You are on page 1of 140

Inaasahan sa Pagkatuto matapos

mailahad ang aralin:


1. Masabi ang kahulugan ng
salawikain; at
2. Masabi ang mga idyoma at tayutay
sa pagbuo ng pagsasalaysay.
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Natutukoy kung paano nabuo,
nadaragdagan at nababawasan ang
mga salita; at
2. Nauunawaan ang kalikasan at
istraktura ng wikang Filipino.
Halimbawa:

putok sa buho - anak sa pagkadalaga

mababaw ang luha - madaling maiyak

pabalat-bunga - hindi totoo


Idyoma
lipon ng mga salita o mga pariralang
kinagisnan na sa wikang Pilipino
karaniwang hango sa karanasan ng ating
mga ninuno ang kahulugan ng mga ito.
Halimbawa:
1. Balat sa tinalupan- matinding away o giyera
2. Naghuhugas ng kamay-nagmamalinis
3. Bukas ang Dibdib- walang itinatago hinggil
sa kaniyang buhay; tapat
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Magamit nang wasto ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap.
2. Maipakita ang kaisahan sa
pagsulat ng pangungusap.
Wastong Gamit ng
mga Salita at Kataga
GAMIT NG SUBUKIN
• Ang subukin ay nangangahulugan ng tingnan
ang kalagayan o ayos, o kaya’y suriin at siyasatin
ang kalagayan ng tao o anyo at ayos ng bagay.
Katumbas ito ng to try sa Ingles.
Halimbawa:
Subukin natin ang lasa ng bagong mantikilyang
ito.
Ang batang ito ay susubukin ko kung talagang
matalino.
GAMIT NG SUBUKAN
• Nangangahulugan na tingnan kung ano ang
ginagawa ng isang tao o kaya ay magmanman
o maniktik. Katumbas ito sa Ingles ng to spy to
follow secretly.
Halimbawa:
Subukan mo kung saan niya itatago ang
kanyang mga dala-dalahan.
Subukan natin kung ano ang ginagawa ng
mga bata sa silid.
GAMIT NG IKIT
• Ginagamit para maipakita ang kilos ng paligid
mula sa labas patungo sa loob.

Halimbawa:
Nakadaming ikit kami bago nakapasok sa
kuweba.
GAMIT NG IKOT
• Ito naman ay kilos mula sa loob patungo sa
labas.

Halimbawa:
Nakailang ikot muna bago kami nakalabas ng
parke
GAMIT NG KATA
Ito ay nangangahulugang ikaw at ako.

Halimbawa:
Kailan kata magkasamang luluwas ng
probinsya?
GAMIT NG KITA
Ito ay nangangahulugang ikaw.
Halimbawa:
Pangarap kong makasama kita sa aking pag-
uwi.
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Magamit nang wasto ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap.
2. Maipakita ang kaisahan sa
pagsulat ng pangungusap.
WASTONG GAMIT NG
MALAKING TITIK
1. Simula ng bawat
pangungusap.
• Halimbawa
Laganap ang awa ng Diyos.
Ikarangal mo ang pagiging
isang Pilipino.
2. Sa simula ng bawat taludtod.
• Halimbawa
“ O pagsintang labis na makapangyarihan
Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.”
3. Sa simula ng mga pangngalang
pantangi.
• Halimbawa:
Casiana Lopez
Bulkang Mayon
Setyembre
4. Sa pagdadaglat ng mga
pangalan.
• Halimbawa:
D.P.Alvarez
E.C.Perrez
M.L.Quezon
5. Sa mga pang-uring hango sa
pangngalang pantangi.
• Halimbawa:
dalagang-Batanggueňa
(babaeng taga-Batangas)
damit-Pilipino (damit ng mga
Pilipino)
6. Sa mga titulo ng tao kung ito’y
sinusundan ng pangngalang pantangi
kahit na ito’y daglatin.

• Halimbawa:
Nilagdaan ng Pangulo ang bagong batas.
May mga pagbabagong itinalaga ang Unang
Ginang.
7. Sa pangalan ng Diyos at
Santong Kasulatan.
• Halimbawa:
Ang Diyos-Anak ay Mabuting Pastol.
Binabasa ko ang Bibliya gabi-gabi.
8. Sa pangalan ng araw, buwan, mga
pistang dakila, ngunit hingi pangalan
ng panahon.
• Halimbawa:
Taglamig ang buwan ng Disyembre.
Dinadakila ang Araw ng Kalayaan sa bansa.
9.Sa pangalan ng Samahan, lipunan,
paaralan, simbahan,daan, look at hotel.
• Halimbawa:
Kabataang Barangay
Pamantasan ng Feati
Grand Hotel
10. Sa mga araling pampaaralan
na hango sa pangngalang
pantangi.
• Halimbawa:
Ako ay nag-aaral ng Filipino, Ingles at Kastila.
Ang Araling Panlipunan ay itinuturo na ngayon
sa wikang Filipino.
11. Sa unang salita ng
pangungusap na nasa loob ng
panipi.

Halimbawa
“Mag-aral kang mabuti”, ang sabi
ng guro
Lagi mong iisipin, “Nasa Diyos
ang awa, nasa tao ang gawa.”
12. Ang pandamdam na O.
• Halimbawa
O, kay liwanag ng buwan!
O, kay sarap mabuhay!
13. Ang unang salita ng bawat aklat,
kuwento o tula at ng iba pang salita nito,
maliban sa mga katulad ng pang-ukol,
pantukoy at mga pangatnig.
• Halimbawa:
Balarilang-Pilipino
Ang Panitikan ng Pilipinas
Ibong Adarna
14. Ang mga direksyon, kung ito ay
tumutukoy sa isang bansa o bayan.
• Halimbawa:
Ang mga taga-Silangan ay kayumangging
kaligatan.
Magulo ngayon sa Gitnang Silangan.
Maganda ang Timog-America
15. Ang mahahalagang salita sa
isang bating panimula ng liham.
• Halimbawa:
Minamahal kong Tessie,
Tangi kong kapatid,
Kagalang-galang na Pangulo,
16. Sa unang salita ng bating
pangwakas.
• Halimbawa:
Laging nagmamahal,
Ang iyong pinsan,
17. Isulat sa malaking titik ang tiya, tiyo,
ninang, ninong, impo at inkong kung ito’y
sinusundan ng panggalang pantangi. Ang
ina at ama ay maaaring isulat sa malaki o
maliit na titik.
• Halimbawa:
Impong Sela
Tata Selo
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Magamit nang wasto ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap.
2. Maipakita ang kaisahan sa
pagsulat ng pangungusap.
URI NG
PANGUNGUSAP
1. PATUROL O PASALAYSAY
Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay
naglalayong maglahad ng isang katotohanan.
May layong magkwento ang ganitong uri ng
pangungusap.
Halimbawa:
Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng aklat.
Nagising siyang parang iba ang paligid.
2. PAUTOS
May layong mag-utos.
a. Mga Pautos na Panggi- ang
ganitong uri ng pangungusap ay
pinangungunahan ng salitang
“huwag.”
Halimbawa: Huwag mong sulatan
iyan.
Huwag mong tigilan ang pagtawag
sa kanya.
2. PAUTOS
b. Mga Pautos na Panang-ayon-ang ganitong uri
ng pangungusap ay nakatuon sa ikalawang
panauhan at ginagamitan ng mga pandiwang
nasa anyong pawatas.
Halimbawa:
Ipaglaba mo ang iyong kapatid na may sakit
Ipagsaing mo ng kanin ang mga huling darating.
PATANONG
• Ang mga ganitong uri ng pangungusap ay
naglalayong magtanong.
a. Mga pangungusap na patanong na nasa
sumasagot ng oo o hindi.
Halimbawa:
Nag-aaral ka ba?
Kumain ka na ba?
Nagkita ba kayo?
b. Mga pangungusap na patanggi ang tanong.
Halimbawa:
Hindi ka ba aalis?
Hindi ka ba kumain?
Hindi ka ba sasama?
c. Mga pangungusap na gumagamit ng
panghalip na pananong. Ginagamitan ang
ganitong uri ng mga panghalip na pananong
gaya ng: ano, sino, saan, kailan, bakit at iba pa.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sino ang kausap mo?
Paano mo nagawa iyon?
d. Mga pangungusap na ang anyo ay kabalikang
pagtatanong.
Halimbawa:
Sila ba nakaalis na?
Kayo ba nakakainan na?
e. Mga pangungusap na may karugtong o
pahabol.
Halimbawa:
Naiwan ko sa inyo, hindi kaya?
Nawala kahapon, hindi ba?
Nakuha mo na, hindi ba?
4. Mga Pangungusap na
Padamdam
Kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng
matinding damdamin, ito ay tinatawag na mga
pangungusap na padamdam.
Halimbawa:
Naku! Ang bata ay nadapa.
KAYARIAN NG
PANGUNGUSAP
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Magamit nang wasto ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap.
2. Maipakita ang kaisahan sa
pagsulat ng pangungusap.
Inaasahan sa Pagkatuto matapos
mailahad ang aralin:
1. Magamit nang wasto ang mga
salita sa pagbuo ng pangungusap.
2. Maipakita ang kaisahan sa
pagsulat ng pangungusap.

You might also like