You are on page 1of 68

MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT!!


MGA TUNTUNING DAPAT TANDAAN SA KLASE:

1. Kapag may nagsasalita manyaring makinig at tumahimik.


2. Kapag may itatanong ay itaas lamang ang kanang kamay.
3. Laging ihanda ang inyong mga papel at pluma bago magsimula
ang klase.
4. Pagkatapos ng klase huwag kalimutan na pulutin ang basurang
inyong nakikita sa paligid.
LAYUNIN:
A.Natatalakay ang iba’t ibang barayti ng wika
B.Napahahalagahan ang barayti ng wika sa
pakikipagtalastasan
C.Nakapagsasadula ng iba’t ibang sitwasyon gamit
ang barayti ng wika.
MAHAHALAGANG
TANONG:
1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng
angkop na wika sa komunikasyon?
2. Sa paanong paraan mo binibigyan ng
kahalagahan ang iyong kinagisnang wika?
JIGSAW PUZZLE
Mekaniks:

1. Hahatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.


2. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang envelope na naglalaman ng
bubuoing larawan.
3. Sinumang pangkat ang maunang makabuo ng larawan ang
siyang tatanghaling panalo.
PANGKAT 1 PANGKAT 3
PANGKAT 2 PANGKAT 4

1. Pamilyar ka ba sa mga larawang ito?


2. Ano ang estilo ng kanilang pananalita?
PASTE ME

• Mekaniks
1. Bawat pangkat ay bibigyan ng kapirasong papel na naglalaman ng kahulugan ng barayti ng
wika.
2. Pipiliin ng mga mag-aaral kung alin sa larawang binuo nila kanina ang tumugma sa
barayting napunta sa kanila.
3. Sa loob ng tatlong (3) minuto ay pag-uusapan nila kung ano ang kaugnayan ng larawan sa
kahulugan ng barayting naiatas sa kanila.
4. Iulat sa klase gamit ang estilong (2 Sentence Summary).
PANGKAT 1 PANGKAT 3
PANGKAT 2 PANGKAT 4

DAYALEK SOSYOLEK

IDYOLEK REGISTER
MGA BARAYTI
NG WIKA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO
FILMA M. RAMBOYONG

GURO SA FILIPINO
HOMOGENOUS AT
HETEROGENOUS NA
WIKA
HOMOGENEOUS NA WIKA

• Walang nabubuhay na wika na maituturing na homogenous dahil


bawat wika ay binubuo nang mahigit isang barayti. Masasabi lang
kasing homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang
lahat ng gumagamit ng isang wika.
Paz, et. al. 2003
HETEROGENOUS NA WIKA

• Pagkakaroon ng iba’t ibang wika dulot ng pagkakaroon


ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad,
hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian,
kalagayang panlipunan, rehiyon, at pangkat-etniko.
DAHIL SA PAGIGING HETERO
NG WIKA SA ATING
LIPUNAN, KAYA TAYO MAY
MGA VARAYTI NG WIKA.
MGA VARAYTI NG WIKA
DIYALEK
• Barayti ng wikang ginagamit ng patikular na pangkat
ng mga taong mula sa isang partikular na lugar tulad
ng lalawigan, rehiyon o bayan.
• Labanan ng tono, punto at termino sa pagsasalita.
DAYALEK
•Sa Rinconada…
Matigas ang Iriga, Malambing ang Nabua
at Bato. Mayaman ang Buhi.
HALIMBAWA:

IRIGA NABUA BAAO FILIPINO

BUKO BOKO BUKO HINDI

SADI SINI SUYAN DITO

KANON KANON KANON KANIN


• Magpunta vs Pumunta
• Magkain vs Kumain

Tagalog Bisaya Vs. Tagalog Maynila


(Pinapalitan ang panlaping UM sa MAG)
“EXCUSE ME
PO”

“HINDI NAMIN
KAYO
TATANTANAN”
“KABAYAN”
“MAGANDAN
G GABI
BAYAN”
“MAY
PUHUNAN

“HANDA
NA BA
KAYO”
“ANG
BUHAY
AY
WEATHER
,
IDYOLEK
• Pansariling paraan ng pagsasalita ng isang tao.
• Kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
• Signature na wika, salita at pagsasalita ng isang tao.
SOSYOLEK
• Nakabatay ang barayting ito sa antas panlipunan at
dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
• Iba ang barayti ng wika ng nakapag-aral sa hindi
nakapag-aral, matanda sa kabataan, lalaki sa babae, o sa
bakla at sa iba pang wika.
• Ayon kay Rubrico 2009, ang sosyolek ay
isang mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika
ng mga tao na nakapaloob dito batay sa
kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo
na kanilang kinabibilangan.
ANG VARAYTI NG
SOSYOLEK
GAY LINGO
•Wika na galing sa pangkat ng mga
bakla.
AYON KINA ABAYA AT HERNANDEZ
1998…..
• Ang pagkadinamiko ng sosyolek na gay lingo ay
nakakawing sa isa pang mahalagang katangian ng
salitang bakla na tinawag nina Abaya at Hernandez na
“pagkukubli.” sa pagbuo ng mga salita, itinatago ang
orihinal na anyo ng salita ng sa gayon ay hindi ito
maintindihan.
SALITANG BAKLA NA PASOK SA UP
DIKSIYONARYONG FILIPINO
• Bong-ga png: may katangiang nakakagulat sa tingin o kahanga-
hanga
• Tsi.ka: hindi seryosong usapan o pagbobolahan
• Tsu.gi: png: salitang mapanlibak , tumutukoy sa tao, bagay,
karanasan o pangyayaring hindi kanais-nais o hindi nakapasa sa
pamantayan ng maganda, maayos at mabuti ng pumupuna.
Gay Lingo Salin sa Filipino
Churchill Sosyal
Indiana Jones Hindi sumipot,
nang-iwan
Bigalou, Daks, Malaki
Dakota
Ombre/Mujere Lalaki / Babae
PANGKATANG PAGBABASA:

• B: Let’s make alis na.


• L: Wait lang. I’m texting Lito pa.
• B: Come on na! Let’s make lakad na! We’re gonna make pila
pa.
• L: It’s so haba pa naman for sure.
• B. I’m hungry na.
• L: I know right. Sige let’s go na.
TAGLISH AT COÑOTIC O
CONYOSPEAK
TAGLISH
• Sa taglish may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t
masasabing may code switching na nangyayari.
Halimbawa:
Bilisan mo at late na tayo.
( Ihinalo na ang salitang Ingles na LATE sa pangungusap na
Filipino)
COÑOTIC O CONYOSPEAK
• Mas Malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles na
karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na make
na ikinakabit sa mga pawatas na Filipino.
Halimbawa:
Make basa, make lakad, make kain
KUNG ANG CONYO AY
PARA SA PASOSYAL NA
KABATAAN, MERON
NAMAN PARA SA MGA
JOLOGS…
JEJEMON

•Sinasabing ang jejemon ay nagmula


sa pinaghalong jejeje na isang
paraan sa pagbaybay ng hehehe at ng
salitang mula sa hapon na Pokemon.
• Ang jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang
Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, simbolo at may
magkakasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin o intindihin lalo na ng mga hindi
pamilyar sa jejetyping.
AYON SA PAPEL NI ROLANDO
TOLENTINO…
• Ang jejemon ay ang lantad na wikang jologs. Hindi
naman ito nabibigkas dahil wala pa naman tayong
naririnig na nagbibigay-galang na gamit ay “powhZ” at
“opowhZ”. Hindi ito binibigkas. Pangunahin ito sa
larang na biswal matutunghayan.
•3ow phow, mUsZtAh
nA phow kaow?
•aQckuHh iT2h.
•iMiszqcKyuH
•MuZtaH
ETNOLEK
• Mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang
salitang etnolek ay nanggaling sa salitang etniko at
dialek.
• Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
• Vakkul- pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o mga Ivatan.
• Bulanon- ibig sabihin ay full moon.
• Kalipay- ibig sabihin ay tuwa o ligaya
• Palangga- ibig sabihin ay mahal o minamahal
• Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo
ng salita tulad ng shuwa (dalawa), sadshak (kaligayahan),
peshen (hawak)
PIDGIN AT CREOLE
Ang Pidgin ay umusbong na
wika o tinatawag sa Ingles na
‘nobody’s native language’ o
katutubong wikang di-pag-aari
ng ninuman.
Nangyayari ito kapag nagtatangkang
mag-usap ang dalawang taong may
magkaibang unang wika at pareho
walang alam sa wika ng kinakausap.
Gagamit ang dalawang nag-uusap ng
tinatawag na makeshift language. Wala
itong pormal na estruktura. Lilinang ang
nag-uusap ng sarili nilang tuntuning
pangwika upang magkaintindihan.
Hal.
PUMUNTA ANG ESPANYOL SA ZAMBOANGA.
NAG-USAP. ANG MANGYAYARI MAGKAKAROON NG
PINAGHALONG ESPANYOL AT WIKANG KATUTUBO ANG
USAPAN NG DALAWANG TAO. ANG WIKANG LALABAS SA
BAWAT BIBIG NG DALAWA AY TATAWAGING PIDGIN.

THERFORE, WIKANG PARA-PARAAN ANG PIDGIN PARA


MAGKAUNAWAAN LANG KAHIT PAPAANO.
Kapag ang Pidgin ay ginamit ng
isang lipunan nang matagalan at
nagkaroon na ng sistemang
gramatikal, tatawagin na itong
Creole.
Ang wikang Chavacano ay mula sa
pinaghalong Espanyol at Katutubong wika ng
Zamboanga.
Produkto ang Chavacano ng Pidgin na nagging
Creole at Tinuring na ring isang Wika. Wika
ng mga taga-Zamboanga.
ANG JARGON
•Mga natatanging bokabularyo
ng partikular na pangkat na
nagpapakilala sa kanilang
trabaho.
APPEAL,
COMPLAINANT,
OBJECTION OVER
RULE
BLOTTER,
WARRANT, SEARCH
WARRANT,
ARTILLERY
LESSON PLAN,
CLASS RECORD,
SUMMATIVE TEST
LIVE, EXCLUSIVE,
RONDA-REPORT,
INTERVIEW
CUT, TAPING,
SHOOTING,
LIGHTS CAMERA
ACTION
REGISTER
•Ito ang varayti ng wika kung saan
naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at
kausap.
•Paggamit ng wika kung kalian pormal at di-
pormal.
•Hindi ako
makakasama, wala
akong datung.
•Pasensiya na kung
hindi ako
makakasam, wala
PAGSASADULA:

Mekaniks:

1. Bibigyan lamang ng limang (5) minutong maghanda ang mga


mag-aaral ng isang usapan na ginagamitan ng barayti ng wika
batay sa naiatas na sitwasyon.
2. Isasadula lamang ito sa loob ng 2-3 minuto.
SITWASYON:

• Pangkat 1: REGISTER- Nakikipag-usap sa guro tungkol sa marka.


• Pangkat 2: DAYALEK- Bumbili sa palengke.
• Pangkat 3: SOSYOLEK- Halalan 2022 gamit ang beking lengguwahe.
• Pangkat 4: IDYOLEK- Pananalita ni Ruffa Mae Quinto tungkol sa paksang pag-ibig.
Pamantayan sa pagmamarka:
Malinaw na naipakikita anag sitwasyon - 10
Nagagamit ng maayos ang barayti ng wika - 15
Kooperasyon- 5
Kabuoan - 30
MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na wika sa
komunikasyon?
2. Sa paanong paraan mo binibigyan ng kahalagahan ang iyong
kinagisnang wika?
Makulay at mayaman ang Filipino.
Bongga rin ito katulad ng ibang
wika. Be proud! dahil wika mo ito
bay! Kanato adi! Tunay na
ORAGON!
PAGTATAYA:

• Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Tukuyin kung anong barayti ng wika
ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. m5H57 kiT5 __________6. Go! Go! Go! Todo na to!
__________2. Pagoda __________7. Deal or No Deal
__________3. Sadto __________8. Dapat laging I’m Ready
__________4. Magayon ___________9. Choupsey
__________5. Datung ___________10. SF4, SF1, Lesson Plan
TAKDANG ARALIN:
Magsaliksik tungkol sa “Gamit ng wika sa
Lipunan.” Isulat ito sa inyong kuwaderno.

You might also like