You are on page 1of 20

Ang Problema ni

Moymoy Matsing
Sagutin Natin
1. Paano mo ilalarawan ang katangian ni Moymoy Matsing?
2. Anong Problema ang kanyang kinahaharap ayon sa kanyang pamilya?
3. Paano ipinakita sa akdang problema nga ang ganoong pag-uugali ni
Moymoy Matsing?
4. Ikaw, nagawa mo na rin bang umalis o gumawa ng bagay na hindi mo
naman alam ang iyong patutunguhan o kahihinatnan? Isalaysay.
5. Kung makakausap mo si Moymoy ngayon, ano ang maipapayo o
sasabihin mo sakanya upang maiwasan ang ganoong ugali?
6. Ano ang iyong reaksyon at mga aral na iyong natutuhan sa pabulang
binasa?
Dokumentaryo

-Maaaring isang babasahin o panooring naglalaman ng mga


impormasyon, kwento o tala na bunga ng pananaliksik,
masusing pag-aaral at mga aktuwal na pangyayari o datos.
- nagsimulang lumaganap noong ika-19 siglo.
Pang-Uri
-salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa
isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
● Ang ilog sa amin ay madumi.
●Masaya ang mga bata habang naglalaro ng
taguan.
● Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng
balot.
● Mataas ang puno ng mangga na inakyat
ko. pula.
● Ang rosas ay kulay
Uri Ng Pang-Uri

01 02
Panlarawan Pantangi

03
Pamilang
Panlarawan
Naglalarawan ito ng laki, kulay,
anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis
ng mga bagay. Naglalarawan ito ng
mga katangian at ugali ng isang tao
o hayop. Naglalarawan din ito ng
layo, lawak, ganda at iba pang
katangian ng mga lugar.
Halimbawa:

1. Malaki ang katawan ni Arnold.


2. Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
3. Ang dagat ay malawak.
4. Malinis ang ilog sa Bicol.
5. Ang tambakan ng basura ay mabaho.
02
Pantangi
Tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng
isang pangngalang pambalana at
isang pangngalang pantangi.
Halimbawa:

1. Niyakap na natin ang wikang Ingles.


2. Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.
3. Ang pagkaing Bikolano ay dapat matikman mo.
4. May kaibigan akong lalaking Amerikano.
5. Bumili ka ng sukang Ilocos.
03
Pamilang
-Nagsasaad ito ng bilang, dami, o
posisyon sa pagkakasunod-sunod ng
pangngalan o panghalip.
Uri Ng Pang-
Uring
Pamilang
Patakaran
-Nagsasaad ito ng aktuwal na bilang ng tao o bagay.
Halimbawa:
1. Isa ang pinya sa lamesa.
2. Walo ang aso ni Rudy.
3. Labing isa ang pumasok ngayon.
4. May apat na lalaking sumusunod kay Adelle.
5. Ang bola ko ay dalawampu.
Panunuran
Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng pangngalan o posisyon ng tao o
bagay. Sinasabi din nito kung pang-ilan ang tao o bagay sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Si Raymond ang pangatlo sa pila.
2. Ang Pilipinas ang una sa may pinakamagandang dagat sa
Asya.
3. Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi ako lumiban at
nagkasakit.
4. Si Browni ang ika-apat kong aso.
5. Mula dito ay panglima ang bahay namin.
Pamahagi
Ginagamiti ito sa pagbabahagi o pagpaparte ng
isang kabuoan.
Halimbawa:

1. Kumuha kayo ng tig-dalawang tinapay ng kapatid mo.


2. Kalahating kilo ang bilhin mong bigas.
3. Nakakuha ako ng sampung porsentong bawas sa bag na binili
ko.
4. Nakakuha ng tig-isang bahay sa Bulacan sina Sussy at Susan.
5. May tig-limang tsokolate kayo ni Pam galing kay Mimi.
Palansak
Tinutukoy nito ang bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-
sama. Ito’y grupo o maramihan at inuulit ang unang salita nito o kaya ay nilalagyan ng
panlaping han/an.
Halimbawa:

1. Dosehan ang laman ng van.


2. Sampu-sampu lang ang tumpok ng kamatis.
3. Kaunting siksik pa po dahil animan ‘yan.
4. Dose-dosena kung mangitlog ang pato ni Kiko.
5. Isa-isa lang ang kuha ng lumpia.
Pahalaga
Nagsasaad ito ng halaga ng bagay o anumang binili o bibilhin.
Halimbawa:

1. Pabili po ng sampung pisong kendi.


2. Nakatanggap ako ng sampung libong pisong bonus
ngayong pasko.
3. Kumita ako ng walong daang piso ngayong araw.
4. Mayroon akong isang libong piso.
5. Nay, pahingi po ng limang piso.
Patakda
- Nagsasaad ito ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi
na madadagdagan o mababawasan pa.
Halimbawa:
1. Iisa lang ang ating lahi at lipi.
2. Dadalawa ang dala kong panyo.
3. Tatatlo ang binili kong itlog.
4. Aapat ang kasama sa piknik.
5. Lilima ang pupunta sa pulong.
Madali Lang Iyan

p 175-176
Sagot:
1. Palarawan, Matalino
2. Pamilang, ikatlo
3. Pamilang, dalawa
4. Panlarawan, berdeng
5. Pamilang, limandaang piso
6. Panlarawan, malawak
7. Panlarawan, magandang aral
8. Pamilang, tigatlong-kapat
9. Pamilang, unang
10. Panlarawan, mabait

You might also like