You are on page 1of 21

Magandang Buhay!!!

October 17, 2023


Pagsasanay 1: Ibigay ang hinihingi.

• _____1. Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at


unang itinuro sa isang tao.
• _____2. Wika na nagmula sa pagkakaroon ng exposure ng tao
sa iba pang wika sa kanyang paligid.
• _____3. Isang kaparaanang pangwika na may layuning
ipatupad ang iisang wika sa isang bansa.
• _____4. Kakayahang magsalita, sumulat, at intindihin ang higit
sa dalawang wika.
• _____5. Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila
ba ito ay kanyang katutubong wika.
Pagsasanay 2:

Panuto: Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng mga


salitang nakasulat sa Hanay A? Hanapin sa Hanay B
ang sa palagay mo ay kahulugan ng mga salita na
nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot
Mga Varayti ng Wika
• Ang pagkakaroon ng varayti ay ipinapaliwanag ng
teoryang sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng
pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito,
nag-uugat ang mga varayti ng wika sa pagkakaiba-iba
ng mga indibidwal at grupo, maging ng kani-kanilang
tirahan, interes, gawain, pinag-aralan, at iba pa.
Samakatuwid, may dalawang dimensiyon ang
baryabilidad ng wika – ang dimensiyong heograpiko at
dimensiyong sosyal. (Constantino, 2000).
Mga Varayti ng Wika
• Dayalek
- ang varayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong
heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang
aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular
na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa
pagkakaroon nito ng set ng distinct na bokabularyo
kundi maging sa punto o tono at sa estruktura ng
pangungusap.
Halimbawa ng Dayalek:
Mga Varayti ng Wika
• Sosyolek
- ang tawag sa varayting nabubuo batay sa
dimensiyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na
varayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga
estudyante, wika ng matatanda, wika ng
kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla
at ng iba pang pangkat.
Halimbawa ng Sosyolek

• Mga repa, nomo na. Walwal na! (Jeproks/ balbal)


• Si Yorme, maraming nahuli, mga etneb. (Salitang kanto/ pinauso ni
Mayor Isko Moreno)
• “Charot”
• Wiz
• Bongga
Mga Varayti ng Wika
• Idyolek
- Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng
wika.
- Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kani-kaniyang
varayti ng wikang ginagamit batay sa dimensiyong
heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng
wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunahing
tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao
ay nakaiimpluwensiya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang
nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal.
Halimbawa ng Idyolek:

• “Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez


• “May tama ka!” -Kris Aquino
• “Walang himala!” -Nora Aunor
• “Lumipad ang aming team…” -Jessica Soho
• “Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez
• “I am sorry.” -President Gloria Macapagal-Arroyo
• “Char-char lang mga momshie.” -Melai Cantiveros
• “Bawal ang sad dapat happy!” -Ryzza Mae Dizon
• “Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda
• “May ganun?” -Mr. Fu
Mga Varayti ng Wika
• Pidgin
• - ito ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language.
Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na
tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang
common na wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng
kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura
naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng
kolonisasyon ang varayting ito ng wika.
Halimbawa ng Pidgin:
• Ako bigay sa iyo discount pag bili ka dami. (Ako’y
magbibigay sa iyo ng discount kapag bumili ka nang
marami.)
• Ako bili pagkain. (Ako ay bibili ng pagkain)
• Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng
magandang babae)
• Ako tinda damit Maganda (Ang panindang damit
ko ay Maganda.)
Mga Varayti ng Wika
• Creole
- ito ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay
naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat
may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin
dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na
halimbawa nito ang Chavacano na hindi masasabing
purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong
wika sa estruktura nito. Creole din ang tawag sa wika ng
mga taga-Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang
unang wika.
Halimbawa ng Creole
• Chavacano- Buenas dias- Magandang
umaga
• Chavacano- Buenas tardes- Magandang
hapon
• Chavacano- Buenas noches- Magandang
gabi
Pagsasanay 3: Tukuyin kung anong Varayti ng
Wika ang mga sumusunod na pahayag.

• _____1. “Hindi namin kayo tatantanan” ni Mike


Enriquez.
• _____ 2. Wa facelak girlash mo.
• _____ 3. Suki, ikaw bili, tinda, mura.
• _____ 4. Bakit ga? Ano gang gusto mong kainin?
• _____ 5. “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de
Castro.
Pagsasanay 4: B. Ngayon naman isulat mo ang varayti ng
wikang kinabibilangan ng mga sumusunod na sitwasyon.

• 1. Nagulat ang lahat sa sigaw ng mga kabataan na “Let’s make baka!


Don’t make takot!” sa harap ng Malacañang.
• 2. “Ikaw wag upo d’yan. Para di luke negosyo.” Sinabi ng tinderong
Intsik sa batang pulubi.
• 3. Natutuhan ni Maria ang salitang “sanrok” mula sa mga taga-Talim
nang mamasyal siya sa Binangonan.
• 4. Naging sikat ang awiting “Porque” ng bandang Maldita dahil sa
liriko nitong Chavacano.
• 5. Tuwang-tuwa ang magkakaklase ng mag-alaLove Añover ang
kanilang guro at sinabing “smile naman diyan and everything!”
Pagsasanay 5: Para sa iyong huling pagsasanay, magbigay ng tig-2
halimbawang pangungusap o pahayag na nagsasaad ng mga varayti ng
wika.

Tagalog- Cebuano
Pagsasanay 5: Para sa iyong huling pagsasanay, magbigay ng tig-2
halimbawang pangungusap o pahayag na nagsasaad ng mga varayti ng
wika.
Pagsasanay 5: Para sa iyong huling pagsasanay, magbigay ng tig-2
halimbawang pangungusap o pahayag na nagsasaad ng mga varayti ng
wika.
Maraming Salamat
sa
Kooperasyon!!!

You might also like