You are on page 1of 13

1

Araling Panlipunan
Kwarter 2: Modyul 8
Pakikipag-Ugnayan ng
Sariling Pamilya sa iba Pang
Pamilya sa Lipunang Pilipino
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kwarter 2, Linggo 8
Modyul 8: Pakikipag-Ugnayan ng Sariling Pamilya
sa iba Pang Pamilya sa Lipunang Pilipino
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng mga Modyul

Manunulat: Janet B. Bualoy

Editor: Ma. Lourdes B. Brutas


Noel L. Desquitado

Tagasuri: Edgar B. Collantes


Florenia C. Toralde

Tagalapat: Ricky B. Tangtang


Jenalyn B. Vista
Pamagat ng Kagamitan/ Panimula:
Sa modyul na ito pag-aaralan mo naman ang
mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling pamilya sa iba
pang pamilya sa lipunang Pilipino. Maipamamalas mo dito
ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at
mga kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat
isa.

Mga Layunin:
Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa mabuting pakikipag-
ugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya sa
lipunang Pilipino.

Talahulugan:
https://www.123rf.com/photo_75296705_bayanihan.html

Ito ay bayanihan. Tulong-tulong ang mga


karatig pamilya para mailipat ang bahay nang buo. Hindi
humihingi ng bayad ang bawat tumutulong.
Ang pakikipag-ugnayan ng pamilya sa ibang pamilya ay
ang pagkakaroon ng mabuting relasyon. May
pagkakaintindihan, nagkakaisa at nagtutulungan ang
bawat pamilya para magkaroon ng masaya at payapang
pamumuhay.

1
Panimulang Pagsubok:
Sagutin mo ang panimulang pagsusulit sa ibaba upang
mataya ang iyong kaalaman.Sundin ang panuto.
Piliin ang magiging resulta kung ang bawat pamilyang
naninirahan sa isang lugar ay may ugnayan sa bawat isa.
Lagyan ito ng (√) tsek.
______1. Malinis na lugar
______2. Tahimik na lugar
______3. Nag-aaway-away ang bawat pamilya
______4. Masaya ang bawat pamilya
______5. Nagkakasakit ang mga tao sa lugar
Mga Gawain sa Pagkatuto:
Pakinggan ang kwentong babasahin ng iyong
magulang.
Ang kwentong ”Ang Pamilya Ismid” ni Rene O.
Villanueva.

2
1 2

3 4

3
5 6

7 8

4
10
9

11 12

5
13

Mga ilang halimbawa na nagpapakita ng magandang


ugnayan ang pamilya sa ibang pamilya.
➢ Ngayong may pinagdaraan tayong krisis na COVID 19
nagbibigay ng relief goods ang may kakayahang
tumulong sa mga nangangailangan.
➢ Ibinabalita sa mga kapit-bahay ang pagkakaroon ng
bakuna sa Barangay.
➢ Tumutulong sa paglilinis ng mga kanal at ilog sa lugar.
➢ Nagbibigayan ng pagkain ang magkakapitbahay
➢ Ipamalita ang bagong proyekto sa lugar tungkol sa
pangkabuhayan.
➢ Inaayos ang sirang tubo ng tubig sa lugar.

6
Marami pang ibang gawain sa inyong lugar na
nagpapakita ng bayanihan. Nagkakaroon ang mga tao
ng kasiyahan at katahimikan dahil nagkakaisa at
nagtutulungan ang bawat pamilya.

Pagsasanay 1
Pag-aralan ang bawat larawan.Kung ito ay nagpapakita
ng pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya kulayan ang
bilog na nagpapahiwatig ng iyong sagot.

1.

2.

3.

7
4.

5.

Source: AP1 Kagamitan ng Mag-aaral p.134

Pagsasanay 2
Lagyan ng tsek(√) kung ito ay mabuting
pakikipaguganayan at ekis (X) kung hindi.
______1. Bigyan ng face mask at alcohol ang kapitbahay
para maiwasan ang sakit ngayon na COVID 19.
______2. Nakikipag-away sa kapitbahay .
______3. Nakikipag-usap ng maayos sa mga kapitbahay.
______4. Sumasali sa mga pagpupulong sa lugar.
______5. Hindi binabati ang bagong lipat na kapitbahay.

8
Pagsasanay 3
Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat
sitwasyon at isulat ito sa patlang.
_____1. May nagpositibo sa COVID 19 sa ibang lugar at
nagpatawag ng pagtitipon ang Presidente ng purok.Ano
ang gagawin mo?
A. Dadalo sa pagtitipon upang malaman kong ano
ang dapat gawin upang hindi mahawa ang Pamilya.
B. Ipagwalang bahala ang pagpapatawag ng
President ng purok.
C. Magkunwaring hindi nakaabot ang impormasyon.
D. Hindi dadalo sa pagtitipon.
_____2. Marami at sobra ang niluto ng nanay na
ginataan.
A. Ubusin ang ginatan kahit busog na busog na.
B. Bigyan ng ginataan ang kapitbahay.
C. Itapon sa basurahan ang sobrang ginataan.
D. Hayaan itong mapanis.
_____3. Nakita mong walang suot na facemask ang
kaibigan mo, Ano ang gagawin mo?
A. Sigawan itong magsuot ng face mask.
B. Pagsabihan ng mahinahon na magsuot ng
facemask para maiwasan ang nauusong sakit
na COVID 19.
C. Hayaan siyang mahawan ng sakit.
D. Huwag na lang pansinin.

9
Pangwakas na Pagsubok:
Isulat ang T kung ang sitwasyon nagpapakita ng
pakikiapag-ugnayan at M kung hindi.
______1. Ibinabaon sa lupa ang mga nabubulok na
basura
______2. Hindi ibinabahagi sa kapit-bahay ang narinig na
pagbabakuna sa lugar
______3. Ipinagbibigay-alam sa kinauukulan ang
nawawalang gamit sa lugar
______4. Sumusunod sa patakaran tungkol sa basura na
“No Segregation, No Collection”
______5. Kinakausap nang maayos ang kapit-bahay
kung may gustong linawin

Karagdagang Gawain:
Ugaliing makipag-ugnayan ang pamilya ninyo sa ibang
pamilya.

10
Susi sa Pagwawasto
Panimulang Pagsubok
1. √ 2. √ 3. 4. √ 5.

Pagsasanay 1

1. 2. 3. 4. 5.
Pagsasanay 2
1. √ 2.× 3.√ 4. √ 5. ×

Pagsasanay 3
1.A
2.B
3.B

Pangwakas na Pagsubok
1. T 2. M 3. T 4. T 5.

11

You might also like