You are on page 1of 25

PANG-URI

Kilalanin ang mga salitang nababasa


ninyo sa plaskard kung ito ay tao,
bagay, hayop, o lugar.
Bahay palingke damit
Babae lolo aklat
Papel aso bakuran
Simbahan munisipyo telibisyon
Paaralan pusa pitaka
Lalaki ibon upo-an
Nanay ahas payong
Tayay sapatos ate
Sa Aming Bakuran
ni Juanita B. Santos

Sa aming bakuran malawak ang taniman,


Maraming gulay at prutas ang inaalagaan,
Upang ipantugon sa pangunahing kailangan,
Pagkaing masustansiya galing sa halamanan.

May maliliit na saging, sitaw na mahahaba,


Mga mabeberdeng gulay, talong na kulay lila,
Upong biluhaba, malusog na kalabasa,
Sadyang malaking tulong sa badyet ng pamilya.
Sagutin:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anu- ano ang mga tanim sa bakuran?
3. Mahalaga ba ang pagtatanim sa bakuran?
Bakit?
4. Anong magandang katangian ang dapat
nating taglayin upang makatulong sa badyet
ng pamilya?
Basahin ang kwento:
Isang umaga habang naglalakad si Marco
patungong paaralan, may nakita siyang kulay
dalandan at tila biluhabang bagay sa halamanan.
Nilapitan niya at napansin niyang maliit na pitaka
pala ito. Binuksan niya upang malaman kung sino
ang may-ari. Nakita niyang may laman itong
dalawang tig-isang daang piso, isang limampung
piso, dalawang dalawampung piso at tatlong
limang piso.
Pagdating ni Marco sa paaralan, tumuloy
siya sa tanggapan ng punong guro. Ang sabi niya,
“Magandang umaga po, Sir Glen! hindi po akin
ang pitakang ito, napulot ko po ito sa daan
habang papasok ako. May laman po itong pera.”
Kinuha ng punong guro ang pitaka sabay
sabing “Matapat kang bata, Marco.
Pagpalain ka ng Diyos. Sana’y dumami pa
ang tulad mo. Hayaan mo at pipilitin kong
hanapin ang may-ari ng pitakang ito.”
Masayang pumasok sa kanyang silid-
aralan si Marco.
Sagutin Natin:
1. Sino ang papasok sa paaralan?
2. Ano ang nakita niya?
3. Saan niya dinala ito?
4. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?
5. Sa palagay ninyo, maaari din bang
siya ang maghanap ng may-ari ng
pitaka?
6. Anong maaring gawing pamagat ng
ating kwento?
Magkano ang laman ng pitaka?
2 - P100

1 - P50

2 - P20

3 - P5
Magkano ang pera mo kung mayroon kang
ganito?
1.

2.

3.

4.

5.
Kung halimbawa kayo ay bumili ng
pagkain sa tindahan at sobra ang
naging sukli, ano ang gagawin ninyo?
•Anong magandang katangian ito?
•Anu-anong mga salita ang naglalarawan
ang binanggit sa kwento?
biluhaba maliit
dalandan
dalawa masaya
matapat
Pangkatang Gawain
•Basahin ang panuto at sundin
ang isinasaad rito.
Tandaan

3M
Makipagtulungan
Matuto
Maglinis ng pinaggawaan
Mamitas ng mga bunga ng puno na
may mga salitang naglalarawan at
ilagay sa angkop na lalagyan.
PANG-URI
ni Juanita B. Santos
(Tune: “Leron-Leron Sinta”)

May mga salitang naglalarawan


Kulay, hugis, sukat pati na ng bilang
Mayroon din namang mga katangian
Ng mga tao, bagay, hayop, lugar.

Mga kulay dilaw, pula, bughaw, puti,


Bilog, parisukat, pati haba't ikli
Maganda, matiyaga, marami, kaunti
Tinatawag natin itong PANG-URI.
Sipiin ang mga salitang naglalarawan ng laki,
kulay, hugis at katangian.
1. May dalang sampung mangga si Kuya
Ramon.
2. Ang aming upuan ay pabilog.
3. Si Ate Lisa ay may kayumangging balat.
4. Sa aming bayan sa Lucban
ipinagdiriwang ang masaya at
makulay na kapistahan ng Pahiyas.
5. Mahaba ang kanyang itim na buhok.
Gawaing Bahay:
Magdala ng paboritong bagay mula
sa tahanan. Mag-isip ng angkop na salitang
maglalarawan sa iyong kagamitan.
Have you been to a farm?

You might also like