You are on page 1of 3

NORTHWESTERN UNIVERSITY,INC

Laoag City, Ilocos Norte

MODYUL SA
INTRODUKSYON SA PAG-AARAL NG WIKA

Modyul I – Wikang Filipino

Ang modyul na ito ay inihanda para sa madagdagan ang kaalawan mo tungkol sa kaligiran ng
wika.

Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. mabibigyang katuturan ang wika;
2. maipaliliwanag ang bawat teorya ng pinagmulan ng wika;
3. maipapahayag ang kahalagahan ng wika;
4. matutukoy ang tungkulin ng wika;
5. masusuri ang wika ayon sa antas;
6. mailalahad ang pagkakasunod-sunod ng pag-unlad ng wika;
7. mapaghahambing ang pagkakaiba-iba ng Tagalog, Filipino
at Pilipino

MBA MGT 211: ETHICAL CONCERNS IN BUSINESS AND MANAGEMENT

Page 1 of 3
NORTHWESTERN UNIVERSITY,INC
Laoag City, Ilocos Norte

Introduksyon

Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita(Fromkin at Rodman, 1983). Mula sa paggising sa


umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita tayo dahil nakikipag-usap tayo. May mga
taong kumakausap sa hayop, may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din
natin an gating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap na iba pang tao. Kaya masasabing
walang panahong hindi tayo nagsasalita, malakas o mahina man, pabulong o sa isip lamang.
At syempre, sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika. Ngunit ano ng aba talaga ang wika?

Makisali (engage)

Pag-isipan Mo.!

Pumikit ng ilang minuto. Isipin na ikaw ay nasa isang daigdig na napakatahimik. Maraming
tao ngunit walang nagsasalita. Nakita mo ang pinakamatalik mong kaibigan na matagal mo
nang hindi nakikita. Gusto mo siyang makausap ngunit walang salitang namumutawi sa
iyong bibig. Madami kang gustong sabihin sa kanya ngunit hindi mo masabi.

Sagutin ang mga sumusunod;


1. Ano ang naramdaman mo nang napunta ka sa isang tahimik na daigdig?
2. Ano naman ang iyong naging reaksyon nang makita mo ang pinakamatalik mong
kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita?
3. Ano ang pakiramdam ng isang taong may gustong sabihin ngunit walang paraan
upang sabihin ang kanyang saloobin?

Diyan pumapasok ang kahalagahan ng WIKA. Ngunit ano nga ba ang wika?

MBA MGT 211: ETHICAL CONCERNS IN BUSINESS AND MANAGEMENT

Page 2 of 3
NORTHWESTERN UNIVERSITY,INC
Laoag City, Ilocos Norte

Galugarin (explore)

A. Gamit ang “concept map” ibigay ang kahulugan at katangian ng wika sa iyong
sariling pag-unawa.

WIKA

B. Saliksikin ang tema ng buwan ng wika ngayong taon at gumawa ng sanaysay


tungkol ditto.

MBA MGT 211: ETHICAL CONCERNS IN BUSINESS AND MANAGEMENT

Page 3 of 3

You might also like