Natin

Pagsasanay 1
Panuto: Si Mark ay gagawa ng Polvoron bilang proyekto sa asignaturang EPP. Ang
mga sumusunod ay mga naitalang hakbang sa paggawa ng Polvoron. Tulungan natin
si Mark na ayusin ayon sa wastong pagkasunod-sunod ng mga ito upang magawa
ng tama ang kanyang proyekto. Isulat ang tamang sagot gamit ang bilang 1-6.

_____ Salain ang asukal at harina

_____ Ihalo ang margarine
_____ Ihalo ang powdered milk
_____ Balutin sa makulay na papel
_____ Haluin hanggang maluto
_____ Pagsama-samahin lahat sa kawali

1
Pagsasanay 2
Panuto: Pag – aralan ang mga larawang nasa ibaba. Ayusin ang tamang
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa ipinapahiwatig ng mga larawan.
Isulat ang numero 1-5 sa sagutang papel.

_____1. Sama-sama silang pumupunta sa simbahan.

_____2. Nang makaramdam ng gutom, sila ay kumain sa labas.
_____3. Tuwang tuwang umuwi ang mag-anak sa kanilang tahanan.
_____4. Tuwing Linggo, nakaugalian na ng pamilyang Cruz ang pagsisimba.
_____5. Tahimik silang nakikinig sa sermon ng pari. Pagkatapos ng
misa, namasyal sila sa parke.

Suriin Natin

Makikilala mo ba kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang

nakasulat nang madiin sa ibaba na ginamit din sa binasang teksto?
mabilis na dumadausdos tinutunaw nang mabuti
unti-unting nginunguya marahang isinubo
tunay na kahanga-hanga
Ano ang tawag sa salitang ito? Pandiwa, hindi ba?
Anong mga salita ang naglalarawan o tumuturing sa pandiwa?
mabilis na dumadausdos tinutunaw nang mabuti

unti-unting nginunguya marahang isinubo

tunay na kahanga-hanga
Ang tawag sa mga salitang nakabilog ay Pang-abay. Sinasabi ng mga salitang ito
ang paraan ng pagkagawa ng kilos.

2
Tandaan:
Ang Pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay.
1. Pang – abay na naglalarawan sa pandiwa
Halimbawa:

a. Matiyagang nagsagawa ng mga pagsubok si Anna Marie.

b. Ang maybahay ay puspusang tumulong sa asawa niya.

2. Pang-abay na naglalarawan sa pang -uri
Halimbawa:
a. Lubhang matulungin ang kanyang kaibigan.
b. Tunay na kasiya-siya ang ang kanyang Imbensyon.
3. Pang – abay na naglalarawan sa kapwa pang-abay.
Halimbawa:
a. Totoong matalinong mag-isip si Amy.
b. Sadyang mahilig tumulong ang kaibigan niya.

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin at unawaing 3abuti ang kasunod na talata. Punan ng tamang pang-
abay ang bawat patlang upang mabuo ito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon

sabik Nagmamadaling Agad

mabilis masiglang

Sabado ng tanghali. ________________ lumabas ng bahay si Lanie, kasama

ang yaya na may kalong na bata. __________ lumapit si Aling Osang, __________
na niyakap at hinalikan ang apo. “Mabuti napadaan kayo inay. Nasasabik na rin po
sa inyo ang ang inyong apo,” _________ na wika ni lanie sa ina saka ito _________
na sumakay ng kotse.

3
Tayain Natin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng sampung magkakaugnay na

pangungusap tungkol sa paksang “Tamang Nutrisyon, Alamin at Palaganapin”.
Lagyan ito ng pamagat ang sanaysay at gamitan ito ng pang-abay.

_________________________________________________
_____________________________________________________________________

Likhain Natin

Panuto: Iguhit ang paglalakbay ng pagkain sa katawan. Kulayan ito at isulat

ang paliwanag sa ibaba ayon sa pagkasunod-sunod ng proseso nito.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like