You are on page 1of 29

FIL.

RETORIKA
Inihanda ni: Bb. Elsie Joy D. Licarte, LPT
Pangkat 1
• Anu-anong usapan ang karaniwang naririnig
ninyo sa kantina? Ipakita sa pamamagitan ng
dula-dulaan.
Pangkat 2
• Magpakita ng isang pangkat ng tindera at
mamimili na masayang nag-uusap sa palengke.
Ano kaya ang kanilang karaniwang pinag-
uusapan? Isadula.
Pangkat 3
• Sa mga lobby ng sinehan, lalo na kung
unang araw ng palabas o showing ng
pelikula, ano kaya ang karaniwang naririnig
na usapan. Ipakita ito sa isang maikling
iskit.
Pangkat 4
• Iba naman ang usapan at antas ng wika na
ginagamit sa isang korte o hukuman. Paano naman
nagsasalita ang mga abogado at hukom sa kanilang
pagpapalitan ng paliwanag? Paano naman
nakikinig ang mga tao sa loob ng hukuman?
Isadula.
Pangkat 5
• Kung nagpupulong kaya ang Pangulong Bongbong
Marcos at ang kanyang gabinete, paano kaya ang
kanilang pag-uusap? Pumili ng isang
napapanahong isyu at ipakita sa isang iskit ang
sitwasyong ito. Ipakita rin kung paanong nakikinig
ang miyembro ng gabinete sa kanilang Pangulo.
BARAYTI NG WIKA
• Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat
lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan
ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating
mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot.
Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat,
pakikipagtalastasan at iba pa.
• Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng
pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan,
heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian
at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng
iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng
wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
• Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o klase ng
wikang ginagamit sa isang partikular na tektso o
diskors.
KAHULUGAN AT
MGA HALIMBAWA
• 1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng
pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa.
Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika
na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang 
pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at
yunik.
Mga halimbawa ng Idyolek:
• “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro
• “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
• “Hoy Gising!” ni Ted Failon
• “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
• “I shall return” ni Douglas MacArthur
2.) Dayalek – Ito ay barayti ng wika na nalililkha ng
dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao
ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan.
• Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung
tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:
• Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
• Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
• Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Mga halimbawa ng Dayalek:
• Tagalog = Bakit?
Batangas = Bakit ga?
Bataan = Baki ah?
Ilocos = Bakit ngay?
Pangasinan = Bakit ei?
• Tagalog = Nalilito ako
Bisaya = Nalilibog ako
• 3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na
“Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang.
Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular
na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman
sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Mga halimbawa ng Sosyolek:
• Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
• Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
• Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay
pangit ng gelpren mo)
• Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
• May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing
na ako kaibigan/kapatid)
• 4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na
nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat
etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay
nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Mga Halimbawa ng Etnolek:
• Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang
ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan
• Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
• Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng
Mountain Province
• Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
• Kalipay – tuwa, ligaya, saya
• 5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit
sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas
na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-
araw na pakikipagtalastasan.
Mga Halimbawa ng Ekolek:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
• Pamingganan – lalagyan ng plato
• Pappy – ama/tatay
• Mumsy – nanay/ina
ANTAS NG WIKA
1. Pabalbal /Balbal
• May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang
antas ng wika.
• Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
• Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may
nabubuong mga salita.
• Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
• Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na
nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap.
 Mga Halimbawa:

•  PARAK  ESKAPO  ISTOKWA  JUDING  TIBOLI


 BALBONIK  BROKEBACK
2. Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-
lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na
gamitin sa ibang lugar.
•  Mga Halimbawa:

• KAIBIGAN  Kaibigan-Tagalog  Gayyem-Ilokano


 Higala-Cebuano  Amiga-Bikolano HALIK 
Halik-Tagalog  Ungngo-Ilokano  Halok-Cebuano 
• Hadok-Bikolano
3. Pambansa/Lingua Franca
• Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong
pangmadla.
• Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan
• Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro
ng sibilasyon at kalakalan.
• Mga Halimbawa:

• aklat ina ama dalaga masaya


THE END!!!

You might also like