You are on page 1of 32

LAYUNIN

➢ Nagagamit ang magagalang na pananalita sa


iba’t ibang sitwasyon paghingi ng pahintulot
➢ Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng
mga pangyayari sa napakinggang teksto
➢ Nakikilala/ nagagamit nang wasto ang tatlong
uri ng pang-uri
#MukhangMASAYAoMALUNGKOT!

Masaya– kapag gumagamit ng


magalang na pananalita.

Malungkot – kapag hindi


gumagamit ng magalang na
pananalita.
#MukhangMASAYAoMALUNGKOT!
1. Paki-abot nga po ang sukli.
2. Turuan mo nga ako sa Math.
3. Bb. Oro, maaari po ba akong lumabas?
4. Makikiraan po.
5. Paumanhin po sa abala, maaari ko po ba
kayong makausap?
Sa paaralan, paano ka hihingi ng
pahintulot sa guro mo kapag….

➢ Naiihi ka na.

➢ Nahuli ka sa pagpasa ng takdang aralin.

➢ Nais mong makita ang iyong grado.


HALINA SA PAARALAN

Karaniwang gusali kong iyong mamasdan


Ngunit ang totoo, ang laman ay yaman.
Hindi mananakaw ng kahit sino pa man
Yamang makukuha sa ating paaralan.
Ang paaralan ay tulad ng hardin,
May matabang lupa at binhing itinanim.
Umuusbong na halaman ay ihasik din,
Bungang masagana iyong aanihin.
Ang silid-aralan ay ating pandayan,
Ang bubot na isip ay pinagugulang
Mga batang paslit na walang muwang,
Sa tulong ng guro’y kay raming
natutuhan.
Pagsulat, pagbasa, dito’y nasasanay,
Malalaman pati na rin kasaysayan.
Agham, wika, saka panitikan,
Sining, at pagtutuos ay pinag-aaralan.
Sa kagandahang-asal ito ay palihan.
Sa wastong kilos, bata’y ginagabayan.
Tinuturuan siya na maging magalang,
Tumutulong sa kapwa, at sa Diyos ay
magmahal.
WIKA
Kailangan natin ng
sariwang hangin.
Kailangan natin ng
sariwang hangin.

Pangngalan
Pang-uri
Dilaw na rosas
ang gusto ko.
Pang-uri Dilaw na rosas Pangngalan
ang gusto ko.
Pang-uri
✓ tawag sa salitang naglalarawan sa
pangngalan at panghalip.

✓ nagbibigay ng karagdagang
impormasyon sa pangngalan o
panghalip.
TATLONG URI NG PANG-URI

1. Pang-uring Panlarawan (Descriptive)

➢ maaaring maglarawan sa katangian,


damdamin, anyo o hitsura,, kulay, lasa,
amoy, tunog, kayarian at hugis ng
pangngalan at panghalip.
Halimbawa ng pang-uring panlarawan
Katangian – matalino, masunurin
Damdamin – masaya, malungkot
Hitsura o anyo – matangos, payat
Kulay – luntian, bughaw
Lasa – mapait, matamis
Amoy – mabango, mabaho
Tunog – malakas, matinis
Kayarian – makinis, magaspang
Hugis – biluhaba, tatsulok
Halimbawa ng pang-uring panlarawan
• Siya ay mapagmahal sa magulang.
• Nasa Mindanao ang malawak nilang lupain.
• Bumili ang tatay ng mesang bilog.

• Makikinang ang mga bituin sa langit.

• Ang patis at bagoong ay maalat.


TATLONG URI NG PANG-URI
2. Pang-uring Pantangi (Proper)
➢ binubuo ng isang pangngalang pambalana
at isang pangngalang pantangi.
➢ nagsisimula sa malaking titik at
naglalarawan sa pangngalang pambalana.
Halimbawa ng pang-uring pantangi
• tinapang Bataan
• suhang Davao
• pansit Malabon
• wikang Ingles
• longganisang Vigan
Halimbawa ng pang-uring pantangi
• Paborito ko ang pansit Malabon.
• Si Dylan ay mahusay magsalita sa wikang
Ingles.

• Marunong siyang magluto ng pagkaing Ilokano.


TATLONG URI NG PANG-URI
3. Pang-uring Pamilang(Numerical)
➢ nagpapakilala ng bilang, dami, o
pagkasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.
➢ Tatlong uri ng pang-uring pamilang
1. Patakaran o Kardinal
2. Panunuran o Ordinal
3. Pamahagi o “fraction”
3.1. Patakaran o Kardinal – tumutukoy sa
pagbilang ng dami.
Halimbawa:
✓ Isa, sampu, isang daan, isang libo at iba
pa.

- Isang malaking kalabaw ang alaga ng


aking tito.
3.2. Panunuran o Ordinal – ipinapakita ang
pagkasunod-sunod ng posisyon ng mga tao
o bagay.
Halimbawa:
✓ Una, ikalawa o pangalawa, ikatlo at iba pa.

- Nagkamit ng unang gantimpala ang


Charis School sa paligsahan.
3.3. Pamahagi o “fraction” – nagsasaad ng
bahagi nga kabuoan ng pangngalan.
Halimbawa:
✓ Kalahati (½ ), Kapat (¼), buo, limampung
bahagdan at iba pa

- Isa at kalahating kilo ng isda ang binili


niya.
Pagsasanay
Banggitin kung anong uri ng pang-uri ang
mga sumusunod.
1. matalino panlarawan
2. katlo pamilang
3. sampung libo pamilang
4. kulturang Espanyol pantangi
5. pagkaing Cebuano pantangi
TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng isang pangngalan (tao,bagay, o
hayop). Sumulat ng isang talata tungkol sa
iyong iginuhit gamit ang mga uri ng pang-uri na
ating natalakay. At kahonan ang mga pang-
uring ginamit sa talata.
TAKDANG ARALIN
Halimbawa: Ang iginuhit mo ay kalabaw.

Ang kalabaw ay malusog. Dalawampung


libong piso ang halaga nito kapag ibinenta.
Pwede raw itong gawing tapang Kalabaw.
GINTONG ARAL
“Ang paggalang sa mga nakatatanda ay isang
tanda na sinusunod mo ang payo ng Diyos.”

You might also like