You are on page 1of 11

Barayti Ng Wika

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang
simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay
nailalabas o naipapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at
iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng
lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at
kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng
heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat
ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Halimbawa at mga Kahulugan

1.) IDYOLEK – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na


naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod
tangi at yunik.

Mga halimbawa ng Idyolek:

 “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

 “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

 “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

 “Hoy Gising!” ni Ted Failon

 “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza

 “I shall return” ni Douglas MacArthur

2.) DAYALEK– Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang
salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain.
Meron tatlong uri ng Dayalek:

 Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)

 Dayalek na Tempora (batay sa panahon)

 Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

Mga halimbawa ng Dayalek:

Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako

3.) SOSYOLEK – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti


lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang
ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na
gumagamit ng mga naturang salita.

Mga halimbawa ng Sosyolek:

Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)


Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng
gelpren mo)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)

4.) ETNOLEK – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Mga Halimbawa ng Etnolek:

Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing
panahon ng tag-init at tag-ulan
Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
Kalipay – tuwa, ligaya, saya

5.) EKOLEK – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito
ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda,
malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

Mga Halimbawa ng Ekolek:

Palikuran – banyo o kubeta


Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan ng plato
Pappy – ama/tatay
Mumsy – nanay/ina

6.) PIDGIN – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang
“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na
nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang
ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang

Mga Halimbawa ng Pigdin:

Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)

Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)

Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita
ng diskawnt.)

Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang
iyong grado.)

7.) CREOLE – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika
ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at
Espanyol (ang Annobonese).

Mga Halimbawa ng Creole:

Mi nombre – Ang pangalan ko

Di donde lugar to? – Taga saan ka?

Buenas dias – Magandang umaga

Buenas tardes – magandang hapon

Buenas noches – Magandang gabi

REGISTER – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang
pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na
katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala.
Pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:.

 Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga


taong gumagamit nito.

 Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.


 Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Mga Halimbawa ng Register:

Mga salitang jejemon

Mga salitang binabaliktad

Mga salitang ginagamit sa teks

Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doctor

Daynamiko ang wika kaya't nagkakaroon ito ng iba-ibang rehistro batay sa konteksto ng
paggamit nito at kung sino ang gumagamit nito.

Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at


nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang
bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling
paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

KASAYSAYAN NG WIKA

Kasaysayan ng Pambansang Wika (Panahon ng Espanyol-Hapones)

 PANAHON NG ESPANYOL

Kristiyanismo – ito ang layunin ng mga Espanyol na ikintal sa mga Pilipino sa kanilang
pananakop.

Pagano, Barbariko, Di-sibilisado – ito ang paglalarawan ng mga Espanyol sa mga


Pilipino.

Katutubong Wika – ang ginamit ng mga Espanyol sa pagpapatahimik ng mga


mamamayan. Pinag-aralan nila ito at ginamit noong una sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo. Paghahati ng mga isla ng pamayanan – ito ang unang ginawa ng mga
Espanyol upang mapabilis ang kanilang layunin.
Limang orden ng Misyonerong Espanyol

1. Agustino

2. Pransiskano

3. Dominiko

4. Heswita

5. Rekoleto

Gob. Tello – nagmungkahi na turuan ang mga indio ng Wikang Espanyol.

Carlos I at Felipe II – naniniwalang kailangang maging billinguwal ang mga Pilipino.


Gagamitin nila ang katutubong Wika at Espanyol.

Carlos I – nagmungkahi na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang Wikang Espanyol.

Doctrina Christiana – isang maagang aklat ng Romano Katoliko katesismo, isinulat ni


babagan Juan de Plasencia, at pinaniniwalan na isa sa pinakamaagang mga libro na
nalimbag sa Pilipinas noong 1953.

Marso 2, 1634 – muling inulit ni Felipe II ang kanyang utos na turuan ng Espanyol ang
mga indiyo.

Carlos II – lumagda ng isang deskrito tungkol sa pagtuturo ng Wikang Espanyol.

December 29, 1972 – lumagda si Carlos IV ng deskrito na nag-uutos na gamitin ang


Wikang Espanyol sa lahat ng paaralan.

 PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

300 taon – sinakop ng Espanyol ang Pilipinas.

1872 – nagkaroon ng kilusan ang propagandista. Ito ang simula ng paghihimagsik.

Andres Bonifacio – itinatag ang Katipunan.

Wikang Tagalog – ang ginagamit sa kautusan at pahayagan ng katipunan.


Isang Bansa, Isang Diwa laban sa mga Espanyol – ang sumibol sa kaisipan ng mga
Pilipino sa panahong ito.

Konstitusyon ng Biak na Bato – pinagtibay noong 1899. Ito ang unang kongkretong
pagkilos ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.

Tagalog – ginawa nilang opisyal na wika bagamat walang isinasaad na ito ang magiging
Wikang Pambansa.

Riza at mga Propagandista – nakabatid na ang wika ay malaking bahagi upang


mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Aguinaldo – ang namuno sa Unang Republika. Ginawa niyang opsiyonal ang paggamit
ng Wikang Tagalog.

 PANAHON NG AMERIKANO

Almirante Dewey - namuno sa mga Amerikanong dumating sa Pilipinas.

Wikang Ingles – ginamit na Wikang Panturo at Wikang Pantalastasan mula sa antas


primarya hanggang sa kolehiyo sa panahon ng mga Amerikano.

Jacob Schurman – ang namuno sa komisyong naniniwalang kailangan ng Ingles sa


edukasyong primary. Batas Blg. 74 – itinakda ng komisyon noog Marso 21, 1901 na
nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing wikang
panturo.

Reading, Writing & Arithmetic (3R’s) – ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit


nahihirapan ang mga guro sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral kaya ipinagamit ang
bernakular bilang wikang pantulong. Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Bernakular at
tanging Wikang Ingles nalang ang ipinagamit na Wika ng Panturo nang mapalitan ang
director ng kawanihan ng edukasyon.

Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon – nagsasaad na tanging Ingles lamang


ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng paaralan.

Mga sundalo – ang unang nagturo ng Ingles at sumunod ang grupong Thomasites.

Bise Gobernador Heneral George Butte – Kalihim ng Pambayang Pagtuturo sa apat na


taong pag-aaral noong 1931. Sinabi niyang hindi kailanman magiging wikang pambansa
ng mga Pilipino ang Ingles dahil hindi ito ang wika ng tahanan.

Jorge Bocobo at Maximo Kalaw – sumang-ayon sa sinabi ni Butte.


Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Ingles

 Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa suliraning


administratibo.

 Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa iba-ibang pook dahil iba-iba ang
itinurong wika sa

 ibang rehiyon.

 Ang paggamit ng bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng


rehiyonalismo sa halip na

 nasyonalismo.

 Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular.

 Malaki na ang nagasta ng pamahalaan sa paglinang ng wikang Ingles upang


maging wikang

 Pambansa.

 Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkakaroon ng pambansang pagkakaisa.

 Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.

 Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.

 Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Bernakular

 Pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng Ingles dahil wala


itong kinalaman sa

 kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.

 Magiging epektibo ang pagtuturo sa primary kung bernakular ang gagamitin.

 Tagalog ang nararapat na pipiliing Wikang komon sapagkat isang porsyento


lamang ng tahanang
 Pilipino ang gumagamit ng Ingles.

 Hindi magiging maunlad kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo dahil hindi
naman natututo ang

 mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga problemang kakaharapin nila.

 Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng


nasyonalismo

 Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng lahat


katulad ng paggamit

 ng bernakular.

 Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa Wikang Ingles ang mga Pilipino.

 Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang


bernakular, kailangan

 lamang na ito ay pasiglahin.

Henry Jones Ford – nagsagawa ng unang pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang Ingles.
Kanyang natuklasan na ang Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na nga.

Saleeby – iginiit niya na makabubuti ang magkaroon ng isang wikang pambansang


hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at mas epektibo ang
paraan ng edukasyon sa buong bansa.

 PANAHON NG HAPONES

Mga Naganap sa Wika sa Panahon ng Hapones

1. Nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa

2. Ipinagbabawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga


Pilipino.

3. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga aklat at peryodiko mula sa Amerika.


4. Ipinagagamit ang mga katutubong wika lalo na ang Tagalog.

5. Namayagpag ang Panitikang Tagalog

6. Itinuro ang Wikang Nihonggo sa lahat ng paaralan subalit binigyang-diin ang Wikang
Tagalog.

7. Naging masiglang talakayan ang tungkol sa Wika.

Ordinansa Militar Blg. 13 – Ipinatupad ng mga Hapones. Ito ay nag-uutos na gawing


opisyal na wika ang Tagalog at Nihonggo.

Philippine Executive Commission – itinatag upang magtaguyod ng patakarang military


ng mga Hapones at propagandang pangkultura.

Jorge Vargas – namuno sa Philippine Executive Commission.

KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas – may layuning mapabuti


ang edukasyon at moral na rehenerasyon at pagpapalakas at pagpapaunlad ng
kabuhayan sa pamamatnubay ng imperyong Hapones.

Benigno Aquino – ang nahirang direktor ng KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa


Bagong Pilipinas.

Pagpapalaganap ng Wikang Pilipino – ang pangunahing proyekto ng Kapisanan,


katuwang nila ang SWP.

Tatlong Pangkat na Namamayagpag sa Usaping Pangwika sa Panahong ito:

1. Pangkat ni Carlos Ronquillo

2. Pangkat ni Lope K. Santos

3. Pangkat nina N. Sevilla at G.E. Tolentino

Jose Villa Panganiban – nagturo ng Tagalog sa mga Hapones at di-Tagalog.

Mga Dahilan Kung Bakit sa Tagalog ibinatay ang Pambansang Wika


1. Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa
Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa. Ito ay ang mga sumusunod.

2. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng


30,000

3. Salitang-ugat at 700 panlapi.

4. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.Ito ay wikang ginagamit sa punong-


lungsod ng

5. Pilipinas, ang Maynila at siyang lingua franca ng buong bansa.

6. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.

7. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.

8. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.


1

1 Mga Sanggunian:

Dayag, Alma M. at Del Rosario. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. Phoenix Publishing House Inc.2016.

Wennie TM. Kasaysayan ng Wika. Retrieved from http://wennchubzz.blogspot.com/2016/08/kasaysayan-ng-


pambansang-wika-panahon.html

Arnel D. Mahilom. Kasaysayan ng Wika.Retrieve from https://teksbok.blogspot.com/2010/08/kasaysayan-ng-


wika.html

You might also like