You are on page 1of 17

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga bata ay inaaasahan na:
a. Naiisa-isa ang mga kulturang materyal at di-materyal.
b. Nakapagpapakita ng kawilihan sa kulturang materyal at di-materyal.
c. Napapahalagahan ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga
sa kultura.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pagpapakita ng Kawilihan sa Kulturang Materyal at Di-materyal.


Sanggunian: Learner's Packet in ESP 4 Q3 Week 1-2
Kagamitan: Powerpoint presentation, Video
Pagpapahalaga: Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng
mga pamanang kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, Alamat, mga
epiko) at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa
nakakatanda at iba pa).

III. PAMAMARAAN

Guro Mag-aaral

A. PANGUNAHING GAWAIN

Magandang Umaga mga bata. Lahat


ay magsitayo at manalangin tayo.

Panginoon maraming salamat sa


lahat ng mga biyayang ipinagkaloob
mo sa amin. Bigyan mo po kami ng Panginoon maraming salamat sa
karunungan Panginoon upang lahat ng mga biyayang ipinagkaloob
maunawaan at maintindihan namin mo sa amin. Bigyan mo po kami ng
ang mga ituturo ng aming mga guro. karunungan Panginoon
Patnubayan mo kaming lahat, ang upangmaunawaan at maintindihan
aming mga kaklase at guro. Ito ang namin ang mga ituturo ng aming mga
aming samot dalangin namin sa guro. Patnubayan mo kaming lahat
pangalan ng ating Panginoong ang aming mga kaklase at guro. Ito
Hesukristo. ang aming samot dalangin namin sa
Amen. pangalan ng ating Panginoong
Hesukristo.

Amen.
Manatiling nakatayo para sa ating
pampasiglang gawain.

Bago tayo magsiupo, tiyaking malinis


ang inyong puwesto. Pulutin ang mga
kalat at ayusin ang mga upuan.

Magandang umaga muli mga bata!

Kamusta kayo?

Mabuti naman kung ganoon.

Pagtatala ng liban
Magandang umaga din po Binibining
Ange, Magandang umaga rin mga
Bago tayo tuluyang dumako sa kaklase, ikinagagalak naming makita
panibago nating aralin ay nais ko kayo.
munang malaman kung sinu-sino ang
mga liban sa araw na ito. Kapag
tinawag ko ang inyong pangalan, sa Mabuti naman po!
halip na “nandito po” ang isasagot
ninyo, nais kong umisip kayo ng
emosyon para sa araw na ito.
Naiintindihan nyo ba mga bata?

Ngayon ay binabati ko kayo sa


mahusay na pagtatapos ng ikalawang
markahan.

Handa na ba kayong matuto ng mga


bagong aralin?

PAGGANYAK

May mga larawan akong ipapakita,


nais kong suriin ninyo kung ano ang
ipinapahayag ng mga ito.

Ano kaya ang ipinapahayag ng mga Opo!


larawan? Ginagawa mo rin ba ang
mga ito?
Magaling! Bigyan ang inyong sarili ng
Fantastic clap. Alam nyo ba kung
paano gawin ito?

PAGTATALAKAY Nagmamano sa nakakatanda.

Masayang pamilyang nagsasalu-


salo.
Kultura ang tawag sa paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Ito ang Ang bata ay nagbabasa.
nagbibigay sa isang bansa ng
Humahalik sa magulang o ina.
kaniyang sariling pagkakakilanlan.
Nakikilala tayo bilang isang lahi sa
pamamagitan ng ating pagkain,
pananamit, mga laro, kuwento, mga Opo!
pambansang sagisag, kaugalian o
mga awit.

Paano mo maipapakita ang iyong


pagiging maka-bansa sa
pamamagitan ng pagpapahalaga sa
sariling kultura?

Fantastic clap!
Mahusay, ang mga nabanggit ninyong
kasagutan ay nagpapakita ng isang
pagiging maka-bansa. Dahil diyan
bigyan ang inyong sarili ng Magaling
Clap. Alam ninyo ba kung paano
gawin ito? Una ay pumalakpak ng
tatlo pagkatapos ay pumadyak ng
tatlo at sabihing magaling magaling.

May dalawang uri ang kultura, ito ay


ang kulturang materyal at di materyal.

Ang MATERYAL na kultura- ay Sa pamamagitan po ng pagtangkilik


tumutukoy sa mga bagay na nakikita ng sarili nating mga produkto.
at nahahawakan katulad ng
kasangkapan, pagkain, kasuotan, at Paggalang sa ating pambansang
tahanan. Samantalang ang Di- awit.
materyal na kultura ay tumutukoy sa
mga bagay na hindi nahahawakan o
nakikita. Ang halimbawa nito ay
relihiyon, paniniwala, edukasyon,
wika, at sining.

Narito ang iba pang halimbawa ng


kulturang Materyal at Di-materyal.

Dalawang Uri ng Kultura sa


Pilipinas

Materyal Di-materyal
Isa, dalawa, tatlo palakpak
Kuwentong Mga
Bayan magagandang Isa, dalawa, tatlo padyak
kaugalian.
Magaling magaling magaling.
Alamat (tungkol Paniniwala
sa pinagmulan
ng bagay o
lugar).
Mga Epiko Pananalita
(tungkol sa
kabayanihan ng
isang tao).

Relihiyon

Materyal o di-materyal man ito


nanatiling nakaukit sa puso nating
mga Pilipino. Kagaya na lamang ng
mga kuwentong bayan, Alamat, at
epiko hanggang sa ngayon patuloy
natin binubuhay upang mapagyaman
at makapagbigay aliw sa atin.

Kaya tungkulin nating alagaan,


mahalin, ipagmalaki at ipagpatuloy
ang kultura natin. Saan man lugar o
bansa tayo mapunta, laging isapuso
ang mga kaugaliang namana. Sa
pamamagitan nito tayo ay makikilala
saan man tayo magpunta.

Upang malaman kung talagang


naiintindihan ninyo ang tinalakay ko,
may inihanda akong mga katanungan.

PAGLALAHAT

1. Anu-anong mga kaugalian ang


pinakita sa mga larawan?

2. Ginagawa niyo din ba ang mga


kaugaliang nabanggit?
3. Isa sa kaugalian na nabanggit ay
ang pagkain ng sama-sama ng
pamilya, anong kalinisan o
pangangalaga sa katawan ang
itinuturo sa atin ngayon upang
mapangalagaan ang ating sarili at
pangangatawan lalong lalo na
ngayong panahon ng pandemia?

4. Ano ang kultura? Ang dalawang


uri ng kultura sa Pilipinas?

5. Magbigay ng mga halimbawa ng


materyal at di-materyal na kultura?

6. Bilang isang mamamayang


Pilipino ano ang dapat nating
gawin upang ating
mapangalagaan ang ating mga
kultura?

7. Dapat ba natin itong ipagmalaki,


saang lugar man tayo magpunta?
Bakit?

PAGLALAHAD

Ngayon ay nais kong sagutan ninyo


ang mga sumusunod.

Suriin ang mga halimbawa ng


kulturang Pilipino. Isulat ang M kung
ito ay sa materyal at DM naman kung
sa di-materyal na kultura. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

____1. Paniniwala ng mga Kristiyano


na may langit sa kabilang buhay.

___2. Mano po Inay.

___3. Si Lam-Ang.

___4. Si Juan at ang Alimango.

___5. Ang Alamat ng Lanzones.

___6. Paggalang sa mga


nakatatanda.

___7. Ang Alamat ng Bulkang Mayon.

___8. Paggamit ng po at opo.

___9. Ang Alamat ng Pinya.

___10. Ang Diwata ng Karagatan.

Mga bata nakakita na ba kayo ng


gumugulong na palay? Tunghayan at
basahin ninyo ang inihanda kongi
sang maikling kwento tungkol sa Ang
Alamat ng Palay.

Ang Alamat ng Palay

Isinakuwento ni Nida C. Santos

Noon, hinihintay lamang ng mga tao


ang pagdating ng palay sa kanilang
bahay. Malalaki at dilaw ang mga butil
ng palay noon. Kusang gumugulong
ito patungo sa bahay-bahay.
“Magpapagawa ako ng malaking
bahay,” Ito ang naisip ni Tandang
Olay. “Lalong bubuti ang buhay ko
kaysa sa aking mga kapitbahay kung
higit na marami akong palay.” Ngunit
hindi pa natatapos ang bahay ni
Tandang Olay, nakita niyang
dumarating na ang malalaking butil ng
palay. Tuloy-tuloy ang mga ito sa
kanyang bahay. “Huwag muna
kayong tumuloy!” sigaw ni Tandang
Olay. “Hindi pa tapos ang aking
bahay!” Ngunit patuloy na
gumugulong ang mga butil ng palay
sa bahay ni Tandang Olay. Nagalit
ang matanda. Kumuha siya ng
kaputol na kahoy.

Pinaghahampas niya ang malaking


butil ng palay. Nagka durog-durog
ang mga ito. “Olay, bakit mo
sinasaktan ang palay na kaloob ko sa
iyo?” ang wika ng isang tinig. “Dahil
dito sa ginagawa mong ito ay di na
muling gugulong ang palay sa inyong
bahay. Mula ngayon, magpapatulo
muna ng pawis ang tao bago mag-ani
ng palay.

Nagustuhan niyo ba ang kwento mga


bata?

Mabuti naman kung ganun, ngayon


naman ay dumako tayo sa isang
Gawain. Nais kong kumuha kayo ng
isang malinis na papel at sagutan ang
mga sumusunod.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Iguhit


ang araw kung wasto ang
impormasyon tungkol sa alamat at
buwan naman kung hindi ito wasto.
Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

____1. Sagana noon ng palay ang


mga tao.

____2. Kusang gumuhulong ang


palay patungo sa bahay ng mga tao.
____3. Mahal ang presyo ng palay
noon.

____4. Malaki at dilaw na dilaw ang


butil ng mga palay.

____5. Magpapatulo muna ng pawis


ang tao bago mag-ani ng palay.

Mahusay mga bata, dahil diyan


bigyan ng limang bagsak ang iyong
sarili.

PAGLALAPAT

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.


Masdan ang mga larawan. Piliin ang
mga nagpapakita ng pagpapahalaga
sa kulturang Pilipino. Kulayan ng pula
ang puso ( ) kung ito ay nagpapakita
ng pagpapahalaga at asul naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong
sagutang papel o worksheet.
Ano ang aking natutunan?

Ano-ano ang kulturang materyal at di-


materyal at sa paanong paraan mo
maipakikita ang iyong pagmamahal
sa mga kulturang ito?

Sa iyong sagutang papel, buoin ang


mahalagang kaisipang ito. Maaring
pumili ng sagot sa loob ng kahon.

Materyal kaugalian

kuwentong

Di-materyal kultura

Bilang bata marapat na


mapahalagahan ang (1.) __________
sa pamamagitan ng pagpapakita ng
kawilihan sa pakikinig o pagbabasa
ngmga pamanang kulturang (2.)
______________ tulad ng (3.)
________________bayan, alamat,
mga epiko at (4.)______________
gaya ng mga magagandang
(5.)_______________,
pagpapahalaga sa nakatatanda at iba
pa.
Tapos na ba ang lahat?

Bago matapos ang ating aralin sa


araw na ito, kunin ang inyong
kwaderno at isulat ang takdang aralin.
Opo!

TAKDANG ARALIN:

Sa loob ng inyong tahanan humanap ng mga larawan na nagpapakita ng mga


kulturang isinasagawa ng bawat kasapi ng pamilya. Kung wala, magpatulong sa
mga magulang o kapatid sa pagguhit ng mga larawan ng kulturang natutupad sa
loob ng inyong tahanan. At iulat ito sa klase sa pamamagitan ng pagpapadala ng
video sa inyong guro.

Inihanda ni:

Angelica M. Banga
Pre-service Teacher

You might also like