You are on page 1of 2

MGA URI NG PAGBIGKAS

1. Malumay - Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas


sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng
anumang tuldik o palatandaan. Maaaring magtapos ang salitang
malumay sa patinig o katinig.

Halimbawa:
buhay
malumay
kubo
baka
kulay
babae
dahon
apat

2. Malumi - Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang


malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang
pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang
pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang
malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit
natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang
binibigkas nang malumi.

Halimbawa:
baro
lahi
pagsapi
bata
luha
mayumi
tama
lupa
panlapi

3. Mabilis - Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na


ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring
magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o
patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw
ng huling patinig ng salita.

Halimbawa:
dilaw
pito
kahon
bulaklak
huli
sapin
buwan
rebolusyon

4. Maragsa - Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy


na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may
impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang
nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya
(/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Halimbawa:
daga
wasto
pasa
tumula
hindi
kumolo
humula
ginawa

You might also like