You are on page 1of 9

URI NG

DI- PREDIKATIBONG
PANGUNGUSAP

Nochefranca, Rica E.
Millanes, Nichol V.
Ano ang pangungusap?

Ito ay binubuo ng salita o lipon ng


mga salita na nagtataglay ng buong
diwa. Nagsisimula ito sa malaking titik
at nagtatapos sa tamang bantas gaya
ng tuldok, tandang pananong at
tandang padamdam.Ang mga bantas na
nabanggit ay nagpapahiwatig na tapos
na ang mensaheng nais ipaabot ng
nagpapahayag.
2
Dalawang Uri ng
Pangungusap
1. Di-predikatibong pangungusap
Ang salita o lipon ng mga salita na
walang simuno o panaguri ngunit buo
ang diwa.
2. Predikatibong pahayag o
pangungusap
May paksa at panaguri.
SINTAKS-tawag sa pag-aaral sa pagbuo
ng pangungusap.
3
Uri ng Di-Predikatibong
Pangungusap
1.Sambitlang panawag
Ito ay ang mga sambitlang salita na
ginagamit bilang pantawag sa tao.
Halimbawa
Kuya! July!
2.Padamdam
Pahayag na nagsasaad ng damdamin
Halimbawa
Naku po! Aray ko !
4
3.Pagtawag-Ito ay ginagamit sa pagtawag.
Halimbawa
Kuwan! Hoy!
4. Pautos-Ginagamit sa pag-uutos.
Halimbawa
Takbo! Alis diyan!
5. Pangkalikasan/Penominal
Ito ay mga pangyayaring pangkalikasan na
nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot
ng kalikasan.
Halimbawa
Umuulan. Lumilindol.

5
6.Panagot sa Tanong-Ito ang mga pahayag na
ginagamit bilang panagot sa tanong.
Halimbawa
Opo. Ayaw ko.
7.Panahon-Ito ang mga pahayag na nagsasaad
ng panahon.
Halimbawa
Mamaya na. Sa makalawa.
8. Pagbati/Pormularyong Panlipunan
Ito ang mga pahayag o katagang ginagamit sa
pagbati.
Halimbawa
Magandang umaga po. Kumusta ka?

6
9. Pagpapaalam-Ito ang mga pangungusap na
ginagamit sa pagpapaalam.
Halimbawa
Paalam po. Tuloy na po ako.
10. Pamuling Tanong-Ang pangungusap na ito ay
ginagamit kung gusto mong ulitin ng inyong
kausap ang kany ang sinasabi.
Halimbawa
Ano ika mo? Saan nga ba?
11. Pakiusap-Ginagamit ang mga pangungusap
na ito ginagamit kung nakikiusap.
Halimbawa
Maaari ba? Sige na.

7
12. Pampook-Ang pangungusap na ito ay
ginagamit bilang sagot sa mga tanong na kung
saan.
Halimbawa
Sa RTU.(Sagot sa tanong na Saan ka nag-
aaral?)
Sa Baguio.(Sagot sa tanong na Saan ka
pupunta?)
13.Eksistensyal-Ang pangungusap na ito ay
nagsasaad ng pagkamayroon o pagkawala.
Halimbawa
May tao pa! Wala na.

8
Maraming Salamat Po

You might also like