You are on page 1of 4

GRADE 1 MATHEMATICS

Ikatlong Markahan Modyul 4: Ika-apat na Linggo


Hugis ng mga Bagay
Mga Hugis na may Tatlong Dimensyon
Pagguhit ng mga Hugis
Mga Layunin
 Natutukoy, nabibigyang pangalan at nailalarawan
ang mga pangunahing hugis sa 2-dimensyonal at
3-dimensyonal na mga bagay.M1GE-IIIe-1
 Nakakaguhit ng mga pangunahing hugis
M1GE-IIIe-3
 Nakakagawa ng 3- dimensyonal na bagay
M1GE-IIIe-4

Balikan Natin
Tukuyin kung TAMA o MALI ang nakasaad sa bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. Ang ay sangkapat ng

__________ 2. Ang ay kalahati ng .

__________ 3. Ang ay sangkapat ng

Unawain Natin
A. Tignan ang mga larawan sa ibaba.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4


 Ano- anong mga bagay ang nasa pangkat 1?
 Ano- anong mga bagay ang nasa pangkat 2?
 Ano – ano naman ang nasa pangkat 3?
 Ano – anong mga bagay ang nasa pangkat 4?
 Ano ang napansin mo sa pagka-pangkat ng mga
bagay?

Ang mga bagay sa pangkat 1 ay may tatlong gilid at


tatlong sulok. Tatsulok ang hugis ng mga ito.
Sa pangkat 2 naman ay may apat na pantay na gilid
ang bawat bagay. Parisukat ang kanilang hugis.
Sa pangkat 3 ay may apat din na gilid ang bawat
bagay ngunit 2 gilid ang magkasing-haba. Parihaba
ang hugis ng mga ito.
Samantala, sa pangkat 4, ang mga bagay ay walang
gilid o sulok. Bilog ang kanilang hugis.

B. Tignan ang mga larawan sa ibaba

Maari mo bang ilarawan ang mga hugis ng mga


bagay sa itaas?
Alam mo ba kung ano ang tawag sa mga hugis na ito?

Ang 3- dimensyonal na hugis ay may haba, lapad at


taas.
Ang rectangular prism ay may 6 na parihabang gilid.
Ang cube naman ay may 6 na parisukat na gilid.
Ang cylinder ay may 2 pabilog na gilid at isang surface
Ang cone ay may isang pabilog na gilid at isang surface
Habang ang sphere ay may isang surface na walang
sulok.
Ilapat Natin
Bakatin ang mga hugis. Sundin ang putol-putol na
linya. Pagkatapos ay isulat ang pangalan ng hugis na
nabuo sa patlang.

1. _______________________

2. _______________________

3. _______________________

4. _______________________

5. _______________________

Tayain Natin
Tukuyin kung anong hugis ang inilalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_______ 1. Ako ay walang gilid at wala ring sulok. Anong
hugis ako ?
a. bilog b. parisukat c. tatsulok
_______ 2. Ang aking gilid ay apat at pantay-pantay,
gayun din ang aking sulok. Anong hugis ako
a. bilog b. tatsulok c. parisukat.
_______ 3. Ang sulok ko ay tatlo, pati na rin ang gilid ko.
Anong hugis ako?
a. pariskuat b. bilog c. tatsulok
______4. Ako ay may isang surface at walang sulok.
Anong hugis ako?
a. Sphere b. Cylinder c. Cube
______ 5. Ako ay may 2 pabilog na gilid at isang surface.
Anong hugis ako?
a. Sphere b. Cylinder c. Cube

Likhain Natin
A. Gumuhit ng bahay gamit ang apat na
pangunahing hugis at kulayan ito.
B. Gupitin ang hugis sa ibaba at buuin ito upang
maging 3-dimensyonal na hugis. Pagkatapos ay
lagyan ito ng disenyo at kulayan.

You might also like