You are on page 1of 5

Pamantasan ng Northwestern

Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro


Lungsod ng Laoag

LIT 112 (Pagpapahalagang Pampanitikan) Prelim na Pagsusulit.


Ikalawang Semestre 2019-2020

I. Gamit ang venn diagram paghambingin ang seremonya at ritwal. (1-10)

II. Sa mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang tukuyin kung anong uri ng dula ito.
Titik lamang ang isulat.

A. Trahedya B. Komedya C. Melodrama D. Parsa E. Embayoka at Sayatan


F. Bulong G. Dalit H. Santa Cruzan I. Senakulo J. Salubong
K. Tibag L. Komedya M. Karilyo N. Sarsuwela O. Dung-aw
P. Karagatan Q. Saynete R Pangngalulwa S. Wayang Orang ng mga
Katutubong Purwa

11. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang
tauhan ay magkakasundo.
12. Dulang pagtutula kahawig ng Balagtasan ng mga Tagalog.
13. Ang pag-aalay ng bulaklak kasabay ng pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.
14. Ginagawa o ginaganap sa tunay na buhay kaugnay s panananpalataya, pamahiin o
paniniwala at panggagamot.
15. Isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo.
Isinasalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang ina ni
Constantino.
16. Isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
17. Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw.
18. Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos nangakong
papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
19. Kilala bilang Todos Los Santos Kaluluwa kaming tambing Sa purgatoryo nanggaling
Doon po’y ang gawa namin Araw gabi’y manalangin.
20. Dulangmusikal o isang melodramang may 3 yugtona ang mga paksa ay tungkol sa pag-
ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklamat iba’t iba pang masidhing damdamin.
21. Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng mga
Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o
katutubo.
22. Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay.
23. Binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.
24. Isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
25. Nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
26. Kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi.
27. Tumutukoy sa pagmamalupit ng mga Sultan sa kanilang aliping mga babae.
28. Layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa.
29. Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni Maria.
30. Isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga
Muslim noong unang panahon.

III. Tukuyin kung anong panhon ang mga dula sa bawat bilang. Isulat lamang ang: PA -
Panahon ng Amerikano, PK- Panahon ng Kastila, PKT- Panahon ng Katutubo, PH-
Panahon ng Hapon at KP – Kasalukuyang Panahon

31. Ave Maria 36. Sa Pula, Sa Puti


32.Walang Sugat 37.Bukang Liwayway
33.Pangangalulwa 38.Lakambini
34. Araw at Gabi 39. Ang Huling Hapunan
35.Sa Kuko ng Agila 40. Dallot

IV. Sa iyong sariling pagpapaliwanag ano ang dula at paano ito makakatulong sa iyong
piniling larangan o propesyon. (10 puntos)

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

MARIECRIS D. ABELA JURLITA U. BASUEL, PhD


Instraktor Dekana, CTE
Pamantasan ng Northwestern
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Lungsod ng Laoag

ELED05 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (Estruktura at Gamit sa Wikang


Filipino)
Prelim na Pagsusulit. Unang Semestre 2019-2020

I. Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon at titik lamang ang
isulat.

a. ponema b. pakikinig c. sintaksis d. panlapi e. pagbasa


f. diskurso g. pagsulat h. pagsasalita i. ponolohiya j. wika

1. Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring


pandinig at pag-iisip.
2. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
3. Pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
4. Paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga
simbolo.
5. Isang mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan at itinuturing itong biyayang
galling sa Diyos upang maipaabot ang nararamdaman.
6. Makahulugang tunog ng isang wika.
7. Makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao.
8. Makaagham na pag-aaral ng pangungusap.
9. Ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita.
10. Tawag sa makaagham na pag-aaral ng ponema.

II. Sa mga inaasahang bunga na nakalahad sa bawat bilang. Tukuyin kung anong
baitang nabibilang ang mga ito. Titik lamang ang isulat.

a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo d. Ikaapat e. Ikalima f. Ikaanim

11. Nakapagpapahayag ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa impormasyon.


12. Nabibigkas ang mga tunog ng mga titik ng mga alpabeto at simpleng salita.
13. Nakakapagbigay ng sariling reaksyon, palagay o hinuha sa binasang teksto.
14. Nakakaunawa at nakasasagot ng mga tanong tungkol sa binasang teksto.
15. Gumagamit ng matalinhagang salita at mga ekspresyong tuwiran at di-tuwiran.
16. Nagagamit ang iba’t ibang pangungusap sa pagpapaliwanag.
17. Nakakabasa ng may wastong paglilipon ng mga salita.
18.Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita.
19. Nakababasa ng bagobg salita, payak na pangungusap at maikling babasahin.
20. Nakauunawa sa napakinggang teksto at nailalapat ang impormasyon tungo sa iba pang
anyo ng pagpapahayag.
21. Naisusulat ang mga idiniktang patalastas, anunsyo, poster, liham at iba pang teksto.
22. Nakakasulat ng kabit kabit na mga titik na gumagamit ng wastong bantas.
23. Nasasabi ang pagkakaiba ng opinion sa katotohanan.
24. Nakapagbibigay ng solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan.
25. Napagsusunod-sunod ang mga ideya at sitwasyon.

III. Talakayin ang bawat katangian ng wika.

26. masistemang balangkas- _____________________________________________


27. sinasalitang tunog- _________________________________________________
28. pinipil at sinasaayos- ________________________________________________
29. arbitraryo - ________________________________________________________
30. ginagamit-_________________________________________________________
31. nakabatay sa kultura- ________________________________________________
32. nagbabago - _______________________________________________________

IV. Tukuyin kung anong teorya ng wika ang mga sumusunod na pahayag.

__________ 33. Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng
tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin,
patak ng ulan, atbp.
__________ 34. Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad
ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
__________ 35. Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga
tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
__________ 36. Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na
nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulat ng
pagsayaw, pagtatanim, atbp.
__________ 37. Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at
hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
__________ 38. Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay
iisang wika at iisang mga salita,
_________ 39. Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang
puwersang pisikal.
_________ 40. Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang
isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o pababa.
_________ 41.Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang
salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
_________ 42. Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo
bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
_________ 43. Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
_________ 44. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas
ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.
_________ 45. Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
_________ 46. Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng
mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga
ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan
ng mga bagay- bagay.

V. Sa hindi kukulanging 5 na pangungusap ipaliwanag ang kahalagahan ng wika sa


pagtuturo ng Filipino sa Elementarya. (4 puntos)

Inihanda ni: Inaprubahan ni:

MARIECRIS D. ABELA JURLITA U. BASUEL, PhD


Instraktor Dekana, CTE

You might also like