Professional Documents
Culture Documents
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o
talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong
kinabibilangan
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Abot-Tanaw.
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
Naipapaliwanag ang kahulugan ng kakayahang
sosyolingguwistiko;
Nauunawaan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa
sino, paano, saan, at bakit nangyari ang gawaing
pangkomunikasyon; at
Nakakabuo ng mga pahayag na angkop sa iba’t-ibang kontekstong
sosyolingguwistiko.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Balik-Tanaw.
Buuin ang paunawa ng pamahalaan hinggil sa pag-iwas sa sunog sa panahon ng Pasko sa
pamamagitan ng pagpili ng naaangkop na salita o parilala mula sa mga nasa loob ng kahon. Ipaliwanag
ang naging batayan ng pagpili.
Iwas-Sunog sa Panahon ng Pasko
________________ ang ilan sa mga bagay na dapat tandaan at isabuhay ng mamamayan upang makaiwas
sa sunog:
Mag-ingat sa mga nabibiling pekeng Christmas lights at _______________ lamang ang may mga marka ng
Philippine Standards (PS) at Import Commodity Clearance (ICC).
Suriin ang ________________ na Christmas lights at siguraduhing walang sira o damage sa mga kable nito.
Iwasang mag-overload ang electrical outlets. Kadalasan, ang mga outlet ay may kakayahan lamang na
___________ ng hanggang tatlong appliances. Tandaan, kapg ang kable ng kuryente ay mainit, ito ay
overloaded na at maaaring magdulot ng kapahamakan.
Gumamit ng mga non-flammable o hindi madaling _______________ na dekorasyon at ilayo rin ang mga ito
sa mga bagay na maaaring magdulot ng sunog.
Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago ng wika ay dulot di ng pamamalagay rito bilang panlipunang
phenomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng indibidwal kung ito ay nailulugar sa loob
ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao. Sa ganitong kalagayan ay nakabubuo ng iba’t-ibang konteksto ng
paggamit ng wika dulot na rin ng paglahok ng mga tao na may iba’t-ibang gawain, papel, interes at saloobin sa proseso ng
komunikasyon. Kaya naman, masasabing katangian din ng wika ang pagiging heterogenous o pagkakaroon ng iba’t-ibang anyo
bunga ng lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal at edukasyonal na kaangkinan ng partikular na
komunidad na gumagamit ng wika (Constantino 2002)
Bilang halimbawa, pansinin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano-Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng
pantig gaya ng Tagalog at hindi paggamit ng panlaping um na hinahalinhinan ng panlaping ma-:
“huwag kang magsali sa laro.”
“madali ang pagturo sa Filipino”
Dahil ang Cebuano (o Sinigbuanong Bisaya) ay isang tiyak na wiakng nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa mga
halimbawa sa itaas, nakaiimpluwensya ito sa kanilang pagkatuto at pagsasalita ng pambansang wikang Filipino. Ito ay tinatawag
na interference phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino –
Ilokano-Filipino, Bikolnon-Filipino, Kapangpangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino at iba pa. Dahil sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng alituntunin. Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa
nito ang mga salitang gaya ng malling, presidentiable, senatoriable na hindi matatagpuan sa “standard” na Ingles.
Mahalagang maunawaan na ang ganitong varayti ng Filipino ay hindi maituturing na pagkakamali. Sa pananaw ng sosyo-
lingguwistikong si William Labov, na siyang nagtaguyod ng variability concept, likas na pangyayari ang pagkakaiba-iba ng anyo
at pagkakaroon ng mga varayti ng isang wika. Kung gayon, nararapat kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng mga varayti- walang
maituturing na mataas o mababang anyo ng wika. At sa kaso ng wikang Filipino, nangangahulugan itong lahat tay ay may
gampanin sa pagpapaunlad ng ating wika bilang isang bansang may sariling pagkakakilanlan.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Layag-Diwa.
A. Tukuyin ang ibig sabihin ng mga sumusunod: B. Gamit ang graphic organizer na Tic-Tac-Toe,
bumuo ng angkop na pahayag para sa kinakausap
Etnograpiya ng komunikasyon na nakatalaga sa bawat kahon batay sa sitwasyon.
Tayo Na’t Makinig: Manood ng isang Talkshow o pagititpon sa telebisyon. Himayin ang naging pag-uusap gamit ang modelong
SPEAKING ni Dell Hymes. Gamitin ang pormat sa ibaba:
Pamagat ng Talkshow o ng
Pagtitipon:
Gabay Tala
S – Setting and Scene
P – Participant
E – Ends
A – Act Sequence
K – Keys
I – Instrumetalities
N – Norms
G - Genre
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Salok-Dunong.
Tukuyin kung sang-ayon ka o hindi sa mga sumusunod na pahayag at
ipaliwanag sa isa o dalawang pangungusap ang iyong dahilan.
Kakayahang Pragmatiko
Abot-Tanaw.
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mag-
aaral ang sumusunod:
Naipapaliwag ang kahulugan ng kakayahang
pragmatiko;
Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di-sinasabi, at
ikinikilos ng taong kausap;
Nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng
mga Pilipino
Naisasaalang- alang ang epekto ng tono, diin,
intonasyon, hinto, muwestra, at iba pa sa
pakikipagtalastasan.
Balik-Tanaw.
Ayusin ang sumusunod na pangungusap uapng
makabuo ng mga pahayag na nagtataglay ng
pagkamagalang.
1. Tumahimik ang lahat at magsisismula na ang
programa.
2. Isarado mo ang pinto.
3. Gusto kong malaman ang opinion mo sa isyung ito.
4. Papasok ako sa bahay mo.
5. Pahingi ng donasyon para sa proyekto ng paaralan
6. Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan.
7. Kunin moa ng aking relo.
8. Tumayo kayo sap ag-awit ng “Lupang Hinirang.”
9. Ayos lang ba na ikaw ang mamuno sa panalangin?
10.Pwede nang kumain.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
May tatlong sangkap ang Speech Act: (1) ang sadya o intesyunal na papel
nito o illocutionary force; (2) ang anyong lingguwistiko o locution at (3)
ang epekto nito sa tagapakinig o perlocution.
Sangkap Kahulugan Halimbawa
Illocutionary force Sadya o intensyonal Pakiusap, pautos,
na papel pangako
Locution Anyong Patanong ,
lingguwistiko pasalaysay
Perlocution Epekto ng Pagtugon sa hiling,
tagapakinig pagbibigay atensyon
Tingnan natin ang senaryo. Isang kostumer sa restoran ang nagpahayag sa weyter ng
ganito: “mayroon ba kayong tubig na walang yelo?” sa nasabing halimbawa: ano ang
illocutionary force? Tama. Ang illocutionary force ng kostumer ay ang paghiling na
madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo. Ipinadaloy niya ito sa
locution na patanong. Ang epekto nito o perlocution ay ang pagsunod ng weyter sa
kaniyang kahilingan
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon
Sa paglilinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng dalawang uri ng
komunikasyon: ang berbal at di-berbal na komuniaksyon.
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyon na gumagamit ng salita sa anyong pasalita o
pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Pasulat naman itong
nagpapadaloy sa mga sulatin.
Isa pang uri ng komunikasyon ang di-berbal na komunikasyon. Ayon sa mga pag-aaral lubhang napakalaki
ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga taong nakapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan,
tinatayang 70 porsyento ng isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na elemento. (Maggay
2002)
Ang iba’t-ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod:
Kinesika (kinesics)– tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng
mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan.
Proxemika (proxemics)- tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang oras ay maaaring pormal
gayang ng mga terminong “ngayon na”, “sa lalong madaling panahon”, “mamaya na”. ang distansya naman ay
nagbabago rin depende sa natamong ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakakilala ay
may mas malaking distansya kumpara sa mga taong matalik na magkakaibigan.
Pandama o panghawak (haptics) – itinuturing na isa sa mga pinakauang anyo ng komunikasyon. Kadalasang
nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. Halimbawa nito ay
pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
Paralanguage – tumtukoy sa tono ng tinig, kalidad at bilis ng pagsasalita.
Katahimikan o kawalang kibo – luhang makahulugan na karaniwang ginagawa upang mag-isip ng sasabihin at
paghandaan ang sasabihin, o dili kayaý magparating ng tampo o sama ng loob.
Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intension
ng kausap batay sa kung saang lugar nais makipag-usap.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Layag-Diwa
Tukuyin ang kahulugang ipinapahiwatig ng mga kilos at ekspresyong makikita sa mga ilustrasyon.
Matapos nito, bumuo ng isa hanggang dalawang pangugnusap na diyalogo na posibleng sinasabi ng
tauhan habang isinasagawa ang mga kilos at ekspresyon.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 11
Salok-Dunong.
Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang ipinapahiwatig ng sumusunod.
4. Pasigaw na pananalita
5. Pagtabi sa kaibigan
7. Naghihingalong tinig
Sa wakas! Iyong napagtagumpayan ang araling ito. Binabati kita! nawa’y naunawaan mo ng mabuti ang kakayahang
sosyolinguwistiko at ang kakayahang lingguwistiko. At sa susunod na modyul, ating mapag aaralan ang kakayahang diskorsal.
Muli , hanggang dito na lamang aking mag-aaral. Mag iingat tayong lagi, paalam!