You are on page 1of 20

Ang sugnay

Ang sugnay ay lipon ng mga salita na


may paksa at panag-uri na maaaring buo o
di-buo ang diwang pinahayag.
HALIMBAWA:

1. Humiram si kris ng lapis para


sa pag buo ng tula .

2. Nang kami ay umakyat sa


bundok Ifugao.
URI NG SUGNAY :

A. SUGNAY NA MAKAPAG IISA


May paksa at panaguri na buo ang diwang ipinahayg. Ito ay
tinatawag ding punong sugnay.

HALIMBAWA:
1. Nakasulat si zanjoe ng isang mainam na sulatin.
2. Ang kanyang ama ay isang guro.
3. Si jane ay isang huwarang asawa.
B. SUGNAY NA DI MAKAPAG IISA
May paksa at may panag uri subalit di buo ang diwang
ipinahahayag.

HALIMBAWA:
1. Nang kami ay lumuwas ng maynila
2. Kung darating sila
3. Na umalis kami sa burol.
4. Nang mahulog ang bata sa puno.
5. Nang bumagtas kami sa liku-likong daan.
Ang sugnay na di makapa-iisa ay
maaaring gumagamit ng mga salitang nang,
kung, sapagkat, kapag, pag, may mga
pangatnig at mga pang-angkop na, -ng at
gayundin na pawang mga panghalip
pamanggit(relative pronoun) bilang paksa ng
sugnay na di makapag iisa
ANG GAMIT NG
SUGNAY
A. PANGNGALAN

Ang sugnay na di-makapag-iisa ay nasa pangngalang gamit


kapag paksa ng pangungusap.

HALIMBAWA:
1. Hindi ko alam kung bakit sila nawawala.
2. Kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak.
3. Kung wala kang tiyaga ay di ka magtatagumpay.
B. PANAG-URI
Panag uri ang sugnay kapag ang sugnay na di-makapag-iisa
ay panuring ng pangngalan na pinangungunahan ng panghalip ng
pamanggit na
Na,-ng kung matutumbasan sa ingles ng mga salitang “who, which
and that”.

HALIMBAWA:
1. Ang banaue rice terraces na binagtas nila ay napakaganda
2. Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasintahan ni kris.
3. Ang dahong nalaglag sa puno ay tinangay ng hangin.
C. PANG-ABAY
Nagiging pang-abay ang sugnay kapag ang sugnay na di-
makapag-iisa ay panuring ng pandiwa, pang-uri o pang-abay.

HALIMBAWA:
1. Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin.
2. Ang bata ay malungkot kapag wala ang kanyang ina.
3. Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila ng ticket.
ANG PANGUNGUSAP

Ang pangungusap ay binubuo ng salita o lipo


ng mga salita na nagtataglay ng buong diwa.
Nagsisimula ito sa malaking titik at nag tatapos sa
tamang bantas gaya ng tuldok, tandang
panananong, at tandang padamdam.
DALAWANG URI NG PANGUNGUSAP

1. Di-predikatibong pangungusap- ang salita o lipon ng mga


salita na walang sim
uno o panaguri ngunit buo ang diwa.
2. Predikatibong pahayag o pangungusap- ito ay may paksa
at panaguri.

Ang pag aaral ng mga pag buo ng mga pangungusap ay


tinatawag na sintaks.
URI NG DI-PREDIKATIBONG
PANGUNGUSAP
1. SAMBITLANG PANAWAG
Ito ay ang mga sambitlang salita na ginagamit bilang
pantawag sa tao.
Halimbawa :
Kuya! July!

2. PADAMDAM
Ang mga pahayag na nagsasaad ng damdamin.
Halimbawa:
Naku po! Aray ko!
3. PANTAWAG
ito ay ginagamit sa pagtawag.
Halimbawa:
kuwan! Hoy!

4. PAUTOS
Ginagamit sa pag uutos.
Halimbawa:
Takbo! Alis diyan!
5. PANGKALIKASAN/ PENOMINAL
Ito ay mga pangyayaring pangkalikasan na
nagsasaad ng kalagayan ng pnahon dulot ng tao.
Halimbawa:
Umuulan. Lumilindol.

6. PANAGOT SA TANONG
Ito ay mga pahayag na ginagamit bilang panagot sa
mga tanong.
Halimbawa:
Opo. Ayaw ko.
7. PANAHON
Ito ay mga pahayag na nagsasaad ng panahon.
Halimbawa:
Mamaya na. Sa makalawa

8. PAGBATI/PORMULARYO PANLIPUNAN
Ito ang mga pahayag o katagang ginagamit sa pagbati.
Halimbawa:
Magandang umaga po.
Kumusta ka?
9. PAGPAPAALAM
Ito ang mga pangungusap na ginagamit sa
pagpapaalam.
Halimbawa:
Paalam po.
Tuloy na po ako.

10. PAMULING TANONG


Ang pangungusap na ito ay ginagamit kung gusto
mong ulitin ng iyong kausap ang kanyang sinabi.
Halimbawa:
Ano ika mo?
Saan nga ba?
11. PAKIUSAP
Ginagamit ang mga pangungusap na ito ginagamit kung
nakikiusap.
Halimbawa:
Maaari ba?
Sige na.

12. PAMPOOK
Ang pangungusap na ito ay ginagamit bilang sagot sa mga
tanong kung saan .
Halimbawa:
Sa RTU.
(sagot sa tanong na saan ka nag-aaral?)
Sa Baguio
(sagot sa tanong na saan ka pupunta.)
13. EKSISTENSAYAL
Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng
pagkamayroon o pagkawala
Halimbawa:
May tao pa!
Wala na.
GAMSAHAMNIDA!

You might also like